“Siguro dahil sikat na si Willow ngayon at naimbita pa sa isang malaking party! Sa madaling salita, nailigtas ng abilidad ni Willow na maimbita sa ganoong klaseng event ang status ko sa pamilyang ito!’Tumayo si Stephen at tahimik na umakyat sa hagdanan—doon nagliwanag ng kaunti ang pakiramdam sa kwarto.Ngumiti si Leila. “Aakyat ako para tingnan ang tatay mo.”Sumunod si Leila sa kwarto. Nang makita niya ang problemadong ekspresyon ni Stephen, lumapit siya at hinawakan ito sa braso. “Dear, anong nangyayari sa iyo?”Tinabig ni Stephen ang kamay niya. “Bilang ina, paano mo nahahayaang umakto nang ganito ang anak mo?”Si Leila na biglang napagalitan ay naguluhan. “Anong problema kay Willie?”“Hindi siya ang designer ng mga jewelry na iyon. Kaya mong lokohin ang iba pati na si Mom, pero hindi mo ako maloloko.”Kilalang-kilala ni Stephen ang anak niya.Makukumbinsi siya kung sasabihin na ang mga jewelry na iyon ay dinisenyo ni Maisie dahil sa taglay nitong husay.Gayunpam
Tumawa nang malakas si Maisie. ‘Tumigil na ba sa pagpapanggap na inosente si Willow?’Sultier style na ba ang gusto niya ngayon?Nang makita ni Willow si Maisie, nagbago ang ekspresyon niya. Bakit nandito rin ang babaeng ito?Hmm, maganda rin na nandito siya.“Haha, kahit ikaw ay naimbita rin?” Lumapit si Willow sa kaniya.“Oo, pero nasurpresa ako na kahit ikaw ay naimbita.” Nagpanggap na nasorpresa si Maisie.Hindi siguro alam ni Willow kung bakit siya nakatanggap ng imbitasyon.Aroganteng ngumiti si Willow. “Siguro dahil trending ako. Maisie, malapit na akong maging parte ng fashion jewelry business.”“Oh, talaga?” Kalmado ang itsura ni Maisie. “Hindi madaling maka-survive sa industriya. Kung hindi mo gagalingan, masisira ang reputasyon.”Nagngalit ang mga ipin ni Willow. “Hah, sa tingin ko ay natatakot ka lang. Ako rin ay matatakot. Hindi ka manlang nakagawa ng anumang ingay pagkatapos mong umalis sa Vaenna. Sa kabilang banda, ang ganda naman ng nangyayari sa Vaenn
“Hindi lahat ng tao sa bagong henerasyon ay alam ang pangalan niya. Hindi iyon kakaiba.”Sinabi iyon sa kaniya ng kaniyang ina noong bata pa siya. Nagsimulang maging designer ang kaniyang ina dahil gustong-gusto nito ang mga gawa ni Dila. Gusto nitong gamitin ang gothic style para patunayan na ang dark jewelry, katulad ng vintage jewelry ay mayroon din angking ganda.Kinagat ni Willow ang kaniyang labi.‘Nakakainis si Maisie, bakit siya magkukwento tungkol sa isang patay? Nagseselos lang siya na trendin ang mga designs ko.’“Oo, bata pa lang noong namatay si Mr. Dila. Hindi pa ako nagtatagal sa business, kaya hindi ko kaagad naalala.” Nagpanggap na nagsisisi si Willow.Tumaas ang kilay ni Maisie. “Ang weirdo ‘non. Kung hindi mo alam ang tungkol kay Mr. Dila, saan mo nakuha ang gothic inspiration mo?”Dahan-dahang nanigas ang mukha ni Willow.Tila naging interesado ang mga tao sa paligid nila sa sagot ni Willow. Pinagmasdan ng dalawang socialites si Willow.Nagkuyom ang
Ang ibig sabihin ni Maisie ay walang kapangyarihan si Pearl bilang bisita rito.Lumingon si Pearl sa mga taong nagbubulungan at mayroong napagtanto.Humalukipkip siya. “Saang pamilya kayo galing?”Nagkibit-balikat si Maisie at hindi sumagot.Lumapit sa tabi niya si Willow at sinabing, “Mga Vanderbilt kami. Kapatid ko siya.”Sikat din ang mga Vanderbilt.Napahawak sa noo si Maisie. Mayroong pera ang mga Vanderbilt, pero hindi sila maituturing na elite. Bakit niya sasabihin iyon nang malakas?“Vanderbilt?”Nagtanong si Pearl, “Anong Vanderbilt? Hindi ko naririnig ang tungkol sa inyo.”Magaling, ngayon ay nasa mahirap na sitwasyon si Willow.Tila alam naman ng lahat iyon at nagsimulang magbulungan. “Vanderbilt? Vanderbilt ng Vaenna?”Pagkatapos marinig iyon ni Peral, tinakpan niya ang bibig at tumawa. “Vaenna Jewelry? Ang maliit na jewelry na iyon? Wala kayo kumpara sa La Perla.”Yumuko si Willow, napakagat siya sa kaniyang labi.Ngunit mayroong sumagi sa kaiyang
Bogsh!Nagkagulo ang paligid.“Zee!”Mabilis na lumapit si Kennedy para tulungan siyang makatayo, pero bumagsak siya sa mga wine bottles at baso sa mesa nang bumagsak siya. Nagkulay-pula ang kaniyang white gown, at nasugatan siya sa braso dahil sa bubog.Natuon ang usapan kay Pearl.Nakatayo lang doon si Pearl, hindi gumagalaw at maputla. “Hindi, hindi, hindi— ko sinasadyang itulak siya.”Hindi siya gumamit ng lakas!“Zee, mayroon kang sugat!” Tiningnan ni Kennedy ang kamay ni Maisie at nagsimulang mataranta.Bakas sa mukha ni Willow ang tuwa.Kahit na hindi siya gaanong nasaktan sa kaniyang pagbagsak, siguradong mapapaalis siya dahil sa komosyong ginawa niya.“Ayos lang ako, Tito Kennedy.” Dahan-dahang tumayo si Maisie, hindi niya pinansin ang magulo niyang itsura. Mahinahon niyang tiningnan si Pearl na namumutla na.“Ms. Santiago, pinapaalalahanan lang kita. Hindi ko akalain na gagawin mo ito. Masama na ang impresyon ko sa La Perla ngayon.”“I—Sinadya mo ito!” Bum
Nanabik si Willow nang makita niyang papalapit si Nolan.“Nol—” Ngunit nang magsimula siyang magsalita, nilampasan lang siya ni Nolan na para bang wala siya roon.Nakatitig lang si Nolan kay Maisie habang nilalapitan ito.Natigilan si Pearl.Bakit narito si Mr. Goldmann? Paano ito nangyari?“Mr—Mr. Goldmann, sino ang babaeng ito? Bakit niyo—”Tiningnan siya ni Nolan sa sulok ng kaniyang mga mata. “Dahil sinaktan mo ang girlfriend ko, sa tingin ko ay ayaw mo nang maka-survive sa business na ito.”“Girlfriend ni Mr. Goldmann!” Nagbulungan ang mga tao.Hindi kailanman inanunsyo ni Mr. Goldmann ang kaniyang love interests, pero ngayon ay ginawa niya iyon!Nadurog ang puso ng mga socialites.Dahan-dahang namutla ang mukha ni Willow. Nakalubog na sa palad niya ang kaniyang mga kuko habang matalim ang titig niya kay Maisie.Bakit? Bakit napaka-charming ni Maisie para magawa niyang mapaamin kay Nolan ang relasyon nila?Kasama niya ito ng anim na taon, pero hindi nito ka
Hinawakan ni Nolan ang batok ni Maisie, hinila ito palapit sa kaniya, at marahas na hinalikan ang mga halik nito."Um…Nolan Goldmann, bitawan mo ako…" Kakahabol pa lang ng hininga ni Maisie nang halikan siya ulit ni Nolan.Nakadikit ang katawan nito sa katawan niya habang pinaparusahan siya ng mga halik, nablangko na ang kaniyang isipan.Napalibutan siya ng aura ng lalaki, at ang mga kamay niyang tumutulak sa dibdih nito ay napahawak na lang sa kwelyo nito."Masakit. Nadadaganan mo ako…" Naiipit ang mga braso ni Maisie at napasinghap siya sa sakit.Sinuportahan ni Nolan ang kaniyang katawan at sinubukang hindi ipatong ang buong bigat niya kay Maisie. Saka niya marahang kinagat ang labi nito at mahinang sinabi, "Sasaktan mo pa ba ang sarili mo sa susunod?"Hindi sumagot si Maisie.Ang kamay ni Nolan na nakasuporta sa kaniyang baywang ay nagsimulang gumalaw.Bigla siyang kinilabutan at kaagad na pinisil ang malikot at mainit nitong kamay. "Kasalanan…Kasalanan ko. Alam kong
“Ibig sabihin, higit pa sa anim na taon simula nang makilala ni Maisie si Erwin.”Mayroong iniisip si Nolan nang masaksihan niya ang isang magandang imahe na lumilitaw sa harapan niya.Ang crane embroidery sa evening gown ay napakaganda ng proporsyon at nakakasilaw sa ganda. Ang vest sa ilalim ng dress ay binigyang diin ang manipis na baywang ng nagsusuot, at mga kurba nito ay kapansin-pansin.Nang maisuot ni Maisie ang evening dress, para siyang isang dalagang lumabas sa isang magandang painting. Walang gustong pumikit at alisin ang tingin sa kaniya.Tinitigan siya ni Nolan at nagliwanag ang kaniyang mga mata.'Isa siyang diwata! gusto kong punitin ang maganda at elegante niyang suot at angkinin siya nang buo.'Tila naintindihan ni Maisie ang matinding tingin ng lalaki sa kaniya, kaya tumalikod siya at gustong makatakas.Nang inunat na niya ang kamay para buksan ang pinto, isang braso ang lumagpas sa kaniyang baywang at hinarangan ang pinto. Niyakap ng lalaki ang manipis
Sapat na ang tatlong taon. At saka at least, hindi na kailangan ni Giselle pumunta pa sa mga blind date.Sa ngayon, kung wala sa kanila ang makahanap ng better partner o kung mahulog ang loob nila sa ibang tao, pwede naman nila isawalang-bisa ang kanilang kasunduan. Sa madaling salita, ginagamit lang nila ang isa't isa sa ngayon bilang proteksyon.“Dad, Mom, masyado lang kayong nag-iisip. Kahit na subukan namin na mag-date, kailangan pa rin namin ng oras. Paano kung hindi pala kami magkasundo pagkatapos ng kasal? Makikipag-divorce ba ako?”Naramdaman nila Gordon at Estelle na tama ang kanilang anak kaya hindi na sila nagpumilit. Tumayo si Giselle at sinabi, “Alright, hindi niyo kami kailangan alalahanin.” Matapos iyon, pumunta na si Giselle sa taas.Nagkatinginan sila Estelle at Gordon at suminghal.…Pumunta si James sa common room at hinanap si Donny. “Umm, Mr. Winslow…”Nang makita na may sasabihin si James, tumingin si Donny. “Yeah?”“Pwede ko bang tapusin ngayon lah
Nang pumasok si Leah sa kotse, sinuot niya ang kaniyang seatbelt. Pumasok na rin si Morrison at nagmaneho.Habang nasa byahe, nakatingin lang si Leah sa bintana at hindi nagsasalita. Tiningnan siya ni Morrison. “Nagtitiwala ka talaga. Hindi ka ba nag-aalala na baka may gawin akong masama sayo?”Tumingin si Leah sa kaniya. “Hindi mo ‘yon gagawin.” “Paano mo naman naisip? Huwag ka masyadong magtiwala sa mga lalaki.”“Pati sayo?” Tanong ni Leah. Tumikhim si Morrison. “Pwede mo naman ako isama.”Biglang natawa si Leah. “Kaibigan mo si Wayne, at may malaki na yung ibig sabihin tungkol sayo. At saka, hindi mo naman ako pinagsamantalahan dati kaya nagtitiwala na ako sayo.”Napahinto si Morrison. “Hindi ka nahihiyang maalala ang araw na ‘yon?” Hindi pa nakaramdam ng kahit anong hiya si Morrison tulad ng nangyari noong gabing ‘yon.Nang makarating na si Leah sa hotel na kaniyang pupuntahan, bigla siyang napahinto nang lumabas siya ng kotse, at tumalikod siya. “Dahil sinundo mo nam
Sumagot si Beatrice. “Si Daddy nga nagbabalat ng shrimp mo. Hindi ka rin naman nahihiya.”Walang masabi si Barbara pero tumawa sila Ryleigh at Maisie.Makikita na ang buwan sa langit. Suminag ang liwanag sa kanila, at sobrang masaya ang senaryo.…Matapos ang wedding, dinala ni Freyja ang anak niya at si Colton sa Kong Ports. Pumunta rin ang mag-ama doon para magbakasyon.Pumunta sila Waylon at Cameron sa Tayloryon para pag-aralan nila paano mag-alaga ng baby para hindi sila magkaproblema pag dumating na ang kanila.Isang trainee dad si Nollace, at isang soon-to-be dad naman si Waylon. Sinusubukan nila ang kakayahan ng isa't isa. Hindi makapagsalita sila Daisie at Cameron sa ginagawa ng dalawa. Tinanong ni Cameron, May naisip na ba kayong pangalan ng mga baby niyo?”Umiling si Daisie at sinabi, “Tatawagin ko silang Tic, Tac, at Toe.”Tumawa si Cameron. “Magiging casual ka lang ba sa pangalan nila?” Sobrang seryoso ng kaniyang mukha. “Madali lang maalala.”Gumalaw ang mukha
“Opo.” Kinuha iyon ni Beatrice. “Deedee, tuturuan kita pag natuto na ako.”Tumango si Deedee. “Okay.”Lumapit sila Cameron at Waylon. “Narinig ko na magkakaroon ng barbeque mamaya. Bakit ba kasi kailangan na buntis pa ako ngayon? Bawal ako kumain ng kahit na ano.” Sobrang gusto kumain ni Cameron. Ngumiti si Daisie at sinabi, “Pwede ka naman kumain ng freshly barbequed meat. Sabihin mo na lang sa kapatid ko na siya ang gumawa. Dapat fresh and healthy. Pero huwag ka rin masyadong kumain. Magiging problema ‘yon pag nagkaroon ka ng sakit. Konti lang kainin mo para hindi ka na mag-crave.”Sobrang saya ni Cameron nang marinig iyon. “Talaga?” Tumingin si Cameron kay Waylon. “Gawan mo ako ngayong gabi!”Nakita ni Waylon kung gaano kagusto ni Cameron ang pagkain na ‘yon at natatakot siya na baka umiyak ito kaya tumango na lang siya. “Syempre, ako mismo gagawa para sayo.”Dumating na ang dilim, at binuksan na ang mga ilaw sa patio. May barbeque, masasarap na pagkain, at wine. Naglalaro an
Tumawa si Ryleigh. “Gawin ulit natin. Si Wayne naman ngayon.”“Hindi ako naniniwalang matatalo ako ulit. Twins ulit ang pusta ko!”“Triplets pa rin sa akin!” Sabi ni Barbara, “$2,000!”Nagliwanag ang mata ni Ryleigh. “Ganun kalaki? Sumandal siya kay Helios. “Pinsan, hindi mo ba pipigilan ang asawa mo?”Tumawa si Helios. “$20,000 ang pusta ko.”Hindi nakapagsalita si Ryleigh dahil sa gulat. Tumingin si Louis kay Helios. “Kakampi ako sa asawa ko kaya papantayan ko ang $20,000.”Sumagot si Helios, “Well, kung ganyan kalaki ang pusta natin, dapat pati gender ay isama na natin.”Huminto sila Louis at Ryleigh, at pumayag din sila. “Deal.”Matapos nilang mag-usap, nagdesisyon sila Louis at Ryleigh na dalawang lalaki iyon at isang babae, habang sila Helios naman ay nagsabi na magiging twin boys ang anak ni Walon.Pinanood nila Waylon at Cameron ang pustahan nila, tiningnan niya ang tiyan ni Cameron, at tumawa. “Kailangan patago kang manganak.”Sumandal si Cameron sa balikat ni Wa
May dekorasyon na flower arch ang entrance papunta sa passageway. May DIY oil painting din sa reception, na sobrang bagay sa color ng venue. Sobrang ganda tingnan.Gawa rin sa leather ang welcome card. Sobrang kakaiba at classy. Nagulat ang lahat ng bisitang pumunta. Nakatayo ang mga Goldmann at si Brandon sa reception para batiin ang mga bisita. Si Colton ang bida sa oras na iyon, siya ang groom. Nakasuot siya ng full white suit, kaya mas nagmukha siyang matangkad. “Sobrang gwapo ngayon ng kapatid natin, ng groom.” Lumapit sila Daisie at Nollace.Ngumisi si Colton at binigyan niya ito ng bag ng candy. “Sobrang sweet mo naman.”Kinuha ni Daisie ang bag ng candy, ngumiti siya, at itinabi ang bag. “Pupuntahan ko muna si Freyja.” Pumunta si Daisie sa tent.Nakaupo si Freyja sa tent habang inaayos ang outfit niya. Inaayos ng makeup artist ang kaniyang buhok.Sumilip sa loob si Daisie. “Freyja?” “Nandito ka na.” Ngumiti si Freyja.Lumapit si Daisie at umupo sa tabi ni Freyja
Matapos ang ilang sandaling pag-iisip ni James sa contract, may katusuhan na bumakas sa kaniyang mga mata, lumapit siya kay Giselle. “Kung fake marriage lang ito, ibig sabihin… kailangan ko pa ba gawin ang mga obligasyon ko bilang asawa?”Napalunok si Giselle at pinigilan ang kaniyang ekspresyon. “Hindi mo naman kailangan gawin.”Ngumisi si James at kinuha ang pen. “Deal. Nag-aalala lang ako na baka hindi mo kayang mapigilan ang sarili mo at bigla ka na lang sumunggab sa akin sa susunod. Isa akong public figure kaya ano na lang gagawin ko pag nangyari ‘yon?”Hindi nakapagsalita si Giselle. ‘Overthinker pala siya?’Matapos sulatin ni James ang kaniyang pirma sa contract, pinirmahan na rin ni Giselle. Tiningnan ni James ang contract. “Wala pang official stamp dito. Baka ito ay—”Bago pa siya magsalita, nilabas ni Giselle ang lipstick sa kaniyang bag, nilagyan ang kaniyang thumb tip, at diniin sa papel, inabot naman niya kay James ang lipstick pagtapos. Huminga nang malalim si
Seryoso ang ekspresyon ni Jefferson pero wala na siyang sinabi na kahit ano dahil pumayag naman ang anak niya sa ginawa niyang arrangement. “Bukas ng 3:00 p.m., aasikasuhin ko ang pagkikita niyo.”Kinabukasan, sa isang high-end restaurant…Pumasok si James sa private room at nakasuot siya ng sunglasses. Nang makita na walang tao sa loob, tinanggal niya ang kaniyang salamin. “Anong nangyayari? Pinagloloko ba niya ako?”‘Dahil hindi naman siya punctual, hindi ko na kailangan na maghintay pa.’Tumalikod si James at aalis na sana pero may babaeng nasa likod niya, nagulat siya.”May maayos na shoulder-length na haircut ang babae at nakasuot siya ng low-necked silk gown, printed blue scarf, at straight-fit na jeans. Sobrang simple at malinis ng kaniyang suot at wala siya masyadong jewelry, maliban sa relo at crocodile leather bag.Nagulat ng ilang sandali si James. “Ikaw…”‘Parang kilala ko siya.’“Hindi ka ba papasok.” Naglakad ang babae at pumasok sa private room.Bumalik si James
Ilang sandaling napahinto si Daisie at nakangiti niyang tinanggap ang pagbati ni Zephir. “Salamat.”“Daisie, sorry talaga sa lahat ng nangyari dati.” Gumalaw ang mata ni Zephir. “Siguro ay na-disappoint ka na sa akin sa lahat ng nagdaang taon, kahit dati o ngayon. Hindi ko alam kung anong gusto ko nitong mga nakaraan at hindi ko rin alam ang mga ginagawa ko para malaman ano ba talaga ang gusto ko.”Tinitigan ni Daisie si Zephir. “Zephir, lahat ng nangyari ay tapos na. Pwede ka pa rin naman pumili ngayon, ‘di ba?” Huminto ng ilang sandali si Zephir, walang ekspresyon ang kaniyang ngiti. “Oo, tama ka. Pero, maraming bagay na rin ang nagbago, at hindi na ako makakabalik.”Parang may gusto siyang ipahiwatig.May naisip si Daisie. “Si Leah ba?” Hindi sumagot si Zephir sa tanong niya. “Zephir, sana magkaroon ka ng masayang buhay. Kahit na nagbago ang ibang bagay, patuloy pa rin ang buhay. Kahit sino pa sa inyo ni Leah, hinihiling ko na sana maging maayos kayong dalawa at mahanap ni