Nabaril din ang isang Tibetan Mastiff na tumakbo papunta sa kaniya.Ang dalawang lalaki na binugbog ay nalulunod na sa sarili nilang dugo sa swimming pool at malapit ng mamatay.Nakita ni Nollace si Daisie na nagtatago sa cage at agad na lumaki ang kaniyang mga mata. “Daisie!”Binuksan ni Daisie ang pinto ng iron cage. Namumutla ang mukha niya at nanghihina siyang gumapang palabas.Mabilis na lumapit si Nollace, niyakap niya si Daisie, hinalikan niya ang taas ng ulo nito. “Ayos ka lang?”Umiling siya at walang sinabi na kahit ano. Halatang natakot siya sa nangyari sa mga lalaking halos mamatay na sa lapa ng mga Tibetan Mastiff, kaya napayakap na lang siya sa sa mga bisig ni Nollace sa oras na iyon. Tinakpan ni Cecilia ang pisngi niya at malakas na umiyak, pero hindi niya pa rin nakalimutan na ilabas ang kaniyang galit sa sakit na nararamdaman niya. “Daisie Vanderbilt! B*tch ka! Sino ka para makipaglokohan sa akin! Hindi ko ito palalampasin. Papatayin kita! Aaah!” Dumating na r
Nagulat si Bianca. “Anong gusto mo?”Ngumiti si Nollace at walang ekspresyon na nagpatuloy. “Kailangan mong isakripisyo ang buong buhay na kalayaan ng asawa mo bilang kapalit ng ilang taon na commutation para sa iyong anak.”Agad na nagbago ang ekspresyon ng butler, pero wala siyang sinabi na kahit na ano.Pero biglang may nagbago sa ekspresyon ni Nollace.Yumuko si Bianca, puno ng sakit at lungkot ang kaniyang mukha.Lumabas ng ospital si Nollace at pumasok siya sa kotse. Nakaupo si Daisie sa kotse at nakabalot ang coat ni Nollace sa balikat niya. Halata naman na bahagyang gumaan na ang kaniyang pakiramdam. “Nollace, anong nangyari?” Niyakap siya ni Nollace. “Ayos naman ang lahat, ikaw? Kumusta ang pakiramdam mo?”“Medyo maayos na ang pakiramdam ko ngayon.”‘Sadyang hindi lang ako sanay na makapanood ng mga bagay na iyon sa totoong buhay.’Yumuko si Nollace at hinalikan ang ulo ni Daisie. “Umuwi na muna tayo.”Tumango si Daisie dahil nakaramdam na rin siya ng antok.Sa Blu
“Good news talaga.” Tumabi si Colton kay Freyja at tiningnan sila Nollace at Daisie. “Hindi na masama ang naging resulta.”Niyakap ni Nollace si Daisie at ngumiti siya. “Lahat ng ito ay dahil sayo Colton.”Naghanda ng masarap na mga pagkain ang servant, at kumain silang apat sa dining table, hindi nila nakalimutan na magdala ng ilang bote ng wine sa mesa para mag-celebrate. Pero fruit juice na lang ang pinalit ni Daisie sa wine niya. Inikot ni Freyja ang wine glass na kaniyang hawak at sinabi, “May solusyon na ang problema na dinala ng mga Taylor sa atin. Hindi ko inaasahan na maraming minister ng cabinet ang masasama ang balak. Kaya sa tingin ko, oras na para sa malaking pagbabago, tama?”Hindi mababago ang kaparusahan na nararapat na mabigay sa mga Taylor pati rin ang kapalaran ng ibang mga minister na sangkot din sa mga gawain ng mga Taylor.Hindi lang ang kanilang mga private embezzle property ang nakuha, pero nawalan na rin sila ng pagkakataon na mabalik ang kanilang posisyo
Binaba ni Nolan ang magazine, tiningnan niya si Charm na umiiyak at sumisipa sa loob ng cradle, kumunot ang noo ni Nolan, pero walang bakas ng galit sa kaniyang mata. “Ikaw talaga, sinasadya mo bang suwayin ako?”Bumaba si Nicholas ng hagdan hawak ang thermos. “Hindi ka talaga kasing galing ng grandfather mo pagdating sa pagpapalaki ng bata sa bahay.”‘Buti pa si Dad napapagaan ang loob nya, at titigil siya agad sa pag-iyak pag ginagawa niya iyon.’Kinarga ni Nolan si Charm at niyakap ito. “Hindi mo nga rin siya mapatahan. ‘Di ba pareho lang sa akin?”Sobrang galit si Nicholas at hindi siya nakapagsalita. Umiiyak pa rin si Charm, mas malakas pa sa oras na ito.Hinawakan ni Nolan ang basang diaper ni Charm. Mukhang basang-basa na siya kaya inutusan niya ang isa sa mga katulong na dalhin si Charm sa taas at palitan ng diaper. “Siguradong kailangan ko na talaga pabalikin ng dad niya.”Uminom si Nicholas ng tubig mula sa thermos niya at tumawa. “Sinong nagsabi sayo na huwag kang pu
Nilapit ni Chadwick ang smartwatch s kaniyan labi. “911, may nag-aaway dito.”Mabilis na lumapit ang babaeng pula ang buhok. “Siraulo ka! Sino ka para tumawag sa 911?”Bago pa makapag-react si Chadwick, natumba na siya sa sahig. Nalaglag ang bag niya, at nagkalat ng lahat sa sahig.Nagngalit ang kaniyang ngipin, tumayo siya at nakipaglaban sa babae. Pero hindi katulad ng lakas niya ang isang 16 o 17-year-old na bully, lalo na't marami sila.Tinaas ng babaeng pula ang buhok ang sleeves niya. “Siraulo ka! Ang lakas pa ng loob mong lumaban? Tuturuan kita ngayon ng leksyon.”Lalapit na sana ang babaeng pula ang buhok ng bigla siyang yakapin ni Sapphire sa likod, pinipigilan niya ito. Sa oras na iyon, sinigawan ni Sapphire su Chadwick, “Bakit nakatayo ka pa dyan? Takbo!”Sinipa ng isang tao sa tabi ng babaeng pula ang buhok su Sapphire para makaalis ito. Natumba si Sapphire sa sahig, tumama ang kaniyang kamay kaya nasugat ito.“Sapphire!”Sumigaw ng babaeng pula ang buhok at hin
“Aray…”Habang unti-unting bumabalik ang malay ni Maisie, tanging ang pumipintig lamang niyang ulo at masakit niyang katawan ang kaniyang nararamdaman, para bang nabangga siya ng sasakyan. Nagsalubong ang mga kilay niya sa sakit ngunit wala siyang lakas para labanan ito.Halos hindi niya maaninag ang anino ng lalaking nasa dilim ngunit naamoy niya ang kakaiba nitong Gucci cologne, binabalot nito ang hangin sa paligid.Nanatiling tahimik ang lalaki habang dinidikit nito ang katawan sa kaniya, hinahalikan at dinidilaan ang kaniyang makinis na leeg…Kasabay nang bukang-liwayway, suminag na ang araw.Biglang idinilat ni Maisie ang kaniyang mga mata. Nagulantang siya nang makita niya ang sariling nakahubad sa kama katabi ang isang taong hindi niya nakikilala. Nakatalikod ito sa kaniya.Namutla ang mukha ni Maisie nang bumalik sa kaniya ang mga alaala mula kagabi. Hindi iyon panaginip lang!Paano siya napunta rito?Ang tanging naaalala lang ni Maise mula sa mga nangyari kagabi ay nag
Sa airport ng royal capital of Bassburgh…Sa gitna ng hindi mabilang na mga turista, isang mag-ina ang lumabas. Lahat ng tao ay nakatingin sa kanila.Ang totoo, isang ina at tatlong magagandang bata ang kasama niya.Mahinhin at napakaganda ng babae. Ang kumuha sa atensyon ng mga tao ay ang napakagandang batang babae na buhat-buhat nito sa isang braso. Kulot at makapal ang buhok ng batang babae, dahilan para magmukha siyang manika.Ang dalawang magkamukhang dalawang batang lalaki na sumusunod sa kaniya ay napakaganda rin ng features ng mukha, isang pares ng makikinang at kulay amber na mga mata, kulay dark brown na buhok, at napakaputing mga balat. Parang hindi sila totoo!Inalis ng babaeng nakatayo sa harapan ng BMW ang kaniyang sunglasses. Pinapanood niya si Maisie Vanderbilt na karga-karga ang isang bata at ang dalawa pang nakasunod rito, napasingjap siya sa gulat. “Grabe, Zee! Tatlo kaagad ang anak mo sa isang pagbubuntis lang?”Wala siyang masabi nang makita niya ang apat! Hi
Ang matalim na tingin ng lalaki ang tumambad kay Maisie nang lumingon siya. Natulala siya dahil sa mukha nito.Maputi ang balat ng lalaki, napakaganda ng features ng mukha nito, kapansin-pansin ang kulay amber nitong mga mata na tila mayroong tinatagong lalim, at isang linya ng maninipis na labi na kasing talim ng kutsilyo.Kamukhang-kamukha nito sina Colton at Waylon. Pareho din sila ng kulay ng mga mata!Nalaman lang ni Maisie na triplets ang magiging anak niya noong nasa labor na siya sa Stoslo. Walang namana sa itsura niya ang panganay at pangalawa niyang anak. Pero, mayroong kaunting pagkakahawig sa kaniya ang bunso na mayroong itim na itim na buhok–kapareho din ng lalaking nakatayo sa harapan niya ngayon.Nagdilim ang mga mata ni Maisie habang tinititigan niya ang lalaki sa harapan niya.‘Sino ang lalaking ito? Anong relasyon niya kay WIllow?’Naka-focus ang mga mata ni Nolan Goldmann sa mukha ni Maisie. Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. ‘Ang babaeng ito…’Nang makitang