Tiningnan siya ni Barbara at sinabi na, "Nagseselos ka."Napatigil si Ryleigh. Umabot ng ilang sandali bago siya bumalik sa kaniyang katinuan. Kinuha niya ang unan at binato kay Barbara. "Nandito ka ba para tawanan ako?"Kinuha ni Barbara ang unan at binalik yun sa kama. "Sige, sige. Kung tutuusin, niligtas ka ni Louis. At isa pa, hindi gaano kalala ang natamo mo kumpara sa kaniya, kaya sa tingin ko dapat mo siyang puntahan."Hindi sumagot si Ryleigh.Kinagabihan, pumunta si Ryleigh sa ward ni Louis. Matagal siyang nag alangan habang nasa harap ng pinto bago niya pinihit ang doorknob.Nagbabasa ng magazine si Louis sa kama. Mayroon siyang gasa sa kaniyang pisngi at pasa sa gilid ng kaniyang labi.Bahagya siyang nagulat nang makita niya si Ryleigh pagkaangat niya ng kaniyang ulo. Pagkatapos nun, nilagay niya ang magazine sa gilid at tinanong, "Bakit ka nandito?"Tumigil si Ryleigh sa harap ng higaan niya. Sobrang kabado siya at hindi niya malaman kung saan niya ilalagay ang kamay
Bumagsak ang mukha ni Ryleigh, at malakas siyang tumikhim. "Sino…Sino naman ang sisilip sa'yo kapag gumagamit ka ng banyo? Wala ka yata sa katinuan. At isa pa, wala namang dapat tingnan sa'yo.""Sinong nakakaalam kung gusto mo akong pagsamantalahan o hindi?" Matamlay na sagot ni Louis.Tinuro ni Ryleigh ang sarili niya. "Ako? Gustong pagsamantalahan ka?"Ngumisi siya na para bang yun ang pinaka nakakatawang biro na narinig niya sa mundo at sinabing, "Kung gusto ko talagang pagsamantalahan ka, eh di sana—"Inangat ni Louis ang kilat niya at pinatigil siya, "Eh di sana ay ano?"Sumagot si Ryleigh habang tumitikhim, "Bakit ko sasabihin sa'yo?"Walang sinabi pabalik si Louis. Nang makita niya ang IV drip sa bote ay halos ubos na, pinindot niya ang service bell.Pumasok ang nurse. Hinila niya ang karayom sa likod ng kamay ni Louis at mahinanon na sinabing, 'Sir, kailangan niyo kumuha ng anti-inflammatory injection bukas at sa susunod din na araw."Tumango siya.Umalis ang nurse dal
Umusbong ang pag-aalala at takot ni Nolan sa kaniyang kalamnan at napuno nun ang puso niya. Parang naranasan niya ang ganitong pakiramdam noon.Mayroong masamang nangyari, at biglang nawala si Maisie sa paningin niya.Nilagay ni Nolan ang kamay niya sa kaniyang bulsa, at doon niya napagtanto na hindi niya dinala ang phone nila.Binigay ni Helios ang phone niya at sinabing, "Pwede mong gamitin 'tong sa akin."Hindi yun tinanggihan ni Nolan. Ang una niyang kailangan na gawin ay hanapin si Maisie, kaya wala siyang pakialam sa ibang bagay ngayon. Pero, hindi niya maalala ang phone number ni Maisie sa ganoong ka-importanteng pagkakataon.Humigpit ang hawak niya sa phone, at bumakat ang ugat niya sa likod ng kaniyang kamay.Phone number… 'Anong nangyayari? Nasa isip ko 'yun, pero ano nga ulit ang number niya?'Nang makita ni Helios ang daliri ni Nolan na nalilito sa dialing button at hindi niya pa rin nalalagay ang phone number, binuksan niya ang contact list para sa kaniya at sinab
Ito ang unang beses na sinapak ni Helios si Nolan sa harapan ni Maisie, at ito rin ang unang beses na nawala ang pagiging kalmado ni Helios sa harap ng kahit sino.Puno ng emosyon na tiningnan ni Helios si Nolan at sinabing, "Tatlong taon ko 'tong hinintay nang sinabi mo na ibibigay mo siya sa akin sa harapan niya."Napatigil si Nolan.Humakbang palapit si Helios at hinawakan sa kwelyo si Nolan. "Magkasama tayong lumaki mula pagkabata, kaya dapat kilala mo ako. Kung gusto ko talaga siyang kunin sa'yo, sa tingin mo ba mayroon kang laban sa akin?"Walang sinabi si Nolan.Niluwagan ni Maisie ang kamao niya at huminga ng malalim. "Mr. Boucher, pakawalan mo siya. Mayroon akong sasabihin sa kaniya."Binitawan ni Helios si Nolan. Yumuko siya para kunin ang mask sa sahig, pinagpag ang ilang lupa sa shirt niya, tumalikod, at umalis.Kalmado na tumingin si Maisie kay Nolan at sinabing, "Mayroon akong contact number ni Helios dahil nang mayroon siyang pini-film na pelikula, isa siyang guar
Saglit na natahimik si Morgan bago sinabing, "Oh sige. Bahala ka. Gawin mo ang gusto mong gawin."Pagkatapos niyang ibaba ang tawag, binalik ni Helios kay Nina ang phone.Tiningnan siya ni Nina at tinanong, "Mayroong malaking reputasyon si Mr. Wallace sa entertainment industry. Kahit ang mga top-tier celebrities ay hindi magawang humindi sa kaniya. Kung tatanggihan mo siya, hindi ba niya—""Huwag ka mag-alala. Ipapaliwanag ko rin naman sa kaniya sa susunod. At saka, paubos na rin ang oras na binigay sa akin ng mga Boucher. Hindi ko pwede asahan ang mga naabot ko sa entertainment industry para kumbinsihin ang pamilya ko."Kung gusto ni Helios na humiwalay sa pamilya, kailangan niya muna ang pagtanggap ng lolo niya. Sa madaling salita, kailangan niya ng investment project sa Winston Island.Samantala, binato ni Maisie ang unan at kumot sa sahig. Tumingin siya kay Nolan at sinabing, "Diyan ka matutulog ngayong gabi."Pagkatapos nun, tumalikod siya at sinara ang pinto.Medyo mabagal
Si Nina na nakaupo sa tabi ni Maisie ay sinadyang ibahin ang usapan para maibsan ang bigat ng paligid sa private room. "Hindi ako nakapunta sa hot springs kahapon, kaya bakit hindi tayo pumunta mamayang gabi?"Kalmadong kinuha ni Helios ang chopsticks niya at naglagay ng sushi sa plato sa harapan niya, habang si Nolan ay kumuha ng tasa ng tsaa at uminom doon.Tinitigan ni Nina si Maisie, na mukhang kalmado at walang pakialam, gamit ang nakakaawa at inosente niyang tingin na para bang nanghihingi siya ng tulong.Inangat ni Maisie ang tingin niya at tiningnan sila, tapos ay lumingon kay Nolan. "Nolan, naaalala mo pa ba yung pangako mo sa akin kagabi?"Napatigil si Nolan habang umiinom ng tsaa, labag sa loob niyang binaba ang teacup, at tinitigan si Helios.Naningkit ang mata ni Helios.Matapos ang ilang sandali ay mayroong dalawang pilit na salita ang lumabas sa labi ni Nolan. "Pasensya na."Parang nag-aalangan ang tunog niya.Hindi man lang inangat ni Helios ang ulo niya. "Hindi
Nang makitang siya na mapagbantay at lumalaban sa kanyang sarili, tumawa si Xyla at nagpaliwanag ng elegante at magaling, "Hindi mo kailangang matakot sa akin, Ms. Hill. Hindi naman kita sasaktan. Nandito lang ako para kausapin ka.Umuulan pa rin sa labas, at walang kilos ang atmosphere sa kwarto ng ilang sandali habang matamlay ang talukap ni Ryleigh. "Gusto mong iwan ko si Louis, ano? Huwag ka mag-alala, hindi ko siya kukunin sa'yo kapag hindi na natuloy ang engagement namin."'Sa halip na maghintay ng ibang tao na lumapit sa akin at gumawa ng iresponsableng desisyon sa hinaharap, mabuti pang diretsahin ko na lang siya.'Matagal siyang tiningnan ni Xyla, yumuko siya, at tumawa. "Inisip ko 'yan bago ako bumalik ng Zlokova."Tumingin siya sa labas ng bintana, at makikita ang lungkot sa mata niya. "Anim na taon magkarelasyon, at naisip ko na kahit na nakipaghiwalay siya sa akin, mayroon pa rin akong oportunidad na manatili sa tabi niya pagbalik ko ng Zlokova."Saglit na nagulat si
Nagdalawang isip ng tatlong segundo si Ryleigh, tapos ay mabilis niyang binuksan ang pinto at tiningnan si Louis. "Oo."Sa Winston Island…Apat na tao ang nakaupo sa sasakyan at ini-enjoy ang tanawin sa kalsada. Puno ng cherry blossoms ang roadside, at para itong nakapantay sa abot tanaw, na muntik na lumabo dahil sa kulay ng langit at dagat na parang iisang nakahalo.Nagbago ang tanawin at naging iba nang pumasok ang sasakyan sa underwater tunnel at dumaan sa underwater platform.Maraming sasakyan at bus ang puno ng turista na naka parada sa parking slot sa observation deck, at maraming turista ang nakatayo sa tapat ng observation deck para tingnan ang malinaw na tanawin ng tubig dagat.Naka parada ang sasakyan sa parking lane, at lumabas si Maisie at Nina sa sasakyan at naglakad patungo sa observation platform.Ang Winston Island's underwater tunnel ay kilala bilang pinakamalaki at pinakamahal na ginawang proyekto ng Zlokova. Ito lang ang tanging tunnel na pinapayagan ang mga p
Hindi masaya si Cooper sa ideya na ‘yon.Ngumiti si Sunny. “Sino ang nagsabi sa'yo na dapat natin ipalit ang binti ni Nick kay Noel? Sa halip si Python ang babali sa binti ni Python, bakit hindi si Nick ang gumawa non?”Nagulat si Cooper. “Gagawin mismo ‘yon ni Nick?”Lumapit si Sunny at seryosong minungkahi, “"Nabali ang binti ni Travis, ngunit ligtas siya. Bukod pa doon ay makakabangon pa siya sa kama at makakalakad pagkatapos nang kalahating taon ng pagpapagaling. Nabalitaan kong malupit na tao si Python, pero hinuli lang niya si Noel para pilitin ang mga Wickam na makipagkompromiso. Kaya bakit nila pinapatagal nila ang plano nila na saktan si Noel?”Nagulat si Cooper. “Sinasabi niyo ba na may ibang plano si Python?”Uminom si Sunny ng tsaa mula sa tasa. “Si Python ang pinuno ng isang lokal na mafia sa Madripur. Lahat ng negosyong kinasasangkutan niya ay ilegal at hindi alam ang pinanggalingan. Bukod dito, ang kanilang mga produkto ay kadalasang naglalakbay sa pamamagitan ng da
Masyadong makapangyarihan at agresibo ang pamilya ni Amelia na pinipigilan si Arthur na itaas ang kanyang ulo sa harap ng iba. Kaya naman nag-asawa siyang muli isang taon pagkatapos ng kamatayan ni Amelia at tiniis pa niya ang lahat ng mga pagsaway na ibinato sa kanya ng mga Winslet dahil sa pagiging walang utang na loob na asawa. Iyon ay hanggang sa pinilit siya ni Cooper na hayaan si Nick na mamana nang buo ang Wickam, at habang mas pinipilit siya ng mga Winslet, mas ayaw niyang pumayag.‘Gusto ko lang patunayan kay Cooper na kahit walang tulong mula sa pamilya niya at kay Nick, kaya pa rin tumayo ng Wickam.‘Pero malaki talaga ang nagawang gulo ni Noel ngayon. Bakit ako pupunta kay Nick kung hindi dahil sa kaniya?’Hinawakan ni Martha ang braso niya. “Kung ganoon, pumayag ba si Nick sa plano mo? Anak mo rin siya, kaya kahit anong mangyari, hindi siya tatanggi na tulungan ka, hindi ba? Ipabalik mo lang kay Nick si Noel.”“Pumayag ba siya?” Pinalayo siya ni Arthur at galit na suma
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng
Tumawa si Nick. “Hindi sapat na salita ang galit para gamitin.”“Kung gusto mong sumama sa amin o hindi, hindi ikaw ang magde-desisyon, Nick. Basta isa ka sa mga tagapagmana ng mga Wickam, kailangan mo bumalik sa akin!”Inilinaw ni Arthur ang sarili niya. Kahit na kailangan niyang itali ang anak niya at hilain pauwi, hindi siya tatanggap nang pagtanggi sa ganitong panahon.Kinabahan si Dylan at nagsimulang kabahan, natatakot siya na baka pilit na kunin si Nick ng mga lalaki na ‘yon.Sa oras na ‘yon, pumasok si Sunny sa training center gamit ang tungkod niya at sa suporta mi Mahina habang nakalagay ang kamay sa likod. “Yo, nag-iisip ako kung bakit maingay ang training center nang ganito kaaga. Nandito ka pala, Mr. Wickam.”Mukhang naiinis si Arthur. “Mr. Southern, bakit nasa Bassburgh ka rin?”“Nandito si Cam sa Bassburgh kaya natural lang para sa akin na pumunta dito. Ngayon, nag desisyon ako na pumunta at bisitahin ang estudyante ko. Hindi ko inaasahan na makikita kita.”Habang
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,