Matagal na tinitigan ni Maisie si Willow, mahinahon niyang sinabi, “Willow, napaka-arogante mo talaga.”Dahan-dahan siyang tumayo at sinabing, “Kung ganoon mo kagusto ang Vaenna, iyong-iyo na.”Nabigla si Willow. Binibigay na sa kaniya ng babaeng ito ang Vaenna?Lumalaban na rin ito.“Alam kong hindi ka mananalo. Matagal ka na dapat sumuko.” Tumawa si Willow.“Hindi ako sumusuko.” Lumapit si Maisie habang nakahalukipkip. “Hahayaan lang kitang magsaya nang kaunti sa Vaenna sa ngayon. Babawiin ko rin ito sa iyo balang-araw.” Hindi na shares ang gusto ni Maisie. Gusto niyang makuha nang buo ang Vaenna!“Ikaw?” Suminghal si Willow.“Oo, ako.” Hinagis ni Maisie ang resignation letter niya sa mukha ni Willow at tumawa. “Hintayin mo ang araw na ibabalik mo na sa akin ang Vaenna.”Kinuha niya ang kaniyang bag at tiningnan si Willow. “Willow, sa tingin ko ay oras na para matutunan mo kung anong pakiramdam ng ‘pinagbabantaan.”Hindi ba’t hilig niyang gamitin si Nolan para pagbantaa
Nagsalita si Quincy na nasa likuran niya, “Ms. Vanderbilt, pwede kong asikasuhin ang renovation kung hindi kayo masaya rito.”Lumingon sa kaniya si Maisie at sinabing, “Ayos lang. Mayroon akong papupuntahin para gawin iyon.”Matapos ang sampung araw…Halos kumpleto na ang renovation ng 16th floor. Kulay black gold ang display lobby, at ang mga ilaw sa pader ay mga vintage glass lights.Mayroong vintage decor ang VIP room, nababalot naman ng kulay gintong mga cabinet na iba-iba ang laki ang mga pader. Istilong European ang chandelier, mayroong purplish red na kurtina. Kahit ang mga washrooms ay mga dekorasyong corals.Nang nagpunta sina Quincy at Nolan sa 16th floor, akala nila ay nasa mali silang floor matapos makita ang misteryoso pero glamorosong dekorasyon.Ilang workers ang lumagpas sa kanila at mayroong mga dala-dala, halatang mga abala ang mga ito.Pinagmasdan ni Quincy ang black and gold-themed interior, medyo nag-aalinlangan siya. “Hindi naman siguro kailangan na
“Bakit mo pa tinatanong? Hindi mo ba alam na ang girlfriend ni Mr. Goldmann, si Ms. Vanderbilt ay ang director ng Vaenna Jewelry? Siguradong para iyon sa kaniya.”“Nakakainggit.”Ilang empleyado ang nagdi-diskusyon. Alam nila ang istorya nina Mr. Goldmann at Ms. Vanderbilt, pero hindi nila alam na totoo iyon. Bakit pa magtatayo ang Blackgold Group ng isang bagong jewelry company?Lumapit si Willow sa front desk habang mayroong dalang dessert. Kaagad na huminto sa pakikipag-kwentuhan ang receptionist nang makita nila si Willow, pero huli na. Narinig niya ang lahat.“Nasa loob ba si Nolan?”“Ms. Vanderbilt, nasa opisina po siya,” Nakangiting sumagot ang receptionist.Ngumiti si Willow at sinabing, “Sinasabi mo kanina na nagtayo ng bagong jewelry company si Nolan?”Nagtaka ang babae. “Ms. Vanderbilt, hindi ba sinabi sa inyo ni Mr. Goldmann?”“Hindi niya nasabi.” Pilit ang ngiti ni Willow.Sumagot ang babae, “Baka dahil plano niya kayong surpresahin.”Nang marinig iyon,
Anong narinig ni Willow? Tinawag niya ang mga ito. “Sandali.”Tumalikod ang dalawang empleyado. “Ano po iyon?”Seryoso ang mukha ni Willow nang lumapit sa kanila at nagtanong, “Sino itong jewelry designer na pinag-uusapan niyo?”Biglang sumama ang kutob niya.“Oh, siya ‘yung international jewelry designer, si Zora.”Bumagsak ang mukha ni Willow. Kumuyom ang kaniyang mga kamao. Ang babaeng iyon!Bigla niyang naalala ang sinabi ni Maisie bago ito umalis. Hindi! Ito ang dahilan bakit handang umalis ang babaeng iyon sa Vaenna. Pumunta siya rito para kumapit kay Nolan!Ang bruhang iyon!Nagmamadaling nagpunta si Willow sa 16th floor, galit na galit. Nakita niyang lumabas si Quincy sa opisina.Nagulat si Quincy nang makita siya. “Ms. Vanderbilt, anong ginagawa niyo—”“Tumabi ka!” Tinulak siya ni Willow at dumiretso sa opisina ni Maisie..Nataranta si Quincy. Dapat niya bang sabihan si Mr. Goldmann?Nasa desk niya si Maisie at gumagawa ng design, pero bigla na lamang sumugo
Hindi ito matukoy ni Quincy, pero hindi maganda ang impresyon niya kay Willow. Pakiramdam niya ay hindi nababagay kay Mr. Goldmann ang mukhang mahina at walang alam na babaeng ito.Kung hindi siya ang babae noong gabing iyon six years ago, hahayaan ba ni Nolan na dumikit sa kaniya nang matagal si Willow?“Nolan, sinabi sa akin ni Zee na binigyan mo siya ng bagong jewelry company. Hindi iyon totoo, tama?”Nagdilim ang mga mata ni Nolan. “Hindi siya masaya sa Vaenna, kaya umalis siya at iniwan ang shares sa iyo. Bakit? Hindi ka ba masaya doon?”“I—” Pinagpawisan ng malamig si Willow.Nagsasabi ng totoo si Maisie!? Talaga bang nagtayo si Nolan ng bagong kumpanya para sa kaniya kapalit ng pagsuko ng shares niya sa Vaenna?Kalokohan!Mas gugustuhin pa ni Willow na isuko ang shares sa Vaenna!“Nolan, pwede kong ibigay ang shares ng Vaenna kay Zee. Pabalikin mo na siya, okay? Kumpanya ng nanay niya ang Vaenna. Paano niya magagawang iwan na lang iyon?”Tama. Kung maipapakita
Lumabas ng opisina si Helios. “Anong nangyayari?”Nagulat siya nang dumapo ang tingin niya sa mga bata.Binaba ni Ryleigh si Daisie, tumayo siya at naglakad papunta kay Helios. “Mga pamangkin ko sila. Kakapirma pa lang nila ng kontrata sa Royal Crown, kaya dinala ko sila dito para makita ka.”Lumapit si Waylon, hawak-hawak ang kamay ni Daisie. Yumuko sila at sinabing, “Hello po, Tito Helios.”Matagal silang tinitigan ni Helios, naniningkit ang kaniyang mga mata. Ang mukha ng mga batang ito…Nag-squat siya para pumantay sa eye level nila at saka hinaplos ang ulo ni Daisie. “Anong mga pangalan niyo?”“Ako po si Daisie. Ito ang kapatid ko, si Waylon,” Masayang sagot ni Daisie.Tiningnan ni Helios si Ryeligh. “Kailan ka pa nagkaroon ng mga pamangkin?”Ngumiti si Ryleigh habang kinakamot ang mukha. “Mga anak sila ng best friend ko. ‘Ninang’ ang tawag nila sa akin, kaya parang mga pamangkin ko na rin sila.”Tumayo nang tuwid si Helios. “Mga anak ng bestfriend mo?”“Oo.” T
Nabaling ang tingin ni Helios sa mukha ni Waylon. Hindi niya mapigilang sabihin, “Mayroon akong taong naalalala sa iyo. Bigla na lang siyang nagpapanggap na hindi ako kilala.”Ganon na ganon nga si Nolan.Namangha si Ryleigh. “Helios, hindi mo na kami tatanggihan?”“Cute naman ang dalawang bata. Total nakapirma na sila sa Royal Crown, at mayroon akong isang magazine shoot na paparating, isasama ko sila doon.”Sa opisina ng manager…“Ano? Magsasama ka ng dalawang bata sa magazine cover?” Ang manager ni Helios na si Morgan Lynch ay nakatitig sa dalawang batang kasama ni Helios, bakas sa mukha niya ang pagkagulat.Tumango si Helios. “Oo, napaka-photogenic naman nila. Hindi ba’t mas papagandahin lang nila lalao ang mga pictures?”“Pero—” Minasahe ni Morgan ang kaniyang mga sentido. “Paano natin ito ipapaliwanag sa mga publisher?”“Ako na ang bahala. Bibigyan ko sila ng magandang paliwanag.”Hindi na nakapagsalita si Morgan. Malaking star si Helios sa industriya, mas malaki p
“Naalala ko nga, hindi ba’t kilala ni Ms. Hills si Ms. Vandebilt? Noong hinatid mo si Ms. Vanderbilt, parang nakatira rin siya sa beach villas. Kilala niya kaya ang mga bata?”Nag-iisip pa si Quincy nang tumayo si Nolan at umalis.Nasurpresa si Quincy pero kaagad siyang sumunod. “Mr. Goldmann, saan kayo pupunta?”Sa 16th floor…“Tito Kennedy, pwede ka nang magsimula dito bukas. Nasabihan ko na ang lahat ng empleyadong natanggal sa Vaenna.”Mayroong kausap si Maisie sa telepono habang nakatayo sa harapan ng bintana. Napangiti siya nang sumagot si Kennedy. “Sige, huwag kang mag-alala, naayos ko na lahat.”Pagkatapos ng tawag, hawak-hawak pa rin ni Maisie ang kaniyang phone. Bukas, oras na para mag-isip sila ng pangalan para sa jewelry brand. Tumalikod siya at nagulat kay Nolan na bigla na lang lumitaw sa likuran niya.“Mr. Goldmann, bakit–”Lumapit si Nolan bago pa matapos sa pagsasalita si Maisie, napasandal niya si Maisie sa bintana, at kalmado niyang tinitigan ang mukh