Hindi sumagot si Kennedy, pero alam na ni Maisie, at nagdilim ang mukha niya. "Sige, pagbabayarin ko ang Passion."Hindi rin siya santo. Gaganti siya sa pagdamay nila sa malapit sa kaniyang tao.Nag-alala si Kenny. "Zee, hindi nila ito hahayaan. Nalaman na siguro ng may-ari ng Passion na may kinalaman ang expose nila sa Soul, kaya gagawa sila ng paraan para makaganti."Ngumiti siya. "Alam ko ang gagawin."Umalis si Maisie at Nolan, pero hindi niya maiwan na mag-isa si Kennedy sa hospital. "Nolan, pwede mo ba sabihan si Quincy na magpadala ng tao na magbabantay kay Tito Kennedy?"Alam ni Nolan na nag-aalala siya na baka balikan ng mga tao na yon si Kennedy sa hospital, kaya tinawagan niya si Quincy.Lumapit sa kaniya si Nolan ng huminto sila sa red light pauwi. "Gawin mo ang gusto mo, Zee. Kahit na ma-bankrupt mo ang Passion, wala akong pakialam. Ako ang magbabayad sa'yo."Tumawa si Maisie. "Kung maba-bankrupt ang Passion, hindi ba't mawawalan ng trabaho ang mga empleyado
Kakaiba nga talaga ang may-ari ng Passion Jewelry. Humanap siya ng lawyer at kinasuhan ang Soul Jewelry sa paninira, na nagpakalat sa publiko ng alitan nila.Nagsaya ang mga netizens sa alitan sa pagitan ng dalawang kumpanya habang iniisip nila kung sino ang mananalo sa huli. Ilan sa kanila ang nagsasabi na lumalaki na ang ulo ng Soul Jewelry dahil sa atensyon na nakukuha nila, pero sabi naman ng iba ay dapat lang yun sa Passion Jewelry.Nakatingin si Maisie sa data sa tablet habang nakaupo sa kaniyang office. Isa sa mga staff member ang kumatok sa pinto at pumasok. "Ms. Vanderbilt, sabi ng Passion Jewelry ay kakasuhan nila tayo ng defamation."Sumagot si Maisie nang hindi inaangat ang ulo niya, "Hayaan mo sila."Sa oras din na yun, pumasok si Saydie kasama ang isang lalaki. Sinipa niya ito sa sahig, na gumulat sa staff member."Sino ang lalaking 'yan?""Yung lalaki na nanakit kay Tito Kennedy." Sa Passion Jewelry…Lumabas si Maisie sa sasakyan habang nakasuot mg sungl
Hirap na tumayo si Mr. Ludwig sa sahig at namumutla na tumingin sa kanila. "Itigil… Itigil niyo ang ginagawa niyo. Ta… Ta—""Tatawag ka ba ng pulis, Mr. Ludwig?" Walang emosyon siyang pinatigil ni Maisie. "Pwede mo naman yun gawin, pero ang problema lang, kaya mo ba?""Anong ibig mong sabihin?"Tumayo si Maisie at naglakad papunta sa takot na lalaki. Kinwelyohan niya ito at hinila papunta sa desk. Hinagis niya ang lalaki sa harap ni Mr. Ludwig, na gumulat sa kaniya.Hinawakan niya ang ulo ng lalaki at pinilit niya itong tumingin kay Mr. Ludwig. "Kilala mo ba ang lalaki na 'to?"Hindi sumagot si Mr. Ludwig.Tumingin si Maisie sa lalaki at sinabing, "Sabihin mo. Magkano ang binayad niya sa'yo para sa braso ni Kennedy?"Nababalisa na sumagot ang lalaki, "$15,000…""Bibigyan kita ng $150,000. Baliin mo ang isa niyang binti," Sabi ni Maisie habang may mala-demonyong ngiti sa kaniyang labi.Namutla ang mukha ni Mr. Ludwig. "B-Baliw ka ba?""Dahil sa kumuha ka ng tao para
Nakatingin si Maisie sa lahat ng nangyayari sa labas sa bintana ng sasakyan.Sinabi niya kay Saydie, "Pumunta tayo ng police station at ihatid 'tong mga material sa mga pulis."Ito ang rason kung bakit hindi niya pa binibigay ang "ebidensya." Kahit na wala ang mga bodyguard na yun, sasabihan niya pa rin si Saydie na gawin yun, at ngayon, natulungan niya na si Kennedy na maka ganti.Kahit na gustuhin ni Mr. Ludwig na isisi ang lahat sa kaniya, hindi niya yun magagawa dahil hawak niya ang mga materyal na 'to.Huminto ang sasakyan ni Nolan sa labas ng police station. Nang makita niya si Maisie at Saydie na lumabas sa police station, binaba niya ang bintana niya at nagtanong, "Hindi ba na-kontrol ang ibang bagay?"Lumapit si Maisie at yumuko sa bintana. Kumukurap ang mata na sinabing, "Oo, hindi gaanong na-kontrol. Nanghingi pa ako ng tulong para mabugbog siya."Hinawakan ni Nolan ang tungki ng ilong ni Maisie at sumagot, "Tama lang yun sa kaniya.""Paano kung makahanap siya
Niyuko ni Kennedy ang ulo niya at sinabi na, "Mukhang matinding leksyon 'to sa kaniya."Hindi lang sa nabali ang binti niya at na-hospital, mayroon din siyang kinakaharap na lawsuit, at pinatigil ang mga asset niya.Mayroong biglang naisip si Maisie at tinanong, "Nga pala, nagsabi ba yung babae na tumulong sayo nang gabi yun ng pangalan niya o address? Niligtas ka niya, kaya kailangan ko siyang pasalamatan sa personal."Bahagyang nabigla si Kennedy. Tapos ay ngumiti siya at sinabing, "Hindi, pero kailangan ko rin siyang pasalamatan kung magkakaroon ako ng pagkakataon na makita siya ulit."Lumabas si Maisie sa ward matapos samahan si Kennedy ng ilang oras. Nang naghihintay sila ng elevator ni Saydie sa corridor, bumukas ang pinto, at ang taong lumabas doon ay walang iba kundi si Maizie.Hindi kilala ni Maizie si Maisie, pero pamilyar sa kaniya ang babaeng nasa gilid ni Maisie. Sumulyap siya sa kaniya at mayroong naalala. Hinawakan niya ang braso ni Saydie at tinanong, "Ikaw ba
Sigurado si Maizie na pagtatawanan siya ng mga socialite na 'yun.Sa katunayan, wala siyang pakialam kung gusto man siyang pakasalan o hindi ni Helios. Ang inaalala niya lang ay ang tingin sa kaniya ng mga tao. At saka, gusto niyang makahanap ng katulad ni Nolan na mahal ang asawa.Isang outstanding at multi-talented si Helios at gwapo rin. Pero, actor siya at kailangan niyang mag shoot ng eksena kasama ang ibang actress.Sa kabilang banda, naiiba si Nolan. Base sa kaniyang imbestigasyon, wala gaanong interaksyon si Nolan sa ibang babae, at ang ex-wife niya lang ang tanging babae na mayroon siya hanggang ngayon. Lalaking tapat sa minamahal niya ang pinaka nakakaakit sa lahat.Sa Soul Jewelry…Nakatanggap ng tawag si Maisie kay Quincy. Sinabi niya kay Maisie na tatay ni Barbara ang humawak sa imbestigasyon kay Mr. Ludwig, at nagulat siya.Sinubukan niyang tanungin si Ryleigh sa WhatsApp tungkol doon, pero sa kasamaang palad, walang alam doon si Ryleigh. Kaya naman, alam niy
Pagdating ng weekend…Sina Ryleigh at Maisie ang naunang dumating sa Antique Street, ang pinaka malaking antique trading market sa Bussburgh. Bukod sa ceramics at gems, mayroon ding painting collection, at mga ancient jewelry.Ang lugar na 'to ay isang ancient street na binubuo ng dalawang block at eleganteng building. Maraming kakainang antique at local specialty delicacies na binebenta sa mga stalls at shops na makikita sa lahat ng street.Naghihintay na sina Ryleigh at Maisie sa labas ng auction building kung saan gaganapin ang gem-hunting event nang makita nila si Barbara na papalapit sa kanila na mayroong dalawang bodyguard."Pasensya na, naghintay siguro kayo nang matagal." Lumapit si Barbara sa kanila at nahihiyang ngumiti. "Hindi ko inakala na maraming tao ngayong weekend dito kaya hindi makadaan ang sasakyan ko. Natagalan ako bago nakahanap ng parking space."Ngumiti si Maisie. "Ayos lang. Kadarating lang namin ni Ryleigh."Tumango si Barbara. "Mabuti naman. Nag-re
Hindi ako masyadong kilala ni Barbara. Nakapag-usap lang kami nang pinakilala ako ni Ryleigh sa grupo nila.'Kung matagal ko na siyang kakilala, na sobrang lapit ko sa kaniya at pamilyar, maiintindihan ko kung bakit niya ako tinutulungan. Pero hindi sinabihan ni Ryleigh si Barbara ma tulungan ako, kaya hindi ko masabi na hindi ako nagdududa.'Napatigil si Ryleigh. "Tinutukoy mo ba yung may-ari ng Passion Jewelry?"Lumingon siya sa paligid at inangat ang ulo niya para hinaan ang kaniyang boses. "Tinulungan ka ni Barbara roon?"Tumango si Maisie.Nag thumbs up si Ryleigh habang nakangiti. "Mukhang matapat siya. Handa siyang tulungan ka kahit na hindi mo pa naman siya matagal na kakilala."Napangiti na lang si Maisie. "Tinulungan niya ako ng walang rason? Ano sa tingin mo?""Ms. Vanderbilt," Tawag ni Barbara sa kaniya sa hindi kalayuan.Lumingon si Maisie at nakita na kinakawayan sila ni Barbara.Lumapit silang dalawa sa kaniya. Nagtataka si Barbara sa dalawang raw gemst
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa