Naalala ni Freyja kung bakit nagalit sa kaniya si Colton kagabi. Mukhang umabot din sa kaniya ang usap-usapan.Biglang, lumapit ang isang estudyante at sinabing, “Freyja, hinahanap ka ng professor.”Pumunta si Freyja sa opisina ng professor. Nabasang professor ang draft na pinadala sa kaniya ni Freyja kagabi. “Perpekto itong MO. Naisip mo ba ito nang mag-isa?”Tapat na sumagot si Freyja, “Tinulungan ako ni Norman.*“I see. Kaya pama parang nakakita na ako nang ganito noon, pero maganda talaga ang ideya na ito. Nga pala, Freyja, may ipapagawa ako sa'yo.”“Anong task?” tanong niya.“Gusto kong ma-interview mo si Mr. Lancell. Ito ang magiging thesis mo.”Pagkatapos niya magsalita, inabot niya kay Freyja ang dokumento.Kinuha ni Freyja ang dokumento at sinabing, “Gagawin ko ang makakaya ko.”Nang paalis na siya, tumunog ulit ang boses ng professor. “Pero, hindi ka pwede humingi ng tulong kay Norman. Kailangan mong makuha mismo ang pagpayag ni Mr. Lancell gamit ng kakayahan mo.”N
Bumalik si Freyja sa reyalida at umiling. “Wala.”“Kailangan mong sabihin sa akin kapag may nangyari. Nag-aalala ako sa'yo.”May naalala si Brandon pagkatapos niya magsalita. “Katatawag lang sa akin ng kulungan ngayon.”Nagulat siya at inangat ang ulo niya.Nagpatuloy si Brandon. “Sinabi nila na mentally unstable ang mom mo at agresibo sya sa kulungan. Ilalabas siya sa kulungan pagkatapos ng dalawang araw para ma-judicially verify ang mental issues niya…”Natigil siya at nagtanong si Freyja, “Anong ibig mong sabihin?”Yumuko si Brandon at nagpatuloy. “Ibig sabihin ay kapag may mental illness ang mom mo, hindi na siya mananatili pa sa kulungan.”“Kailan nangyari ito?”“Noong coronation ceremony,” sagot niya.Kumunot si Freyja. Kung na-trigger ang mom niya sa kulungan noong coronation ceremony, dahil ba sa nakuha ng tita niya ang kapangyarihan na matagal niya nang balak makuha?Base sa batas ng Yaramoor, kapag ang tao na nasa kulungan ay may sakit sa utak, hindi na niya kailang
Saglit na natahimik si Yorrick pagkatapos marinig ang sinabi ni Colton. Pagkatapos ng ilang sandali, tinanong niya, “Sa tingin mo peke ‘yon?”Tumawa si Colton at sinabing, “Na-trigger si Mrs. Pruitt sa kulungan noong coronation ceremony. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na isipin na nagpapanggap lang siya.”Hahayaan ba ni Sandy na makuha ng Knowles ang kapangyarihan na balak niyang kunin?Nawala na siya sa tamang pag-iisip at hindi siya titigil para makuha ang gusto niya. Kapag napalaya siya mula sa kulungan, gagawin niya ba ang treatment, o gaganti siya? Walang makakapagsabi non.Bumuntong hininga si Yorrick. “Coleman, base sa constitution ng Yaramoor, kapag na-diagnose na may mental illness ang tao na nasa kulungan, patitigilin ang sintensya nila para makatanggap ng treatment.”“Alam ko,” seryosong sabi ni Colton. “Kaya naman, hindi ko pwedeng hayaan na makuha niya ang gusto niya.”Samantala, sa loob ng study room ng Knowles…Nagre-report si Edison kay Nollace pagkatapos malam
Bumalik si Freyja sa kaniyang katinuan at mabagal na tumayo. “Babalik na lang ako bukas kung ganoon.”Tiningnan siya ng receptionist at umiling.‘Dalawang beses ng tinanggihan ang babae na ito pero pumupunta pa rin siya. Pero, kahit ano pa ang gawin niya, hindi makikipagkita sa kaniya si Mr. Lancell.’Tumayo si Freyja sa pinto, tiningnan ang mga sasakyan at pedestrian na dumadaan sa building, inayos ang emosyon niya, nagtawag ng cab at umalis…Nakaupo si Leia sa isa sa mga basketball court bench ng college at nang makita niya na pabalik na si Freyja mula sa field trip nito, agad siyang tumayo at lumapit. “Kumusta?”Umiling si Freyja.‘Sabi ko na nga ba. Hindi niya pa rin nagawa sa huli.’“Hindi ba pinapahirapan ng professor ang buhay mo? Base sa estado ni Mr. Lancell sa Dorywood at sa mayabang nitong pag-uugali, mukhang malabo na makita mo siya. Mas mahirap pa ‘yon kaysa mag set ng meeting sa isang Dorywood superstar.”“Lalo na kaming mga postgraduate, kahit ang mga Dorywood S-
“Sadyang walang surveillance sa rooftop, at pinapakita sa surveillance ng elevator na ang murderer ang nawala. Kaya wala ng nakuhanan na kahit ano ang surveillance matapos iyon. Kaya paano naiwasan ng murderer ang camera at nakatakas? At kahit natulak sa rooftop ang namatay? Naniniwala akong gusto malaman ng audience ang sagot sa mga tanong na ito.”Muling tumikhim ang assistant. “Kadalasan, pag ganito ang pangyayari, sigurado na may katulong sila. Nagpanggap ang murderer na siya ang namatay at pumunta siya sa rooftop, at tinapon ng katulong nila ang namatay sa balcony ng building. Siguro ang tumulong ay ang asawa o boyfriend ng namatay.”Umiling si Freyja. “Sa pagkakaalam ko, mag-isa lang sa buhay si Ms. Mills.”Nagulat ang assistant at tumingin sa sulok. Binigyan siya ng hint ni Rory sa pamamagitan ng isang tingin, at nagpatuloy na nagsalita ang assistant. “Isang murderer lang iyon? Ibig sabihin tinapon muna ang patay sa balcony at nagpalit ng damit gamit ang damit ng namatay tapo
Nagulat ang assistant. “Sinabit sa labas ng building yung patay?” “Sa totoo lang, ito ang inspiration na binigay sa akin ni Norman. akin ni Norman. May ilang talampakan ng lua sa labas ng rooftop. Kahit na may surveillance camera rin ang rooftop, makakatalon pa rin ang murderer at doon siya malalaglag sa sahig. Pero ang plano na iyon ay magiging matagumpay lang sa tulong ng dalawang tao. “Ang isang tao ay nasa balcony ng apartment ng namatay para tulungan ang murderer na tatalon mula sa rooftop, sigurado na sobrang malapit ang taong tumulong sa namatay. Pwede siyang mag dahilan na gusto niyang makita ang surveillance footage na nagpapakita ng pagpapakamatay ng kaniyang mahal at sirain ito ng dahil sa galit, at iyon naman ang paraan ng murderer para makatakas.”Masayang tumawa si Rory. “Yes, mas bagay nga ito sa plot na may dalawang criminal.”Pinatunog ni Freyja ang daliri niya. “Pero kung isa lang talaga ang murderer, magiging sobrang iba ang plot. Ginamit ng murderer ang protru
“Sa kung paano naman nakatakas ang murderer sa building habang umiiwas sa mga surveillance camera, isa lang ang dahilan nito, at ayun ay ang fire staircase, iyon ang nag-iisang daanan palabas ng building na walang monitor. Pwede siyang magtago doon hanggang kinabukasan pag may nakakita na ng katawan ng biktima, pwede siya magpanggap na pagmamay-ari niya ang isang unit at pumunta sa kahit anong floor gamit ang fire staircase.” Nagtaka ang assistant. “Bakit naman siya magtatago hanggang bukas ng umaga?” Dahan-dahan na tumayo si Rory. “Dahil lahat ng nakatira doon ay aalis kinabukasan para magtrabaho o pumasok sa school. Magiging katakataka kung aalis siya ng gabi. Kaya mas mabuting gamitin ang elevator at umalis ng building habang nagtatago kasabay ang ibang mga residents kinabukasan. Biglang nagkaroon ng linaw lahat ng bagay.Nang makita ang gulat nilang ekspresyon, ngumiti si Freyja. “Syempre, kahit sinong perfect criminal sa MO ay may mga pagkakamali pa rin sa reyalidad. Hindi
Mas nagtaka pa si Norman. “Ako?”Natawa si Freyja. “Kung hindi dahil sa special rooftop design na ginagawa mo, hindi ako makakaisip ng mas magandang MO kumpara sayo.” Nagtataka si Leia, at hinaplos niya ang kamay ni Daisie. “Anong klaseng operation ang pinag-uusapan natin?”Nang sasagot na sana si Freyja, bigla siyang napahinto dahil nag-ring ang phone niya. Binuksan niya ito at nakitang si Colton ang tumatawag. Sa kabilang parte ng lugar, sa judicial appraisal center…Nakaupo si Nollace sa back seat at nakatingin sa gate ng center. Nang dumating siya, lumapit agad si Edison sa kotse at kumatok sa bintana.Dahan-dahan niyang hinaga ang kurtina ng sasakyan, lumapit si Edison at nag-report, “Lumabas na ang result ng appraisal. Wala siyang mental disorder, pero may diagnosis siya na may severe depression siya.”Naningkit ang mata ni Nollace. “May mga bagay bang hindi normal at nakakapagtaka?” “Wala, wala pa sa mga tao sa judicial appraisal center ang nakakakilala sa kaniya pero
Hinawakan ni Waylon ang kamay ni Cameron. “Pag-uusapan natin ‘yan sa susunod.”Tiningnan ni Maisie si Daisie at Nollace. “Kinasal na ang dalawa mong kapatid. Kailan ang sa'yo?”Sagot ni Daisie, “Sabi ni Nolly at magandang araw ang September 9 dahil hindi sobrang lamig sa Yaramoor sa oras na ‘yon. Mainit sa umaga pero malamig sa gabi.”Nagulat si Cameron. “Mainit pa rin dito sa September. Parang summer sa East Island kapag September.”Ngumiti si Daisie. “Ang winter ng East Island ay parang summer namin. Pwedeng pumunta doon ang taong ayaw sa winter.”Ibinaba ni Nicholas ang tasa niya at pinag-isipan. “13 na araw na lang bago mag September 9. Ang bilis non.”Ngumiti si Maisie at tumango. “Oo nga.”Tumingin si Waylon kay Nollace. “Panigurado na magarbo ang isang royal wedding.”Inakbayan ni Nollace si Daisie. “Syempre. Bukas ‘yon sa publiko at gaganapin sa palasyo namin.”Lumapit si Cameron kay Waylon. “Hindi pa ako nakakapunta sa isang royal wedding. Isang karanasan ‘yon.” Tini
Tumango si Nick. “I will.”Pagkatapos non, umalis ang tatlo sa airport.Samantala, sa Coralia Airport…Hinatid ni Yale at Ursule si Zephir sa gate. Inabot ni Yale ang luggage sa kaniya. “Bumalik ka at bisitahin mo kami.”Kinuha ni Zephir ang bag, tumango siya at pumasok sa airport.Si Ursule na buhay si Kisses ay tinikom ang labi niya at tiningnan ang pusa. “Baka hindi mo na siya makita ulit.”Tiningnan siya ni Yale. “Oh? Ayaw mo ba siya na umalis?”“Ayaw siya paalisin ni Kisses.”“Sa tingin ko ay ikaw ‘yon.” Ngumiti si Yale at tumalikod para pumunta sa sasakyan habang sumunod naman si Ursule. “Bata ka pa. Tapusin mo ang pag-aaral mo. Pagkatapos, pwede ka mag-apply para makapunta sa Bassburgh.”Umupo si Ursule sa passenger seat. Lumingon siya nang marinig ‘yon. “Pwede ako mag-apply para pumunta doon?”“Pwede. Nasa art school ka. Pwede kang mag-apply sa Royal Academy of Music.”Sinimulan ni Yale ang sasakyan at nagmaneho palayo.Sumandal si Ursule sa upuan at bumulong, “Kap
Katulad ito ng sinasabi ng ibang mga tao, “Kailangan mo na magbigay kung gusto mo na may makuha.” Kumikita ang pier na ‘yon sa mga barko ng mga Dragoneers na dumadaong doon.Nabali ni Noel ang hita ng anak ni Python pero walang ginawa ang mga Wickam para ipakita na humihingi sila ng tawad, kaya nagalit si Python.Ititigil nila ang negosyo nila rito at magiging kalaban ng dragoneers ang Wickam mula ngayon. Kahit na hindi sila dumaong sa pier nito, makakahanap pa rin sila ng ibang routa. Nagawa lang nitong paliitin ang client base ng Wickam.Humarap si Nick kay Mahina. “Umalis na tayo.”“Nick, anong ibig sabihin nito? Tutulong ka ba?” sumigaw sa kaniya si Martha.Hindi lumingon si Nick. “Malalaman mo na lang.” At umalis na siya.Hindi inakala ni Arthur na ito ang huling pagkakataon na magpapakita si Nick sa bahay nila.Pinalaya ni Python si Noel pagkatapos ng tatlong araw pero matindi ang natamo ako at dinala sa hospital.Pumunta si Martha at Arthur at nakita ang anak nila na na
Sa oras na ‘yon, biglang pumasok ang butler sa loob bahay. “Sir, may nagsabi na nakita nila si Master Nick sa bayan.”Tumayo si Arthur. “Sigurado ka ba?” Nakabalik na si Nick.“Oo, nasa Winslet Manor.”Galit na hinaplos ni Arthur ang mesa nang marinig na pumunta si Nick sa Winslet Manor. “Pumunta siya doon pagbalik niya mismo. Hindi ba niya kinikilala bilang Wickam ang sarili niya?”Kinakabahan si Martha at gusto lang na makauwi ang anak niya. “Honey, dahil nakabalik na siya, gagamitin natin siya para ipalit kay Noel. Siya ang pinakamatanda sa pamilya, hindi ba? Importante ang buhay Noel!”Kumunot si Arthur at nagkuyom ang kamao.Hindi nagtagal pagkatapos non, dumating si Nick at Mahina sa garden. Nang makita ni Arthur na nakabalik na sila, nagulat siya. “Akala ko wala kang plano na bumalik?”Mukhang kalmado si Nick. “Kung hindi ako babalik, sisisihin mo ako kapag walang naiwan na tagapagmana ang Wickam. Hindi ko pwedeng akuin ang responsibilidad na ‘yon.”Natigil si Arthur at
Hindi masaya si Cooper sa ideya na ‘yon.Ngumiti si Sunny. “Sino ang nagsabi sa'yo na dapat natin ipalit ang binti ni Nick kay Noel? Sa halip si Python ang babali sa binti ni Python, bakit hindi si Nick ang gumawa non?”Nagulat si Cooper. “Gagawin mismo ‘yon ni Nick?”Lumapit si Sunny at seryosong minungkahi, “"Nabali ang binti ni Travis, ngunit ligtas siya. Bukod pa doon ay makakabangon pa siya sa kama at makakalakad pagkatapos nang kalahating taon ng pagpapagaling. Nabalitaan kong malupit na tao si Python, pero hinuli lang niya si Noel para pilitin ang mga Wickam na makipagkompromiso. Kaya bakit nila pinapatagal nila ang plano nila na saktan si Noel?”Nagulat si Cooper. “Sinasabi niyo ba na may ibang plano si Python?”Uminom si Sunny ng tsaa mula sa tasa. “Si Python ang pinuno ng isang lokal na mafia sa Madripur. Lahat ng negosyong kinasasangkutan niya ay ilegal at hindi alam ang pinanggalingan. Bukod dito, ang kanilang mga produkto ay kadalasang naglalakbay sa pamamagitan ng da
Masyadong makapangyarihan at agresibo ang pamilya ni Amelia na pinipigilan si Arthur na itaas ang kanyang ulo sa harap ng iba. Kaya naman nag-asawa siyang muli isang taon pagkatapos ng kamatayan ni Amelia at tiniis pa niya ang lahat ng mga pagsaway na ibinato sa kanya ng mga Winslet dahil sa pagiging walang utang na loob na asawa. Iyon ay hanggang sa pinilit siya ni Cooper na hayaan si Nick na mamana nang buo ang Wickam, at habang mas pinipilit siya ng mga Winslet, mas ayaw niyang pumayag.‘Gusto ko lang patunayan kay Cooper na kahit walang tulong mula sa pamilya niya at kay Nick, kaya pa rin tumayo ng Wickam.‘Pero malaki talaga ang nagawang gulo ni Noel ngayon. Bakit ako pupunta kay Nick kung hindi dahil sa kaniya?’Hinawakan ni Martha ang braso niya. “Kung ganoon, pumayag ba si Nick sa plano mo? Anak mo rin siya, kaya kahit anong mangyari, hindi siya tatanggi na tulungan ka, hindi ba? Ipabalik mo lang kay Nick si Noel.”“Pumayag ba siya?” Pinalayo siya ni Arthur at galit na suma
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng
Tumawa si Nick. “Hindi sapat na salita ang galit para gamitin.”“Kung gusto mong sumama sa amin o hindi, hindi ikaw ang magde-desisyon, Nick. Basta isa ka sa mga tagapagmana ng mga Wickam, kailangan mo bumalik sa akin!”Inilinaw ni Arthur ang sarili niya. Kahit na kailangan niyang itali ang anak niya at hilain pauwi, hindi siya tatanggap nang pagtanggi sa ganitong panahon.Kinabahan si Dylan at nagsimulang kabahan, natatakot siya na baka pilit na kunin si Nick ng mga lalaki na ‘yon.Sa oras na ‘yon, pumasok si Sunny sa training center gamit ang tungkod niya at sa suporta mi Mahina habang nakalagay ang kamay sa likod. “Yo, nag-iisip ako kung bakit maingay ang training center nang ganito kaaga. Nandito ka pala, Mr. Wickam.”Mukhang naiinis si Arthur. “Mr. Southern, bakit nasa Bassburgh ka rin?”“Nandito si Cam sa Bassburgh kaya natural lang para sa akin na pumunta dito. Ngayon, nag desisyon ako na pumunta at bisitahin ang estudyante ko. Hindi ko inaasahan na makikita kita.”Habang
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo