Nakatingin si Maisie sa lahat ng nangyayari sa labas sa bintana ng sasakyan.Sinabi niya kay Saydie, "Pumunta tayo ng police station at ihatid 'tong mga material sa mga pulis."Ito ang rason kung bakit hindi niya pa binibigay ang "ebidensya." Kahit na wala ang mga bodyguard na yun, sasabihan niya pa rin si Saydie na gawin yun, at ngayon, natulungan niya na si Kennedy na maka ganti.Kahit na gustuhin ni Mr. Ludwig na isisi ang lahat sa kaniya, hindi niya yun magagawa dahil hawak niya ang mga materyal na 'to.Huminto ang sasakyan ni Nolan sa labas ng police station. Nang makita niya si Maisie at Saydie na lumabas sa police station, binaba niya ang bintana niya at nagtanong, "Hindi ba na-kontrol ang ibang bagay?"Lumapit si Maisie at yumuko sa bintana. Kumukurap ang mata na sinabing, "Oo, hindi gaanong na-kontrol. Nanghingi pa ako ng tulong para mabugbog siya."Hinawakan ni Nolan ang tungki ng ilong ni Maisie at sumagot, "Tama lang yun sa kaniya.""Paano kung makahanap siya
Niyuko ni Kennedy ang ulo niya at sinabi na, "Mukhang matinding leksyon 'to sa kaniya."Hindi lang sa nabali ang binti niya at na-hospital, mayroon din siyang kinakaharap na lawsuit, at pinatigil ang mga asset niya.Mayroong biglang naisip si Maisie at tinanong, "Nga pala, nagsabi ba yung babae na tumulong sayo nang gabi yun ng pangalan niya o address? Niligtas ka niya, kaya kailangan ko siyang pasalamatan sa personal."Bahagyang nabigla si Kennedy. Tapos ay ngumiti siya at sinabing, "Hindi, pero kailangan ko rin siyang pasalamatan kung magkakaroon ako ng pagkakataon na makita siya ulit."Lumabas si Maisie sa ward matapos samahan si Kennedy ng ilang oras. Nang naghihintay sila ng elevator ni Saydie sa corridor, bumukas ang pinto, at ang taong lumabas doon ay walang iba kundi si Maizie.Hindi kilala ni Maizie si Maisie, pero pamilyar sa kaniya ang babaeng nasa gilid ni Maisie. Sumulyap siya sa kaniya at mayroong naalala. Hinawakan niya ang braso ni Saydie at tinanong, "Ikaw ba
Sigurado si Maizie na pagtatawanan siya ng mga socialite na 'yun.Sa katunayan, wala siyang pakialam kung gusto man siyang pakasalan o hindi ni Helios. Ang inaalala niya lang ay ang tingin sa kaniya ng mga tao. At saka, gusto niyang makahanap ng katulad ni Nolan na mahal ang asawa.Isang outstanding at multi-talented si Helios at gwapo rin. Pero, actor siya at kailangan niyang mag shoot ng eksena kasama ang ibang actress.Sa kabilang banda, naiiba si Nolan. Base sa kaniyang imbestigasyon, wala gaanong interaksyon si Nolan sa ibang babae, at ang ex-wife niya lang ang tanging babae na mayroon siya hanggang ngayon. Lalaking tapat sa minamahal niya ang pinaka nakakaakit sa lahat.Sa Soul Jewelry…Nakatanggap ng tawag si Maisie kay Quincy. Sinabi niya kay Maisie na tatay ni Barbara ang humawak sa imbestigasyon kay Mr. Ludwig, at nagulat siya.Sinubukan niyang tanungin si Ryleigh sa WhatsApp tungkol doon, pero sa kasamaang palad, walang alam doon si Ryleigh. Kaya naman, alam niy
Pagdating ng weekend…Sina Ryleigh at Maisie ang naunang dumating sa Antique Street, ang pinaka malaking antique trading market sa Bussburgh. Bukod sa ceramics at gems, mayroon ding painting collection, at mga ancient jewelry.Ang lugar na 'to ay isang ancient street na binubuo ng dalawang block at eleganteng building. Maraming kakainang antique at local specialty delicacies na binebenta sa mga stalls at shops na makikita sa lahat ng street.Naghihintay na sina Ryleigh at Maisie sa labas ng auction building kung saan gaganapin ang gem-hunting event nang makita nila si Barbara na papalapit sa kanila na mayroong dalawang bodyguard."Pasensya na, naghintay siguro kayo nang matagal." Lumapit si Barbara sa kanila at nahihiyang ngumiti. "Hindi ko inakala na maraming tao ngayong weekend dito kaya hindi makadaan ang sasakyan ko. Natagalan ako bago nakahanap ng parking space."Ngumiti si Maisie. "Ayos lang. Kadarating lang namin ni Ryleigh."Tumango si Barbara. "Mabuti naman. Nag-re
Hindi ako masyadong kilala ni Barbara. Nakapag-usap lang kami nang pinakilala ako ni Ryleigh sa grupo nila.'Kung matagal ko na siyang kakilala, na sobrang lapit ko sa kaniya at pamilyar, maiintindihan ko kung bakit niya ako tinutulungan. Pero hindi sinabihan ni Ryleigh si Barbara ma tulungan ako, kaya hindi ko masabi na hindi ako nagdududa.'Napatigil si Ryleigh. "Tinutukoy mo ba yung may-ari ng Passion Jewelry?"Lumingon siya sa paligid at inangat ang ulo niya para hinaan ang kaniyang boses. "Tinulungan ka ni Barbara roon?"Tumango si Maisie.Nag thumbs up si Ryleigh habang nakangiti. "Mukhang matapat siya. Handa siyang tulungan ka kahit na hindi mo pa naman siya matagal na kakilala."Napangiti na lang si Maisie. "Tinulungan niya ako ng walang rason? Ano sa tingin mo?""Ms. Vanderbilt," Tawag ni Barbara sa kaniya sa hindi kalayuan.Lumingon si Maisie at nakita na kinakawayan sila ni Barbara.Lumapit silang dalawa sa kaniya. Nagtataka si Barbara sa dalawang raw gemst
Nilibot ni Maisie ang paningin niya.'Nasaan si Ryleigh?'Binanlawan ni Ryleigh ang mukha niya ng tubig sa banyo at mukhang gulat.'Kahit na nakasuot siya ng mask, ang lalaking yun ay tito ni Helios kung hindi ako nagkakamali. At ang babae na kasama niya ay hindi ang tita niya. Niloloko ba ng tito ni Helios ang asawa niya?'Hindi, kailangan ko bumalik at tingnan nang maayos.'Kinuha ni Ryleigh ang mask niya at lumabas ng banyo. Kasusuot niya lang ng mask niya nang bumangga siya sa isang tao sa gilid ng corridor.Napaatras siya, at agad siyang tinulungan ng lalaki. Narinig niya ang pamilyar na boses bago pa niya makita ang tao. "Ryleigh Hill?"Hinawakan ni Ryleigh ang mask niya at inangat ang ulo. Kahit na nakasuot ng mask ang matangkad na lalaki sa harapan niya, pamilyar ang jawline niya, lalo na ang boses niya."Bakit alam mo pa rin na ako 'to?" Inayos niya ang dress niya.Narinig niya sa ibabaw ng ulo niya ang malalim na singhal ni Louis. "Makikilala kita kahit ilang
Agad na nanigas si Ryleigh nang marinig niya nandito si Tita Boucher. Mayroon siyang naisip nang oras na yun at biglang natahimik.Pinulupot ni Barbara ang braso niya kay Maisie. "Wow, mayroon pa lang couple dito. Bigla kaming nagmukhang kawawa."Syempre, alam ni Barbara ang tungkol sa kasal ni Ryleigh at Louis.Isang pangungusap lang ay sapat na para mapikon si Ryleigh at hinila niya si Maisie papunta sa tabi niya. "Sino nagsabi sa'yo na couple kami? Paano mo ko nagawang siraan nang harap-harapan?"Hinila ulit ni Barbara si Maisie papunta sa kaniya. "Kahit na hindi kayo couple ngayon, magiging mag asawa naman kayo sa hinaharap."Walang emosyon si Maisie dahil sa paghila sa kaniya ng dalawa. Mabuti na lang, magsisimula na ang auction, at tumigil sila sa pagpapanggap na parang mga batang nag aagawan sa manika.Pumasok sila sa venue, kung saan mayroong sapat na upuan para sa isang libo na tao. Ang ni-reserve na upuan ni Barbara ay nasa first row, malapit sa auction platform.
Labis na kahihiyan ang makikita sa ekspresyon ng lalaki.Nagsimula ang bidding para sa Raw Gemstone #2 matapos ang ilang sandali, at tinaas ni Barbara ang placard niya. "7.5 million."Nagulat ang lahat na 7.5 million dollars na agad ang unang bid. Kung tutuusin, walang laman na malaking gem ang Raw Gemstone #6, kaya iniisip ng iba kung mayroon bang laman ang Raw Gemstone #2. Pero, ito na lang ang tanging gemstone na pwede sila mag bid.Hindi na sinubukan ng lalaki na itaas ang placard niya. Gumastos siya ng 15 million dollars para sa isang bato, pero isang maliit na gem lang ang laman nun. Kaya naman, nanalo si Mrs. Boucher sa bidding ng Raw Gemstone #2 sa halagang 12.5 million dollars.Napansin ni Maisie na parang sinadya ni Barbara na ibigay ang raw gemstone kay Mrs. Boucher.'Ang starting bid ni Barbara ay 7.5 million, na nagpapakita na mayroon siyang malaking pera, pero hindi niya kinalaban si Mrs. Boucher sa huli. Pero hindi ko malaman kung mayroon siyang ibang motibo o
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng
Tumawa si Nick. “Hindi sapat na salita ang galit para gamitin.”“Kung gusto mong sumama sa amin o hindi, hindi ikaw ang magde-desisyon, Nick. Basta isa ka sa mga tagapagmana ng mga Wickam, kailangan mo bumalik sa akin!”Inilinaw ni Arthur ang sarili niya. Kahit na kailangan niyang itali ang anak niya at hilain pauwi, hindi siya tatanggap nang pagtanggi sa ganitong panahon.Kinabahan si Dylan at nagsimulang kabahan, natatakot siya na baka pilit na kunin si Nick ng mga lalaki na ‘yon.Sa oras na ‘yon, pumasok si Sunny sa training center gamit ang tungkod niya at sa suporta mi Mahina habang nakalagay ang kamay sa likod. “Yo, nag-iisip ako kung bakit maingay ang training center nang ganito kaaga. Nandito ka pala, Mr. Wickam.”Mukhang naiinis si Arthur. “Mr. Southern, bakit nasa Bassburgh ka rin?”“Nandito si Cam sa Bassburgh kaya natural lang para sa akin na pumunta dito. Ngayon, nag desisyon ako na pumunta at bisitahin ang estudyante ko. Hindi ko inaasahan na makikita kita.”Habang
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell