Lumapit si Maisie sa lalaking nakaitim, kinuha ang cellphone sa katawan ng walang malay na babae, binuksan ito gamit ang fingerprint nito at nagpadala ng message kay Willow.'Papuntahin natin siya rito sa susunod na 20 minuto.'Pagkatapos maipadala ang message, binalik niya ang phone sa bulsa ni Pearl at tumayo. "Mr. Khan, ipapaubaya ko na sa iyo ito."Tumango ang lalaking nakaitim.Umalis si Maisie sa lounge at naglakad papunta sa balcony.Nakatali ang mahaba at blond na buhok ng middle-aged na lalaking nakatayo sa balcony. Dahan-dahan itong tumalikod, napaka-sosyal nitong tingnan sa suot na silver-rimmed thin-frame glasses na mayroong chain embellishments at sa suot nitong itim na suit."Tito Erwin, what a coincidence." Mapaglaro ang ekspresyon ni Maisie nang lumapit.Ang mahinahon na lalaki sa harapan niya ay si Erwin. Sa itsura nito, mahirap paniwalaan na ang may-ari ng mala-bampirang itsurang ito ay isa na palang 45 years old.Kung hindi lang siya matagal ng kilala
"Mr. Goldmann," Biglang lumapit si Kennedy, "Nakita mo ba si Zee? hindi ko siya matawagan."Umarteng nagulat si Willow nang marinig ang sinabi ni Kennedy. "Ano? hindi mo siya matawagan? mayroon kayang nangyari sa kaniya?"Nagdududang tinitigan ni Kennedy si Willow. 'Bakit siya mag-aalala kay Zee?'"Imposible, mayroon talagang gumagawa non sa lounge?""Bakit kami magsisinungaling sa iyo? gusto naming pumunta sa lounge kanina, pero mayroon kaming narinig na mga boses sa loob. Hindi sila natatakot na mahuli."Nakuha ang atensyon ni Nolan ng usapan ng ilang babae.Sikretong natutuwa si Willow nang makita ang madilim na ekspresyon ni Nolan. Saka niya sinadyang sabihin, "The lounge..? Hindi, nung tinanong ko 'yung waiter kanina kung nasaan si Zee, sinabi niya sa akin na parang sa lounge nagpunta si Zee…"Madilim at matalim ang mga mata ni Nolan nang magpunta siya sa lounge.Pinagmasdan ni Willow ang likod ni Nolan at lihim na napangisi. 'Maisie, oh, Maisie, hindi mo na ako ma
“Paano ito nangyari? Bakit siya!?”"Anong nangyari?" Dahan-dahang lumabas si Maisie sa likod ng mga tao na para bang walang nangyari, animo'y wala siyang alam.Mabilis na lumapit si Kennedy. "Zee, saan ka galing? bakit nila sinasabing nasa—-""Mayroon akong sinagot na tawag at lumabas ako. Anong nangyayari?" Nagkunwaring walang alam si Maisie.Tinitigan siya ni Nolan. Ang totoo, alam niya ng hindi siya iyon nang marinig niya ang boses ng babae sa loob ng kwarto.Si Willow naman, ang mga kamay niyang nasa gllid ay nakakuyom nang mahigpit at bahagyang nanginig nang makita niyang dumating si Maisie.'Bwisit! Ang bruhang ito dapat ang nasa loob! Paano nangyaring si Ms. Santiago ang naroon? masama ito!'Pagkatapos makita ni Pearl si Maisie, kaagad na nagbago ang ekspresyon niya. "Ikaw! Ikaw ang gumawa nito sa akin!"Tumayo siya para sunggaban si Maisie ngunit pinigilan siya ng security guard na pinatawag ng mga staff members."Ikaw malandi ka! Ikaw ang nag-set up sa akin!
'Hindi niya matatakasan ang alitan nila ni Pearl.'Sa loob ng kotse…Minaneho ni Nolan ang kotse pabalik sa Goldmann mansion. Si Maisie na nakaupo sa passenger seat ay nakadungaw lang sa bintana.'Hindi pa nagsasalita ang lalaking ito. Mabuti o masamang bagay ba iyon?'Nang ihinto nito ang sasakyan sa isang red light intersection, lumingon si Nolan sa kaniya, nagliliyab ang mga mata nito.Naramdaman iyon ni Maisie. Lumingon siya at pinantayan ang tingin nito. " Mr. Goldmann, pwede ko bang malaman kung bakit mo ako tinitingnan nang ganiyan?"Bahagyang tumaas ang mga kilay nito. "Kailangan ko ba ng rason para tingnan ang girlfriend ko?"Ngumisi si Maisie. "Delikadong trabaho ang pagiging girlfriend mo. Sa tingin ko ay hindi mo sasabihin iyan kung ako ang babaeng nasa lounge kanina."Nagdilim ang mga mata ni Nolan.'Anong gagawin ko kung siya nga talaga ang babae sa lounge? Baka mapatay ko lahat ng lalaking humawak sa kaniya.'Umiwas siya ng tingin at ngumiti nang maliit
Habang tinitingnan si Pearl na humahagulhol sa iyak, niyakap siya ni Mrs. Santiago, "Hindi ba't mga Vanderbilt lang naman sila? Huwag kang mag-alala, hindi pakakawalan ng tatay mo ang mga Vanderbilt. Kaya makinig ka sa akin at kumain ka muna."Matapos mapakalma ang emosyon ni Pearl, dumating ang butler sa labas ng pinto ng kwarto. "Madam, mayroong babaeng nagngangalang Maisie Vanderbilt na gustong makausap ang young lady."Gustong punitin ni Pearl si Maisie pagkatapos marinig ang pangalang 'Maisie Vanderbilt '. Ayaw kong makita ang bruha na iyon, ayaw ko! dahil ito sa kaniya, dahil itong lahat sa kaniya!"Pinakalma siya ni Mrs. Santiago at masungit na nagtanong, "Sinira niya ang kinabukasan ng anak ko pero malakas pa rin ang loob niyang bumisita?'Yumuko ang butler. "Ang Ms. Vanderbilt na ito ay ang girlfriend ni Mr. Goldmann. Ang sabi niya ay gusto niya lang makausap ang young lady."'Girlfriend ni Mr. Goldmann? siya ba ang inanunsyo ni Mr. Goldmann kagabi?'Nagsalubong an
"Isa rin siya sa mga Vanderbilt. Half-sister ko siya, anak ng stepmother ko."Tiningnan siya ni Mrs. Santiago. "Anong plano mong makuha sa pagpunta rito para makita ang anak ko?""Pwede kong bigyan ng pagkakataon ang anak niyo na magsisi, basta handa lang ang anak niyo. Base sa kasikatan ng balitang ito, matagal itong magte-trending. Akala ng lahat ay nawala sa sarili ang anak niyo, pero naniniwala akong gusto niyong isipin ng lahat na biktima ang anak niyo, tama ba ako?'Malinaw na naapektuhan si Mrs. Santiago sa ideya.'Oo, nasa limelight ngayon si Pearl. Paano siya makakaharap sa tao sa susunod kung hindi niya ito malalagpasan?'Imbes na hayaan ang publiko na isipin na isang pariwarang babae si Pearl, mas magandang maniwala ang lahat na na-frame si Pearl. Ang simpatya na magmumula sa publiko ay maililigtas kahit papaano ang dignidad ni Pearl.'Ang ma-frame ay ibang-iba sa kusang pagsira ng buhay mo. Kahit na nangyari na nga ang insidente at imposible na itong mabura, basta map
GrassyGreen#: Siya ‘yung bagong designer, hindi ba? Hindi ko akalain na magagawa niya ang ganoong bagay. Hindi pala talaga makikita sa mga masterpieces ang totoong pagkatao ng isang designer. Hindi na ako ulit bibili sa Vaenna ng alahas.Malaking grupo ng netizens ang nagsimulang i-tag si Willow sa Twitter at Facebook sa kanilang mga comments at nagsimula pa ng isang hashtag para siraan ito.#Glazed Onion#: Hindi na kailangan ng paliwanag mo. Ang tibay ng mga ebidensya, i-deactivate mo na lang ang Facebook at Twitter account mo.#SpicyFood4Life#: Tinatawag mo talagang jewelry designer ang sarili mo? Isa kang insulto sa mga jewelry designs!#SexyV#: Hindi ba nakakatawa? Isang designer na gumawa ng isang collection na nagbibigay tribute sa Gothic design concept ay hindi man lamang kilala ang designer na si Dila. Balita kong nagawa niya ang mga perfect masterpieces na iyon pagkatapos lamang ng isang buwan ng pag-aaral. Masiyado namang nakakamangha iyon, hindi ba? Duda akong siya a
Pinagmasdan ni Mr. Goldmann Sr. ang tatlong paslit. "Kung ganoon, bakit hindi matanggap ng nanay niyo ang tatay niyo?"Nagkatinginan ang tatlong bata at saka ikinwento kay Mr. Goldmann Sr. ang tungkol sa naging karanasan ng kanilang ina. Matapos marinig ang paliwanag, dumilim ang expression ni Mr. Goldmann Sr.'Wala akong pakialam sa background ni Maisie, nalaman ko lang na isa si Maisie sa mga anak ng mga Vanderbilt. Kahit na maliit na pamilya lang ang mga Vanderbilt sa Bassburgh, matatanggap pa rin ng mga Goldmann si Maisie bilang manugang.'Ang hindi ko lang inaasahan ay anim na taong nabulag at naloko ang mangmang kong anak ng anak sa labas ng mga Vanderbilt. Hindi na nakapagtataka kung bakit ayaw tanggapin ni Zee ang anak ko.'Dapat lang iyon sa batang iyon!'"Lolo, gusto mong magkatuluyan si Mommy at Daddy, hindi ba?"Suminghal si Mr. Goldmann Sr. "Siyempre naman."'Nakatagpo na rin ang anak ko ng babaeng gusto niya. Hindi ko sila paghihiwalayin. Sa madaling salita,