Dahan-dahang tumingala si Maisie at nakita ang camera na mayroong kulay pulang ilaw. Matagal na ba siyang pinaglalaruan, o nahulog lang siya sa patibong nito?“Hinahanap mo ba ang resulta?”Nanlamig ang likuran ni Maisie nang lumitaw ang aninong iyon. Tiningnan niya si Nolan na nakatayo sa labas ng pinto at mayroong hawak na ibang envelope. Puno ng takot ang mukha ni Maisie.Kalahating oras na ang nakalipas nang matanggap ni Nolan ang report mula sa Coralia. Makikita ang mga salitang ‘DNA is a match.’ Kumpirmado ng mga anak niya sina Waylon at Daisie.Anim na taon na ang nakalipas. Hindi lang siya mayroong mga anak ngayon, pero sobrang lapit lang ng mga ito sa kaniya. Kung hindi niya ito inimbestigahan at nalaman ang totoo, paano niya malalaman kung sino talaga ang babae nang gabing iyon?“Tuso ka. Ikaw ang nag-switch ng report, tama?”“Hindi ko alam ang ibig mong sabihin.” Sinusubukan ni Maisie ang lahat para kumalma. Hindi ito ang oras para mataranta.Lumapit si Nolan s
Sobra-sobra ang selos na nararamdaman ni Willow!“Nolan!”Dahan-dahang binitawan ni Nolan si Maisie, at doon nagdilim ang ekspresyon niya. Hah, kaya pala siya hinalikan pabalik ng babaeng ito.Tumalikod siya at tiningnan si Willow. “Bakit ka narito?”Pinunasan ni Maisie ang mga labi niya, kumalat ang lipstick sa mukha niya na dahilan para mag-mukha siyang kaakit-akit.Hinawakan niya ang kwelyo ni Nolan, tinaas niya ang kilay at ngumiti. “Kailangan mo pa ng practice sa paghalik.”Nagdilim ang mukha ni Nolan. Nagrereklamo ba siya?Handa nang umalis si Maisie pero natigilan siya nang biglang dumating si Stephen sa likuran ni Willow.Namutla ang mukha ni Stephen nang makita ang ‘magulong’ itsura ni Maisie habang nasa iisang kwarto kasama si Nolan at ang duguan nitong labi.“Maisie, paano… paano mo—-” Umabot sa ulo ni Stephen ang kaniyang matinding galit, at nawalan siya ng malay at bumagsak sa sahig.“Dad!”Nang makita ang pagtakbo ni Willow papunta sa tabi ng tatay n
Umalis si Maisie sa ward at hindi na lumingon pa.Patakbong lumabas si Willow sa ward at hinabol si Maisie. Naabutan siya nito sa entrance ng elevator. “Maisie Vanderbilt, tumigil ka!”Tiningnan siya nang masama ni Maisie. “Bakit ko gagawin iyon? Dahil lang hindi mo ako kayang takutin, sinadya mong isama ang tatay natin sa Blackgold Group para pabalikin ako sa Vaenna?”‘Nahimatay si Dad dahil sa sobrang galit. Hindi ba’t ang lahat ng ito ay dahil kay Willow?’Pait ang nararamdaman ni Willow. “Si Dad ang nagsabi na dapat siyang sumama para kausapin ka, at ikaw naman ang gumalit sa kaniya kaya siya nahimatay!”“Maisie, sa mga mata ni Dad, magka-relasyon kami ni Nolan. Kaya mabuti ng bumalik ka na sa katinuan at umalis ka na sa Blackgold. Kung hindi, sisiguraduhin kong ang dalawa mong bastardo—Ugh!”Sinakal ni Maisie si Willow at tinulak ito sa pader. Napakatalim ng mga mata niya. “Subukan mo lang!”“Sa tingin mo ba ay hindi ko kayang gawin iyon? Subukan mo akong patayin sa
Suminghal si Nolan. “Pwede mong isipin na banta iyon kung iyon ang tingin mo. Sa tingin mo ba, makakatakas ka pa rin sa akin?”Hindi nakapagsalita si Maisie.Kinabukasan…Katulad nang nakagawian ay maagang pumasok si Maisie sa kumpanya at bigla niyang nakita sina Nolan at Quincy na papunta sa direksyon niya,Mayroon pa rin marka sa nakagat na labi ni Nolan, medyo tuyo na ang sugat nito. Maitatago ang marahas na reaksyon niya kahapon.Gusto niyang iwasan ang dalawa, pero huli na.Umiwas ng tingin si Maisie dahil ayaw niyang isipin ang nangyari kahapon. Walang emosyon siyang ngumiti. “Good morning, Mr. Goldmann.”Sandali siyang tinitigan ni Nolan at binuka ang manipis na mga labi at puting mga ipin. “Akala ko ay iiwasan mo ako.”“Sa iisang lugar lang tayo nagtatrabaho, kaya hindi maiiwasang magkita tayo. At saka, wala akong ginawang imoral at kahiya-hiyang bagay, kaya bakit naman kita iiwasan?” Ngumiti si Maisie.Bahagyang kumunot ang noo ni Nolan. “Peke kahit ang ngiti n
Pagkatapos ng ilang minutong pagdurusa, nakalabas na rin lahat ngs staff members. Walang emosyong tinaas ni Maisie ang kamay na hawak-hawak ni Nolan at saka sarkastikong nagtanong, “Mr. Goldmann? Sabik ka ba sa mga exciting na agenda?”Sandali siyang tiningnan ni Nolan, medyo matalim ang tingin niya. “Kung ganoon, gusto mo bang makaranas ng mas exciting pa?”Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Maisie.‘Hindi niya iyon…’Biglang umikot si Nolan, inunat ang kamay, at nilapat ito sa pader, niyakap niya si Maisie.“Mr. Goldmann, huwag mo akong subukan!” Nagngalit ang mga ipin ni Maisie, tinaas niya ang kaniyang hita, tinupi ang kaniyang tuhod, at tinapat ito sa ibabang parte ni Nolan, pero hinawakan kaagad ni Nolan ang hita niya at dinikit ito sa kaniyang katawan. Kahiya-hiya ang posisyon nilang dalawa ngayon!“Nolan Goldmann, bitawan mo ako!” Mayroong bakas ng galit sa mga mata ni Maisie.Bahagyang naningkit ang mga mata ni Nolan, pagkatapos huminto ng elevator, bigla siyang
Senior designer of Hailey & Co. Jewelry, Freddy Fuller.Alam rin nito na si Willow ang girlfriend ni Nolan, kaya naman natuwa siya rito.‘Oo, alam ng lahat sa Bassburg na mayroong girlfriend si Nolan. Malaking kumpanya ang Hailey & Co, at siguradong tataas ulit ang tingin sa akin ni Dad kung makaka-collaborate sila ng Vaenna.’Pagkatapos mag-usap ng mga sampung minuto, inabutan siya ni Fred ng ilang design sketches. “Heto ang mga alahas na dinisenyo ko, ito rin ang theme ng ginagawa kong “The Light of Life”. Ito ang unang beses kong pagdi-disenyo ng mga alahas na mayroong retro Gothic language.”Makikita sa ekspresyon ni Willow ang pagka-surpresa habang tinitingnan ang mga design drawings.‘Kung mayroong ganitong mga designs ang Vaenna, hindi sana ito magdurusa nang ganito ngayon! Heh, mayroon bang ganitong kakayahan si Maisie? Kaya pa rin siyang lampasuhin ni Freddy!’Nagpunta si Willow sa kaniyang ama pagkatapos nilang pumirma ng kontrata ni Freddy. Gusto niyang ipakita a
‘Ito pala ang dahilan.’Hindi mapigilang maningkit ng mga mata ni Nolan,‘Hindi lang tinatanggi ni Maisie na siya ang babae nang gabing iyon, pero iniiwasan niya rin ako. Lahat ng ito ay dahil kay Willow?‘Hindi na nakapagtataka kung bakit matindi ang galit niya kay Willow noong una pa lang. Na-frame siya ni Willow noon. Kung hindi nagkamali ang hotel manager sa room card nang gabing iyon, sa tingin ko’y si Sergio Baldwin ang lalaking makakasama ni Maisie.’Bahagyang tumalim ang mga mata ni Nolan nang maisip ito.“Oo nga pala, Sir, inimbestigahan ko rin ang insidente kung saan nilagyan ng droga ang inumin ni Ms. Vanderbilt nang gabing iyon. Si Ms. Willow ang nagdala sa kaniya roon, at ang taong kinausap nila ay si Sergio Baldwin.”Alam ni Quincy na akala ni Nolan ay walang kwenta ang role ni Sergio, pero inimbestigahan na rin ni Quincy ang buhay ni Sergio bilang pag-iingat.Hindi sana malalaman ang lahat ng ito kung hindi inimbestigahan ni Quincy si Sergio, ngunit nagulat
Namula si Maisie. Naisahan siya!Tinabig niya ang kamay nito at sinabing, “Hindi iyon masaya.”Tumalikod siya para umalis, pero hinila siya ni Nolan at sinandal siya sa pader.Ang mga kamay niyang sinusubukan na itulak ang lalaki ay naipit. Tiningnan niya si Nolan, naalarma siya. “Nolan Goldmann, kapag hinawakan mo ako—-”“Hindi ba’t gusto mo ng lessons?” Lumapit si Nolan sa kaniya, at ang kamay niyang nasa likod ng baywang ni Maisie ay gumalaw at hinawakan ang likuran nito saka niya binitawan.Nang dumampi ang malamig na palad sa balat niya, kinilabutan si Maisie at nag-igting ang kaniyang panga. “Nolan!”Yumuko si Nolan para halikan siya, hindi siya nito binigyan ng pagkakataong magsalita.Huwag! Nagpumiglas si Maisie. Wala na sa tamang ayos ang damit niya, pero ang mas malala ay hindi ito tinatanggihan ng katawan niya.Tila naramdaman niya na kakagatin siya ni Maisie, nilayo ni Nolan ang mga labi niya na muntik ng maging dahilan para makagat ni Maisie ang sarili niya