Nagbihis si Maisie sa isang set ng plain at malinis na office attire.Pinili niyang magsuot ng isang puting Y-neck, lantern sleeve top, at isang pares ng beige high-waisted, wide-leg trousers. Isang ribbon ang nakatali sa kaliwang baywang niya dahilan para lalo siyang magmukhang mahinhin at matalino.Mukha lang itong simple pero hindi ito nawawalan ng fashion sense.Dinala sila ng waiter sa isang private room habang ang dalawang bodyguard na nakaitim ay naghintay sa labas ng pinto.“Mr. Goldmann.” Tumango ang dalawang bodyguard kay Nolan at binuksan ang pinto.Sa private room na magarbo ang dekorasyon, isang prestihiyosong middle-aged na lalaki na nasa mga 50s ang nakaupo sa harapan ng mesa.Sa tindi ng dating lalaki, karapat-dapat lang para sa ama ni Nolan.Gayunpaman, matagal ng mayaman at kilalang pamilya ang mga Goldmann, kaya siguradong mataas din ang standard nila para sa kanilang manugang na babae.Inaasahan nila na kahit paano ay anak ng isang royal family o tag
“Mr. Goldmann, hindi na po kailangan. Hindi na po dapat kayo gumastos.” Nataranta si Maisie.‘Paano niya magagawang tumanggap ng regalo mula sa mas matanda sa kaniya?’Nilabas na ni Mr. Goldmann Sr. ang isang brocade box at dahan-dahan itong binuksan. “Hindi ko alam kung magugustuhan mo ito.”Isang mamahaling jade bracelet ang nasa loob ng box. Tiningnan itong mabuti ni Maisie at bigla siyang natigilan. “Isa ba itong… imperial jade?” Nagliwanag ang mga mata ni Mr. Goldmann. “Oh? Alam mo ang ganitong klase ng jade?”Kumibot ang mga sulok ng labi ni Nolan. “Dad, jewelry designer si Zee, kaya alam niya ang tungkol sa mga alahas.”“Kaya pala ang galing niya kumilatis. Napakabihira ng imperial jade na ito. Heirloom ito ng pamilya namin at naiwang dowry ng nanay ni Nolan. Sinabi niya sa akin na ibigay ko ito sa mapapangasawa ni Nolan.”Matapos marinig ang paliwanag ni Mr. Goldmann Sr., pakiramdam ni Maisie ay hindi niya matatanggap ang regalo. “Mr. Goldmann, napakahalaga ng i
“Oo nga, aksidente nga siguro para sa iyo ang nangyari six years ago,” Tumitig si Nolan sa mga mata ni Maisie at mahinahon ang kaniyang tono, “Pero hindi para sa akin.”‘Hindi ako magbibigay ng sobrang effort para hanapin siya kung aksidente lang ang tingin ko sa nangyari.‘Pwede ko rin sabihin na ang taong naglagay ng gamot sa inumin ko noon ang siyang nagdala sa akin sa isang babaeng nagbigay sa akin ng one hell of a night six years ago.‘Ang angkin niyang ganda, bango, hindi ko makakalimutan ang mga detalye na iyon.‘Matagal na akong nasa business circle at hindi na mabilang ang magagandang babaeng nakilala ko, hindi pa ako nakakatagpo ng babaeng kaya akong bigyan ng ganoong katinding pakiramdam. Isang bagay iyon na hindi kayang magawa ni Willow.’Mahinang pinisil ni Nolan ang baba ni Maisie at hinaplos ang mapupula nitong labi. “Kahit na anim na taong nasa tabi ko si Willow, walang nangyari sa amin. Dahil ang babaeng nakasama ko nang gabing iyon ang tanging kayang magpawa
“Ibigay mo sa kaniya ang lahat ng drawings na nasa desk.”“Plano mo siyang bigyan ng mas marami?”“Oo.” Itinaas ni Maisie ang tingin. “Magsisimula siyang maging ambisyosa sa oras na makatikim siya ng pag-asa. Kaya para maging mas ambisyosa pa siya, kailangan pa natin siyang pakainin.”Palihim na pinadala ni Kennedy ang lahat ng designs kay Freddy kasunod ng intensyon ni Maisie.Pagkatapos makuha ni Freddy ang mga designs, nagpunta siya sa Vaenna Jewelry at binigay iyon kay Willow.Tuwang-tuwa si Willow nang mahawakan niya ang mga sketches. Lalo na at sa mga designs na ito nakasalalay ang kita at reputasyon ng Vaenna.‘At kung makikilala ako bilang creator ng lahat ng designs na to…’Labis ang pananabik ni Willow nang maalala niyang handa si Freddy na maging ghost designer niya. Pinost niya pa ang lahat ng designs na ito sa kaniyang personal Facebook at Instagram accounts.Hindi nga nagtagal ay ilang libong likes ang natanggap ng mga post niyang ito.Nang makita ni Mai
“Siguro dahil sikat na si Willow ngayon at naimbita pa sa isang malaking party! Sa madaling salita, nailigtas ng abilidad ni Willow na maimbita sa ganoong klaseng event ang status ko sa pamilyang ito!’Tumayo si Stephen at tahimik na umakyat sa hagdanan—doon nagliwanag ng kaunti ang pakiramdam sa kwarto.Ngumiti si Leila. “Aakyat ako para tingnan ang tatay mo.”Sumunod si Leila sa kwarto. Nang makita niya ang problemadong ekspresyon ni Stephen, lumapit siya at hinawakan ito sa braso. “Dear, anong nangyayari sa iyo?”Tinabig ni Stephen ang kamay niya. “Bilang ina, paano mo nahahayaang umakto nang ganito ang anak mo?”Si Leila na biglang napagalitan ay naguluhan. “Anong problema kay Willie?”“Hindi siya ang designer ng mga jewelry na iyon. Kaya mong lokohin ang iba pati na si Mom, pero hindi mo ako maloloko.”Kilalang-kilala ni Stephen ang anak niya.Makukumbinsi siya kung sasabihin na ang mga jewelry na iyon ay dinisenyo ni Maisie dahil sa taglay nitong husay.Gayunpam
Tumawa nang malakas si Maisie. ‘Tumigil na ba sa pagpapanggap na inosente si Willow?’Sultier style na ba ang gusto niya ngayon?Nang makita ni Willow si Maisie, nagbago ang ekspresyon niya. Bakit nandito rin ang babaeng ito?Hmm, maganda rin na nandito siya.“Haha, kahit ikaw ay naimbita rin?” Lumapit si Willow sa kaniya.“Oo, pero nasurpresa ako na kahit ikaw ay naimbita.” Nagpanggap na nasorpresa si Maisie.Hindi siguro alam ni Willow kung bakit siya nakatanggap ng imbitasyon.Aroganteng ngumiti si Willow. “Siguro dahil trending ako. Maisie, malapit na akong maging parte ng fashion jewelry business.”“Oh, talaga?” Kalmado ang itsura ni Maisie. “Hindi madaling maka-survive sa industriya. Kung hindi mo gagalingan, masisira ang reputasyon.”Nagngalit ang mga ipin ni Willow. “Hah, sa tingin ko ay natatakot ka lang. Ako rin ay matatakot. Hindi ka manlang nakagawa ng anumang ingay pagkatapos mong umalis sa Vaenna. Sa kabilang banda, ang ganda naman ng nangyayari sa Vaenn
“Hindi lahat ng tao sa bagong henerasyon ay alam ang pangalan niya. Hindi iyon kakaiba.”Sinabi iyon sa kaniya ng kaniyang ina noong bata pa siya. Nagsimulang maging designer ang kaniyang ina dahil gustong-gusto nito ang mga gawa ni Dila. Gusto nitong gamitin ang gothic style para patunayan na ang dark jewelry, katulad ng vintage jewelry ay mayroon din angking ganda.Kinagat ni Willow ang kaniyang labi.‘Nakakainis si Maisie, bakit siya magkukwento tungkol sa isang patay? Nagseselos lang siya na trendin ang mga designs ko.’“Oo, bata pa lang noong namatay si Mr. Dila. Hindi pa ako nagtatagal sa business, kaya hindi ko kaagad naalala.” Nagpanggap na nagsisisi si Willow.Tumaas ang kilay ni Maisie. “Ang weirdo ‘non. Kung hindi mo alam ang tungkol kay Mr. Dila, saan mo nakuha ang gothic inspiration mo?”Dahan-dahang nanigas ang mukha ni Willow.Tila naging interesado ang mga tao sa paligid nila sa sagot ni Willow. Pinagmasdan ng dalawang socialites si Willow.Nagkuyom ang
Ang ibig sabihin ni Maisie ay walang kapangyarihan si Pearl bilang bisita rito.Lumingon si Pearl sa mga taong nagbubulungan at mayroong napagtanto.Humalukipkip siya. “Saang pamilya kayo galing?”Nagkibit-balikat si Maisie at hindi sumagot.Lumapit sa tabi niya si Willow at sinabing, “Mga Vanderbilt kami. Kapatid ko siya.”Sikat din ang mga Vanderbilt.Napahawak sa noo si Maisie. Mayroong pera ang mga Vanderbilt, pero hindi sila maituturing na elite. Bakit niya sasabihin iyon nang malakas?“Vanderbilt?”Nagtanong si Pearl, “Anong Vanderbilt? Hindi ko naririnig ang tungkol sa inyo.”Magaling, ngayon ay nasa mahirap na sitwasyon si Willow.Tila alam naman ng lahat iyon at nagsimulang magbulungan. “Vanderbilt? Vanderbilt ng Vaenna?”Pagkatapos marinig iyon ni Peral, tinakpan niya ang bibig at tumawa. “Vaenna Jewelry? Ang maliit na jewelry na iyon? Wala kayo kumpara sa La Perla.”Yumuko si Willow, napakagat siya sa kaniyang labi.Ngunit mayroong sumagi sa kaiyang