Pagkatapos ng ilang sandali, hindi pinansin ni Cecilia ang sakit ng mukha niya at tinawagam ang mom niya. “Mom, anong nangyari? May nangyari ba kay Dad?”Hindi alam ni Bianca ang gagawin pero sinabi pa rin niya sa kaniyang anak.Nang malaman ni Cecelia ang totoo, makikita ang bakas ng takot sa mata niya. Kung ginawa talaga ng dad niya ang lahat ng bagay na ‘yon, ang pamilya nila… Hindi, hindi ‘yon pwedeng mangyari!Ang estado at kapangyarihan ng Taylor ang tanging mayroon siya. Anong mangyayari kapag nawala sa kaniya ang lahat ng ‘yon?Hindi pwedeng mawala sa kaniya ang lahat nang mayroon siya. Hindi niya kaya!Samantala, binisita ni Nollace si Edison kasama si Daisie.Hindi nagpapakita ng senyales nang pag gising si Edison. Sinabi ng doctor na malala ang natamo niya at himala na lang kapag gumising siya.Tumingin si Daisie kay Nollace na mukhang malungkot at hinawakan ang kaniyang kamay. “Huwag kang mag-alala. Magigising din siya.”Yumuko si Nollace at gumalaw ang labi niya. “
Tiningnan siya ni Yorrick at malamig na sinabing, “Gusto niyo bang lumabah sa utos ng Reyna? O sinasabi mo na mas makapangyarihan ang Taylor at kaya niyong hindi pansinin ang royal family?”“Ikaw—”“Cecilia.” Mabagal na tumayo si Lucius at matapang na tiningnan si Yorrick. “Wala akong dapat ikatakot. Sasama ako sa'yo pero kung inosente ako, hindi ako papayag na hayaan ang kahit sinong gumawa nito.”Ngumiti si Yorrick at gumilid. “Please sumama kayo sa amin.”Inilayo ni Lucius ang kamay nito at umalis sa living room kasunod ang mga pulis.Bumagsak sa Cecelia couch nang kunin ang dad niya, mukha siyang nalangang rosas.Hindi gagawa nang ganoon ang dad niya. Baka na set-up ito.Biglang, may taong sumagi sa isip niya.‘Baka siya ‘yon! Si Nollace!’Sa Blue Valley Manor…Nang bumaba si Nollace at Daisie para sa sasakyan, maririnig ang boses ni Cecelia. “Nollace!”Pareho silang lumingon para makita na palapit sa kanila si Cecelia. Pero, agad siyang pinigilan ng mga bodyguard at sum
“Bukod sa Home Minister, ayaw pa rin umamin sa mga ginawa nila. Mukhang maraming kumpiyansa si Lucius.”Naningkit si Nollace at sandaling nag-isip. “Mukhang sa Home Minister lang natin masusubok ang swerte natin.”Dahil siya lang ang handang aminin ang pagkakamali at kunin ang lahat ng sisi, siguro ay tinakot siya ni Lucius.Tinapik ni Yorrick ang balikat niya. “Mayroon lang tayong tatlong araw. Gawin mo ang lahat ng makakaya mo.”Pagkatapos non, tumalikod siya at umalis.Pumasok si Nollace sa kwarto na pinagkulungan ng Home Minister. Mukhang pagod ang middle-aged na lalaki. Mukhang hindi magandang karanasan na mawala sa kaniya ang kalayaan.Nang makita niya si Nollace, bahagya siyang nagulat pero nag-iwas siya ng tingin at nanatiling tahimik. “Sigurado ba kayong gusto niyong akuin ang lahat sisi, sir?”Nagngalit ang ngipin niya at sinabing, “Hindi ko maintindihan ang tungkol sa sinasabi mo, Kamahalan.”“Ayos lang. Kung tutuusin…” Sumandal si Nollace sa pinto. “Wala sa inyo a
Samantala, sa bahay ng Home Minister…Dahil ini-imbestigahan ang asawa niya at may pagkakataon na makulong ito sa kulungan, bumili ang asawa niya ng ticket sa Florinia at planong dalhin ang anak niya paalis ng bansa para makatakas sa gulo.Nang matapos silang mag impake at lumabas sa pinto, ilang sasakyan ang huminto sa harap ng kanilang bahay, at namutla ang mukha nila.Ilang bodyguard ang lumabas mula sa sasakyan at sinabing, “Ma'am, pasensya na. Pero hindi kayo pwedeng umalis ngayon.”Sa loob ng sasakyan, nakatanggap si Nollace ng tawag mula sa mga bodyguard at may ngiti sa kaniyang labi. “Well done. Oras na para lumaban tayo pabalik.”Pinatay niya ang tawag at ang bodyguard na nasa passenger seat ay may sinagot na tawag. Ngumiti siya at sinabing, “Sir, nagising na si Edison!”“Pumunta ka sa hospital.”Inikot nila ang sasakyan at nagtungo sa hospital.Kagigising lang ni Edison at sobrang hina pa niya.Pumasok si Nollace sa ward at nakahinga nang maluwag nang makita na nagis
Malamig na ngumisi si Cecelia at may baliw na kislap sa kaniyang mata. “Nagtatrabaho ka kay Daisie, hindi ba? Mukhang may pakialam siya sa'yo. Iniisip ko kung magkakaroon ba siya ng pakialam ngayon o hindi.”Agad na naintindihan ni Mia ang balak gawin ni Cecelia. Na-blangko ang isip niya at napuno ng takot ang puso niya.Samantala, nagpapahinga si Daisie sa kama nang tumunog ang phone niya.Kinuha niya ang kaniyang phone at sinagot ito nang makita na si Mia ‘yon. “Yes, Mia?”“Hindi ako si Mia. Hindi mo naisip na makukuha ko siya, ano?”Nanliit ang mata ni Daisie. Hindi galing kay Mia ang boses pero pamilyar ang tunog. “Ikaw… Ikaw si Cecelia?”“Oo, ako nga. Sinabi ko na sa'yo na pagsisihan niyo itong lahat. Kaya makinig ka, Daisie. Hawak ko na ang katulong mo ngayon. Kung ayaw mo siyang mamatay, pumunta ka sa akin.”“Daisie, huwag kang makinig sa kaniya! Mmmhm!”Mahigpit ang hawak ni Daisie sa kaniyang phone nang marinig niya ang boses ni Mia. Kinagat niya ang kaniyang labi at s
“Daisie…”“Nolly, ipangako mo na magiging ligtas ka.” Hinaplos ni Daisie ang pisngi niya. “Mangako ka.”Pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan, hinawakan ni Nollace ang kamay niya at namamaos na sinabing, “Okay, nangangako ako sa'yo.”Niyakap siya ni Daisie at sinabing, “Nangangako rin ako sa'yo.”…Nakaupo si Cecelia sa upuan, pinaglalaruan ang kaniyang phone. Hindi nagtagal, nakatanggap siya ng tawag mula kay Daisie. Nilagay niya ito sa loudspeaker at sinabing, “So, nakapag desisyon ka na?”Sinabi ni Daisie, “Oo, nakapag desisyon na ako. Hindi ba't gusto mong pumunta ako diyan? Tinatanggap ko ang hamon mo.”Naka duct tape ang bibig ni Mia. Umiiling na lamang siya habang umuungol.Tumawa si Cecelia. “Mag-isa ka lang or may kasama kang ibang tao? Pero ayos lang kapag may kasama ka pa. Ikukulong ko…”Inilagay niya ang phone malapit sa cage at narinig ni Daisie ang mga tahol at alulong ng mga aso. “Ikukulong ko siya kasama ang mga Mastiff. Hindi pa sila kumakain nang ilang
Bumangga ang Tibetan Mastiff sa bakal na kulungan sa likod ni Daisie at natakot sa biglang tunog kaya nawala sa balanse at napaatras ng ilang hakbang bago bumangga sa lalaki na nasa likod niya.Sinamantala ng lalaki ang sitwasyon at niyakap siya. “Huwag kang mag-alala. Hindi namin sasaktan ang bata sa sinapupunan mo.”Makikita ang bakas ng lamig sa mata ni Daisie pero pinigilan niya ang pandidiri at sinubukang kumalma. “Sandali, hindi ito sapat para maging masaya.”Nagulat ang tatlong lalaki. “Yo, may fetish ka talaga para sa mas masaya?”Humarap si Daisie, tinitigan sila, inangat ang kilay niya at mapang-akit na ngumiti. “Gustong makita ni Ms. Taylor ang pagbagsak ko sa sarili niyang mga mata, hindi ba? Mabibigay ko lang sa inyo ang best performance ko kapag nandito siya.”Hindi inakala ng tatlong lalaki na magiging matapang siya. Kahit ano pa man, mag-isa lang siya at hindi na makakatakas pa sa kanila, kaya pinili nilang tatlo na magpadala ng isa sa kanila para sabihin kay Cecel
Nabaril din ang isang Tibetan Mastiff na tumakbo papunta sa kaniya.Ang dalawang lalaki na binugbog ay nalulunod na sa sarili nilang dugo sa swimming pool at malapit ng mamatay.Nakita ni Nollace si Daisie na nagtatago sa cage at agad na lumaki ang kaniyang mga mata. “Daisie!”Binuksan ni Daisie ang pinto ng iron cage. Namumutla ang mukha niya at nanghihina siyang gumapang palabas.Mabilis na lumapit si Nollace, niyakap niya si Daisie, hinalikan niya ang taas ng ulo nito. “Ayos ka lang?”Umiling siya at walang sinabi na kahit ano. Halatang natakot siya sa nangyari sa mga lalaking halos mamatay na sa lapa ng mga Tibetan Mastiff, kaya napayakap na lang siya sa sa mga bisig ni Nollace sa oras na iyon. Tinakpan ni Cecilia ang pisngi niya at malakas na umiyak, pero hindi niya pa rin nakalimutan na ilabas ang kaniyang galit sa sakit na nararamdaman niya. “Daisie Vanderbilt! B*tch ka! Sino ka para makipaglokohan sa akin! Hindi ko ito palalampasin. Papatayin kita! Aaah!” Dumating na r