Naawa si Quincy sa mababang IQ ni Willow.Pumunta ito rito, nag-volunteer na tumulong, at ibinuko ang sarili na alam niyang nakidnap ang mga bata. Hindi ba’t parang inaamin niya na sangkot siya sa kasong ito?”Tumalim ang tingin ni Nolan. “Sino sila sa iyo?”“I—”“Kilala mo ba kung sino ang nanay nila?”Nagbago ang ekspresyon ni Willow. Hindi, bakit niya nakalimutan na hindi ito alam ni Nolan?“Nolan, N…narinig kong pinag-uusapan ito ng ibang tao.”“Sino ang mga taong iyon?” Hindi tinago ni Nolan ang kaniyang inis.Nanginig si Willow, unti-unting namutla ang kaniyang mukha. “Nolan, sa tingin mo ba ay ginawa ko ito? Kilalang-kilala mo ako. Hindi ko ito gagawin!”Oo, noong una ay mahinhin at malambot ang tingin niya kay Willow, na wala itong gagawing masama.Gayunpaman, hindi niya pa rin alam ang totoong pagkataong itinatago ng babaeng ito sa anim na taon nilang pagsasama. Gaano kahalang ang bituka ng isang tao para manakit ng mga bata?“Hindi ka na dapat pumupunta
Takot na takot ang middle-aged na lalaki, pero nakatanggap na siya ng $160,000 mula kay Leila. Kapag nilaglag niya ito, ang mangyayari sa kaniya…“Si… Si Ms. Vanderbilt iyon.”Tinulak siya ng bodyguard para paluhurin, bumunot ito ng baril, at tinutok sa kaniyang ulo.Napaupo nang tuwid ang middle-aged na lalaki, sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Kapag pumutok ang baril na nakatutok sa ulo niya, makikita niya na si Hades. Wala na siyang pakialam pa sa pera.Nanginig siya, bumuka nang kaunti ang bibig at nang magsalita siya, hindi niya mapigilang mautal. “Nang gabing iyon… si… si—-”Nang marinig ang click mula sa baril na nakatutok sa ulo niya, muntik ng maihi ang lalaki. “Hindi iyon si Ms. Vanderbilt, p…p.. Pero hindi ko talaga alam kung sino iyon!”Nagsasabi siya ng totoo. Hindi niya talaga alam kung sino ang babae. Ang alam niya lang ay pumasok si Mr. Goldmann sa isang kwarto kasunod ng isang babae.Nang marinig na hindi iyon si Willow, wala ng pakialam pa si Nolan sa
“Anong nangyayari sa Vaenna? Ikaw ang pinahawak ko para matuto ka kung paano mag-manage ng isang kumpanya. Saan napunta ang lahat ng resources na binigay ko sa iyo?”Tinapon ni Stephen ang folder sa desk. Tinawagan siya ng account director at muntik na siyang sumabog. Nalugi sila ng $900,000!Nagbigay si Mr. Goldmann ng $1,600,000, pero nawala na kaagad nila ang $900,000!?Lumapit si Leila kay Willow at saka tiningnan si Stephen. “Dear, bakit si Willie ang sinisisi mo? Alam mong wala siyang alam sa jewelry business. Hindi mo siya masisisi kung nadaya siya.”“Gusto ko siyang matuto. Anong natutunan mo sa nagdaang taon?” Sigaw ni Stephen.Nakakuyom ang mga kamao ni Willow. Madami na siyang iniisip at ngayo’y ginigisa pa siya ng tatay niya. Hindi niya na ito matiis.Nang makita ang itsura ng kaniyang anak, kaagad na sinabi ni Leila, “Kung sa tingin mo ay hindi maganda ang ginawang trabaho ni Willie, bakit hindi mo pabalikin si Zee sa Vaenna? Siya ang top jewelry designer. Mala
Dahan-dahang tumingala si Maisie at nakita ang camera na mayroong kulay pulang ilaw. Matagal na ba siyang pinaglalaruan, o nahulog lang siya sa patibong nito?“Hinahanap mo ba ang resulta?”Nanlamig ang likuran ni Maisie nang lumitaw ang aninong iyon. Tiningnan niya si Nolan na nakatayo sa labas ng pinto at mayroong hawak na ibang envelope. Puno ng takot ang mukha ni Maisie.Kalahating oras na ang nakalipas nang matanggap ni Nolan ang report mula sa Coralia. Makikita ang mga salitang ‘DNA is a match.’ Kumpirmado ng mga anak niya sina Waylon at Daisie.Anim na taon na ang nakalipas. Hindi lang siya mayroong mga anak ngayon, pero sobrang lapit lang ng mga ito sa kaniya. Kung hindi niya ito inimbestigahan at nalaman ang totoo, paano niya malalaman kung sino talaga ang babae nang gabing iyon?“Tuso ka. Ikaw ang nag-switch ng report, tama?”“Hindi ko alam ang ibig mong sabihin.” Sinusubukan ni Maisie ang lahat para kumalma. Hindi ito ang oras para mataranta.Lumapit si Nolan s
Sobra-sobra ang selos na nararamdaman ni Willow!“Nolan!”Dahan-dahang binitawan ni Nolan si Maisie, at doon nagdilim ang ekspresyon niya. Hah, kaya pala siya hinalikan pabalik ng babaeng ito.Tumalikod siya at tiningnan si Willow. “Bakit ka narito?”Pinunasan ni Maisie ang mga labi niya, kumalat ang lipstick sa mukha niya na dahilan para mag-mukha siyang kaakit-akit.Hinawakan niya ang kwelyo ni Nolan, tinaas niya ang kilay at ngumiti. “Kailangan mo pa ng practice sa paghalik.”Nagdilim ang mukha ni Nolan. Nagrereklamo ba siya?Handa nang umalis si Maisie pero natigilan siya nang biglang dumating si Stephen sa likuran ni Willow.Namutla ang mukha ni Stephen nang makita ang ‘magulong’ itsura ni Maisie habang nasa iisang kwarto kasama si Nolan at ang duguan nitong labi.“Maisie, paano… paano mo—-” Umabot sa ulo ni Stephen ang kaniyang matinding galit, at nawalan siya ng malay at bumagsak sa sahig.“Dad!”Nang makita ang pagtakbo ni Willow papunta sa tabi ng tatay n
Umalis si Maisie sa ward at hindi na lumingon pa.Patakbong lumabas si Willow sa ward at hinabol si Maisie. Naabutan siya nito sa entrance ng elevator. “Maisie Vanderbilt, tumigil ka!”Tiningnan siya nang masama ni Maisie. “Bakit ko gagawin iyon? Dahil lang hindi mo ako kayang takutin, sinadya mong isama ang tatay natin sa Blackgold Group para pabalikin ako sa Vaenna?”‘Nahimatay si Dad dahil sa sobrang galit. Hindi ba’t ang lahat ng ito ay dahil kay Willow?’Pait ang nararamdaman ni Willow. “Si Dad ang nagsabi na dapat siyang sumama para kausapin ka, at ikaw naman ang gumalit sa kaniya kaya siya nahimatay!”“Maisie, sa mga mata ni Dad, magka-relasyon kami ni Nolan. Kaya mabuti ng bumalik ka na sa katinuan at umalis ka na sa Blackgold. Kung hindi, sisiguraduhin kong ang dalawa mong bastardo—Ugh!”Sinakal ni Maisie si Willow at tinulak ito sa pader. Napakatalim ng mga mata niya. “Subukan mo lang!”“Sa tingin mo ba ay hindi ko kayang gawin iyon? Subukan mo akong patayin sa
Suminghal si Nolan. “Pwede mong isipin na banta iyon kung iyon ang tingin mo. Sa tingin mo ba, makakatakas ka pa rin sa akin?”Hindi nakapagsalita si Maisie.Kinabukasan…Katulad nang nakagawian ay maagang pumasok si Maisie sa kumpanya at bigla niyang nakita sina Nolan at Quincy na papunta sa direksyon niya,Mayroon pa rin marka sa nakagat na labi ni Nolan, medyo tuyo na ang sugat nito. Maitatago ang marahas na reaksyon niya kahapon.Gusto niyang iwasan ang dalawa, pero huli na.Umiwas ng tingin si Maisie dahil ayaw niyang isipin ang nangyari kahapon. Walang emosyon siyang ngumiti. “Good morning, Mr. Goldmann.”Sandali siyang tinitigan ni Nolan at binuka ang manipis na mga labi at puting mga ipin. “Akala ko ay iiwasan mo ako.”“Sa iisang lugar lang tayo nagtatrabaho, kaya hindi maiiwasang magkita tayo. At saka, wala akong ginawang imoral at kahiya-hiyang bagay, kaya bakit naman kita iiwasan?” Ngumiti si Maisie.Bahagyang kumunot ang noo ni Nolan. “Peke kahit ang ngiti n
Pagkatapos ng ilang minutong pagdurusa, nakalabas na rin lahat ngs staff members. Walang emosyong tinaas ni Maisie ang kamay na hawak-hawak ni Nolan at saka sarkastikong nagtanong, “Mr. Goldmann? Sabik ka ba sa mga exciting na agenda?”Sandali siyang tiningnan ni Nolan, medyo matalim ang tingin niya. “Kung ganoon, gusto mo bang makaranas ng mas exciting pa?”Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Maisie.‘Hindi niya iyon…’Biglang umikot si Nolan, inunat ang kamay, at nilapat ito sa pader, niyakap niya si Maisie.“Mr. Goldmann, huwag mo akong subukan!” Nagngalit ang mga ipin ni Maisie, tinaas niya ang kaniyang hita, tinupi ang kaniyang tuhod, at tinapat ito sa ibabang parte ni Nolan, pero hinawakan kaagad ni Nolan ang hita niya at dinikit ito sa kaniyang katawan. Kahiya-hiya ang posisyon nilang dalawa ngayon!“Nolan Goldmann, bitawan mo ako!” Mayroong bakas ng galit sa mga mata ni Maisie.Bahagyang naningkit ang mga mata ni Nolan, pagkatapos huminto ng elevator, bigla siyang