Samantala, dinalhan naman sila ni Norman ng ilang snacks at juice.Kinuha ni Leia ang baso ng juice at nilapitan si Freyja. “Nakita mo ba ang mata ng mom ni Norman habang nakatingin sa'yo?”Nakikita ni Leia na hindi gusto ni Isabelle si Freyja mula sa mata nito. Pero, hindi niya sinabi kay Freyja ang tungkol doon dahil ayaw niyang mag-isip nang sobra si Freyja.Ngumiti si Freyja. Napagtanto niya rin ‘yon. “Baka dahil kilala niya ang mom ko. Nangingialam sa kanila noon ang mom ko.”Dahil doon, alam niyang hindi maganda ang relasyon ng mom niya sa kahit sino sa kanila, at mapapatunayan nito ang katotohanan na wala sa kanila ang bumisita at nagbanggit sa mom niya mula ng nakulong ito.Kung nakikilala siya ni Isabelle, naiintindihan niya kung bakit hindi siya gusto nito.Sinubukan ni Leia na pagaanin ang loob nito at sinabing, “Kahit ano pang ginawa ng mom ko, walang kinalaman ‘yon sa'yo. Kaya huwag ka gaano mag-isip.”“Salamat.”“Wala ‘yon. Kung tutuusin, magkaibigan tayo.”Haban
Pilit na ngumiti si Mr. Andrews at sinabing, “Misunderstanding lang ‘to, Mr. Lancells. Binibiro ko lang siya.*“Siya ang paboritong estudyante ni Professor Merlin, kaya mas maganda mag-isip ka muna kung may balak ka talagang gawin sa kaniya.”Nagbago ang ekspresyon ni Mr. Andrews. Nagdalawang-isip siya sandali bago tumayo at lumayo.Binaba ni Freyja ang ashtray at tinanong, “Kilala niya si Professor Merlin?”Umupo si Rory sa couch sa gilid at sumimsim ng wine niya. “Akala mo ba na isa lang matanda at lubos na nirerespeto si Merlin? Itinayo ng nakababata niyang kapatid ang Academy of Film and Television. Ang dad niya ang minister ng foreign affairs bago ito nag retiro sa cabinet. Bukod kay Merlin, lahat ng miyembro ng pamilya niya ay nagtatrabaho sa cabinet nang ilang henerasyon.”Nagulat si Freyja. Hindi niya inakala na nagmula sa ganoong pamilya ang professor niya. Kung tutuusin, nanatili siyang low profile at minsan lang magsalita tungkol sa pamilya niya.“Salamat, Mr. Lancell.
Pagkatapos ng ilang sandali, binuksan ni Freyja ang pinto at inilabas ang ulo niya. “Kunin mo para sa'kin.”Naningkit siya at sumagot, “Sabihin mo nang maayos.”Huminga nang malalim si Freyja, nagngalit ngipin niya at nakangiting sinabi, “Darling, pwede mo ako tulungan na kunin ang damit ko, please?”“Ganoon na nga.”Pumunta si Colton sa dressing room para kunan ng damit si Freyja, kasama ang mga panloob nito. Agad na kinuha ni Freyja ang damit sa kamay nito at mabilis na sinara ang pinto. Baka tumama ‘yon sa ilong ni Colton kung nakatayo siya nang malapit sa pinto.Pinatunog niya ang kaniyang dila at naisip, ‘Bakit galit pa rin siya pagkatapos kong gawin ang lahat ng sinabi niya sa akin? Mukhang kailangan kong sabihan ang anak ko para hindi niya makuha ang maling ugali na ito mula sa mom niya.’Lumabas si Freyja sa banyo pagkatapos niyang maligo. Nang makita niya na binabasa ni Colton ang script niya sa kama, lumapit siya at kinuha ‘yon sa kamay niya. Hindi niya inakala ‘yon ka
Pagkatapos ng kalahating oras, tinanong ni Rory ang assistant na nasa tabi niya para sa komento nito. “Ano sa tingin mo?”Bumalik mula sa gulat ang assistant. “Huh?”“Tinatanong ko ang opinyon mo. Anong tingin mo sa script na ito?”Hindi inakala ng assistant na hihingin ni Rory ang opinyon niya. Bahagya siyang nagulat pero kailangan pa rin niya sagutin si Rory. “Sa tingin ko ay maganda ito.”Nag-igting ang panga niya habang bumibilis ang tibok ng kaniyang puso sa kaniyang dibdib.Sinabi ni Rory, “Hindi na masama para sa script. Nagdagdag ka ng maraming detalye para ilabas ang mga character mo at mga plot. Lahat sila ay may sariling kwento. Parang magkakadugtong sila pero parang hindi rin naman. Pero, lahat ng character na ito ay may koneksyon sa namatay na pwedeng i-konekta para alamin ang motibo ng pumatay.”Nagulat si Freyja. “Ibig sabihin walang problema ang script ko?”“Wala!” Sinara ni Rory ang script at seryoso ang mukha niya. Nang palabas na sa lalamunan ang puso ni Freyj
Tumikhim si Freyja. “Napili ang script ko.”“Talaga?” Lumaki ang ngiti ni Colton. “Congratulations, mukhang malapit na maging sikat na screenwriter ang asawa ko at baka maging babaeng director pa sa future.”Ngumisi siya. “Gusto mo bang kumain sa labas? Libre ko.”Agad na umupo si Colton nang marinig yon. “Seryoso ka ba?” “Pumunta ka kung gusto mo. Kung ayaw mo, huwag na. Ibaba ko na.”Pagkatapos sabihin ‘yon, binaba ni Freyja ang phone, naiwan ang walang masabi niyang asawa.‘Ang ugali na ‘yan, ang kayabangan.’Pero, lumaki ang ngiti niya at inangat niya agad ang kaniyang kumot, bumangon sa kama at pumasok sa banyo.Nang makarating si Colton sa restaurant nang masaya, napagtanto niya na may dalawa pang tao na nakaupo sa dining table, at mabilis na nagdilim ang ekspresyon niya.Si Leia ang unang nakakita sa kaniya. “Nandito ang asawa mo.”Nakangiting nagpaliwanag si Freyja, “Ako ang nagsabi sa kaniya na sumama sa atin.Ito ang unang pagkakataon na nakita ni Norman si Colton
Nagtaka si Norman. “Bakit naman?”“May narinig ako na kwento tungkol sa lalaki na nagpakasal sa bata at magandang misis. Mahilig ang lalaki sa pagpapakita, kaya lagi niyang dinadala ang misis niya sa mga social event para puriin siya ng mga tao. Kaya naman, kahit saan siya pumunta, nandoon din ang asawa niya. Pero, habang tumatagal, nakahanap ang misis niya ng lalaki na mas maganda ang trato sa kaniya at mas gwapo kumpara sa asawa niya, kaya niloko niya ito sumama sa ibang lalaki sa huli.”Lumabas ang wine na kaiinom lang ni Norman nang marinig niya ang plot twist at nagulat siya.Agad na kinuha ni Colton ang napkin at pinunasan ang kalat na wine.Nanlaki ang mata ni Norman na para bang nagulat siya.Hindi napigilan ni Leia at Freyja na tumawa nang malakas.Pagkatapos non, hindi na gumawa ng gulo pa si Norman, at nanatali siyang tulala sa buong pagkain na para bang nai-kwento ni Colton ang mangyayari sa mga magulang niya.‘Kailangan ko ito sabihin sa dad ko pagkauwi ko.’Nilapi
Nagpalitan ng tingin si Leia at Freyja.Nasa Yaramoor sila, at ang batas dito ay hindi kasing higpit ng batas ng Zlokovian. Kaya naman, kahit na maaresto ang may sala sa maliit na pagnanakaw, hindi nila kayang palakihin ang kaso. Kaya, maidadala lang sa custody ang babaeng pula ang buhok ng ilang araw.Kaya naman pala mukhang nahihiya ang police officer. Kung tutuusin, nasanay na sila sa ganoong ugali. At saka, isang habitual offender na ang babae na ilang beses na hindi sumunod sa batas at nahuli na rin, kaya natural lang sa mga pulis na wala silang magawa.Humalukipkip si Colton. “Wala akong pakialam sa pera pero kailangan kong kunin ang passport at ID ko.”Mabagal na tumayo ang police officer. “Okay, sasabihin ko sa inyo kung saan siya nakatira.”Nang lumabas silang tatlo sa presinto, naglalakad ng pabalik-balik si Norman sa harap ng sasakyan.Nang makita na lumabas sila sa front entrance, tinanong niya, “Anong nangyari? Nahanap niyo ba ang magnanakaw?”Mukhang dismayado at n
Saglit na natahimik ang babae na may pulang buhok bago ito nag iwas ng tingin sa kanilang lahat. “Nawala ko.”Mas naging madilim at seryoso ang ekspresyon ni Colton. “Anong sinabi mo?”“Sabi ko ay nawala ko. Anong problema? Sinasabi mo ba sa'kin na sasaktan mo ang mahinang babae? Sige, saktan mo ako.” Inilapit ng babae na pula ang buhok ang mukha niya kay Colton.Inangat ni Colton ang kamay niya.Agad siyang pinigilan ni Freyja. “Kumalma ka. Tumingin ka sa paligid mo.”Tumingin si Colton sa paligid—maraming tao mula sa lugar na yon ang nanonood.Inalis ng babaeng pula ang buhok ang kamay ni Norman at humalukipkip. “Kung may lakas kayo ng loob na saktan ako dito, sasabihin ko sa mga pulis na gumagawa kayo ng gulo sa nursing home. Tingnan natin kung kayo o ako ang maipapadala sa presinto?”“Ang kapal ng mukha mo!” Hindi mapigilan ni Leia na manood lang at lumabas siya mula sa apat. “Halata naman na ikaw ang nagnakaw ng wallet ng iba, kaya anong inaasahan mo sa amin bukod sa pagbaw