“Hindi sapat ang $150,000,000 para ubusin niyo.”Hindi nakaimik si Maisie.Napayuko na lang si Colton. “At mahirap sa inyo na kumita ng pera at alagaan kami. Walang nag-aalaga sa inyo, kaya gusto namin kayong tulungan.”Tumango si Waylon.Ngayong nakikita niya kung gaano ka-mature ang mga anak niya sa murang edad, hindi alam ni Maisie kung matutuwa siya o malulungkot.Sinusubukan niyang ibigay sa kanila ang pinakamagandang buhay na kaya nilang makamit. Kahit na wala silang tatay, hindi niya hahayaan na maliitin sila ng iba.Alam ni Maisie na mature ang mga anak niya. Hindi niya kailangan na mag-alala nang sobra, pero hinihiling niya na magreklamo ang mga ito sa kaniya minsan. Mas gagaan ang pakiramdam niya kapag nangyari iyon.Yumuko siya at ngumiti pagkatapos bumuntong-hininga. “Sige, alam kong gusto niyong tumulong, pero masiyadong delikado ang pagpasok sa entertainment business. Pag-usapan natin ito kapag mas matanda na kayo. Napakabata niyo pa. Hindi iyon magandang lu
Tumingala si Kennedy. “Pero binigay na ng tatay mo ang mga shares kay Willow. Hindi niya iyon basta-basta isusuko, at saka, “ang taong iyon” ang nakasuporta sa kaniya.”“Ang taong iyon” ay si Mr. Goldmann.Kumurba ang mga labi ni Maisie. “Simula noong bumalik ako, inoobserbahan ko ang relasyon nila. Kahit na pinoprotektahan ni Nolan si Willow, hanggang kailan niya iyon kayang gawin?”“Anong ibig mong sabihin?”“Anim na taon na sila Nolan at Willow, pero wala siyang intensyon na pakasalan siya. Kahit na hindi ko alam ang rason, mayroong isang posibleng konklusyon doon.”Bahagyang nanlamig ang mga mata ni Maisie. “Hindi siya interesado sa ideya na pakasalan si Willow, ibig sabihin ay wala siyang planong pakasalan siya. Sandali lang ang itatagal sa kaniya ni Willow. Hindi magiging mahirap para kay Nolan na makahanap ng babaeng mas higit kay Willow. Konting oras na lang bago ko mabawi ang mga shares ng Vaenna kay Willow.”Alam ni Kennedy na totoo ang mga sinasabi ni Maisie, per
Malinaw na malinaw ang mga benepisyong makukuha ng Vaenna.“Zee, mahirap ang requirements ng Taylor Jewelry. Hindi sila basta na lang magiging interesado sa isang jewelry company. Bakit sila papayag na makatrabaho ang Vaenna?”Ngumiti si Maisie. “Huwag kang mag-alala. Mayroon akong plano…”Parang isang upper-class na naglakad papasok si Leila sa kumpanya dala ang kaniyang branded bag. Lahat ng empleyado ay alam na siya ang nanay ni Willow, kaya naman tinatawag siya ng mga ito na “Mrs. Chairman.”Gayunpaman, nang papunta na sana siya kay Willow para alamin kung gumana ba ang plano nito noong nakaraang gabi, nakita niya si Maisie at isang blond na lalaki na palabas ng elevator habang masayang nag-uusap. Sumeryoso ang kaniyang tingin. “Oh, nagdadala ka na ng mga lalaking inaakit mo sa opisina ngayon?”Sumimangot si Kennedy. Nang magsasalita na sana siya, pinigilan siya ni Maisie. Nginitian niya si Leila at sinabing, “Paano ako mas magiging magaling sa iyo sa pang-aakit ng mga l
Tumalikod si Maisie at tiningnan si Willow. “Sigurado ka?”Kung siya lang ang makikipagkita sa Taylor Jewelry, baka mayroon pang kaunting pag-asa, pero kung si Willow ang pupunta, baka ni hindi nito makausap ang kliyente.Ngumiti si Willow. “Hindi ko pwedeng hayaan na gawin mo ang lahat habang wala akong ginagawa.”Lihim na napangisi si Maisie. Sobrang tindi ng interes niyang matuuto dahil lang gusto niyang matuwa sa kaniya si Nolan.“Sige.”“Zee…” Gustong magsalita ni Kennedy, pero inabot na ni Maisie ang agreement kay Willow. “Iyan ang partnership proposal sa Taylor Jewelry. Salamat sa tulong mo.”Kumunot ang noo ni Nolan, at naging isang manipis na linya ang kaniyang mga labi.Masaya si Willow na handang ibigay sa kaniya ni Maisie ang agreement. Kung masasarado niya ang deal, mag-iiba ang tingin sa kaniya ni Nolan.Kung handang palagpasin ng babaeng ito ang oportunidad na ito, hindi niya ito masisisi.Mag-isang bumalik sa opisina si Maisie. Isang malalim na boses n
Nagpalinga-linga ang mga mata ni Maisie, unti-unting kumalma ang kaniyang ekspresyon.‘Kinuha lahat ni Dad lahat ng shares ni Mom?’‘Bakit?‘Shared equity iyon, at shares iyon ni Mom. Bakit iyon kinuha?’“Hindi ako naniniwala sa iyo.” Nagngalit ang mga ipin ni Maisie.“Bakit hindi mo tanungin ang tatay mo?” Nang makita niyang nawawalan ng pag-asa ang mga mata ni Maisie, medyo nakaramdam… ng pag-aalala si Nolan.Inalam niya ang bawat detalye ng mga Vanderbilts at malinaw ang sitwasyon ng Vaenna.Hindi niya alam na ang pumanaw na asawa ni Stephen ang nagtayo ng Vaenna. Sinimulan lang niyang alamin iyon noong bumalik si Maisie.Sinimulan ni Marina ang Vaenna kasama ni Stephen, pero simula noong pumanaw siya, lahat ng shares niya ay napunta kay Stephen imbes na ibigay ito ni Stephen kay Maisie.Napunta lang kay Willow ang kumpanyang ito dahil binigay ito sa kaniya ni Stephen. Hindi siya kasing galing o kasing talentado ni Maisie.Medyo selfish si Nolan pagdating sa pag-
Nang hindi siya pinansin ni Maisie, hinarangan ito ni Leila. “Anong ginagawa mo?”“Tumabi ka.” Tinulak siya ni Maisie, hindi pinansin ang mga taong nag-uusap sa likuran niya, dumiretso siya sa study. Binagsak niya ang mga dokumento sa mesa. Nabigla si Stephen sa ginawa ni Maisie, sumimangot siya. “Ang lakas ng loob mong bumalik?”“Sa tingin mo ba ay gusto kong bumalik dito? Pumunta ako rito para tanungin ka.” Hinawakan ni Maisie ang dokumento. “Anong nangyari sa shares ng nanay ko?”Natigilan si Stephen. Hindi niya naisip na magtatanong si Maisie tungkol dito.Nang makitang natahimik si Stephen, nagpatuloy si Maisie. “Ang nanay ko ang nagtayo ng Venna, at shared equity iyon sa inyo. Bakit napunta sa iyo ang shares niya noong namatay siya?”“Kinukwestyon mo ba ako?” Tumaas ang boses ni Stephen.Si Leila na nakikinig sa labas ng pinto ay nagtataka kung anong pinunta ni Maisie kay Stephen, pero nang marinig niya ang sagutan ng dalawa, natuwa siya. Tama, mas malalang away sa
Tumango si Waylon. “Na-scout na kami ng Royal Crown.”Nabigla si Ryleigh. “Ang swerte niyo namang dalawa!”Pero sa totoo lang, sa itsura pa lang ng dalawa, kukunin din niya ang mga ito kung isa siyang scout!Masayang naupo si Colton sa tabi ni Ryleigh. “Ninang, tutulungan mo ba sila?”“Wala naman ako sa business. Paano ako makakatulong?” Medyo nahiya si Ryleigh.“Pero artista ang pinsan niyo!”Gumalaw ang kamay ni Ryleigh na hawak-hawak ang tasa ng kape. Ngumiti siya. “Alam mo iyon?”“Hindi naman iyon mahirap. Siyempre, inalam namin ang buhay ng ninang namin.” Masayang iwinasiwas ni Colton ang kaniyang kamay.Pinilit na tumawa ni Ryleigh. ‘Mga henyo talaga ang mga niluwal ni Zee!’“Ninang, tulungan niyo po kami. Kapag mayroong nang-away sa inyo sa susunod, tutulungan ka rin namin.” Hinila ni Colton ang manggas ng damit ni Ryleigh.Hindi natiis ni Ryleigh ang maliit at cute na mukha ni Colton. “Sige, siyempre naman tutulong ako. Hahaha.”***Malakas na binagsak ni
Matagal na tinitigan ni Maisie si Willow, mahinahon niyang sinabi, “Willow, napaka-arogante mo talaga.”Dahan-dahan siyang tumayo at sinabing, “Kung ganoon mo kagusto ang Vaenna, iyong-iyo na.”Nabigla si Willow. Binibigay na sa kaniya ng babaeng ito ang Vaenna?Lumalaban na rin ito.“Alam kong hindi ka mananalo. Matagal ka na dapat sumuko.” Tumawa si Willow.“Hindi ako sumusuko.” Lumapit si Maisie habang nakahalukipkip. “Hahayaan lang kitang magsaya nang kaunti sa Vaenna sa ngayon. Babawiin ko rin ito sa iyo balang-araw.” Hindi na shares ang gusto ni Maisie. Gusto niyang makuha nang buo ang Vaenna!“Ikaw?” Suminghal si Willow.“Oo, ako.” Hinagis ni Maisie ang resignation letter niya sa mukha ni Willow at tumawa. “Hintayin mo ang araw na ibabalik mo na sa akin ang Vaenna.”Kinuha niya ang kaniyang bag at tiningnan si Willow. “Willow, sa tingin ko ay oras na para matutunan mo kung anong pakiramdam ng ‘pinagbabantaan.”Hindi ba’t hilig niyang gamitin si Nolan para pagbantaa