Nagulat ang assistant. “Sinabit sa labas ng building yung patay?” “Sa totoo lang, ito ang inspiration na binigay sa akin ni Norman. akin ni Norman. May ilang talampakan ng lua sa labas ng rooftop. Kahit na may surveillance camera rin ang rooftop, makakatalon pa rin ang murderer at doon siya malalaglag sa sahig. Pero ang plano na iyon ay magiging matagumpay lang sa tulong ng dalawang tao. “Ang isang tao ay nasa balcony ng apartment ng namatay para tulungan ang murderer na tatalon mula sa rooftop, sigurado na sobrang malapit ang taong tumulong sa namatay. Pwede siyang mag dahilan na gusto niyang makita ang surveillance footage na nagpapakita ng pagpapakamatay ng kaniyang mahal at sirain ito ng dahil sa galit, at iyon naman ang paraan ng murderer para makatakas.”Masayang tumawa si Rory. “Yes, mas bagay nga ito sa plot na may dalawang criminal.”Pinatunog ni Freyja ang daliri niya. “Pero kung isa lang talaga ang murderer, magiging sobrang iba ang plot. Ginamit ng murderer ang protru
“Sa kung paano naman nakatakas ang murderer sa building habang umiiwas sa mga surveillance camera, isa lang ang dahilan nito, at ayun ay ang fire staircase, iyon ang nag-iisang daanan palabas ng building na walang monitor. Pwede siyang magtago doon hanggang kinabukasan pag may nakakita na ng katawan ng biktima, pwede siya magpanggap na pagmamay-ari niya ang isang unit at pumunta sa kahit anong floor gamit ang fire staircase.” Nagtaka ang assistant. “Bakit naman siya magtatago hanggang bukas ng umaga?” Dahan-dahan na tumayo si Rory. “Dahil lahat ng nakatira doon ay aalis kinabukasan para magtrabaho o pumasok sa school. Magiging katakataka kung aalis siya ng gabi. Kaya mas mabuting gamitin ang elevator at umalis ng building habang nagtatago kasabay ang ibang mga residents kinabukasan. Biglang nagkaroon ng linaw lahat ng bagay.Nang makita ang gulat nilang ekspresyon, ngumiti si Freyja. “Syempre, kahit sinong perfect criminal sa MO ay may mga pagkakamali pa rin sa reyalidad. Hindi
Mas nagtaka pa si Norman. “Ako?”Natawa si Freyja. “Kung hindi dahil sa special rooftop design na ginagawa mo, hindi ako makakaisip ng mas magandang MO kumpara sayo.” Nagtataka si Leia, at hinaplos niya ang kamay ni Daisie. “Anong klaseng operation ang pinag-uusapan natin?”Nang sasagot na sana si Freyja, bigla siyang napahinto dahil nag-ring ang phone niya. Binuksan niya ito at nakitang si Colton ang tumatawag. Sa kabilang parte ng lugar, sa judicial appraisal center…Nakaupo si Nollace sa back seat at nakatingin sa gate ng center. Nang dumating siya, lumapit agad si Edison sa kotse at kumatok sa bintana.Dahan-dahan niyang hinaga ang kurtina ng sasakyan, lumapit si Edison at nag-report, “Lumabas na ang result ng appraisal. Wala siyang mental disorder, pero may diagnosis siya na may severe depression siya.”Naningkit ang mata ni Nollace. “May mga bagay bang hindi normal at nakakapagtaka?” “Wala, wala pa sa mga tao sa judicial appraisal center ang nakakakilala sa kaniya pero
Nag-react si Sandy. Tumingin siya kay Brandon at may galit sa kaniyang mga mata. “Nakalimutan mo na ba na binigyan ka ng ganyang estado sa buhay ng babae na ‘yan dahil sa akin?”Napahinto si Brandon.Ngumisi si Sandy. “Kahit gaano ako kasama, may royal blood ako sa ugat ko. Pero ikaw? Kung hindi kita pinakasalan, wala ka at ang babaeng iyon sa sitwasyon niyo ngayon, masaya pa kayo sa status at honor sa inyo. Hahaha.”Nakakatakot siyang tumawa kaya napatingin ang guard sa loob.Yumuko si Brandon at may lungkot sa mata niya. “Sobrang galit ka ba sa anak natin?”“Ginusto ko ba siya?”Namumula ang mata ni Sandy sa galit. “Nagmakaawa ka sa akin na ipanganak siya. Wala siyang kwentang anak na swerte lang sa ngayon at nakakaraos siya.”Napahinto ang ekspresyon ni Brandon.“Namatay ang anak ko dahil sa mga Knowles, pero masaya ang anak at asawa ko sa yaman na nagmula sa pamilya na ‘yon?” Mas lumakas pa ang tawa ni Sandy. “Mga aso lang nila kayo. Pinahiya niyo ang sarili niyo sa anak na
Tumingin kay Diana ang taong nasa loob. Elegante ang suot ni Diana kaya hindi ito nababagay sa simpleng itsura ng kulungan. Nakasuot si Sandy ng uniform sa pang kulungan. Hindi gaanong mayabang at mapagmataas ang itsura niya kumpara noong malaya pa siya. Mukha lang siyang malungkot na babae.“Mahal kong kapatid, masaya akong naalala mo ako.” Ngumiti si Diana na para bang nandoon siya para magsaya.Tiningnan siya ni Sandy mula sa sulok ng mata nito. “Congratulations. Sa wakas ikaw na ang queen ngayon dahil patay na si Dad.” Sarcastic ang pagsasabi niya.Hindi pinansin ni Diana ang pagiging sarcasm ni Sandy. “Salamat.”Inutusan ng warden ang prison guard na magdala ng upuan para makaupo si Diana. Nang umupo si Diana, ngumiti siya at sinabi sa warden, “Kakausapin ko siya ng personal.”Nagdalawang-isip ang warden. “Pero—”“‘Di ba nakakulong naman siya? Pwede mo kaming panoorin mula sa tabi.”Tumango ang warden at sinabihan ang mga guard na maghintay sa gilid. Nang umalis na sila, su
“Kahit na isa siyang royal, dapat parusahan pa rin siya dahil hindi siya sumusunod sa batas. Kung meron siyang mental illness, magpadala na lang ng taong magbabantay sa kaniya para hindi siya magpakamatay. Masisira ang reputasyon mo pag lumabas iyon.”Yumuko ang warden. “Oo, tama ka, Your Majesty.”Sumakay ng kotse si Diana at nag maneho na sila paalis. Matapos ang isang linggo…Nag-hire ng ilang tao si Nollace para maglinis ng Blue Valley Manor. 19th century pa itinayo ang estate at isa na iyong vintage manor. May mga vintage decor ito at architecture.Naglakad pababa ng hagdan si Peter at Nollace. “Sir, na-send na namin ang employment notice pati ang requirement para sa house steward. Meron na tayong sampung aplikante sa ngayon. Gusto mo bang tingnan?” Umupo si Nollace sa couch. “Alright.”Pinakita ni Peter kay Nollace ang tablet na may resume ng mga candidates.Tiningnan iyon ni Nollace at tinaas niya ang kaniyang kilay. “Bata pa silang lahat?”Suminghal si Peter. “Sabi m
Tinakpan ni Nollace ang bibig ni Daisie. “Tama na ‘yan.”Pag nagpatuloy pa siya, siguro magkakaroon na talaga sila ng zoo.Suminghal si Nollace. “Magkakaroon na tayo ng baby at paano na ako? Kalilimutan mo na ba ako?”Binalot ni Daisie ang kamay niya sa leeg ni Nollace at ngumiti. “Paano kita makakalimutan?”Tinapik ni Nollace ang ilong ni Daisie at kinarga siya. “Sinong nakakaalam ano ang nasa isip ng isang little rascal?”Tumawa si Daisie. “Nasa sinapupunan ko ang mga little rascals. Kanina pa nila ako sinisipa.”“Papaluin ko ang pwet nila pag lumabas na sila.”“Kung babae sila, hindi mo na ako lalambingin?”Kinarga siya ni Nollace papuntang kwarto at hiniga si Daisie sa kama. “Kung pareho silang lalaki, spoiled ka naming lahat, pero tatlo kayong spoiled sa akin kung babae silang dalawa. Masayang ngumiti si Daisie.Samantala, sa film college…Inabot ni Freyja ang kumpleto na script kay Leia at Norman. Pareho silang nagbasa, at binigyan ni Norman ng thumbs up.“Kakaiba it
Alam ni Mrs. Lancell na paborito ng anak niya ang crime-solving tulad ng uncle niya pero kailangan niya asikasuhin ang family business nila sa susunod kaya hindi siya pwedeng gumaya sa uncle niya.“Kahit na dito ka interesado, nandito ang kaibigan ng dad mo. Kailangan mo siyang respetuhin at matuto mula sa kanila. Pagkatapos mo mag-aral ay kailangan mong asikasuhin ang kompanya natin.”Kumaway si Norman sa mom niya. “Alright.”Sumingal si Mrs. Lancell at naglakad siya palapit sa kaniyang asawa.”Nakita ni Steve Lancell na nag aalala ang asawa niya kaya binaba niya ang kaniyang wine. “Anong problema?” “Naiimpluwensyahan ng kapatid mo si Norman. Natatakot ako na baka maging director siya tulad niya.”Ngumiti si Steve. “Wala namang mali sa pagiging director. Tingnan mo si Rory. Maayos naman ang ginagawa niya sa business world at sa Dorywood.”“Dalawa kasi kayo. Ikaw ang kumuha ng business niyo para pwedeng gawin ng younger brother mo kung ano ang gusto niya. Nag-iisang anak lang n