Tiningnan siya ng ibang inmate na para siyang nababaliw.Ilang guard ang lumapit para hawakan siya. Hindi matanggap ni Sandy ang kapalaran niya at nagpumiglas. “Bakit ikaw ang nakakuha ng mga benepisyo? Nawala ang anak ko pero wala akong nakuha! Isinusumpa ko ang masakit niyong katapusan, Diana at ang mga Knowles!”Hinila siya palayo.Nagsimulang mag-usap ang mga inmate dahil isa lamang baliw si Sandy para sa kanila.Samantala, sa film college…Isa ng knight ang dad ni Freyja, ibig sabihin ay isa na siyang importanteng tao sa Yaramoor.Masaya si Leia at ang iba nilang kaibigan para kay Freyja. “Isang knighthood. Isa ka ng aristocrat ngayon.”“Wala ng maglalakas-loob na siraan ka.“Freyja, huwag mo kaming kalimutan.”Ngumiti si Freyja at sinara ang notebook niya. “Huwag kayong mag-alala, hindi ko ‘yon gagawin.”Ngumiti si Leia at sinabing, “Sa tingin ko rin ay hindi.”Samantala, isang lalaki ang gumawang kaguluhan sa paglalakad sa hall. Nagulat ang babae. “Hindi ba't si Norma
“Ms. Mills…”Pamilyar ang pangalan pero natagalan si Freyja bago niya ito naalala. Rooftop, suicide… Hindi ba't nasa script niya ang scene na ito?Patuloy na naglakad si Norman. “Naaalala mo na ba ngayon?”Biglang tumawa si Freyja at sinabing, “Hindi pinatay ni Ms. Mills ang sarili niya sa script ko. Sa lahat ng mystery case at detective fiction, lahat ng biktima ay lumalabas na pinatay ng ibang tao.”“Naisip mo na ba kung paano ipapakita ng pagkamatay niya?”Nagulat si Freyja at yumuko. Doon nahinto ang script niya. Paano maipapakita ng murderer na nagpakamatay si Ms. Mills, at paano siya makakatakas nang walang naiiwan na ebidensya?Pero, hindi niya inakala na interesado si Norman sa ganitong klase ng script.Nagtataka si Leia habang nakatayo sa gilid. Anong pinag-uusapan niyo? Anong ibig niyong sabihin sa script?”Tiningnan siya ni Norman.Lumapit si Freyja sa kaniya at bumulong, “Ipapaliwanag ko sa'yo mamaya.”Pagkatapos non, lumapit siya kay Norman at tinanong, “So, tuma
Lumapit si Colton sa mesa at humalukipkip. “Hindi ka ba kakain ng dinner?”Nang hindi inaangat ang ulo, sumagot si Freyja, “Hindi pa ako nagugutom.”“Kumain ka ba kanina?”“Oo. Kumain ako kaninang tanghali kasama si Leia.”Nakatuon ang atensyon niya sa kaniyang ginagawa, kaya hindi niya nakita ang pagbabago sa ekspresyon ni Colton. Wala siyang sinabi at umalis sa study room.Natagalan si Freyja bago niya natapos ang pagsagawa ng murderer sa kaniyang pagpatay Tiningnan niya ang kaniyang phone at napansin na 1:00 a.m. na.Bumaba siya at binuksan ang fridge.Pero, walang laman ang loob.Gutom na gutom na siya, kaya nagluto siya ng spaghetti.Ang totoo, hindi pa rin natutulog si Colton. Tahimik niyang pinapanood si Freyja mula sa taas bago bumalik sa kwarto nila.Pagkatapos kumain, bumalik siya sa kwarto nila.Nakahiga si Colton sa kama habang nakatalikod sa kaniya, kaya inakala niya na natutulog ito.Pumasok siya sa banyo para maligo. Mabagal ang galaw niya at marahan dahil
Naalala ni Freyja kung bakit nagalit sa kaniya si Colton kagabi. Mukhang umabot din sa kaniya ang usap-usapan.Biglang, lumapit ang isang estudyante at sinabing, “Freyja, hinahanap ka ng professor.”Pumunta si Freyja sa opisina ng professor. Nabasang professor ang draft na pinadala sa kaniya ni Freyja kagabi. “Perpekto itong MO. Naisip mo ba ito nang mag-isa?”Tapat na sumagot si Freyja, “Tinulungan ako ni Norman.*“I see. Kaya pama parang nakakita na ako nang ganito noon, pero maganda talaga ang ideya na ito. Nga pala, Freyja, may ipapagawa ako sa'yo.”“Anong task?” tanong niya.“Gusto kong ma-interview mo si Mr. Lancell. Ito ang magiging thesis mo.”Pagkatapos niya magsalita, inabot niya kay Freyja ang dokumento.Kinuha ni Freyja ang dokumento at sinabing, “Gagawin ko ang makakaya ko.”Nang paalis na siya, tumunog ulit ang boses ng professor. “Pero, hindi ka pwede humingi ng tulong kay Norman. Kailangan mong makuha mismo ang pagpayag ni Mr. Lancell gamit ng kakayahan mo.”N
Bumalik si Freyja sa reyalida at umiling. “Wala.”“Kailangan mong sabihin sa akin kapag may nangyari. Nag-aalala ako sa'yo.”May naalala si Brandon pagkatapos niya magsalita. “Katatawag lang sa akin ng kulungan ngayon.”Nagulat siya at inangat ang ulo niya.Nagpatuloy si Brandon. “Sinabi nila na mentally unstable ang mom mo at agresibo sya sa kulungan. Ilalabas siya sa kulungan pagkatapos ng dalawang araw para ma-judicially verify ang mental issues niya…”Natigil siya at nagtanong si Freyja, “Anong ibig mong sabihin?”Yumuko si Brandon at nagpatuloy. “Ibig sabihin ay kapag may mental illness ang mom mo, hindi na siya mananatili pa sa kulungan.”“Kailan nangyari ito?”“Noong coronation ceremony,” sagot niya.Kumunot si Freyja. Kung na-trigger ang mom niya sa kulungan noong coronation ceremony, dahil ba sa nakuha ng tita niya ang kapangyarihan na matagal niya nang balak makuha?Base sa batas ng Yaramoor, kapag ang tao na nasa kulungan ay may sakit sa utak, hindi na niya kailang
Saglit na natahimik si Yorrick pagkatapos marinig ang sinabi ni Colton. Pagkatapos ng ilang sandali, tinanong niya, “Sa tingin mo peke ‘yon?”Tumawa si Colton at sinabing, “Na-trigger si Mrs. Pruitt sa kulungan noong coronation ceremony. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na isipin na nagpapanggap lang siya.”Hahayaan ba ni Sandy na makuha ng Knowles ang kapangyarihan na balak niyang kunin?Nawala na siya sa tamang pag-iisip at hindi siya titigil para makuha ang gusto niya. Kapag napalaya siya mula sa kulungan, gagawin niya ba ang treatment, o gaganti siya? Walang makakapagsabi non.Bumuntong hininga si Yorrick. “Coleman, base sa constitution ng Yaramoor, kapag na-diagnose na may mental illness ang tao na nasa kulungan, patitigilin ang sintensya nila para makatanggap ng treatment.”“Alam ko,” seryosong sabi ni Colton. “Kaya naman, hindi ko pwedeng hayaan na makuha niya ang gusto niya.”Samantala, sa loob ng study room ng Knowles…Nagre-report si Edison kay Nollace pagkatapos malam
Bumalik si Freyja sa kaniyang katinuan at mabagal na tumayo. “Babalik na lang ako bukas kung ganoon.”Tiningnan siya ng receptionist at umiling.‘Dalawang beses ng tinanggihan ang babae na ito pero pumupunta pa rin siya. Pero, kahit ano pa ang gawin niya, hindi makikipagkita sa kaniya si Mr. Lancell.’Tumayo si Freyja sa pinto, tiningnan ang mga sasakyan at pedestrian na dumadaan sa building, inayos ang emosyon niya, nagtawag ng cab at umalis…Nakaupo si Leia sa isa sa mga basketball court bench ng college at nang makita niya na pabalik na si Freyja mula sa field trip nito, agad siyang tumayo at lumapit. “Kumusta?”Umiling si Freyja.‘Sabi ko na nga ba. Hindi niya pa rin nagawa sa huli.’“Hindi ba pinapahirapan ng professor ang buhay mo? Base sa estado ni Mr. Lancell sa Dorywood at sa mayabang nitong pag-uugali, mukhang malabo na makita mo siya. Mas mahirap pa ‘yon kaysa mag set ng meeting sa isang Dorywood superstar.”“Lalo na kaming mga postgraduate, kahit ang mga Dorywood S-
“Sadyang walang surveillance sa rooftop, at pinapakita sa surveillance ng elevator na ang murderer ang nawala. Kaya wala ng nakuhanan na kahit ano ang surveillance matapos iyon. Kaya paano naiwasan ng murderer ang camera at nakatakas? At kahit natulak sa rooftop ang namatay? Naniniwala akong gusto malaman ng audience ang sagot sa mga tanong na ito.”Muling tumikhim ang assistant. “Kadalasan, pag ganito ang pangyayari, sigurado na may katulong sila. Nagpanggap ang murderer na siya ang namatay at pumunta siya sa rooftop, at tinapon ng katulong nila ang namatay sa balcony ng building. Siguro ang tumulong ay ang asawa o boyfriend ng namatay.”Umiling si Freyja. “Sa pagkakaalam ko, mag-isa lang sa buhay si Ms. Mills.”Nagulat ang assistant at tumingin sa sulok. Binigyan siya ng hint ni Rory sa pamamagitan ng isang tingin, at nagpatuloy na nagsalita ang assistant. “Isang murderer lang iyon? Ibig sabihin tinapon muna ang patay sa balcony at nagpalit ng damit gamit ang damit ng namatay tapo