Alam ni Mrs. Lancell na paborito ng anak niya ang crime-solving tulad ng uncle niya pero kailangan niya asikasuhin ang family business nila sa susunod kaya hindi siya pwedeng gumaya sa uncle niya.“Kahit na dito ka interesado, nandito ang kaibigan ng dad mo. Kailangan mo siyang respetuhin at matuto mula sa kanila. Pagkatapos mo mag-aral ay kailangan mong asikasuhin ang kompanya natin.”Kumaway si Norman sa mom niya. “Alright.”Sumingal si Mrs. Lancell at naglakad siya palapit sa kaniyang asawa.”Nakita ni Steve Lancell na nag aalala ang asawa niya kaya binaba niya ang kaniyang wine. “Anong problema?” “Naiimpluwensyahan ng kapatid mo si Norman. Natatakot ako na baka maging director siya tulad niya.”Ngumiti si Steve. “Wala namang mali sa pagiging director. Tingnan mo si Rory. Maayos naman ang ginagawa niya sa business world at sa Dorywood.”“Dalawa kasi kayo. Ikaw ang kumuha ng business niyo para pwedeng gawin ng younger brother mo kung ano ang gusto niya. Nag-iisang anak lang n
Masayang tumawa si Rory. “Talented ka pala pagdating sa scriptwriting. Nakikita ko na bakit pinapunta ka ni Merlin sa akin.”“Uncle Rory.”Lumabas ng kwarto si Norman at nakasalubong sila Freyja, Leia, at uncle niya.” Hinawakan ni Rory ang tainga ni Norman kaya naningkit ang mata niya sa sakit. “Ouch, ang sakit uncle Rory.”“Tingnan mo sarili mo. Kaya niyang makagawa ng mas magandang ideya kaysa sa binigay mo.” Nang bitawan ni Rory si Norman, hinawakan nito ang tainga niya at pinilit n ngumiti. “Well, konti lang naman ang natutunan ko mula sayo.”Matapos niyang magsalita, nagpatuloy siya. “Nakita ko na ang script ni Freyja at sa tingin ko ay maganda ‘yon. Bakit hindi mo tingnan?”Natawa si Freyja habang pinopromote ni Norman ang script niya kay Rory. “Sa tingin ko ay hindi ngayon ang tamang pagkakataon. ‘Di ba family banquet niyo ngayon?”“Well…”Humithit si Rory sa kaniyang sigarilyo at tumalikod. Bago siya bumalik sa bahay, sabi niya, “Pwede mo ipakita sa akin pagtapos. Ti
Samantala, dinalhan naman sila ni Norman ng ilang snacks at juice.Kinuha ni Leia ang baso ng juice at nilapitan si Freyja. “Nakita mo ba ang mata ng mom ni Norman habang nakatingin sa'yo?”Nakikita ni Leia na hindi gusto ni Isabelle si Freyja mula sa mata nito. Pero, hindi niya sinabi kay Freyja ang tungkol doon dahil ayaw niyang mag-isip nang sobra si Freyja.Ngumiti si Freyja. Napagtanto niya rin ‘yon. “Baka dahil kilala niya ang mom ko. Nangingialam sa kanila noon ang mom ko.”Dahil doon, alam niyang hindi maganda ang relasyon ng mom niya sa kahit sino sa kanila, at mapapatunayan nito ang katotohanan na wala sa kanila ang bumisita at nagbanggit sa mom niya mula ng nakulong ito.Kung nakikilala siya ni Isabelle, naiintindihan niya kung bakit hindi siya gusto nito.Sinubukan ni Leia na pagaanin ang loob nito at sinabing, “Kahit ano pang ginawa ng mom ko, walang kinalaman ‘yon sa'yo. Kaya huwag ka gaano mag-isip.”“Salamat.”“Wala ‘yon. Kung tutuusin, magkaibigan tayo.”Haban
Pilit na ngumiti si Mr. Andrews at sinabing, “Misunderstanding lang ‘to, Mr. Lancells. Binibiro ko lang siya.*“Siya ang paboritong estudyante ni Professor Merlin, kaya mas maganda mag-isip ka muna kung may balak ka talagang gawin sa kaniya.”Nagbago ang ekspresyon ni Mr. Andrews. Nagdalawang-isip siya sandali bago tumayo at lumayo.Binaba ni Freyja ang ashtray at tinanong, “Kilala niya si Professor Merlin?”Umupo si Rory sa couch sa gilid at sumimsim ng wine niya. “Akala mo ba na isa lang matanda at lubos na nirerespeto si Merlin? Itinayo ng nakababata niyang kapatid ang Academy of Film and Television. Ang dad niya ang minister ng foreign affairs bago ito nag retiro sa cabinet. Bukod kay Merlin, lahat ng miyembro ng pamilya niya ay nagtatrabaho sa cabinet nang ilang henerasyon.”Nagulat si Freyja. Hindi niya inakala na nagmula sa ganoong pamilya ang professor niya. Kung tutuusin, nanatili siyang low profile at minsan lang magsalita tungkol sa pamilya niya.“Salamat, Mr. Lancell.
Pagkatapos ng ilang sandali, binuksan ni Freyja ang pinto at inilabas ang ulo niya. “Kunin mo para sa'kin.”Naningkit siya at sumagot, “Sabihin mo nang maayos.”Huminga nang malalim si Freyja, nagngalit ngipin niya at nakangiting sinabi, “Darling, pwede mo ako tulungan na kunin ang damit ko, please?”“Ganoon na nga.”Pumunta si Colton sa dressing room para kunan ng damit si Freyja, kasama ang mga panloob nito. Agad na kinuha ni Freyja ang damit sa kamay nito at mabilis na sinara ang pinto. Baka tumama ‘yon sa ilong ni Colton kung nakatayo siya nang malapit sa pinto.Pinatunog niya ang kaniyang dila at naisip, ‘Bakit galit pa rin siya pagkatapos kong gawin ang lahat ng sinabi niya sa akin? Mukhang kailangan kong sabihan ang anak ko para hindi niya makuha ang maling ugali na ito mula sa mom niya.’Lumabas si Freyja sa banyo pagkatapos niyang maligo. Nang makita niya na binabasa ni Colton ang script niya sa kama, lumapit siya at kinuha ‘yon sa kamay niya. Hindi niya inakala ‘yon ka
Pagkatapos ng kalahating oras, tinanong ni Rory ang assistant na nasa tabi niya para sa komento nito. “Ano sa tingin mo?”Bumalik mula sa gulat ang assistant. “Huh?”“Tinatanong ko ang opinyon mo. Anong tingin mo sa script na ito?”Hindi inakala ng assistant na hihingin ni Rory ang opinyon niya. Bahagya siyang nagulat pero kailangan pa rin niya sagutin si Rory. “Sa tingin ko ay maganda ito.”Nag-igting ang panga niya habang bumibilis ang tibok ng kaniyang puso sa kaniyang dibdib.Sinabi ni Rory, “Hindi na masama para sa script. Nagdagdag ka ng maraming detalye para ilabas ang mga character mo at mga plot. Lahat sila ay may sariling kwento. Parang magkakadugtong sila pero parang hindi rin naman. Pero, lahat ng character na ito ay may koneksyon sa namatay na pwedeng i-konekta para alamin ang motibo ng pumatay.”Nagulat si Freyja. “Ibig sabihin walang problema ang script ko?”“Wala!” Sinara ni Rory ang script at seryoso ang mukha niya. Nang palabas na sa lalamunan ang puso ni Freyj
Tumikhim si Freyja. “Napili ang script ko.”“Talaga?” Lumaki ang ngiti ni Colton. “Congratulations, mukhang malapit na maging sikat na screenwriter ang asawa ko at baka maging babaeng director pa sa future.”Ngumisi siya. “Gusto mo bang kumain sa labas? Libre ko.”Agad na umupo si Colton nang marinig yon. “Seryoso ka ba?” “Pumunta ka kung gusto mo. Kung ayaw mo, huwag na. Ibaba ko na.”Pagkatapos sabihin ‘yon, binaba ni Freyja ang phone, naiwan ang walang masabi niyang asawa.‘Ang ugali na ‘yan, ang kayabangan.’Pero, lumaki ang ngiti niya at inangat niya agad ang kaniyang kumot, bumangon sa kama at pumasok sa banyo.Nang makarating si Colton sa restaurant nang masaya, napagtanto niya na may dalawa pang tao na nakaupo sa dining table, at mabilis na nagdilim ang ekspresyon niya.Si Leia ang unang nakakita sa kaniya. “Nandito ang asawa mo.”Nakangiting nagpaliwanag si Freyja, “Ako ang nagsabi sa kaniya na sumama sa atin.Ito ang unang pagkakataon na nakita ni Norman si Colton
Nagtaka si Norman. “Bakit naman?”“May narinig ako na kwento tungkol sa lalaki na nagpakasal sa bata at magandang misis. Mahilig ang lalaki sa pagpapakita, kaya lagi niyang dinadala ang misis niya sa mga social event para puriin siya ng mga tao. Kaya naman, kahit saan siya pumunta, nandoon din ang asawa niya. Pero, habang tumatagal, nakahanap ang misis niya ng lalaki na mas maganda ang trato sa kaniya at mas gwapo kumpara sa asawa niya, kaya niloko niya ito sumama sa ibang lalaki sa huli.”Lumabas ang wine na kaiinom lang ni Norman nang marinig niya ang plot twist at nagulat siya.Agad na kinuha ni Colton ang napkin at pinunasan ang kalat na wine.Nanlaki ang mata ni Norman na para bang nagulat siya.Hindi napigilan ni Leia at Freyja na tumawa nang malakas.Pagkatapos non, hindi na gumawa ng gulo pa si Norman, at nanatali siyang tulala sa buong pagkain na para bang nai-kwento ni Colton ang mangyayari sa mga magulang niya.‘Kailangan ko ito sabihin sa dad ko pagkauwi ko.’Nilapi