Ngumisi si Nolan, “Wala lang. Nagtataka lang ako.”“Interesado po ba kayo sa ninang namin?” Tumawa si Daisie.Nanigas ang ekspresyon ni Nolan.Mukhang pilya si Daisie, nakangiti ang mga mata niya habang nakailing ang ulo. “Kung ganoon, sa mommy namin kayo interesado?”Huminto si Nolan, tumingin sa baba at ngumiti. “Paano kung oo?”Nabigla sina Daisie at Waylon.“Pero mayroon kayong girlfriend.” Nagpanggap na nanghihinayang si Daisie.Bahagyang nagdilim ang mga mata ni Nolan. “Sino ang nagsabi sa iyo niyan?”Sumagot si Daisie, “Isang maliit na ibon ang nagsabi sa amin.”“Hindi…ko siya girlfriend.” Hindi maintindihan ni Nolan kung bakit siya nagpapaliwanag sa dalawang bata.Kumunot ang noo ni Waylon. “Bakit mo siya laging kasama kung hindi mo siya girlfriend? Tatawagin kang masamang tao ng mga matatanda!”Kahit na siya ang tatay nila, hindi nila basta na lang ibibigay ang nanay nila sa kaniya.Natahimik si Nolan.Lumingon si Daisie. “Waylon, huwag mong sabihin i
Mayroon ba siyang nadiskubre?Hindi, hindi niya pwedeng hayaang malaman nina Leila at Willow ang tungkol sa mga bata!“Zee, ayos ka lang ba?” Nag-aalala si Kennedy, kaya lumapit siya para i-check si Maisie.Tumalikod si Maisie at pinilit na ngumiti. “Ayos lang ako. Bigyan mo ako ng ilang araw para pag-isipan ang pangalan ng brand. Mayroon lang akong kailangan na ayusin.”“Sige.” Tumango si Kennedy. Bumangga si Maisie sa isang lalaki na palabas ng elevator habang papasok naman siya.Tumingala siya at natigilan.Parang sinasadya ni Nolan na harangan siya. “Saan ka pupunta?”“Mayroon akong kailangan na ayusin. Mayroon ka bang kinalaman doon?” Ngumiti si Maisie.“Napanood mo ba ang balita?”“...” Bahagyang bumagsak ang ngiti ni Maisie, pero hindi iyon sapat para mapansin ni Nolan. “Anong balita?”Pinasa ni Nolan ang phone sa kaniya.Tiningnan ni Maisie ang litrato ni Nilan, kasama sina Waylon at Daisie at saka tumawa. “Itong dalawang bata ba ang tinutukoy mo?”Te
“Bakit siguradong-sigurado ka na mayroon akong mga anak?”“Dahil six years ago, —” Huminto si Willow pero tila mayroon siyang naalala at nagsimulang magsisi. Hindi, kung sinabi niya iyon, malalaman ni Maisie kung sino ang lalaki nang gabing iyon.“Anong nangyari six years ago?” Naupo si Maisie sa loob ng kotse, napakalmado niya.“Wala. Siguraduhin mong hindi sa iyo ang mga batang iyon!”Mayroong napansin si Maisie sa tono ni Willow. Nagliwanag ang mga mata niya. “Ano? Nakita mo ang balita at napagtanto mong hindi ka na ganoon kaligtas katulad ng iniisip mo, kaya mayroon kang gagawin sa mga bata?”“Kung hindi sila sa iyo. Wala ka ng pakialam doon.” Binaba ni Willow ang tawag, matalim ang kaniyang tingin.Hindi pa rin siya naniniwala na walang mga anak si Maisie. Siya ang nakasiping ni Nolan nang gabing iyon!Lumitaw lang ang dalawang bata noong bumalik si Maisie. Sobra-sobra namang coincidence iyon! Dahil nag-aalala si Maisie sa kung anong gagawin niya, gagamitin ni Willow
“Sa status ni Mr. Goldmann, magiging sobrang kakaiba naman kung kasabwat siya ni Willow para i-frame ka six years ago.”Natahimik si Maisie sa sinabi ni Ryleigh, nagpatuloy ito, “At saka, kung alam niya ang nangyari six years ago, hindi ba’t alam niya na sana na mga anak niya ang tatlong bata? Hindi niya na kailangan ng paternity test.”Yumuko si Maisie. “Naiintindihan kita. Hindi siguro siya magiging interesado na makipagsabwatan kay Willow para i-frame ako, pero boyfriend pa rin siya ni Willow. Wala akong interes sa anumang mayroong kinalaman kay Willow.”Kumibot ang sulok ng mga labi ni Ryleigh. Nag-iinarte lang pala si Maisie!Tila mayroong naalala si Ryleigh at napangiti. “Bakit hindi mo subukan ang pinsan ko? Sa kung paano niya alagaan sina Waylon at Daisie, sigurado akong magiging masaya siya.”“Haha, sinasali mo ang pinsan mo dito?” Pupunitin siya ng mga fans ni Helios kapag narinig nila ito.Tumawa si Ryleigh, nanginginig ang kaniyang balikat.“Huwag mong sabihin ka
Hindi maitatanggi ni Maisie na nagsinungaling siya. Kahit na alam niyang si Nolan ang lalaki six years ago, hindi niya iyon matatanggap.Ang pagiging malapit ng mga bata kay Nolan ay magbibigay ng pagkakataon kay Willow na saktan sila.Tiningnan siya ni Waylon. “Mommy, bakit natatakot kayong malapit kami sa mister na iyon?”Hindi sumagot si Maisie. Natatakot ba siyang malaman ni Nolan na mga anak niya ang tatlo o nag-aalala siya na mayroong gawin sa kanila sina Leila at Willow?“Mommy, nagsasalubong ang mga kilay niyo. Ibig sabihin ay nag-aalala kayo, natatakot o nalilito. Mayroon ba kaming koneksyon sa lalaking iyon?”Itinanggi niya iyon. “Wala kayong koneksyon sa kaniya!”Nagkibit-balikat si Waylon. “Mommy, nahuli kayo sa tono niyo. Guilty kayo!”“I—” Nahuli siya.Paano niya nakalimutan na mas hilig ng batang ito ang psychology books kaysa sa mga fairy tales kahit sa mura nitong edad? Kahit na kaya niyang mauto sina Colton at Daisie, hindi niya maloloko si Waylon.Humi
Binagalan ni Maisie ang paglalakad, at unti-unting kumunot ang kaniyang noo. isinapubliko ni Nolan ang paternity test?Tumalikod siya at nagpunta sa staff sa harapan ng elevator. Masiyado silang nakatuon sa usapan nila at hindi siya napansin. “Totoo ba iyan? Huwag kayong magkalat ng tsismis.”“Kinumpirma ni Quincy iyon. Bakit siya magsisinungaling?”“Pero hindi ba masyadong kakaiba na nagpunta pa si Mr. Goldmann sa Coralia para sa test? Hindi ba’t mayroon namang Bureau of Justice ang Bassburgh?”Natigilan si Maisie, kumuyom ang kaniyang mga kamao.Anong nangyayari? Hindi ba siya naniniwala na totoo ang report?Napaka-ingat ni Joe. Gusto ni Nolan ng katunayan. Sinuman na makakita ng negatibong resulta ay kakalimutan na ang nangyari.Kung talaga ngang magpapa-test siya sa Coralia, mayroon siyang kailangang gawin. Nilabas niya ang phone niya at nagdalawang-isip. Magpapadala ba talaga siya ng tao para harangin iyon sa Coralia?‘Sandali!’ Huminto si Maisie. Nakapagtataka par
“Soul?” Hindi sigurado si Kennedy.“Mayroong halaga ang bawat design. Kahit na inanimate object lang sila, kung wala itong soul, walang kahulugan ang pagkakagawa nito.”Matapos marinig ang interpretasyon, tumango si Kennedy habang nakapalumbaba. Isang malalim na boses mula sa likod ng pinto ang narinig nang magsasalita na sana si Kennedy.Nanigas ang ngiti ni Maisie nang makita niyang pumasok si Nolan. Bakit siya narito?Tumango si Kennedy kay Nolan.Tiningnan siya ni Nolan. “Kayo siguro si Mr. Kennedy Fannon. Narinig ko ang tungkol sa inyo sa jewelry world ng Bassburgh.”Ngumisi si Kennedy. “Isang karangalan na marinig niyo ang tungkol sa akin.”“Mr. Goldmann, anong sadya niyo rito?” Ngumisi si Maisie. Ngayong alam niya na siya ang lalaki six years ago, medyo masama ang loob niya.Mahinahon niyang sinabi, “Dahil isa itong partnership, hindi ba dapat alam ko ang preparasyon para sa jewelry brand ng Blackgold?”Ngumiti si Maisie pero hindi sumagot. Alam niyang hindi
Nasurpresa si Kennedy. “Anong problema kay Mr. Goldmann?”Nagkibit-balikat si Maisie. “Wala akong ideya. Baka ayaw niya nang mag-tsaa.”Sa Vanderbilt Manor…Natataranta si Leila habang naglalakad-lakad sa living room. Hindi pa rin niya alam ang resulta ng test pagkatapos ng kalahating araw na paghihintay.Nakasuot ng mask si Willow habang nakasandal sa couch. Nang makita kung gaano nag-aalala ang nanay niya, sinabi niya, “Mom, walang magagawa ang paglalakad-lakad mo. Kailangang umalis ng mga bata, kahit ano pa man ang resulta ng test.”Nagulat si Leila at napalingon kay Willow. “Anong ibig mong sabihin?”“Kapag mayroong nangyari sa mga bastardong iyon, malalaman natin kung sino ang babaeng nagtatago sa likod nila.”Hinubad ni Willow ang mask. Nakahanda na ang mga gagawin niya. Kailangan niyang malaman kung sino ang babaeng nasa likod ng mga bata kahit ano pa man ang resultang dumating sa kanila!Nag-aalala nang kaunti si Leila. “Pero paano kung mayroong makaalam ng gina