Ang katotohanan, pinuputol niya na ang ugnayan nila.Nanliit ang mata ni Roxy at tinanong niya, “Nakikipaghiwalay ka sa akin?”Malamig siyang tiningnan ni Zephir at sinabing, “Oo. Wala akong nakikita na future sa relasyon natin. At saka, pagod na ako.”Sinasabi ng isip niya na ang babaeng nasa harap niya ay hindi ang totoong Daisie kada makikita niya ito.Pero, nagsinungaling siya sa sarili niya at trinato siya bilang si Daisie.Sadyang hindi lang magiging si Daisie si Roxy. Magkaiba silang tao at malabong may makapalit kay Daisie.“Zeph, bakit? May ginawa ba akong mali?” Hinawakan ni Roxy ang kamay niya. “Bakit ka nakikipaghiwalay sa akin? Dahil ba kay Leah?”Nagdilim ang mukha niya. “Wala itong kinalaman sa kaniya.”Tumawa siya. “Siguro ka? Zephir, nagsimula kang magbago nang malaman mo na may gusto sa'yo si Leah, hindi ba?”Malamig ang mga tingin ni Zephir habang sinasabi, “Roxy, huwag masyadong mataas ang tingin mo sarili mo. Wala kang nalalaman tungkol sa akin.”Nagkuyom
Nagpa-plastic surgery si Roxy para maging kamukha ni Daisie. Kahit na hindi niya ganoon kamukha si Daisie, makikita ang pagkakapareho nila kapag tiningnan nang mabuti.Dahil naging sikat si Daisie, pwede ring sumikat si Roxy.Sinuot ng lalaki ang jacket niya at sinabing, “Pwede kitang tulungan diyan pero siguraduhin mong wala kang sasabihin.”Tumawa si Roxy. “Huwag kang mag-alala. Gagawin ko ‘yan.”Pagkatapos ng ilang araw, naging artista si Roxy sa ilalim ng Tenet Media sa tulong ng middle-aged na lalaki. Nang makita ng manager sa Tenet Media si Roxy, nagulat siya.Ito ang unang pagkakataon na makakita siya nang kahawig ni Daisie.Hindi nagtagal, nagsimulang kumalat ang usap-usapan tungkol sa isang tao na kamukha ni Daisie.Nang marinig ni Charlie ang usap-usapan mula sa assistant niya, nagalit siya at sinabing, “Ano naman kung kamukha niya si Daisie? Sa tingin mo ba may kayang pumalit kay Daisie? Wala siguro sa tamang pag-iisip ang mga tao na ‘yon.”Kilala ng assistant niya s
Narinig ni Nollace ang usapan nila at nagpadala ng mensahe kay Charlie.Bukod sa pagiging leader ng isang girls’ group, nag debut din si Roxy sa isang show na may title ‘Daisie Jr.’ at nakakuha siya nang maraming atensyon sa internet.Hindi lang niya kamukha si Daisie kundi parehas din sila manamit. Nandidiri sa kaniya ang mga fans ni Daisie pero ang ilan sa kanila ay namamangha.#Tigilan mo na ang panggagaya kay Daisie.##Hindi kami mandidiri kung kamukha lang niya si Daisie pero halata naman na ginagaya niya talaga.##Huwag kayo mainis. Kung ginagaya niya si Daisie, ibig sabihin sikat pa rin si Daisie.#Sa Tenet…Pinipigilan ni Charlie ang mukha niya mula magsimula ang meeting. Nang gusto ng partner nila na ipagpatuloy ang paggamit ni Roxy ng title na ‘Daisie Jr.’ at sinabihan si Charlie na maging manager ni Roxy. Nagsalita si Charlie at sinabing, “Anong ibig niyong sabihin diyan? Dahil lang sa pansamantalang nagpapahinga si Daisie sa entertainment industry, gusto niyong human
Sa hotel, nalaman ni Roxy ba tumanggi si Charlie na kunin siya at inasar ito sa pagiging matigas ang ulo at mayabang. “Kaya pala lahat ng artist sa ilalim niya ay A-tier, at walang big hit. Kung pipiliin niyang tanggapin ako, mabibigyan ko siya ng yaman tulad nang nagawa ni Daisie noong sikat pa siya sa showbiz. Gawa ba sa kahoy ang utak niya? Kung hindi, bakit ang hina niya?”‘Pumunta lang ako sa isang show nang nakaraan at lumaki na agad ng ilang milyon ang fan base ko sa Twitter. Kapag pinagpatuloy ko ang init kasama ang mga resources na binibigay sa akin ni Roland, paanong hindi ako mas magiging sikat?‘Kapag bumalik si Daisie sa showbiz, matagal ko ng hawak ang industry.‘Hindi ba't kapalit ako ni Daisie para kay Zephir? Hindi magtatagal, si Daisie ang magiging kapalit ko. At mas magiging sikat pa ako kaysa kay Daisie.’…Nang bumalik si Nollace sa Taylorton, nakita niya si Daisie na nakaupo sa couch habang nanonood ng show, at sakto namang nasa show lang si Roxy.Kinuha niy
Kumuha ng inumin si Helios kasama ang ibang tao. Nang makita niya na nakatayo si Freyja kasama ang ilang director, lumapit siya papunta sa grupo ng mga tao. “So, nandito ka pala kasama si Director Winslow.”Biglang nagulat ang lahat ng director.‘Kilala siya ni Helios Boucher!?’Tumango si Freyja. “Masaya akong makita ka rito, Uncle Helios.”Nakangiti na binati ni Donny si Helios, “Mr. Boucher, ang tagal na nating hindi nagkita. Hindi ko inaasahan na magkakilala palankayo ng screenwriter ko.”Nakipag-toast si Helios kay Donny. “Hindi na kita nakita simula ng huling celebration natin. Narinig ko na bumalik ka sa Zlokova para maghanda sa bago mong movie. Hindi ko inaasahan na siya pala ang screenwriter mo.”“Siya ang favorite na estudyante ni Professor Merlin, at pinakilala siya sa akin ni Mr. Lancell. Lalo na't ang script niya ang mga gusto ko.”Matagal ng kilala si Donny bilang “Godfather of Thrillers” sa industry at gusto niya lagi ang mag-shoot ng mga suspense na drama at movi
Alam ng lahat ng may utak ano ang sinusubukan sabihin ni Helios. ‘Nakapag-debut si Roxy dahil sa kasikatan ni Daisie. ‘Di ba ibig sabihin nito ay may malaking impluwensya si Daisie sa industry?’ Ilang sandali ang lumipas bago maintindihan ni Roxy ang tunay na ibig sabihin ng sinabi ni Helios, at mahigpit niyang hinawakan ang kaniyang wine glass. ‘Kung walang magandang background si Daisie tulad ng pagiging anak ng mga Goldmann, paano niya maaabot kung nasaan na siya ngayon?‘Kung ganun din ang background ko, kailangan ko pa bang pakinggan ang lahat ng sinasabi nilang pamumuna sa akin ngayon? ‘Sobrang unfair talaga ng diyos. Nakatadhana ang ibang tao na magsimula sa tuktok ng bundok simula nang pinanganak sila. Hindi nila kailangan ipaglaban ang gusto nila, at ang kailangan lang nila gawin ay sabihin ang gusto nila, at agad na nilang makukuha ito.’ “Siya nga pala, Mr. Winslow, narinig ko na plano mong magsimula ng shooting para sa movie at kumukuha ka pa ng mga actor at actre
May boses na narinig mula sa likod ni Roland. Napunta ang atensyon ng lahat ng tao sa lalaking lumapit sa kanila. May nakakabighani siyang kagwapuhan dahil sa kaniyang mixed-race face, at may noble at elegant siyang dating. Kahit na hindi siya mula sa industry, alam ng lahat na siya si Nollace Knowles, siya ang prince ng Yaramoor, at ang asawa niya ay si Daisie Vanderbilt na mula sa mga Goldmann.Tinitigan siya ni Donny at bahagya siyang nagulat. “Your Highness, nasa Bassburgh ka rin?” Tumango si Nollace. “Nalaman kong nandito ang pinsan ko sa banquet kaya pumunta ako para tumingin.”‘Pinsan?’Doon lang napagtanto ng ibang tao na pamilyar ang itsura ng babaeng screenwriter na kanina pa nila kausap. Lumapit si Freyja kay Nollace. “Bakit hindi mo na lang sinamahan si Daisie sa bahay? Bakit ka pumunta dito para makipag-salamuha sa saya?”“Kahit anong mangyari, isa pa rin ako sa mga shareholder ng Tenet. Narinig ko na nag-recruit ng newbie ang agency at ginamit niya ang kasikat
Huminto si Nollace, tumalikod siya at tiningnan si Roxy na naglalakad palapit sa kaniya. Kalmado ang ekspresyon niya at wala siyang pakialam. “Ikaw ang asawa ni Daisie, ‘di ba? Narinig ko na may mga usapan na kumakalat tungkol sa asawa mo at kay Mr. Zephir Gosling.”‘Lahat ng lalaki ay magagalit pag nalaman nilang may karelasyon na ibang lalaki ang kanilang asawa, kaya malakas ang loob ko na ganito rin ang magiging reaksyon ng lalaking ‘to.’Niluwagan ni Nollace ang strap sa kaniyang relo at nagpanggap na nagulat siya. “Anong klaseng usapan ang tinutukoy mo?”Malambing at bahagyang nang-aakit ang ngisi ni Roxy. “Narinig ko na niligawan ni Mr. Gosling si Daisie dati. Pero, hindi niya nagawang mapamahal si Daisie sa kaniya at ginawa pa niya akong pamalit. Narinig ko rin na nagkaroon sila ng relasyon…”“Alam mo ba ang tungkol da defamation?”Biglang nag-iba ang ekspresyon ni Roxy. Walang ekspresyon na ngumisi si Nollace. “May mas marami akong alam kumpara sayo kung nagkaroon ba n
Hinaplos ni Xyla ang buhok nito. “Oo, magiging pamangkin muna sila mula ngayon.”Tinagilid ni Xena ang ulo niya. “Ano ang pamangkin? Pwede ko ba kainin yung pamangkin?”Tumawa nang malakas si Xyla. “Bakit gusto mo lagi kainin ang lahat ng nakalagay sa harapan mo? Hindi mo pwedeng kainin ang pamangkin mo.”Habang tinitingnan ang inosenteng bata, naiinggit na sinabi ni Daisie, “Kung mayroon lang din akong babae na anak.”Ngumiti si Xyla at nagpatuloy. “Cute din naman ang anak na lalaki. Mula ngayon, magiging little knight mo sila, poprotektahan ka mula sa panganib. Pangarap ko ang magkaroon ng asawa at tatlong anak na lalaki.”Sa oras na yon, pumasok si Yorrick at Nollace sa kwarto mula sa likod ng garden.Nang makita ang dad niya, tumawa si Xena. “Daddy! Nakikipaglaro ako sa mga pamangkin ko!”Huminto si Yorrick sa tabi niya at hinaplos ang ulo nito gamit ang palad niya. “Oh talaga? Masaya ka ba na kalaro sila?”Tumango siya. “Opo!”Hinaplos ni Xyla ang pisngi niya. “Kung ganoo
Kumunot si Morrison. “Bakit ang komportable mo sa akin?”Pinasok ni Leah ang mga gamit sa living room at tiningnan si Morrison. “Hindi mo ako type, hindi ba?”Natahimik si Morrison.Kinuha ni Leah ang shower gel at nagulat siya.‘Orchid-scented talaga ito? Mahilig ang mga batang babae sa ganitong amoy, hindi ba?”“Bakit ito ang binili mo?”Lumapit siya sa couch at umupo. “Paano ko malalaman ang ginagamit mo? Kinuha ko na lang kung ano ang nasa rack.”‘Pipiliin ko na lang mamatay kaysa sabihin sa kaniya na tinanong ko pa sa cashier na sabihin sa akin ang mga toiletries na gusto ng mga babae.’Nang makita na hindi lang toothbrush at mouthwash cup ang pambabae kundi pati ang towel, gusto ni Leah tumawa.‘Hayaan mo na. Pumunta siya sa supermarket para ibili sa akin ang mga ito.’“Anong gusto mong inumin?”Inayos ni Morrison ang upo niya. “Kahit anong mayroon ka sa fridge.”Binuksan ni Leah ang refrigerator. Mabuti naman at may dalawa pa siyang can ng kape.Inabot sa kaniya ni
Tiningnan ni Leah ang babae at hindi mapigilan na kumunot.Natauhan siya nang lumabas si Dennis sa lounge at nakasalubong siya.Bahagyang nataranta ang mga mata nito. “Bakit ka nandito?” “Napadaan lang ako Kayong dalawa ba ay…”Biglang tumawa si Dennis. “Oh, girlfriend ko siya at nag-away lang kami dahil niloko niya ako. Naubos ang pasensya ko kaya nagkaroon ng kaunting problema. Please, huwag mo sana masamain.”Bahagyang nagulat si Leah at pilit na ngumiti. “Problema mo ‘yon sa kaniya kaya wala kang dapat ipag-alala na baka masamain ko. May kailangan akong puntahan kaya mauuna na ako.”“Nakahanap ka na ba ng titirahan?” nanggaling sa likod ang boses ni Dennis.Huminto si Leah at tiningnan siya. “Paano mo nalaman na naghahanap ako ng matitirahan?”“Dahil nanatili ka sa hotel nitong mga nakaraan kaya sa tingin ko ay wala ka pang nahahanap na lugar.” Lumapit sa kaniya si Dennis. “May bakante akong apartment, kaya bakit hindi mo tirahan? Kalahati lang ang sisingilin ko kaysa sa
Hinila ni Leah ang luggage niya at pinasok sa trunk ng sasakyan niya, lumingon siya sa manager. “Salamat pero sa tingin ko ay hindi ko na kailangan.”“Ms. Younge…”“May nangyari ba?”Nang marinig ang ibang boses, lumingon si Leah at nakita si Dennis na palabas mg sasakyan at papalapit sa kanilang dalawa.Bahagyang tumangonang manager. “Mr. Clarke.”Naningkit ang mata ni Leah. “Magkakilala kayo?”Nakangiting nagpaliwanag si Dennis, “Ako ang may-ari ng hotel na ito pero hindi ko inakala na nandito ka.”Nagulat si Leah. “Ganoon ba?”“Anong nangyari?” Tinanong ni Dennis ang manager para magpaliwanag at tapat na sumagot ang manager.Kumunot si Dennis. “Kapag may nangyari na ganoon, dapat tanggalin ang empleyado.”“P-Pero kulang na ng tao ang hotel ngayon at mukhang mahihirapan na tayo mag-recruit ng panibago kapag tinanggal natin siya.” Hindi mapigilan ng manager na makaramdam na parang sumusobra naman si Dennis sa desisyon niya.Malamig siyang tiningnan ni Dennis. “Kung nakagaw
Nagulat si Leah.‘Posible kaya na si Morrison ‘yon?’Pumunta si Leah sa pinto at bubuksan na sana ‘yon nang bigla niyang narinig ang boses ni Morrison. “Sino ka ba?”Hindi nagtagal pagkatapos non ay may kaguluhan na nagmula sa kabilang banda ng pinto sa corridor.Agad na binuksan ni Leah ang pinto at lumabas, nakita niya si Morrison na parang may hinahabol pero mabilis ang paa ng tao na ‘yon.“Morrison!” sigaw ni Leah.Lumingon siya sa dulo ng corridor at galit na sumigaw, “Hindi mo na naman binasa ang text na sinend ko sa'yo, ano!?”Natigil ang nasigawab na si Leah at nagtataka ang ekspresyon, “Anong text message ang sinasabi mo?”Huminga nang malalim si Morrison at suminghal sa inis. “Pwede mong itapon ang cell phone mo kung wala kang plano na gamitin. Nag-text ako sa'yo, sinabihan kita na huwag bubuksan ang pinto kahit na may marinig ka na katok sa pinto. Sa tingin ko hindi ka naman takot mamatay, huh?”‘Kung hindi ko siya binantayan para sa ganoong insidente, sa tingin ko
Nililinis ni Leah ang damit niya at bahagya siyang nagulat nang marinig kung ano ang sinabi ng lalaki. Inangat niya ang kaniyang ulo para tingnan siya at ngumiti. “Hindi na ‘yon kailangan. Salamat.”Pagkatapos non, umalis siya.Tiningnan ni Dennis ang direksyon kung saan pumunta si Leah nang may pilyo na ngiti sa kaniyang mukha.Pagkatapos ni Leah pumunta sa banyo, hinubad niya ang kaniyang jacket. Sinubukan niyang linisin ang mantsa ng kape sa kaniyang jacket pero walang nangyari. Kaya naman, wala siyang ibang magawa kundi maghintay na makauwi bago niya malabhan ang jacket.Pero, mukhang masyadong masigla para sa kaniya ang lalaki na Dennis ang pangalan.‘Kasing sigla ba niya lahat ng lalaki sa Stoslo?’ naiisip niyang tanong.Nang tanghali, sinabit ni Leah ang jacket sa kaniyang braso. Isang sasakyan ang huminto sa harap niya nang lumabas siya ng building. Ibinaba ng driver ang bintana at ang nandoon ay walang iba kundi si Dennis.“Pasensya na talaga at namantsahan ko ng kape a
Binalik ni Diana si Tic sa stroller at sinabing, “Hindi ako magaling magbigay ng pangalan. Tanungin mo ang dad mo. Mas magaling siya sa akin dito.”Tumango si Nollace. “Kung ganoon, Dad, kailangan ko ng tulong mo na alagaan mula sila sandali.”Nagulat si Rick. “Ano? Ako?”“Ang tagal na nang huling pagkakataon namin ni Daisie na maglaan ng oras para sa isa't isa,” galit na sinabi ni Nollace.Matagal na nang huling nagkaroon sila nang intimate activity at mas imposible pa ‘yon na mangyari ngayon lalo na’t kasama nila ang tatlong bata.Sa sobrang kahihiyan ni Daisie ay gusto niyang humanap ng butas at ilibing ang sarili niya. Hindi niya alam kung bakit nagagawa ni Nollace na magsabi nang bagay na nakakahiya sa magulang nila.Hindi nagtagal, tinanggap ni Rick ang tungkulin sa pag-aalaga ng tatlong bata. At para kay Daisie at Nollace, kung wala ang mga bata sa paligid nila, nakadikit lang si Nollace kay Daisie mula umaga hanggang gabi. Pareho nilang sinamantala ang mga araw at parang
“Kung tutuusin, kadalasan na iniisip ng mga lalaki na responsibilidad ng babae na alagaan ang anak nila at dapat matuwa ang babae kapag handa silang tumulong paminsan-minsan. Ang iba sa mga lalaki ay ayaw pa na alagaan ang anak nila. Naiintindihan ng asawa mo na naghirap ka sa panganganak kaya naniniwala ako na magiging mabuting ama siya,” sabi ng nanny.Nagulat si Daisie.Ang totoo niyan ay pakiramdam niya na tama ang nanny. Swerte talaga siya. Kung tutuusin, kadalasan ay si Nollace ang nag-aalaga sa mga bata.Kapag umiiyak ang anak nila sa kalaliman ng gabi, siya ang maghahanda ng gatas at pagagaanin ang loob ng mga ito.Tumingin siya sa tatlong baby at malaki ang mga ngiti, “Mabuti nga siyang ama.”Nang gabi, umakyat si Nollace sa taas para hanapin si Daisie pagkauwi niya.Nang hindi niya makita si Daisie sa kwarto, pumunta siya sa baby room at nakita na natutulog ito kasama ang mga anak nila.Inilagay ni Nollace ang jacket sa likod ng upuan at lumapit sa kama.Nakakatuwa an
Ngumiti si Estelle at sinabing, “Masaya kami na nandito ka. Hindi ka na dapat nagdala pa ng regalo.”Dinala siya ni Gordon at Estelle sa living room. Hindi madali kay James na umalis sa kaniyang shooting at pumunta rito kaya naman sinabihan nila ang kanilang mga katulong na maghanda nang masasarap na pagkain.Maraming tanong sa kaniya si Estelle katulad kung ano ang pelikula na sinu-shoot niya ngayon at handa niya itong sinagot lahat. Masaya siya sa katapatan nito at mapagkumbabang ugali.“Nakakapagod siguro maging aktor, ano?”Pinagkrus ni James ang mga daliri niya at nakangiting sumagot, “Oo, nakakapagod nga. Pero wala namang madaling trabaho sa mundo.”“Ayos lang lang yon. Naiintindihan naming lahat kung gaano kahirap at nakakapagod ang pagiging aktor. Pero sana alagaan mo ang kalusugan mo kahit na gaano ka pa ka abala,” mahinahon na sinabi ni Estelle.Hindi alam ni James kung bakit siya na-konsensya sa maayos na trato ng mga ito sa kaniya. Kung tutuusin, hindi sila totoong ma