“Ibig sabihin, higit pa sa anim na taon simula nang makilala ni Maisie si Erwin.”Mayroong iniisip si Nolan nang masaksihan niya ang isang magandang imahe na lumilitaw sa harapan niya.Ang crane embroidery sa evening gown ay napakaganda ng proporsyon at nakakasilaw sa ganda. Ang vest sa ilalim ng dress ay binigyang diin ang manipis na baywang ng nagsusuot, at mga kurba nito ay kapansin-pansin.Nang maisuot ni Maisie ang evening dress, para siyang isang dalagang lumabas sa isang magandang painting. Walang gustong pumikit at alisin ang tingin sa kaniya.Tinitigan siya ni Nolan at nagliwanag ang kaniyang mga mata.'Isa siyang diwata! gusto kong punitin ang maganda at elegante niyang suot at angkinin siya nang buo.'Tila naintindihan ni Maisie ang matinding tingin ng lalaki sa kaniya, kaya tumalikod siya at gustong makatakas.Nang inunat na niya ang kamay para buksan ang pinto, isang braso ang lumagpas sa kaniyang baywang at hinarangan ang pinto. Niyakap ng lalaki ang manipis
Nagpalit si Maisie at sinuot ang evening gown, lumabas ng restroom at nagpunta sa banquet kasama ni Nolan.Nakakasilaw ang ganda nilang dalawa nang dumating sila sa banquet. Wala pa rin ekspreston si Nolan, at si Maisie naman ay walang lakas ng loob na tingnan pa si Nolan pagkatapos makita ang 'kamangha-manghang' eksena kanina.'Wala akong ginawa. Aaah, pwede bang magka-amnesia ako at makalimutan lahat ng nangyari simula kanina?'"Zee." Lumapit sa kaniya si Kennedy na nag-aalala. "Ayos na ba ang sugat mo?""Ayos na. Maliit na sugat lang naman at nalinis na rin." Ngumiti si Maisie.Pinulupot ni Nolan ang kaniyang braso sa baywang ni Maisie at ngumiti nang kaunti kay Kennedy. "Huwag kang mag-alala, Mr. Fannon, ako ng bahala sa kaniya ngayong narito na ako."Si Willow na nakatayo sa gitna ng mga tao ay napahigpit ang hawak sa kaniyang wine glass.'Ang atensyon ng lahat ay na kay Maisie at Nolan.'Nagngalit ang kaniyang mga ipin at puno ng pait na nakikinig sabmga nakakaing
Matapos magawa ang arrangements, sinadya ni Pearl na magpunta kay Nolan para sabihin ang insidente. Saka siya nagdala ng grupo ng mga tao upang hanapin si Maisie.'Siguradong ginawa ng laruan si Maisie ng mga taong iyon sa oras na mahanap namin siya.'Hindi na makapaghintay si Willow na masaksihan ang eksena.'Siguradong masisira si Maisie Vanderbilt ngayong gabi! Ano naman kung mga anak ni Nolan ang mga anak niya? hindi kailanman tatanggapin ng mga Goldmann ang isang maduming babae!'Sinundan ni Maisie ang bartender papunta sa lounge, at naroon nga si Pearl, hinihintay siya.Pagkatapos umalis ng bartender, tumayo si Pearl at lumapit sa kaniya. "Ms. Vanderbilt, pasensiya ka na, kasalanan ko ang nangyari kanina. Gusto kong makausap ka ng tayo lang dalawa para humingi ng paumanhin. Mapapatawad mo ba ako?"Hinawakan ni Pearl ang kamay ni Maisie, malungkot ang kaniyang ekspresyon habang humihingi ng paumanhin.'Kung hindi ko lang alam ang tungkol sa plano nila ay baka maniwal
Lumapit si Maisie sa lalaking nakaitim, kinuha ang cellphone sa katawan ng walang malay na babae, binuksan ito gamit ang fingerprint nito at nagpadala ng message kay Willow.'Papuntahin natin siya rito sa susunod na 20 minuto.'Pagkatapos maipadala ang message, binalik niya ang phone sa bulsa ni Pearl at tumayo. "Mr. Khan, ipapaubaya ko na sa iyo ito."Tumango ang lalaking nakaitim.Umalis si Maisie sa lounge at naglakad papunta sa balcony.Nakatali ang mahaba at blond na buhok ng middle-aged na lalaking nakatayo sa balcony. Dahan-dahan itong tumalikod, napaka-sosyal nitong tingnan sa suot na silver-rimmed thin-frame glasses na mayroong chain embellishments at sa suot nitong itim na suit."Tito Erwin, what a coincidence." Mapaglaro ang ekspresyon ni Maisie nang lumapit.Ang mahinahon na lalaki sa harapan niya ay si Erwin. Sa itsura nito, mahirap paniwalaan na ang may-ari ng mala-bampirang itsurang ito ay isa na palang 45 years old.Kung hindi lang siya matagal ng kilala
"Mr. Goldmann," Biglang lumapit si Kennedy, "Nakita mo ba si Zee? hindi ko siya matawagan."Umarteng nagulat si Willow nang marinig ang sinabi ni Kennedy. "Ano? hindi mo siya matawagan? mayroon kayang nangyari sa kaniya?"Nagdududang tinitigan ni Kennedy si Willow. 'Bakit siya mag-aalala kay Zee?'"Imposible, mayroon talagang gumagawa non sa lounge?""Bakit kami magsisinungaling sa iyo? gusto naming pumunta sa lounge kanina, pero mayroon kaming narinig na mga boses sa loob. Hindi sila natatakot na mahuli."Nakuha ang atensyon ni Nolan ng usapan ng ilang babae.Sikretong natutuwa si Willow nang makita ang madilim na ekspresyon ni Nolan. Saka niya sinadyang sabihin, "The lounge..? Hindi, nung tinanong ko 'yung waiter kanina kung nasaan si Zee, sinabi niya sa akin na parang sa lounge nagpunta si Zee…"Madilim at matalim ang mga mata ni Nolan nang magpunta siya sa lounge.Pinagmasdan ni Willow ang likod ni Nolan at lihim na napangisi. 'Maisie, oh, Maisie, hindi mo na ako ma
“Paano ito nangyari? Bakit siya!?”"Anong nangyari?" Dahan-dahang lumabas si Maisie sa likod ng mga tao na para bang walang nangyari, animo'y wala siyang alam.Mabilis na lumapit si Kennedy. "Zee, saan ka galing? bakit nila sinasabing nasa—-""Mayroon akong sinagot na tawag at lumabas ako. Anong nangyayari?" Nagkunwaring walang alam si Maisie.Tinitigan siya ni Nolan. Ang totoo, alam niya ng hindi siya iyon nang marinig niya ang boses ng babae sa loob ng kwarto.Si Willow naman, ang mga kamay niyang nasa gllid ay nakakuyom nang mahigpit at bahagyang nanginig nang makita niyang dumating si Maisie.'Bwisit! Ang bruhang ito dapat ang nasa loob! Paano nangyaring si Ms. Santiago ang naroon? masama ito!'Pagkatapos makita ni Pearl si Maisie, kaagad na nagbago ang ekspresyon niya. "Ikaw! Ikaw ang gumawa nito sa akin!"Tumayo siya para sunggaban si Maisie ngunit pinigilan siya ng security guard na pinatawag ng mga staff members."Ikaw malandi ka! Ikaw ang nag-set up sa akin!
'Hindi niya matatakasan ang alitan nila ni Pearl.'Sa loob ng kotse…Minaneho ni Nolan ang kotse pabalik sa Goldmann mansion. Si Maisie na nakaupo sa passenger seat ay nakadungaw lang sa bintana.'Hindi pa nagsasalita ang lalaking ito. Mabuti o masamang bagay ba iyon?'Nang ihinto nito ang sasakyan sa isang red light intersection, lumingon si Nolan sa kaniya, nagliliyab ang mga mata nito.Naramdaman iyon ni Maisie. Lumingon siya at pinantayan ang tingin nito. " Mr. Goldmann, pwede ko bang malaman kung bakit mo ako tinitingnan nang ganiyan?"Bahagyang tumaas ang mga kilay nito. "Kailangan ko ba ng rason para tingnan ang girlfriend ko?"Ngumisi si Maisie. "Delikadong trabaho ang pagiging girlfriend mo. Sa tingin ko ay hindi mo sasabihin iyan kung ako ang babaeng nasa lounge kanina."Nagdilim ang mga mata ni Nolan.'Anong gagawin ko kung siya nga talaga ang babae sa lounge? Baka mapatay ko lahat ng lalaking humawak sa kaniya.'Umiwas siya ng tingin at ngumiti nang maliit
Habang tinitingnan si Pearl na humahagulhol sa iyak, niyakap siya ni Mrs. Santiago, "Hindi ba't mga Vanderbilt lang naman sila? Huwag kang mag-alala, hindi pakakawalan ng tatay mo ang mga Vanderbilt. Kaya makinig ka sa akin at kumain ka muna."Matapos mapakalma ang emosyon ni Pearl, dumating ang butler sa labas ng pinto ng kwarto. "Madam, mayroong babaeng nagngangalang Maisie Vanderbilt na gustong makausap ang young lady."Gustong punitin ni Pearl si Maisie pagkatapos marinig ang pangalang 'Maisie Vanderbilt '. Ayaw kong makita ang bruha na iyon, ayaw ko! dahil ito sa kaniya, dahil itong lahat sa kaniya!"Pinakalma siya ni Mrs. Santiago at masungit na nagtanong, "Sinira niya ang kinabukasan ng anak ko pero malakas pa rin ang loob niyang bumisita?'Yumuko ang butler. "Ang Ms. Vanderbilt na ito ay ang girlfriend ni Mr. Goldmann. Ang sabi niya ay gusto niya lang makausap ang young lady."'Girlfriend ni Mr. Goldmann? siya ba ang inanunsyo ni Mr. Goldmann kagabi?'Nagsalubong an