“Hindi ko iyon gagawin.” Sobrang seryoso ni Colton sa usapan na ito. May biglang napansin si Freyja. “Sa totoo lang… May gusto ako sabihin sayo.” “Ano iyon?” Nang makita ni Freyja na kinakabahan si Colton, hindi niya napigilang tumawa at sinabi, “Babalik ako sa Yaramoor.” Hinawakan ni Colton ang balikat ni Freyja. “Babalik ka sa Yaramoor? Iiwanan mo na lang kami ni Charm?” Nagulat si Freyja. “Kailan ko ba sinabi na iiwan ko kayong dalawa?” “Pero… bakit gusto mo bumalik?” Doon lang napansin ni Colton na masyado siya nag-overreact. Lalo na’t, sinabi ni Freyja sakaniya na iiwan siya nito bago niya ipanganak si Charm. Kaya nag-panic si Colton. “Hindi ko na napuntahan ang retest para sa postgraduate exam. Pero kung ayaw mong umalis ako, hindi ako aalis” “Saglit!” Hinawakan ni Colton ang braso ni Freyja. “Retest para sa postgraduate exam?” Pinakita ni Freyja ang text message sa kaniyang phone at sinabi kay Colton, “Halos isang taong ko na itong hindi pinapansin, at noon
Lumapit si Freyja at kinarga si Charm. “Charm, bakit ka umiiyak? Sige na, sige na, nandito na si Mommy.” Pero hindi tumigil si Charm sa pag-iyak kahit anong pagpapatahan sa kaniya ni Freyja. Hinawakan ni Freyja ang diaper ni Charm at yumuko siya. “Oh no, tumae siya.” Agad niyang pinakarga si Charm kay Colton kaya nagulat siya. “Wait. Tumae siya kaya bakit mo ibibigay sa akin?” Habang binubuksan ni Freyja ang bagong diaper, sabi niya, “Anak mo siya. Bakit mo tatanggihan linisin ang tae ng anak mo?” Hindi nakapagsalita si Colton. Inabot ni Freyja sa kaniya ang diaper at sinabi, “Ikaw gumawa niyan.” Nagulat ulit si Colton. “Ako gagawa?” Pinilit siya ni Freyja, “Oo, bilisan mo. Tuturuan kita.” Binalik ni Colton ang anak niya sa kama. Halata ang pandidiri sa mukha niya ng tanggalin ang diaper ni Charm. Sobrang pinipigilan ni Freyja ang tawag niya. Nang makita niya na pupunasan ni Colton ng paper towel ang puwet ng kanilang anak, tumikhim si Freyja at tiningnan ang bo
Nang lumabas si Shannon at makita si Zephir, tinawag niya ito. “Zeph.” Tumingin si Zephir at ngumiti. “Yeah, Mr. Fallon?” “Gusto ibalik ni Daisie ang batang aktor dito sa show. Dahil ikaw naman ang nagsabi sa kaniya na umalis, gusto ko hingin ang opinyon mo tungkol dito.”Sa huli, nagdesisyon si Shannon na tanungin ang opinyon ni Zephir. Lalo na’t, si Zephir ang nagsabi sa batang aktor na umalis dahil naging dahilan siya ng gulo sa mga crew members. Ngayon na gusto nila pabalikin ito, ayaw ni Shannon na mahirapan si Zephir sa mga mangyayari. May bakas sa mga mata ni Zephir habang nakangiti na sinasabi, “Kung gusto ni Daisie na pabalikin siya, wala akong problema doon.” Tumango si Shannon. Sabi niya, “Zeph, siguro subukan mong paghiwalayin ang personal na bagay sa mga business affairs mo.” May biglang na-realize si Shannon, kaya naisip niyang dapat niyang bigyan ng advice si Zephir. Hindi sumagot si Zephir, umalis na rin si Shannon matapos niyang sabihin ang kaniyang advi
Naging mabuting magkaibigan sila Daisie at Zephir simula nung mga bata pa sila. Matapos ang insidente tungkol kay Lisa, sila Zephir at Lea ang ang mga taong tumulong kay Daisie na makatayo ulit. Tiningnan ni Nollace si Colton at sinabi, “Higit pa sa kaibigan ang tingin niya kay Daisie.”Pinatunog ni Colton ang kaniyang dila at sumagot, “Nagseselos ka ba sa kaniya?” Kinuha ni Nollace ang cup at tumawa siya. “Bakit naman ako mag seselos sa kaniya? Masyado mababa ang tingin mo sa pagmamahal ni Daisie sa akin. Ako lang ang pipiliin niya.” Suminghal si Colton. “Tumahimik ka. Kadiri.” Uminom si Nollace ng tea at tinanong, “May ginawa ba na kahit ano si Zephir dati?” Ilang sandaling nag-isip si Colton at tinanong, “Anong ibig mong sabihin?” Sabi ni Nollace, “May ginawa ba na kahit ano si Zephir ng hindi nalalaman ni Daisie?”Nanahimik muna si Colton at biglang naalala. “Naalala mo pa ba ang sinabi ni Lisa nung sinubukan niyang saktan si Daisie?” Nag-isip si Nollace at sumagot
Sumagot si Edison, “Nagtatrabaho ako kay Mr. Knowles. Bibigyan ka ni Mr. Knowles ng pagkakataon para patunayan ang iyong pagiging inosente. Sigurado akong alam mo kung sino ang mastermind sa insidente na ito, tama?” Namutla ang mukha ng babaeng influencer. Nanahimik siya ng ilang sandali bago siya magsabi ng totoong nangyari, “Magkaibigan kami ni Tiffany sa college. Nagtapos kami sa parehong film academy. Pero pagkatapos ko ng college, sa ilang web series lang ako nagtatrabaho. Hindi ako makagawa ng pangalan para sa sarili ko kaya nagdesisyon akong maging isang influencer. Si Tiffany naman ay mas naging magaling sa akin pagdating sa entertainment industry…” Nahuhuli siya kay Tiffany sa kasikatan at sa status sa entertainment industry. Kahit na hindi A-lister si Tiffany, isa naman siyang C-lister na artista. Pero si Sophie ay F-lister at hirap pa rin ang pamumuhay niya kahit ng maging influencer na siya. Sinabi ni Sophie sa mga fans niya na isa siyang socialite pero ang katoto
Tiningnan ni Daisie si Nollace sa salamin. “Bakit ko naman itatanong sa'yo ang tungkol don?”Inangat ni Nollace ang kilay niya. “Ganito ba kalaki ang tiwala mo sa akin?”Suminghal siya nang bahagya. “May lakas ng loob ka ba para pagtaksilan ako?”Gumalaw ang gilid ng labi ni Nollace. “May maliit na kong demonyo sa bahay. Paano pa ako magkakaroon ng lakas ng loob na gumawa ng mga bagay para sirain ang tiwala ng baby ko?”Sa kabilang banda ng siyudad, sa private club…Tumayo si Tiffany sa labas ng private room, naglalagay ng lip balm sa salamin. Puno ng investor at director ng iba't ibang variety show ang private room.‘Binigyan ako ng maraming pagkakataon ni Mr. Gosling na sumali sa mga variety show, at gusto niyang kunin ko mismo ‘yon. Kung maibabalik ko naman ang kasikatan ko o hindi, depende na yon sa akin.“Kilala ang background at pagkatao ng mga investor sa local na entertainment industry, kaya kailangan kong sulitin ang pagkakataon na ito. Basta malibang ko sila at makabuo
‘Bukod pa doon, si Mr. Tanner Hannigan na nandito ay may business connection kay Mr. Nolan Goldmann. Plano niya bang galitin ang Goldmann sa sinasabi niya?’Nang makita na hindi sila naniniwala sa kaniya, kinuha ni Tiffany ang phone niya at nakita ang photos sa photo album ng phone niya. “Kuha to ng isang member ng crew. Pwede niyo tingnan ang nga ito.”Sa larawan, mukhang malambing ang kilos ni James kay Daisie. Mahirap para sa ibang tao na hindi alam ang nangyayari na hindi sila pagdudahan.“May kakaiba bang relasyon si Daisie at James?”“Pero, narinig ko na malapit sa isa't isa si James at Daisie. Mukhang malinaw na lahat.”Walang sinabi si Tanner mula simula hanggang dulo dahil nakita na ng lahat ang larawan. Pagkatapos ng ilang sandali, binaba niya ang kaniyang baso, tinapik niya sa balikat ang director at tumayo. “Mauuna na ako. Sasabihan ko kayo sa desisyon ko.”Nakangiti silang hinatid ng director. “Okay, salamat sa pagpunta.”Malakas ang loob ni Tiffany.“Kung may laka
Pinadapa sa sahig ang babaeng fan na nagbuhos ng sulfuric acid ng isa sa mga security guard pero ayaw niyang aminin ang pagkakamali niya. “Daisie Goldmann, dapat ‘yan sa'yo! Bakit hindi ikaw ang nabuhusan!?”Nalaman ng crew ang tungkol sa sitwasyon at lumapit.Humarap si Daisie at sumigaw, “Bigyan niyo ako ng bote ng tubig ngayon. Dali!”Isa sa mga crew member ang nagdala ng tubig kay Daisie. Agad niyang kinuha ‘yon mula sa empleyado at nilinisan ang braso ni James gamit ‘yon.Samantala, tumawag ng pulis at ambulansya ang staff na nasa likod nila.Tiningnan ni Daisie si James at sumigaw habang namumula ang mata, “Ano bang ginagawa mo? Tanga ka ba!?”Huminga nang malalim si James, nagngalit ang ngipin niya at pilit na ngumiti. “Kung hindi ko hinarangan ang acid para sa'yo, nasira sana ang mukha mo. Binabantayan lang kita para sa asawa mo.”Tinulak ni Daisie palayo ang tao na nasa tabi niya, lumapit siya sa babaeng fan na hawak ng security at sinampal siya sa harap ng lahat.Agad
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa