Tumingin si Yorrick sa mga tao. “So, ayos lang ang anak ng asawa ng Kamahalan. Kaya bakit niya pa kailangan na gumanti?”Natahimik ang lahat ng minister. Kung totoo nga ‘yon, walang rason si Nollace na lasunin ang inmate dahil hindi nangyari ang plano niya at nakagawa pa ng panganib.Walang rason si Nollace para maghiganti.Tinigil ni Diana ang katahimikan at nagsalita, “Narinig niyo ‘yon. Kilala ko ang anak ko. Kung gusto ko siyang pagtakpan, bakit ko hahayaan na imbestigahan siya ng mga pulis? Inakusahan ang anak at daughter-in-law ko. Hindi ba dapat ako magsalita?”“Mahalaga ang mga bagay sa bansa pati rin ang bagay tungkol sa pamilya. Kung hindi ko kayang protektahan ang pamilya ko, paano ko pamumunuan ang bansa? Naiipit ako sa lahat ng bahagi. Dapat bang iwan ko ang trono na ito at hayaan kayo na makuha ito?”“Kamahalan, hindi ‘yan ang ibig kong sabihin—”“Hindi ‘yon ang ibig niyong sabihin? Marami kang natanggap na benepisyo mula sa Taylor at sinusubukan niyong kunin ang ka
“Malakas ang ulan kaya hindi ko gaano nakita. Pero base sa galaw nila, sa tingin ko ay mga mersenaryo. Wala silang pakialam sa kaligtasan nila.”Tiningnan ni Nollace ang direksyon ng kwarto at pagkatapos ng ilang sandali, sinabi niya, “Manatili ka rito at bantayan mo siya.”“Yes, Your Highness.”Umalis si Nollace sa hospital, pumasok siya sa sasakyan at hinampas ang steering wheel. Lumabas ang ugat sa likod ng kamay niya. Pero, makakasiguro na siya ngayon.Lahat ng ito ay may kinalaman sa mga Taylor.Ngayong nasa coma si Edison at wala silang ebidensya, walang mahuhuli ang mga pulis para tanungin.Tinakpan niya ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang kamay habang may ilaw na nagliwanag sa pagitan ng mga daliri niya.…Pagkalipas ng ilang araw, may isang voice recording na inilabas ang anonymous hacker. Ang ‘dealings’ sa pagitan ng Home Minister at ni Lucius ay nailabas at gumulat sa mundo.Kahit na gumastos sila ng malaking pera para pagtakpan ‘yon, nag-print ang mga magazine n
Hindi nagsalita ang minister dahil alam niya…Pero, bago pa ito matapos, nakapasok ang hacker sa security system ng cabinet at nagdulot ng system failure. ‘Ikaw ang sunod’ ang makikita sa kanilang website.Naging alerto ang lahat sa misteryosong hacker, at hindi nagtagal, lumabas ang balita na nakikipagtrabaho ang mga cabinet members sa mga pulis.Akala nila ay sapat na ang paglaglag ng isang tao pero naglabas ulit ang hacker ng isa pang cabinet member pagkatapos nang dalawang araw.Mukhang nakatuon ito sa mga cabinet pero inilalabas talaga nito ang kasunduan sa pagitan ng minister at ng Taylor.Sa cruise, sa isang kwarto…Isinara ni Colton ang laptop at tiningnan si Nollace. “Sa tingin mo ba maaapektuhan nito ang matandang lalaking ‘yon?”Nakatitig si Nollace sa screen habang ang daliri niya ay lumilibot sa bawat key ng keyboard. “Kung hindi, aakuin ng mga minister ang pagbagsak pata sa kaniya. Magiging pain lang lahat na iiwan niya. Kailangan natin gumawa ng ingay at gipitin s
Pagkatapos ng ilang sandali, hindi pinansin ni Cecilia ang sakit ng mukha niya at tinawagam ang mom niya. “Mom, anong nangyari? May nangyari ba kay Dad?”Hindi alam ni Bianca ang gagawin pero sinabi pa rin niya sa kaniyang anak.Nang malaman ni Cecelia ang totoo, makikita ang bakas ng takot sa mata niya. Kung ginawa talaga ng dad niya ang lahat ng bagay na ‘yon, ang pamilya nila… Hindi, hindi ‘yon pwedeng mangyari!Ang estado at kapangyarihan ng Taylor ang tanging mayroon siya. Anong mangyayari kapag nawala sa kaniya ang lahat ng ‘yon?Hindi pwedeng mawala sa kaniya ang lahat nang mayroon siya. Hindi niya kaya!Samantala, binisita ni Nollace si Edison kasama si Daisie.Hindi nagpapakita ng senyales nang pag gising si Edison. Sinabi ng doctor na malala ang natamo niya at himala na lang kapag gumising siya.Tumingin si Daisie kay Nollace na mukhang malungkot at hinawakan ang kaniyang kamay. “Huwag kang mag-alala. Magigising din siya.”Yumuko si Nollace at gumalaw ang labi niya. “
Tiningnan siya ni Yorrick at malamig na sinabing, “Gusto niyo bang lumabah sa utos ng Reyna? O sinasabi mo na mas makapangyarihan ang Taylor at kaya niyong hindi pansinin ang royal family?”“Ikaw—”“Cecilia.” Mabagal na tumayo si Lucius at matapang na tiningnan si Yorrick. “Wala akong dapat ikatakot. Sasama ako sa'yo pero kung inosente ako, hindi ako papayag na hayaan ang kahit sinong gumawa nito.”Ngumiti si Yorrick at gumilid. “Please sumama kayo sa amin.”Inilayo ni Lucius ang kamay nito at umalis sa living room kasunod ang mga pulis.Bumagsak sa Cecelia couch nang kunin ang dad niya, mukha siyang nalangang rosas.Hindi gagawa nang ganoon ang dad niya. Baka na set-up ito.Biglang, may taong sumagi sa isip niya.‘Baka siya ‘yon! Si Nollace!’Sa Blue Valley Manor…Nang bumaba si Nollace at Daisie para sa sasakyan, maririnig ang boses ni Cecelia. “Nollace!”Pareho silang lumingon para makita na palapit sa kanila si Cecelia. Pero, agad siyang pinigilan ng mga bodyguard at sum
“Bukod sa Home Minister, ayaw pa rin umamin sa mga ginawa nila. Mukhang maraming kumpiyansa si Lucius.”Naningkit si Nollace at sandaling nag-isip. “Mukhang sa Home Minister lang natin masusubok ang swerte natin.”Dahil siya lang ang handang aminin ang pagkakamali at kunin ang lahat ng sisi, siguro ay tinakot siya ni Lucius.Tinapik ni Yorrick ang balikat niya. “Mayroon lang tayong tatlong araw. Gawin mo ang lahat ng makakaya mo.”Pagkatapos non, tumalikod siya at umalis.Pumasok si Nollace sa kwarto na pinagkulungan ng Home Minister. Mukhang pagod ang middle-aged na lalaki. Mukhang hindi magandang karanasan na mawala sa kaniya ang kalayaan.Nang makita niya si Nollace, bahagya siyang nagulat pero nag-iwas siya ng tingin at nanatiling tahimik. “Sigurado ba kayong gusto niyong akuin ang lahat sisi, sir?”Nagngalit ang ngipin niya at sinabing, “Hindi ko maintindihan ang tungkol sa sinasabi mo, Kamahalan.”“Ayos lang. Kung tutuusin…” Sumandal si Nollace sa pinto. “Wala sa inyo a
Samantala, sa bahay ng Home Minister…Dahil ini-imbestigahan ang asawa niya at may pagkakataon na makulong ito sa kulungan, bumili ang asawa niya ng ticket sa Florinia at planong dalhin ang anak niya paalis ng bansa para makatakas sa gulo.Nang matapos silang mag impake at lumabas sa pinto, ilang sasakyan ang huminto sa harap ng kanilang bahay, at namutla ang mukha nila.Ilang bodyguard ang lumabas mula sa sasakyan at sinabing, “Ma'am, pasensya na. Pero hindi kayo pwedeng umalis ngayon.”Sa loob ng sasakyan, nakatanggap si Nollace ng tawag mula sa mga bodyguard at may ngiti sa kaniyang labi. “Well done. Oras na para lumaban tayo pabalik.”Pinatay niya ang tawag at ang bodyguard na nasa passenger seat ay may sinagot na tawag. Ngumiti siya at sinabing, “Sir, nagising na si Edison!”“Pumunta ka sa hospital.”Inikot nila ang sasakyan at nagtungo sa hospital.Kagigising lang ni Edison at sobrang hina pa niya.Pumasok si Nollace sa ward at nakahinga nang maluwag nang makita na nagis
Malamig na ngumisi si Cecelia at may baliw na kislap sa kaniyang mata. “Nagtatrabaho ka kay Daisie, hindi ba? Mukhang may pakialam siya sa'yo. Iniisip ko kung magkakaroon ba siya ng pakialam ngayon o hindi.”Agad na naintindihan ni Mia ang balak gawin ni Cecelia. Na-blangko ang isip niya at napuno ng takot ang puso niya.Samantala, nagpapahinga si Daisie sa kama nang tumunog ang phone niya.Kinuha niya ang kaniyang phone at sinagot ito nang makita na si Mia ‘yon. “Yes, Mia?”“Hindi ako si Mia. Hindi mo naisip na makukuha ko siya, ano?”Nanliit ang mata ni Daisie. Hindi galing kay Mia ang boses pero pamilyar ang tunog. “Ikaw… Ikaw si Cecelia?”“Oo, ako nga. Sinabi ko na sa'yo na pagsisihan niyo itong lahat. Kaya makinig ka, Daisie. Hawak ko na ang katulong mo ngayon. Kung ayaw mo siyang mamatay, pumunta ka sa akin.”“Daisie, huwag kang makinig sa kaniya! Mmmhm!”Mahigpit ang hawak ni Daisie sa kaniyang phone nang marinig niya ang boses ni Mia. Kinagat niya ang kaniyang labi at s