Talagang hindi nagpapatalo si Ryleigh. Nagpupumiglas siya at umiiwas kahit natulak na siya sa sahig. Kinagat pa niya ang kamay ng lalaki, na nagpasakit ng kamay nito at sinampal niya si Ryleigh.Nakatagilid ang mukha ni Ryleigh, at nakakalat ang basa niyang buhok sa kaniyang pisngi.Pwersahang sinira ang mga butones sa coat niya, at ang close-fitting blouse niya na panloob ay sira na rin.Sobrang natatakot na si Ryleigh at naiiyak na siya.Kinuha ni Chenney ang cell phone niya para i-video ang nangyayari at inutusan ang mga lalaki. "Hubarin niyo lahat sa kaniya."Isa sa mga lalaki ang aabutin na sana at huhubarin ang natitirang suot ni Ryleigh. Sa oras na yun, mayroong sumipa ng pinto, tumakbo sa loob, sinipa ang lalaki na nakapatong sa katawan ni Ryleigh, at sinuntok ang dalawa pang lalaki.Sobrang natakot si Chenney at umatras siya.Agad na hinubad ni Louis ang coat niya, binalot ito sa nanlalamig na katawan ni Ryleigh, at binuhat siya. "Ryleigh!"Medyo malabo pa a
Hinila ni Saydie si Chenney sa buhok papunta kay Nolan—nakaluhod pa rin siya sa lupa.Nang makita ang nangyari sa mga lalaki, namutla ang mukha niya na parang papel.Kinuha ni Maisie ang phone na hindi malayo sa kaniya at nakita ang nakatigil na video, hinagis ito sa sahig, at sinira ang screen gamit ang heels niya."Please…Please pakawalan niyo ako. Hindi ko na yun gagawin." Pinipigilan ni Chenney ang umiyak at mukha talaga siyang totoong nagmamakaawa. Hindi nagpakita ng kahit anong ekspresyon si Maisie nang hilain niya ang collar ni Chenney. "Pakawalan ka? Hinding-hindi mangyayari yun." Biglang nagdilim ang ekspresyon ni Chenney.Nanunuya si Maisie. "Ginawa mong panakip-butas si Ryleigh ng isang dekada at sinubukan mo pang saktan siya. Papakawalan mo ba si Ryleigh kung nagmakaawa siya sayo?"Hindi siya nakasagot.Malamig na sinabi ni Maisie, "Kahit sino mang taong nagkaroon ng tagumpay dahil sa pagtapak nila sa ibang tao ay walang karapatang magyabang kasi hindi niy
Sabi ni Maisie, "Tita Larissa, huwag ka magalit. Nakuha na sila ng mga pulis. Saka ayos lang sila Louis at Ryleigh."Diyos ko salamat naman. Halos mamatay na ako sa kaba. Puntahan ko muna si Louis." Naglakad si Larissa papunta sa kwarto ni Louis.Bumalik si Nolan para sunduin si Maisie, at nakatingin lang si Maisie sa view ng labas buong byahe nila pauwi.Hinawakan ni Nolan ang kamay niya. "Nag-aalala ka pa rin ba?"Tiningnan siya ni Maisie. "Ayos na sila kaya wala na dapat akong isipin pa.""Zee, alam mo ba kung anong naalala ko sa nangyari kala Ryleigh at Louis?"Tahimik na nakatingin si Maisie sa kaniya at walang sinabi.Nakatutok siya sa pagmamaneho at nakatingin sa kalsada, "Parang may naalala ako. May napagdaanan na ba tayong ganun? Pamilyar kasi yung pakiramdam."Yumuko si Maisie at ngumiti, "Oo, nangyari na yun sa atin."Nang huminto sila sa traffic light, hinawakan ni Nolan ang kamay ni Maisie at hinalikan ito. "Unti-unti na akong nakakaalala, kaya umpisahan
Dahan-dahang bumukas ang blinds, at kahit sino ay makikita ang asul na dagat mula sa kwarto.Pumasok si Maisie sa kwarto na mayroong private garden. Mayroong mga folding chair na may cushion sa ilalim ng sun umbrella at mayroon ding swing.Tinanggal ni Nolan ang pagkaka butones ng kaniyang sleeves at sumandal sa pinto. "Nagustuhan mo ba?"Lumapit si Maisie sa swing at naupo. "Ang galing mong pumili ng lugar."Lumapit si Nolan sa likod at yumuko para yakapin si Maisie sa balikat niya habang sinasabi sa kaniyang tainga na, "Oras natin 'to. Kailangan maging romantic."Nang tanghali, pumunta silang dalawa sa restaurant.Nagpalit si Maisie ng silk na bubble-sleeved dress na mayroong vest, ang palda niya ay umaabot sa kaniyang binti.Isang malaking coincidence pero nakasalubong nila si Helios doon sa dining.Inangat ni Helios ang glass niya at ngumiti sa kanila. "Kung ayos lang sa inyo, kumain tayo ng magkakasama?"Ayos lang kay Maisie yun dahil kilala naman nila sa isa't isa. "Oo n
Hindi kasing ganda ng hot spring tourism sa Coralia ang sa Winston Island. Dahil iyon sa dagat at burol na nakapalibot sa isla, at papunta ito sa south, kaya hindi magni-niyebe kahit sa winter.Iba ang panahon sa Coralia. Nagni-niyebe doon kapag winter, at maninigas ang kalsada sa sobrang lamig, na nagpapahirap sa mga sasakyan at mga tao na makagalaw. Ang ibang tao ay nagta-travel para lang makakita ng niyebe, pero wala ng gustong bumalik matapos ma-bully ng niyebe habang papunta roon.Binaba ni Nolan ang seafood cracker, pinunasan niya ang daliri gamit ang napkin, at tumingin kay Helios. "Bakit wala akong maalala na interesado ka sa ganitong industriya."Bumaba ang tingin ni Helios, tinatapik niya ang baso gamit ang kaniyang daliri. "Pini-pressure ako ng pamilya ko. Hindi ko pa naaabot ang standard nila para bumuo ng sarili kong pamilya bukod sa career ko sa entertainment industry.""Gusto mong umalis sa pamilya?" Nagulat si Maisie.Ibig sabihin ba nun ay maghihiwalay na sila?A
Binaon ni Maisie ang kaniyang mukha sa balikat ni Nolan. Sobrang nakakahiya yun.Binaba siya ni Nolan sa bench, nilagay niya ang kaniyang kamay sa backrest sa likod ni Maisie, at mukhang gusto pa nito ng iba. "Gusto mo pa ituloy?"Labis ang takot ni Maisie sa haunted house at halata pa sa mata niya ang mga luha, mukha siyang mahina."Tama na yun." Sabi niya.Tumawa si Nolan at mahinahon na pinunasan ang luha sa gilid ng mga mata ni Maisie. "Natatakot din pala minsan ang Zee ko."Huminga siya at nag iwas ng tingin, nakatingin na siya sa Ferris wheel sa hindi kalayuan.Napansin yun ni Nolan. "Gusto mo sumakay diyan?"Tumango si Maisie.Dinala siya ni Nolan sa ilalim ng Ferris wheel, nagbayad siya, at pumasok sa cabin.Dahan-dahang gumalaw pataas ang cabin habang nakatingin sa labas si Maisie at masayang nakangiti. "Sa Stoslo ang unang Ferris wheel ride ko."Tiningnan siya ni Nolan, at mayroong lumitaw sa isipan niya habang paakyat sila.Nanatili ang tingin ni Maisie sa tanawin
Tiningnan siya ni Barbara at sinabi na, "Nagseselos ka."Napatigil si Ryleigh. Umabot ng ilang sandali bago siya bumalik sa kaniyang katinuan. Kinuha niya ang unan at binato kay Barbara. "Nandito ka ba para tawanan ako?"Kinuha ni Barbara ang unan at binalik yun sa kama. "Sige, sige. Kung tutuusin, niligtas ka ni Louis. At isa pa, hindi gaano kalala ang natamo mo kumpara sa kaniya, kaya sa tingin ko dapat mo siyang puntahan."Hindi sumagot si Ryleigh.Kinagabihan, pumunta si Ryleigh sa ward ni Louis. Matagal siyang nag alangan habang nasa harap ng pinto bago niya pinihit ang doorknob.Nagbabasa ng magazine si Louis sa kama. Mayroon siyang gasa sa kaniyang pisngi at pasa sa gilid ng kaniyang labi.Bahagya siyang nagulat nang makita niya si Ryleigh pagkaangat niya ng kaniyang ulo. Pagkatapos nun, nilagay niya ang magazine sa gilid at tinanong, "Bakit ka nandito?"Tumigil si Ryleigh sa harap ng higaan niya. Sobrang kabado siya at hindi niya malaman kung saan niya ilalagay ang kamay
Bumagsak ang mukha ni Ryleigh, at malakas siyang tumikhim. "Sino…Sino naman ang sisilip sa'yo kapag gumagamit ka ng banyo? Wala ka yata sa katinuan. At isa pa, wala namang dapat tingnan sa'yo.""Sinong nakakaalam kung gusto mo akong pagsamantalahan o hindi?" Matamlay na sagot ni Louis.Tinuro ni Ryleigh ang sarili niya. "Ako? Gustong pagsamantalahan ka?"Ngumisi siya na para bang yun ang pinaka nakakatawang biro na narinig niya sa mundo at sinabing, "Kung gusto ko talagang pagsamantalahan ka, eh di sana—"Inangat ni Louis ang kilat niya at pinatigil siya, "Eh di sana ay ano?"Sumagot si Ryleigh habang tumitikhim, "Bakit ko sasabihin sa'yo?"Walang sinabi pabalik si Louis. Nang makita niya ang IV drip sa bote ay halos ubos na, pinindot niya ang service bell.Pumasok ang nurse. Hinila niya ang karayom sa likod ng kamay ni Louis at mahinanon na sinabing, 'Sir, kailangan niyo kumuha ng anti-inflammatory injection bukas at sa susunod din na araw."Tumango siya.Umalis ang nurse dal