Share

Kabanata 2672

Author: Ginger Bud
last update Huling Na-update: 2024-12-13 16:00:00
“Pumunta si Dad sa mga De Arma.”

Samantala, sa De Arma mansion…

Nag-uusap si Nolan at Louis sa living room. Nang malaman ni Louis ang tungkol sa aksidente ni Waylon, tinanong niya, “Kumusta siya?”

“Pagkatapos ng isang linggong pahinga, halos magaling na siya. Makakalabas na siya sa susunod na linggo.”

Kinuha ni Louis ang tasa. “Sa susunod na linggo? Pero akala ko sa 9 ang kasal niya?”

Inangat ni Nolan ang kilay niya. “Anong magagawa namin? Inurong namin sa kalagitnaan ng buwan. Magandang araw din naman ang araw ng mga puso para ikasal, hindi ba?”

Natigil si Louis pagkatapos ay tumawa at mabagal na sumimsim ng tsaa. “Tama ka. Magandang araw nga ang February 14.”

“Sinong ikakasal sa Valentine's Day? Wayne?” Pumasok si Ryleigh na may dalang tinapay.

Ngumiti si Louis. “Sino pa ba kundi ang inaanak mo?”

“Mabuti ‘yan.” Inilagay niya ang mga pagkain sa mesa. “Uuwi tayo sa oras na yan. Hindi tayo pwedeng mawala sa kasal niya.”

Matapos ang isang linggo…

Bumalik si Waylon sa Bassburgh
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
AJ Roniaz
More chapter plss...
goodnovel comment avatar
Jackelyn Orina
More update plzzz
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2673

    “Gustong gusto ko. Para akong nakatayo sa ilalim ng langit na para bang kaya kong hawakan ‘yon kapag tinaas ko ang kamay ko.” Inangat niya ang kaniyang kamay, sinusubukan niyang hawakan ito.May naalala siya at humarap. “Ang mahal siguro nito.”Lumapit si Waylon sa labi niya at huminto. “Hindi na ‘yon mahalaga basta masaya ka.”“Isang kasal lang ang mayroon tayo. Sasabihin ng dad ko na nagsasayang tayo ng pera kapag nalaman niya.”Ngumiti si Waylon at niyakap si Cameron. “Kapag nalaman niya na gumastos ako para manghiram ng wedding dress, baka mahimatay siya?”Walang masabi si Cameron.Hinawakan ni Waylon ang buhok niya. “Isang beses lang tayo ikakasal sa buong buhay natin. Ayaw kong may makaligtaan.”Lumapit ang wedding design director at nagtanong, “Masaya ba kayo sa disenyo?”Tumingin si Waylon kay Cameron. “Salamat. Masaya ang misis ko dito.”Sinabi ng design director, “Wala ‘yon. Ginagawa namin ang dapat naming gawin. Gusto namin na maging masaya ang mga bagong kasal sa m

    Huling Na-update : 2024-12-14
  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2674

    Tiningnan ni Cameron ang dress. “Napaka ganda nito.”“Tingnan mo.”Lumapit si Cameron sa salamin at nakita ang sarili niya. Para bang galing siya sa panahon na ‘yon. Maganda siya tingnan at elegante pero pasok pa rin sa romantic fashion na panahon.Lumabas si Hera sa changing room at sinabi kay Waylon, “Tingnan mo ang mapapangasawa mo.”Humarap si Cameron at bahagyang nahiya nang makita si Waylon sa labas.Tumingin si Waylon sa kaniya at ngumiti. “Napakaganda mo.”…Lahat ng diyaryo sa Bassburgh ay pinag-uusapan ang kasal ni Wayne Goldmann, at dahil bukas sa publiko ang kasal, pwedeng pumunta doon ang media.Malaki ang tiyan ni Daisie nang maglakad siya ng ballroom kasama si Nollace. Nandoon ang reporter para ma-interview sila. Nagtanong sila kung kailangan siya babalik sa pag-acting at nakangiti niyang sinabi, “Hindi ako nagmamadali. Pagkatapos ng dalawang taon.”Nang tanungin siya kung nag-aalala siya na mawala ang lugar niya sa industriya, ngumiti siya at nagbiro. “Isang sc

    Huling Na-update : 2024-12-14
  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2675

    Pinatunog ni Colton ang dila niya. “Gusto kong hindi ka makapunta.”Hindi masaya si Daisie doon.Nakisali si Nollace. “Huwag kang mag-alala. Hindi natin siya isasama sa kasal natin.”Tumawa si Colton. “Sa tingin mo ba kaya mo?”Ngumiti si Nollace. “Hindi naman ‘yon ang unang araw na makikita mo ako.”Napagod si Freyja. “Mga bata ba kayo?”May problema ang dalawang ito sa isa't isa. Nagtatawanan ang lahat.Magsisimula na ang kasal nang dumilim ang ilaw. Lumiwanag ang night sky.Lumabas sa stage ang master of the ceremony at masayang nagsabi ng ilang pagbati. Sunod, papasok ang bride at groom.Lumingon ang mga tao at nakita si Mahina, ang Maid of Honor na inaangat ang veil kasama si Morrison na Best Man naman.Lumabas si Cameron, hawak ang kamay ni Waylon. May hawak siyang bouquet sa isang kamay at hawak naman ang braso ni Waylon sa kabila habang mabagal silang naglalakad.Nagsimulang magbulungan ang mga tao.“Pamilyar ang dress na ‘yan!”“Hindi ba't isinuot yan ng prinsesa

    Huling Na-update : 2024-12-14
  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2676

    Usap-usapan sa Internet ang kasal ni Waylon at Cameron. Bukod sa maganda at kakaibang eksena, marami rin sa kanila ang nagsasalita tungkol sa vintage wedding dress ni Madam Hera.Ang vintage wedding dress na hindi gaano pinapansin ay nagsisimulang makakuha ng atensyon dahil sa kasal nila. Maraming netizen ang nagpapakita ng mga wedding dress ng kanilang mga lola na sinuot noong mga bata pa sila.Nasa headline din ang unang paglabas ni Daisie sa harap ng media pagkatapos mabuntis.Maraming netizen ang inakala na magre-retiro siya mula sa entertainment industry dahil isa na siyang prinsesa ngayon.Pero, pagkatapos mapanood ang interview ni Daisie, maraming fan ang kumalma at nagpakita ng respeto sa desisyon niya. Kahit na piliin pa niyang mag retiro sa entertainment industry o hindi, magiging fan pa rin sila nito.Naging number one sa ratings ang The Fog pagkatapos nitong ilabas. Nag imbita si Shannon at ang mga partner niya ng ilang lead actor para mag dinner.Nakarating si Daisie

    Huling Na-update : 2024-12-15
  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2677

    Natahimik si Nollace.Tinapakan ni Daisie ang paa ni James at sinabing, “Ang daldal mo pa rin talaga.”Halos gabi na nang matapos silang kumain. Hinatid ni Daisie at Nollace si Shannon at ang iba pa sa pinto.Masaya si Shannon sa pagkikita nila. Lumingon siya kay Daisie at sinabing, “Kahit na laging sinasabi ng mga tao na wala ng market para sa mga aktres na nanganak at papalitan sila ng mas batang aktres, hindi ganoon ang naiisip ko.“Para sa akin, wala sa edad ang pagiging magaling na aktor o aktres. Daisie, hindi mo kailangan mag-alala. Magpahinga ka nang mabuti. Kapag may nakita akong magandang script o role na babagay sa'yo sa susunod, sasabihan kita.”Ngumiti si Daisie at tumango. “Huwag kayong mag-alala. Sigurado ako na magkakaroon ulit tayo ng pagkakataon na magtrabaho sa hinaharap.”Pagkatapos umalis ni Shannon at ng iba pa, lumingon si Daisie para tumingin kay Nollace. “Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay swerte ako.”Ang entertainment industry ay isang luga

    Huling Na-update : 2024-12-15
  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2678

    Ang katotohanan, pinuputol niya na ang ugnayan nila.Nanliit ang mata ni Roxy at tinanong niya, “Nakikipaghiwalay ka sa akin?”Malamig siyang tiningnan ni Zephir at sinabing, “Oo. Wala akong nakikita na future sa relasyon natin. At saka, pagod na ako.”Sinasabi ng isip niya na ang babaeng nasa harap niya ay hindi ang totoong Daisie kada makikita niya ito.Pero, nagsinungaling siya sa sarili niya at trinato siya bilang si Daisie.Sadyang hindi lang magiging si Daisie si Roxy. Magkaiba silang tao at malabong may makapalit kay Daisie.“Zeph, bakit? May ginawa ba akong mali?” Hinawakan ni Roxy ang kamay niya. “Bakit ka nakikipaghiwalay sa akin? Dahil ba kay Leah?”Nagdilim ang mukha niya. “Wala itong kinalaman sa kaniya.”Tumawa siya. “Siguro ka? Zephir, nagsimula kang magbago nang malaman mo na may gusto sa'yo si Leah, hindi ba?”Malamig ang mga tingin ni Zephir habang sinasabi, “Roxy, huwag masyadong mataas ang tingin mo sarili mo. Wala kang nalalaman tungkol sa akin.”Nagkuyom

    Huling Na-update : 2024-12-15
  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2679

    Nagpa-plastic surgery si Roxy para maging kamukha ni Daisie. Kahit na hindi niya ganoon kamukha si Daisie, makikita ang pagkakapareho nila kapag tiningnan nang mabuti.Dahil naging sikat si Daisie, pwede ring sumikat si Roxy.Sinuot ng lalaki ang jacket niya at sinabing, “Pwede kitang tulungan diyan pero siguraduhin mong wala kang sasabihin.”Tumawa si Roxy. “Huwag kang mag-alala. Gagawin ko ‘yan.”Pagkatapos ng ilang araw, naging artista si Roxy sa ilalim ng Tenet Media sa tulong ng middle-aged na lalaki. Nang makita ng manager sa Tenet Media si Roxy, nagulat siya.Ito ang unang pagkakataon na makakita siya nang kahawig ni Daisie.Hindi nagtagal, nagsimulang kumalat ang usap-usapan tungkol sa isang tao na kamukha ni Daisie.Nang marinig ni Charlie ang usap-usapan mula sa assistant niya, nagalit siya at sinabing, “Ano naman kung kamukha niya si Daisie? Sa tingin mo ba may kayang pumalit kay Daisie? Wala siguro sa tamang pag-iisip ang mga tao na ‘yon.”Kilala ng assistant niya s

    Huling Na-update : 2024-12-16
  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2680

    Narinig ni Nollace ang usapan nila at nagpadala ng mensahe kay Charlie.Bukod sa pagiging leader ng isang girls’ group, nag debut din si Roxy sa isang show na may title ‘Daisie Jr.’ at nakakuha siya nang maraming atensyon sa internet.Hindi lang niya kamukha si Daisie kundi parehas din sila manamit. Nandidiri sa kaniya ang mga fans ni Daisie pero ang ilan sa kanila ay namamangha.#Tigilan mo na ang panggagaya kay Daisie.##Hindi kami mandidiri kung kamukha lang niya si Daisie pero halata naman na ginagaya niya talaga.##Huwag kayo mainis. Kung ginagaya niya si Daisie, ibig sabihin sikat pa rin si Daisie.#Sa Tenet…Pinipigilan ni Charlie ang mukha niya mula magsimula ang meeting. Nang gusto ng partner nila na ipagpatuloy ang paggamit ni Roxy ng title na ‘Daisie Jr.’ at sinabihan si Charlie na maging manager ni Roxy. Nagsalita si Charlie at sinabing, “Anong ibig niyong sabihin diyan? Dahil lang sa pansamantalang nagpapahinga si Daisie sa entertainment industry, gusto niyong human

    Huling Na-update : 2024-12-16

Pinakabagong kabanata

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2717

    Hinila ni Leah ang luggage niya at pinasok sa trunk ng sasakyan niya, lumingon siya sa manager. “Salamat pero sa tingin ko ay hindi ko na kailangan.”“Ms. Younge…”“May nangyari ba?”Nang marinig ang ibang boses, lumingon si Leah at nakita si Dennis na palabas mg sasakyan at papalapit sa kanilang dalawa.Bahagyang tumangonang manager. “Mr. Clarke.”Naningkit ang mata ni Leah. “Magkakilala kayo?”Nakangiting nagpaliwanag si Dennis, “Ako ang may-ari ng hotel na ito pero hindi ko inakala na nandito ka.”Nagulat si Leah. “Ganoon ba?”“Anong nangyari?” Tinanong ni Dennis ang manager para magpaliwanag at tapat na sumagot ang manager.Kumunot si Dennis. “Kapag may nangyari na ganoon, dapat tanggalin ang empleyado.”“P-Pero kulang na ng tao ang hotel ngayon at mukhang mahihirapan na tayo mag-recruit ng panibago kapag tinanggal natin siya.” Hindi mapigilan ng manager na makaramdam na parang sumusobra naman si Dennis sa desisyon niya.Malamig siyang tiningnan ni Dennis. “Kung nakagaw

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2716

    Nagulat si Leah.‘Posible kaya na si Morrison ‘yon?’Pumunta si Leah sa pinto at bubuksan na sana ‘yon nang bigla niyang narinig ang boses ni Morrison. “Sino ka ba?”Hindi nagtagal pagkatapos non ay may kaguluhan na nagmula sa kabilang banda ng pinto sa corridor.Agad na binuksan ni Leah ang pinto at lumabas, nakita niya si Morrison na parang may hinahabol pero mabilis ang paa ng tao na ‘yon.“Morrison!” sigaw ni Leah.Lumingon siya sa dulo ng corridor at galit na sumigaw, “Hindi mo na naman binasa ang text na sinend ko sa'yo, ano!?”Natigil ang nasigawab na si Leah at nagtataka ang ekspresyon, “Anong text message ang sinasabi mo?”Huminga nang malalim si Morrison at suminghal sa inis. “Pwede mong itapon ang cell phone mo kung wala kang plano na gamitin. Nag-text ako sa'yo, sinabihan kita na huwag bubuksan ang pinto kahit na may marinig ka na katok sa pinto. Sa tingin ko hindi ka naman takot mamatay, huh?”‘Kung hindi ko siya binantayan para sa ganoong insidente, sa tingin ko

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2715

    Nililinis ni Leah ang damit niya at bahagya siyang nagulat nang marinig kung ano ang sinabi ng lalaki. Inangat niya ang kaniyang ulo para tingnan siya at ngumiti. “Hindi na ‘yon kailangan. Salamat.”Pagkatapos non, umalis siya.Tiningnan ni Dennis ang direksyon kung saan pumunta si Leah nang may pilyo na ngiti sa kaniyang mukha.Pagkatapos ni Leah pumunta sa banyo, hinubad niya ang kaniyang jacket. Sinubukan niyang linisin ang mantsa ng kape sa kaniyang jacket pero walang nangyari. Kaya naman, wala siyang ibang magawa kundi maghintay na makauwi bago niya malabhan ang jacket.Pero, mukhang masyadong masigla para sa kaniya ang lalaki na Dennis ang pangalan.‘Kasing sigla ba niya lahat ng lalaki sa Stoslo?’ naiisip niyang tanong.Nang tanghali, sinabit ni Leah ang jacket sa kaniyang braso. Isang sasakyan ang huminto sa harap niya nang lumabas siya ng building. Ibinaba ng driver ang bintana at ang nandoon ay walang iba kundi si Dennis.“Pasensya na talaga at namantsahan ko ng kape a

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2714

    Binalik ni Diana si Tic sa stroller at sinabing, “Hindi ako magaling magbigay ng pangalan. Tanungin mo ang dad mo. Mas magaling siya sa akin dito.”Tumango si Nollace. “Kung ganoon, Dad, kailangan ko ng tulong mo na alagaan mula sila sandali.”Nagulat si Rick. “Ano? Ako?”“Ang tagal na nang huling pagkakataon namin ni Daisie na maglaan ng oras para sa isa't isa,” galit na sinabi ni Nollace.Matagal na nang huling nagkaroon sila nang intimate activity at mas imposible pa ‘yon na mangyari ngayon lalo na’t kasama nila ang tatlong bata.Sa sobrang kahihiyan ni Daisie ay gusto niyang humanap ng butas at ilibing ang sarili niya. Hindi niya alam kung bakit nagagawa ni Nollace na magsabi nang bagay na nakakahiya sa magulang nila.Hindi nagtagal, tinanggap ni Rick ang tungkulin sa pag-aalaga ng tatlong bata. At para kay Daisie at Nollace, kung wala ang mga bata sa paligid nila, nakadikit lang si Nollace kay Daisie mula umaga hanggang gabi. Pareho nilang sinamantala ang mga araw at parang

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2713

    “Kung tutuusin, kadalasan na iniisip ng mga lalaki na responsibilidad ng babae na alagaan ang anak nila at dapat matuwa ang babae kapag handa silang tumulong paminsan-minsan. Ang iba sa mga lalaki ay ayaw pa na alagaan ang anak nila. Naiintindihan ng asawa mo na naghirap ka sa panganganak kaya naniniwala ako na magiging mabuting ama siya,” sabi ng nanny.Nagulat si Daisie.Ang totoo niyan ay pakiramdam niya na tama ang nanny. Swerte talaga siya. Kung tutuusin, kadalasan ay si Nollace ang nag-aalaga sa mga bata.Kapag umiiyak ang anak nila sa kalaliman ng gabi, siya ang maghahanda ng gatas at pagagaanin ang loob ng mga ito.Tumingin siya sa tatlong baby at malaki ang mga ngiti, “Mabuti nga siyang ama.”Nang gabi, umakyat si Nollace sa taas para hanapin si Daisie pagkauwi niya.Nang hindi niya makita si Daisie sa kwarto, pumunta siya sa baby room at nakita na natutulog ito kasama ang mga anak nila.Inilagay ni Nollace ang jacket sa likod ng upuan at lumapit sa kama.Nakakatuwa an

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2712

    Ngumiti si Estelle at sinabing, “Masaya kami na nandito ka. Hindi ka na dapat nagdala pa ng regalo.”Dinala siya ni Gordon at Estelle sa living room. Hindi madali kay James na umalis sa kaniyang shooting at pumunta rito kaya naman sinabihan nila ang kanilang mga katulong na maghanda nang masasarap na pagkain.Maraming tanong sa kaniya si Estelle katulad kung ano ang pelikula na sinu-shoot niya ngayon at handa niya itong sinagot lahat. Masaya siya sa katapatan nito at mapagkumbabang ugali.“Nakakapagod siguro maging aktor, ano?”Pinagkrus ni James ang mga daliri niya at nakangiting sumagot, “Oo, nakakapagod nga. Pero wala namang madaling trabaho sa mundo.”“Ayos lang lang yon. Naiintindihan naming lahat kung gaano kahirap at nakakapagod ang pagiging aktor. Pero sana alagaan mo ang kalusugan mo kahit na gaano ka pa ka abala,” mahinahon na sinabi ni Estelle.Hindi alam ni James kung bakit siya na-konsensya sa maayos na trato ng mga ito sa kaniya. Kung tutuusin, hindi sila totoong ma

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2711

    Sapat na ang tatlong taon. At saka at least, hindi na kailangan ni Giselle pumunta pa sa mga blind date.Sa ngayon, kung wala sa kanila ang makahanap ng better partner o kung mahulog ang loob nila sa ibang tao, pwede naman nila isawalang-bisa ang kanilang kasunduan. Sa madaling salita, ginagamit lang nila ang isa't isa sa ngayon bilang proteksyon.“Dad, Mom, masyado lang kayong nag-iisip. Kahit na subukan namin na mag-date, kailangan pa rin namin ng oras. Paano kung hindi pala kami magkasundo pagkatapos ng kasal? Makikipag-divorce ba ako?”Naramdaman nila Gordon at Estelle na tama ang kanilang anak kaya hindi na sila nagpumilit. Tumayo si Giselle at sinabi, “Alright, hindi niyo kami kailangan alalahanin.” Matapos iyon, pumunta na si Giselle sa taas.Nagkatinginan sila Estelle at Gordon at suminghal.…Pumunta si James sa common room at hinanap si Donny. “Umm, Mr. Winslow…”Nang makita na may sasabihin si James, tumingin si Donny. “Yeah?”“Pwede ko bang tapusin ngayon lah

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2710

    Nang pumasok si Leah sa kotse, sinuot niya ang kaniyang seatbelt. Pumasok na rin si Morrison at nagmaneho.Habang nasa byahe, nakatingin lang si Leah sa bintana at hindi nagsasalita. Tiningnan siya ni Morrison. “Nagtitiwala ka talaga. Hindi ka ba nag-aalala na baka may gawin akong masama sayo?”Tumingin si Leah sa kaniya. “Hindi mo ‘yon gagawin.” “Paano mo naman naisip? Huwag ka masyadong magtiwala sa mga lalaki.”“Pati sayo?” Tanong ni Leah. Tumikhim si Morrison. “Pwede mo naman ako isama.”Biglang natawa si Leah. “Kaibigan mo si Wayne, at may malaki na yung ibig sabihin tungkol sayo. At saka, hindi mo naman ako pinagsamantalahan dati kaya nagtitiwala na ako sayo.”Napahinto si Morrison. “Hindi ka nahihiyang maalala ang araw na ‘yon?” Hindi pa nakaramdam ng kahit anong hiya si Morrison tulad ng nangyari noong gabing ‘yon.Nang makarating na si Leah sa hotel na kaniyang pupuntahan, bigla siyang napahinto nang lumabas siya ng kotse, at tumalikod siya. “Dahil sinundo mo nam

  • The Three Little Guardian Angels   Kabanata 2709

    Sumagot si Beatrice. “Si Daddy nga nagbabalat ng shrimp mo. Hindi ka rin naman nahihiya.”Walang masabi si Barbara pero tumawa sila Ryleigh at Maisie.Makikita na ang buwan sa langit. Suminag ang liwanag sa kanila, at sobrang masaya ang senaryo.…Matapos ang wedding, dinala ni Freyja ang anak niya at si Colton sa Kong Ports. Pumunta rin ang mag-ama doon para magbakasyon.Pumunta sila Waylon at Cameron sa Tayloryon para pag-aralan nila paano mag-alaga ng baby para hindi sila magkaproblema pag dumating na ang kanila.Isang trainee dad si Nollace, at isang soon-to-be dad naman si Waylon. Sinusubukan nila ang kakayahan ng isa't isa. Hindi makapagsalita sila Daisie at Cameron sa ginagawa ng dalawa. Tinanong ni Cameron, May naisip na ba kayong pangalan ng mga baby niyo?”Umiling si Daisie at sinabi, “Tatawagin ko silang Tic, Tac, at Toe.”Tumawa si Cameron. “Magiging casual ka lang ba sa pangalan nila?” Sobrang seryoso ng kaniyang mukha. “Madali lang maalala.”Gumalaw ang mukha

DMCA.com Protection Status