“Naalala ko nga, hindi ba’t kilala ni Ms. Hills si Ms. Vandebilt? Noong hinatid mo si Ms. Vanderbilt, parang nakatira rin siya sa beach villas. Kilala niya kaya ang mga bata?”Nag-iisip pa si Quincy nang tumayo si Nolan at umalis.Nasurpresa si Quincy pero kaagad siyang sumunod. “Mr. Goldmann, saan kayo pupunta?”Sa 16th floor…“Tito Kennedy, pwede ka nang magsimula dito bukas. Nasabihan ko na ang lahat ng empleyadong natanggal sa Vaenna.”Mayroong kausap si Maisie sa telepono habang nakatayo sa harapan ng bintana. Napangiti siya nang sumagot si Kennedy. “Sige, huwag kang mag-alala, naayos ko na lahat.”Pagkatapos ng tawag, hawak-hawak pa rin ni Maisie ang kaniyang phone. Bukas, oras na para mag-isip sila ng pangalan para sa jewelry brand. Tumalikod siya at nagulat kay Nolan na bigla na lang lumitaw sa likuran niya.“Mr. Goldmann, bakit–”Lumapit si Nolan bago pa matapos sa pagsasalita si Maisie, napasandal niya si Maisie sa bintana, at kalmado niyang tinitigan ang mukh
Buong akala ni Maisie ay coincidence lang ito.‘Siya pala talaga ang lalaki six years ago!’ Nagsisimula nang mataranta si Maisie.Kaya noong nakita ni Leila sina Colton at Daisie, tinanong siya nito kung sa kaniya ba ang mga bata. Iyon din ang dahilan kung bakit siya pinapalayo ni Willow, natatakot itong mapalapit siya kay Nolan.Hah, hindi niya hahayaang makuha nila ang mga anak niya! Hindi maaari!…Tinulak lahat ni Willow ang lahat ng nasa mesa papunta sa sahig, pumasok naman si Leila habang nagwawala si Willow, kaya nagtanong siya, “Willie, anong problema?”“Mom, kailangan mayroon tayong gawin bago maagaw ng babaeng iyon si Nolan.”Hindi iyon hahayaang mangyari ni Leila. Kinakabahan siyang lumapit, “Ano ba talaga ang nangyari?”Sinabi ni Willow sa nanay niya ang lahat tungkol sa pagbibigay ni Nolan kay Maisie ng isang jewelry company. Pagkatapos niyang marinig iyon, nagbago ang kaniyang ekspresyon.“Maisie, ang bruhang babaeng iyon! Ang dami niyang tricks na tinatag
Naisip ni Willow na tama ang nanay niya, pero hindi niya mahihintay na manganak pa ng lalaki ang nanay niya.Malaking banta sa kaniya ang dalawang demonyong bata. Kailangan niyang malaman kung sino sila at kung paano sila aalisin!Sa Beach Villa…“Mommy, hindi ka ba kakain? Bakit nanonood lang kayo?” Tanong ni Colton habang kumakain matapos niyang mapansin na hindi pa nagagalaw ng nanay niya ang pagkain nito at nakatitig lang sa kanilang tatlo.Napansin din nina Daisie at Waylon na mayroong kakaiba sa nanay nila!Tinanong ni Maisie sina Daisie at Waylon, “Mayroon ba kayong nakausap na wirdong lalaki nitong nakaraan?”“Wirdong lalaki?”Bumaba ang tingin ni Maisie, “Wala. Kung mayroong lumapit sa inyo at tanungin kayo ng anuman, huwag niyong papansin. Hindi nakikipag-usap sa hindi kakilala ang mga mababait na bata, okay?”Tila naintindihan ni Waylon kung sino ang ‘wirdong lalaki.’ Tiningnan niya sina Colton at Daisie.Naupo si Daisie sa tabi ni Maisie. “Mommy, si Tito B
Ang tatay ni Nolan, si Mr. Goldmann Sr., ay nagsimula bilang fan ni Natasha, at dahil kay Natasha, binili niya ang Royal Crown sa napakalaking halaga para maiuwi si Natasha.Hindi lang si Mr. Goldmann Sr.. Napa-ibig din kay Natasha ang tatay ni Helios, at usap-usapan ito ng lahat noon.“Mr. Goldmann, napakaganda namang balita nang pagbisita niyo sa amin,” Binati siya ni Mr. Mayweather, ang director ng Royal Crown.“Hindi ba’t pinapirma mo ng kontrata ang dalawang bata? Nasaan na sila?”Natigilan si Mr. Mayweather ngunit napangiti siya at sumagot, “Maraming endorsement deals ang nakuha ng dalawa simula noong nakabuo sila ng pangalan sa magazine cover nila kasama ni Helios.”Naningkit ang mga mata ni Nolan. “Endorsement deals mula sa anong kumpanya?”Sumagot si Mr. Mayweather, “Isang advertiser sa ilalim ng Snowflake.”Matapos malaman kung nasaan ang mga bata, nagpunta si Nolan sa advertiser.Kasama ng dalawang bata ang manager nila na si Angela sa lokasyon ng shoot. Pina
Ngumisi si Nolan, “Wala lang. Nagtataka lang ako.”“Interesado po ba kayo sa ninang namin?” Tumawa si Daisie.Nanigas ang ekspresyon ni Nolan.Mukhang pilya si Daisie, nakangiti ang mga mata niya habang nakailing ang ulo. “Kung ganoon, sa mommy namin kayo interesado?”Huminto si Nolan, tumingin sa baba at ngumiti. “Paano kung oo?”Nabigla sina Daisie at Waylon.“Pero mayroon kayong girlfriend.” Nagpanggap na nanghihinayang si Daisie.Bahagyang nagdilim ang mga mata ni Nolan. “Sino ang nagsabi sa iyo niyan?”Sumagot si Daisie, “Isang maliit na ibon ang nagsabi sa amin.”“Hindi…ko siya girlfriend.” Hindi maintindihan ni Nolan kung bakit siya nagpapaliwanag sa dalawang bata.Kumunot ang noo ni Waylon. “Bakit mo siya laging kasama kung hindi mo siya girlfriend? Tatawagin kang masamang tao ng mga matatanda!”Kahit na siya ang tatay nila, hindi nila basta na lang ibibigay ang nanay nila sa kaniya.Natahimik si Nolan.Lumingon si Daisie. “Waylon, huwag mong sabihin i
Mayroon ba siyang nadiskubre?Hindi, hindi niya pwedeng hayaang malaman nina Leila at Willow ang tungkol sa mga bata!“Zee, ayos ka lang ba?” Nag-aalala si Kennedy, kaya lumapit siya para i-check si Maisie.Tumalikod si Maisie at pinilit na ngumiti. “Ayos lang ako. Bigyan mo ako ng ilang araw para pag-isipan ang pangalan ng brand. Mayroon lang akong kailangan na ayusin.”“Sige.” Tumango si Kennedy. Bumangga si Maisie sa isang lalaki na palabas ng elevator habang papasok naman siya.Tumingala siya at natigilan.Parang sinasadya ni Nolan na harangan siya. “Saan ka pupunta?”“Mayroon akong kailangan na ayusin. Mayroon ka bang kinalaman doon?” Ngumiti si Maisie.“Napanood mo ba ang balita?”“...” Bahagyang bumagsak ang ngiti ni Maisie, pero hindi iyon sapat para mapansin ni Nolan. “Anong balita?”Pinasa ni Nolan ang phone sa kaniya.Tiningnan ni Maisie ang litrato ni Nilan, kasama sina Waylon at Daisie at saka tumawa. “Itong dalawang bata ba ang tinutukoy mo?”Te
“Bakit siguradong-sigurado ka na mayroon akong mga anak?”“Dahil six years ago, —” Huminto si Willow pero tila mayroon siyang naalala at nagsimulang magsisi. Hindi, kung sinabi niya iyon, malalaman ni Maisie kung sino ang lalaki nang gabing iyon.“Anong nangyari six years ago?” Naupo si Maisie sa loob ng kotse, napakalmado niya.“Wala. Siguraduhin mong hindi sa iyo ang mga batang iyon!”Mayroong napansin si Maisie sa tono ni Willow. Nagliwanag ang mga mata niya. “Ano? Nakita mo ang balita at napagtanto mong hindi ka na ganoon kaligtas katulad ng iniisip mo, kaya mayroon kang gagawin sa mga bata?”“Kung hindi sila sa iyo. Wala ka ng pakialam doon.” Binaba ni Willow ang tawag, matalim ang kaniyang tingin.Hindi pa rin siya naniniwala na walang mga anak si Maisie. Siya ang nakasiping ni Nolan nang gabing iyon!Lumitaw lang ang dalawang bata noong bumalik si Maisie. Sobra-sobra namang coincidence iyon! Dahil nag-aalala si Maisie sa kung anong gagawin niya, gagamitin ni Willow
“Sa status ni Mr. Goldmann, magiging sobrang kakaiba naman kung kasabwat siya ni Willow para i-frame ka six years ago.”Natahimik si Maisie sa sinabi ni Ryleigh, nagpatuloy ito, “At saka, kung alam niya ang nangyari six years ago, hindi ba’t alam niya na sana na mga anak niya ang tatlong bata? Hindi niya na kailangan ng paternity test.”Yumuko si Maisie. “Naiintindihan kita. Hindi siguro siya magiging interesado na makipagsabwatan kay Willow para i-frame ako, pero boyfriend pa rin siya ni Willow. Wala akong interes sa anumang mayroong kinalaman kay Willow.”Kumibot ang sulok ng mga labi ni Ryleigh. Nag-iinarte lang pala si Maisie!Tila mayroong naalala si Ryleigh at napangiti. “Bakit hindi mo subukan ang pinsan ko? Sa kung paano niya alagaan sina Waylon at Daisie, sigurado akong magiging masaya siya.”“Haha, sinasali mo ang pinsan mo dito?” Pupunitin siya ng mga fans ni Helios kapag narinig nila ito.Tumawa si Ryleigh, nanginginig ang kaniyang balikat.“Huwag mong sabihin ka