Sumandal si Maisie kay Nolan habang nakapulupot ang braso niya sa kaniyang leeg. "Sinusubukan na kitang pasayahin ngayon."Kinagat ni Nolan ang gilid ng labi ni Maisie at tinanggal ang butones ng kaniyang damit gamit ang isa niyang kamay. "Hindi masyadong taos-puso."Hinubad ni Maisie ang damit ni Nolan. "Mababaw na lalaking nagseselos kasi nag dinner ako kasama ang mga kaibigan ko."Binuhat siya ni Nolan, humakbang, at ibinaba siya sa higaan. "Kinakahiya mo ba ako?"Nawala siya bigla sa katinuan. "Hindi…""Ayaw mo ako ipakita sa mundo?"Napatigil si Maisie, diretsong nakatingin sa malamig at malalim niya na mga mata. Napansin niyang sa oras na yun ay bumalik na ang pre-memory loss ni Nolan.Binawi ni Nolan ang kamay niya at tumayo nang maayos. "Gusto mo talagang ilihim lang ang relasyon natin?"Hindi dahil sa hindi niya iniisip—may pakialam siya. Parang hindi alam ng mga tao ang tungkol sa kasal nila. Siya ang lalaki sa likod ni Maisie.Nadurog ang puso ni Maisie, at
Hinulog ng lalaking pula ang buhok ang upos ng kaniyang sigarilyo sa sahig, at ilang lalaki sa likod niya ang tumulak kay Kennedy sa pader.Bumagsak sa sahig ang dala niyang pagkain habang ang ilang batang lalaki ay tinaas ang kanilang pamalo at hinampas si Kennedy, iniiwasan ang ulo niya at hinahampas ang braso at hita niya.Bumagsak si Kennedy sa sahig, lumabas ang dugo sa gilid ng kaniyang labi. Nanginginig at namamanhid ang braso niya, pero hindi siya nagmakaawa.Lumapit sa kaniya ang lalaki na may pulang buhok at tinapakan siya sa likod para sipain siya papunta sa gilid ng pader, "Tanda, kaya mong mabugbog."Kinuha niya ang pamalo sa lalaki sa likod niya at tinuro ang kaliwa niyang braso. "May nag-utos sa amin na baliin ang braso mo. Huwag mo akong sisihin, ikaw 'tong may ginalit."Itinaas niya ang pamalo.Biglang mayroong huminto na sasakyan sa eskinita. Nagliwanag ang ilaw ng sasakyan habang ang matalas na tunog ng busina ang kanilang narinig.Takot ang ilan na lal
Hindi sumagot si Kennedy, pero alam na ni Maisie, at nagdilim ang mukha niya. "Sige, pagbabayarin ko ang Passion."Hindi rin siya santo. Gaganti siya sa pagdamay nila sa malapit sa kaniyang tao.Nag-alala si Kenny. "Zee, hindi nila ito hahayaan. Nalaman na siguro ng may-ari ng Passion na may kinalaman ang expose nila sa Soul, kaya gagawa sila ng paraan para makaganti."Ngumiti siya. "Alam ko ang gagawin."Umalis si Maisie at Nolan, pero hindi niya maiwan na mag-isa si Kennedy sa hospital. "Nolan, pwede mo ba sabihan si Quincy na magpadala ng tao na magbabantay kay Tito Kennedy?"Alam ni Nolan na nag-aalala siya na baka balikan ng mga tao na yon si Kennedy sa hospital, kaya tinawagan niya si Quincy.Lumapit sa kaniya si Nolan ng huminto sila sa red light pauwi. "Gawin mo ang gusto mo, Zee. Kahit na ma-bankrupt mo ang Passion, wala akong pakialam. Ako ang magbabayad sa'yo."Tumawa si Maisie. "Kung maba-bankrupt ang Passion, hindi ba't mawawalan ng trabaho ang mga empleyado
Kakaiba nga talaga ang may-ari ng Passion Jewelry. Humanap siya ng lawyer at kinasuhan ang Soul Jewelry sa paninira, na nagpakalat sa publiko ng alitan nila.Nagsaya ang mga netizens sa alitan sa pagitan ng dalawang kumpanya habang iniisip nila kung sino ang mananalo sa huli. Ilan sa kanila ang nagsasabi na lumalaki na ang ulo ng Soul Jewelry dahil sa atensyon na nakukuha nila, pero sabi naman ng iba ay dapat lang yun sa Passion Jewelry.Nakatingin si Maisie sa data sa tablet habang nakaupo sa kaniyang office. Isa sa mga staff member ang kumatok sa pinto at pumasok. "Ms. Vanderbilt, sabi ng Passion Jewelry ay kakasuhan nila tayo ng defamation."Sumagot si Maisie nang hindi inaangat ang ulo niya, "Hayaan mo sila."Sa oras din na yun, pumasok si Saydie kasama ang isang lalaki. Sinipa niya ito sa sahig, na gumulat sa staff member."Sino ang lalaking 'yan?""Yung lalaki na nanakit kay Tito Kennedy." Sa Passion Jewelry…Lumabas si Maisie sa sasakyan habang nakasuot mg sungl
Hirap na tumayo si Mr. Ludwig sa sahig at namumutla na tumingin sa kanila. "Itigil… Itigil niyo ang ginagawa niyo. Ta… Ta—""Tatawag ka ba ng pulis, Mr. Ludwig?" Walang emosyon siyang pinatigil ni Maisie. "Pwede mo naman yun gawin, pero ang problema lang, kaya mo ba?""Anong ibig mong sabihin?"Tumayo si Maisie at naglakad papunta sa takot na lalaki. Kinwelyohan niya ito at hinila papunta sa desk. Hinagis niya ang lalaki sa harap ni Mr. Ludwig, na gumulat sa kaniya.Hinawakan niya ang ulo ng lalaki at pinilit niya itong tumingin kay Mr. Ludwig. "Kilala mo ba ang lalaki na 'to?"Hindi sumagot si Mr. Ludwig.Tumingin si Maisie sa lalaki at sinabing, "Sabihin mo. Magkano ang binayad niya sa'yo para sa braso ni Kennedy?"Nababalisa na sumagot ang lalaki, "$15,000…""Bibigyan kita ng $150,000. Baliin mo ang isa niyang binti," Sabi ni Maisie habang may mala-demonyong ngiti sa kaniyang labi.Namutla ang mukha ni Mr. Ludwig. "B-Baliw ka ba?""Dahil sa kumuha ka ng tao para
Nakatingin si Maisie sa lahat ng nangyayari sa labas sa bintana ng sasakyan.Sinabi niya kay Saydie, "Pumunta tayo ng police station at ihatid 'tong mga material sa mga pulis."Ito ang rason kung bakit hindi niya pa binibigay ang "ebidensya." Kahit na wala ang mga bodyguard na yun, sasabihan niya pa rin si Saydie na gawin yun, at ngayon, natulungan niya na si Kennedy na maka ganti.Kahit na gustuhin ni Mr. Ludwig na isisi ang lahat sa kaniya, hindi niya yun magagawa dahil hawak niya ang mga materyal na 'to.Huminto ang sasakyan ni Nolan sa labas ng police station. Nang makita niya si Maisie at Saydie na lumabas sa police station, binaba niya ang bintana niya at nagtanong, "Hindi ba na-kontrol ang ibang bagay?"Lumapit si Maisie at yumuko sa bintana. Kumukurap ang mata na sinabing, "Oo, hindi gaanong na-kontrol. Nanghingi pa ako ng tulong para mabugbog siya."Hinawakan ni Nolan ang tungki ng ilong ni Maisie at sumagot, "Tama lang yun sa kaniya.""Paano kung makahanap siya
Niyuko ni Kennedy ang ulo niya at sinabi na, "Mukhang matinding leksyon 'to sa kaniya."Hindi lang sa nabali ang binti niya at na-hospital, mayroon din siyang kinakaharap na lawsuit, at pinatigil ang mga asset niya.Mayroong biglang naisip si Maisie at tinanong, "Nga pala, nagsabi ba yung babae na tumulong sayo nang gabi yun ng pangalan niya o address? Niligtas ka niya, kaya kailangan ko siyang pasalamatan sa personal."Bahagyang nabigla si Kennedy. Tapos ay ngumiti siya at sinabing, "Hindi, pero kailangan ko rin siyang pasalamatan kung magkakaroon ako ng pagkakataon na makita siya ulit."Lumabas si Maisie sa ward matapos samahan si Kennedy ng ilang oras. Nang naghihintay sila ng elevator ni Saydie sa corridor, bumukas ang pinto, at ang taong lumabas doon ay walang iba kundi si Maizie.Hindi kilala ni Maizie si Maisie, pero pamilyar sa kaniya ang babaeng nasa gilid ni Maisie. Sumulyap siya sa kaniya at mayroong naalala. Hinawakan niya ang braso ni Saydie at tinanong, "Ikaw ba
Sigurado si Maizie na pagtatawanan siya ng mga socialite na 'yun.Sa katunayan, wala siyang pakialam kung gusto man siyang pakasalan o hindi ni Helios. Ang inaalala niya lang ay ang tingin sa kaniya ng mga tao. At saka, gusto niyang makahanap ng katulad ni Nolan na mahal ang asawa.Isang outstanding at multi-talented si Helios at gwapo rin. Pero, actor siya at kailangan niyang mag shoot ng eksena kasama ang ibang actress.Sa kabilang banda, naiiba si Nolan. Base sa kaniyang imbestigasyon, wala gaanong interaksyon si Nolan sa ibang babae, at ang ex-wife niya lang ang tanging babae na mayroon siya hanggang ngayon. Lalaking tapat sa minamahal niya ang pinaka nakakaakit sa lahat.Sa Soul Jewelry…Nakatanggap ng tawag si Maisie kay Quincy. Sinabi niya kay Maisie na tatay ni Barbara ang humawak sa imbestigasyon kay Mr. Ludwig, at nagulat siya.Sinubukan niyang tanungin si Ryleigh sa WhatsApp tungkol doon, pero sa kasamaang palad, walang alam doon si Ryleigh. Kaya naman, alam niy
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng
Tumawa si Nick. “Hindi sapat na salita ang galit para gamitin.”“Kung gusto mong sumama sa amin o hindi, hindi ikaw ang magde-desisyon, Nick. Basta isa ka sa mga tagapagmana ng mga Wickam, kailangan mo bumalik sa akin!”Inilinaw ni Arthur ang sarili niya. Kahit na kailangan niyang itali ang anak niya at hilain pauwi, hindi siya tatanggap nang pagtanggi sa ganitong panahon.Kinabahan si Dylan at nagsimulang kabahan, natatakot siya na baka pilit na kunin si Nick ng mga lalaki na ‘yon.Sa oras na ‘yon, pumasok si Sunny sa training center gamit ang tungkod niya at sa suporta mi Mahina habang nakalagay ang kamay sa likod. “Yo, nag-iisip ako kung bakit maingay ang training center nang ganito kaaga. Nandito ka pala, Mr. Wickam.”Mukhang naiinis si Arthur. “Mr. Southern, bakit nasa Bassburgh ka rin?”“Nandito si Cam sa Bassburgh kaya natural lang para sa akin na pumunta dito. Ngayon, nag desisyon ako na pumunta at bisitahin ang estudyante ko. Hindi ko inaasahan na makikita kita.”Habang
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell