“Soul?” Hindi sigurado si Kennedy.“Mayroong halaga ang bawat design. Kahit na inanimate object lang sila, kung wala itong soul, walang kahulugan ang pagkakagawa nito.”Matapos marinig ang interpretasyon, tumango si Kennedy habang nakapalumbaba. Isang malalim na boses mula sa likod ng pinto ang narinig nang magsasalita na sana si Kennedy.Nanigas ang ngiti ni Maisie nang makita niyang pumasok si Nolan. Bakit siya narito?Tumango si Kennedy kay Nolan.Tiningnan siya ni Nolan. “Kayo siguro si Mr. Kennedy Fannon. Narinig ko ang tungkol sa inyo sa jewelry world ng Bassburgh.”Ngumisi si Kennedy. “Isang karangalan na marinig niyo ang tungkol sa akin.”“Mr. Goldmann, anong sadya niyo rito?” Ngumisi si Maisie. Ngayong alam niya na siya ang lalaki six years ago, medyo masama ang loob niya.Mahinahon niyang sinabi, “Dahil isa itong partnership, hindi ba dapat alam ko ang preparasyon para sa jewelry brand ng Blackgold?”Ngumiti si Maisie pero hindi sumagot. Alam niyang hindi
Nasurpresa si Kennedy. “Anong problema kay Mr. Goldmann?”Nagkibit-balikat si Maisie. “Wala akong ideya. Baka ayaw niya nang mag-tsaa.”Sa Vanderbilt Manor…Natataranta si Leila habang naglalakad-lakad sa living room. Hindi pa rin niya alam ang resulta ng test pagkatapos ng kalahating araw na paghihintay.Nakasuot ng mask si Willow habang nakasandal sa couch. Nang makita kung gaano nag-aalala ang nanay niya, sinabi niya, “Mom, walang magagawa ang paglalakad-lakad mo. Kailangang umalis ng mga bata, kahit ano pa man ang resulta ng test.”Nagulat si Leila at napalingon kay Willow. “Anong ibig mong sabihin?”“Kapag mayroong nangyari sa mga bastardong iyon, malalaman natin kung sino ang babaeng nagtatago sa likod nila.”Hinubad ni Willow ang mask. Nakahanda na ang mga gagawin niya. Kailangan niyang malaman kung sino ang babaeng nasa likod ng mga bata kahit ano pa man ang resultang dumating sa kanila!Nag-aalala nang kaunti si Leila. “Pero paano kung mayroong makaalam ng gina
“Mister, pwede mo ba akong talian ng bow?” Umiyak ulit si Daisie at nagsimulang tumulo ang luha sa kaniyang mga pisngi.“Tumigil ka na sa pag-iyak!” Garalgal na ang boses ng lalaki sa sobrang lakas ng sigaw nito.Sa gulat ni Daisie, tinikom niya ang mga labi at tahimik na humikbi habang nakatitig sa lalaki.Tinalian siya ng bow ng lalaki, tumayo at sumunod sa lalaking naka-brush-cut. “Sa tingin mo ba ay wala na sa sarili si Ms. Vanderbilt? Babayaran niya talaga tayong dalawa ng $80,000 kada isa para lang kidnapin ang dalawang ito…”“Bakit, masiyado bang malaki iyon sa iyo?” Kumuha ng sigarilyo ang lalaking naka brush-cut at sinindihan ito, “Pwede ka nang umalis ngayon kung ayaw mo nang tumuloy. Kaya ko nang mag-isa ang dalawang bastardong iyan!”“Siyempre, sasama ako. Paano ako makakatanggi sa trabahong ito? Sinasabi ko lang na sobrang dali nito para sa perang matatanggap natin.” Ngumisi nang malawak ang lalaki.‘$160,000 ang halaga ng dalawang bata. Kung apat ang kikidnapi
“Kayo… Kayo si Mr. Nolan Goldmann, hindi ba? Kung… kung… kung gusto mong mailigtas ang mga batang ito, bayaran mo kami ng $1,600,000. Kung hindi, papatayin namin sila!”Lumalim nang sobra ang mga mata ni Nolan at matalim ang tingin niya nang tingnan si Quincy na nakatayo naman sa tabi niya.Tila naintindihan naman ito kaagad ni Quincy, kinuha niya ang kaniyang coat, at umalis sa opisina kasama ni Nolan.“Babayaran kita ng ransom na hinihingi mo. Gayunpaman, kahit magasgasan lang nang kaunti ang mga bata, maghanda ka nang mamatay nang durog-durog.” Nag-iwan ng banta si Nolan at saka binaba ang tawag.Inabot niya ang phone kay Quincy. “I-trace mo ang tawag.”Ang lalaking binabaan ng tawag ay lumapit sa lalaking naka brush-cut. “Pare, babayaran tayo ni Mr. Goldmann!”Hindi nagsalita ang lalaking naka brush-cut, kahit na nagulat siya sa resulta.‘Handang magbayad si Mr. Goldmann ng $1,6000,000 kapalit ng mga bata.’Habang nag-iisip ang lalaking naka brush-cut, nagawa nang m
Medyo nagulat si Nolan. ‘Matatalino talaga ang dalawang batang ito.’Gayunpaman, nang tingnan niya si Waylon, napansin niyang tila walang emosyon ang mga mata nito. Kaya naman, binaba niya si Daisie at lumapit kay Waylon.“Mr. Goldmann, narito ka rin?” Nagulat si Angela.‘Dahil din ba sa dalawang batang ito?’Tumango si Nolan sa kaniya, ngunit nang itaas niya ang kamay para hawakan ang ulo ni Waylon, iniwasan ito ni Waylon. “Huwag mo akong hawakan. Kung hindi dahil sa iyo, hindi kami makikidnap.”Kumunot ang noo ni Nolan habang tahimik na tinititigan si Waylon.‘Nakidnap sila dahil sa akin?’Patakbong lumapit si Daisie at hinawakan ang kamay ni Waylon. “Waylon, huwag mong sabihin iyan.”“Bakit hindi dapat sabihin? Narinig kong nag-uusap ang dalawang kidnapper kanina. Lahat ng nangyari ay dahil sa girlfriend niya!”Habang nakatingin sa mga luha na nangingilid at galit sa mga mata ni Waylon, nagulat si Nolan.Masama naman ang ekspresyon ni Quincy.“Girlfriend ni Mr.
‘Leila Scott, Willow Vanderbilt, kayo ang naunang gumipit sa akin!’Sa mansyon ng mga Goldmann…Isang kotse ang dahan-dahang minamaneho sa isang maberdeng daan. Ang parehong panig ng daan ay nababalot ng mga puno, habang unti-unti namang makikita ang sculpture fountain sa gitna ng square.Sa likod ng sculpture fountain, isang mansyong European-style na mukhang lumang kastilyo ang nakatayo sa gitna ng courtyard, napaka-engrande nito.“Mister, ganito kalaki ang bahay niyo kahit mag-isa lang kayo?” Pinagmasdan ni Daisie ang marangyang mansyon na mas malaki nang sobra kaysa sa kanilang bahay!Nagpalinga-linga ang mga mata ni Nolan, “Pwede kayong tumira dito kung gusto niyo.’‘Hindi na rin naman iyon magtatagal.’Lumingon sa ibang direksyon si Waylon. “Hindi namin gugustuhin.”Ngumiti si Nolan at walang sinabi.Huminto ang kotse sa labas ng front door, lumapit naman ang butler na naghihintay sa labas ng pinto at binuksan ang back seat door. Pero, nagulat siya nang makita a
Nagsimulang mataranta si Leila. ‘Paninindigan ng babaeng iyon ang mga sinasabi niya.’Kinagat ni Willow ang kaniyang labi. “Hindi pwede iyon. Kung patay na sila, hayaan na lang natin–”“Hindi, hindi pwede!” Lumapit sa kaniya si Leila. “Nilinaw ng babaeng iyon ang sinabi niya. Kapag namatay ang mga bata, sasabihin niya kay Mr. Goldmann ang nangyari six years ago at aagawin niya ito mula sa iyo. Tandaan mo, alam niya na ngayon na si Mr. Goldmann ang lalaki nang gabing iyon.”Kinuyom ni Willow ang kaniyang mga kamao.“Bwisit! Gusto ko lang naman takutin si Maisie, pero tingnan mo ang gulong ito. Mas lalong nagiging kumplikado ang lahat!’“O kaya naman ay puntahan ko si Nolan. Kailangan ko lang sabihin sa kaniya ang balita at ipahanap sa kaniya ang mga bata. Baka hindi ako pagdudahan ni Nolan kapag ganoon!” Akala ni Willow ay ito ang paraan para makalabas sa gulong ito.Akala rin ni Leila ay magandang ideya iyon kaya naman pinilit niyang umalis si Willow.…Nakatitig ang dalaw
Naawa si Quincy sa mababang IQ ni Willow.Pumunta ito rito, nag-volunteer na tumulong, at ibinuko ang sarili na alam niyang nakidnap ang mga bata. Hindi ba’t parang inaamin niya na sangkot siya sa kasong ito?”Tumalim ang tingin ni Nolan. “Sino sila sa iyo?”“I—”“Kilala mo ba kung sino ang nanay nila?”Nagbago ang ekspresyon ni Willow. Hindi, bakit niya nakalimutan na hindi ito alam ni Nolan?“Nolan, N…narinig kong pinag-uusapan ito ng ibang tao.”“Sino ang mga taong iyon?” Hindi tinago ni Nolan ang kaniyang inis.Nanginig si Willow, unti-unting namutla ang kaniyang mukha. “Nolan, sa tingin mo ba ay ginawa ko ito? Kilalang-kilala mo ako. Hindi ko ito gagawin!”Oo, noong una ay mahinhin at malambot ang tingin niya kay Willow, na wala itong gagawing masama.Gayunpaman, hindi niya pa rin alam ang totoong pagkataong itinatago ng babaeng ito sa anim na taon nilang pagsasama. Gaano kahalang ang bituka ng isang tao para manakit ng mga bata?“Hindi ka na dapat pumupunta
Hinila ni Leah ang luggage niya at pinasok sa trunk ng sasakyan niya, lumingon siya sa manager. “Salamat pero sa tingin ko ay hindi ko na kailangan.”“Ms. Younge…”“May nangyari ba?”Nang marinig ang ibang boses, lumingon si Leah at nakita si Dennis na palabas mg sasakyan at papalapit sa kanilang dalawa.Bahagyang tumangonang manager. “Mr. Clarke.”Naningkit ang mata ni Leah. “Magkakilala kayo?”Nakangiting nagpaliwanag si Dennis, “Ako ang may-ari ng hotel na ito pero hindi ko inakala na nandito ka.”Nagulat si Leah. “Ganoon ba?”“Anong nangyari?” Tinanong ni Dennis ang manager para magpaliwanag at tapat na sumagot ang manager.Kumunot si Dennis. “Kapag may nangyari na ganoon, dapat tanggalin ang empleyado.”“P-Pero kulang na ng tao ang hotel ngayon at mukhang mahihirapan na tayo mag-recruit ng panibago kapag tinanggal natin siya.” Hindi mapigilan ng manager na makaramdam na parang sumusobra naman si Dennis sa desisyon niya.Malamig siyang tiningnan ni Dennis. “Kung nakagaw
Nagulat si Leah.‘Posible kaya na si Morrison ‘yon?’Pumunta si Leah sa pinto at bubuksan na sana ‘yon nang bigla niyang narinig ang boses ni Morrison. “Sino ka ba?”Hindi nagtagal pagkatapos non ay may kaguluhan na nagmula sa kabilang banda ng pinto sa corridor.Agad na binuksan ni Leah ang pinto at lumabas, nakita niya si Morrison na parang may hinahabol pero mabilis ang paa ng tao na ‘yon.“Morrison!” sigaw ni Leah.Lumingon siya sa dulo ng corridor at galit na sumigaw, “Hindi mo na naman binasa ang text na sinend ko sa'yo, ano!?”Natigil ang nasigawab na si Leah at nagtataka ang ekspresyon, “Anong text message ang sinasabi mo?”Huminga nang malalim si Morrison at suminghal sa inis. “Pwede mong itapon ang cell phone mo kung wala kang plano na gamitin. Nag-text ako sa'yo, sinabihan kita na huwag bubuksan ang pinto kahit na may marinig ka na katok sa pinto. Sa tingin ko hindi ka naman takot mamatay, huh?”‘Kung hindi ko siya binantayan para sa ganoong insidente, sa tingin ko
Nililinis ni Leah ang damit niya at bahagya siyang nagulat nang marinig kung ano ang sinabi ng lalaki. Inangat niya ang kaniyang ulo para tingnan siya at ngumiti. “Hindi na ‘yon kailangan. Salamat.”Pagkatapos non, umalis siya.Tiningnan ni Dennis ang direksyon kung saan pumunta si Leah nang may pilyo na ngiti sa kaniyang mukha.Pagkatapos ni Leah pumunta sa banyo, hinubad niya ang kaniyang jacket. Sinubukan niyang linisin ang mantsa ng kape sa kaniyang jacket pero walang nangyari. Kaya naman, wala siyang ibang magawa kundi maghintay na makauwi bago niya malabhan ang jacket.Pero, mukhang masyadong masigla para sa kaniya ang lalaki na Dennis ang pangalan.‘Kasing sigla ba niya lahat ng lalaki sa Stoslo?’ naiisip niyang tanong.Nang tanghali, sinabit ni Leah ang jacket sa kaniyang braso. Isang sasakyan ang huminto sa harap niya nang lumabas siya ng building. Ibinaba ng driver ang bintana at ang nandoon ay walang iba kundi si Dennis.“Pasensya na talaga at namantsahan ko ng kape a
Binalik ni Diana si Tic sa stroller at sinabing, “Hindi ako magaling magbigay ng pangalan. Tanungin mo ang dad mo. Mas magaling siya sa akin dito.”Tumango si Nollace. “Kung ganoon, Dad, kailangan ko ng tulong mo na alagaan mula sila sandali.”Nagulat si Rick. “Ano? Ako?”“Ang tagal na nang huling pagkakataon namin ni Daisie na maglaan ng oras para sa isa't isa,” galit na sinabi ni Nollace.Matagal na nang huling nagkaroon sila nang intimate activity at mas imposible pa ‘yon na mangyari ngayon lalo na’t kasama nila ang tatlong bata.Sa sobrang kahihiyan ni Daisie ay gusto niyang humanap ng butas at ilibing ang sarili niya. Hindi niya alam kung bakit nagagawa ni Nollace na magsabi nang bagay na nakakahiya sa magulang nila.Hindi nagtagal, tinanggap ni Rick ang tungkulin sa pag-aalaga ng tatlong bata. At para kay Daisie at Nollace, kung wala ang mga bata sa paligid nila, nakadikit lang si Nollace kay Daisie mula umaga hanggang gabi. Pareho nilang sinamantala ang mga araw at parang
“Kung tutuusin, kadalasan na iniisip ng mga lalaki na responsibilidad ng babae na alagaan ang anak nila at dapat matuwa ang babae kapag handa silang tumulong paminsan-minsan. Ang iba sa mga lalaki ay ayaw pa na alagaan ang anak nila. Naiintindihan ng asawa mo na naghirap ka sa panganganak kaya naniniwala ako na magiging mabuting ama siya,” sabi ng nanny.Nagulat si Daisie.Ang totoo niyan ay pakiramdam niya na tama ang nanny. Swerte talaga siya. Kung tutuusin, kadalasan ay si Nollace ang nag-aalaga sa mga bata.Kapag umiiyak ang anak nila sa kalaliman ng gabi, siya ang maghahanda ng gatas at pagagaanin ang loob ng mga ito.Tumingin siya sa tatlong baby at malaki ang mga ngiti, “Mabuti nga siyang ama.”Nang gabi, umakyat si Nollace sa taas para hanapin si Daisie pagkauwi niya.Nang hindi niya makita si Daisie sa kwarto, pumunta siya sa baby room at nakita na natutulog ito kasama ang mga anak nila.Inilagay ni Nollace ang jacket sa likod ng upuan at lumapit sa kama.Nakakatuwa an
Ngumiti si Estelle at sinabing, “Masaya kami na nandito ka. Hindi ka na dapat nagdala pa ng regalo.”Dinala siya ni Gordon at Estelle sa living room. Hindi madali kay James na umalis sa kaniyang shooting at pumunta rito kaya naman sinabihan nila ang kanilang mga katulong na maghanda nang masasarap na pagkain.Maraming tanong sa kaniya si Estelle katulad kung ano ang pelikula na sinu-shoot niya ngayon at handa niya itong sinagot lahat. Masaya siya sa katapatan nito at mapagkumbabang ugali.“Nakakapagod siguro maging aktor, ano?”Pinagkrus ni James ang mga daliri niya at nakangiting sumagot, “Oo, nakakapagod nga. Pero wala namang madaling trabaho sa mundo.”“Ayos lang lang yon. Naiintindihan naming lahat kung gaano kahirap at nakakapagod ang pagiging aktor. Pero sana alagaan mo ang kalusugan mo kahit na gaano ka pa ka abala,” mahinahon na sinabi ni Estelle.Hindi alam ni James kung bakit siya na-konsensya sa maayos na trato ng mga ito sa kaniya. Kung tutuusin, hindi sila totoong ma
Sapat na ang tatlong taon. At saka at least, hindi na kailangan ni Giselle pumunta pa sa mga blind date.Sa ngayon, kung wala sa kanila ang makahanap ng better partner o kung mahulog ang loob nila sa ibang tao, pwede naman nila isawalang-bisa ang kanilang kasunduan. Sa madaling salita, ginagamit lang nila ang isa't isa sa ngayon bilang proteksyon.“Dad, Mom, masyado lang kayong nag-iisip. Kahit na subukan namin na mag-date, kailangan pa rin namin ng oras. Paano kung hindi pala kami magkasundo pagkatapos ng kasal? Makikipag-divorce ba ako?”Naramdaman nila Gordon at Estelle na tama ang kanilang anak kaya hindi na sila nagpumilit. Tumayo si Giselle at sinabi, “Alright, hindi niyo kami kailangan alalahanin.” Matapos iyon, pumunta na si Giselle sa taas.Nagkatinginan sila Estelle at Gordon at suminghal.…Pumunta si James sa common room at hinanap si Donny. “Umm, Mr. Winslow…”Nang makita na may sasabihin si James, tumingin si Donny. “Yeah?”“Pwede ko bang tapusin ngayon lah
Nang pumasok si Leah sa kotse, sinuot niya ang kaniyang seatbelt. Pumasok na rin si Morrison at nagmaneho.Habang nasa byahe, nakatingin lang si Leah sa bintana at hindi nagsasalita. Tiningnan siya ni Morrison. “Nagtitiwala ka talaga. Hindi ka ba nag-aalala na baka may gawin akong masama sayo?”Tumingin si Leah sa kaniya. “Hindi mo ‘yon gagawin.” “Paano mo naman naisip? Huwag ka masyadong magtiwala sa mga lalaki.”“Pati sayo?” Tanong ni Leah. Tumikhim si Morrison. “Pwede mo naman ako isama.”Biglang natawa si Leah. “Kaibigan mo si Wayne, at may malaki na yung ibig sabihin tungkol sayo. At saka, hindi mo naman ako pinagsamantalahan dati kaya nagtitiwala na ako sayo.”Napahinto si Morrison. “Hindi ka nahihiyang maalala ang araw na ‘yon?” Hindi pa nakaramdam ng kahit anong hiya si Morrison tulad ng nangyari noong gabing ‘yon.Nang makarating na si Leah sa hotel na kaniyang pupuntahan, bigla siyang napahinto nang lumabas siya ng kotse, at tumalikod siya. “Dahil sinundo mo nam
Sumagot si Beatrice. “Si Daddy nga nagbabalat ng shrimp mo. Hindi ka rin naman nahihiya.”Walang masabi si Barbara pero tumawa sila Ryleigh at Maisie.Makikita na ang buwan sa langit. Suminag ang liwanag sa kanila, at sobrang masaya ang senaryo.…Matapos ang wedding, dinala ni Freyja ang anak niya at si Colton sa Kong Ports. Pumunta rin ang mag-ama doon para magbakasyon.Pumunta sila Waylon at Cameron sa Tayloryon para pag-aralan nila paano mag-alaga ng baby para hindi sila magkaproblema pag dumating na ang kanila.Isang trainee dad si Nollace, at isang soon-to-be dad naman si Waylon. Sinusubukan nila ang kakayahan ng isa't isa. Hindi makapagsalita sila Daisie at Cameron sa ginagawa ng dalawa. Tinanong ni Cameron, May naisip na ba kayong pangalan ng mga baby niyo?”Umiling si Daisie at sinabi, “Tatawagin ko silang Tic, Tac, at Toe.”Tumawa si Cameron. “Magiging casual ka lang ba sa pangalan nila?” Sobrang seryoso ng kaniyang mukha. “Madali lang maalala.”Gumalaw ang mukha