“Sa tingin mo ba dahil yon sa mga salita na…” hindi ipinagpatuloy ni Freyja, at mukha siyang depressed at malungkot.“Kung hindi, ano pa?” hinawakan ni Colton ang kamay niya. “Freyja, handa kang ilabas ang labas ng nasa puso kapag kinakausap mo si Daisie. Wala ka bang gustong sabihing ngayong nandito ako?”Gumalaw ang mata ni Freyja at mahina siyang ngumiti. “Wala na akong masabi.”Tumingin si Colton sa kaniya. Walang pag-iiba sa emosyon sa mata nito na para bang nasa gulo pa rin siya. Pagkatapos ng ilang sandali, tumayo siya. “Magpahinga ka muna.”Nang lumabas si Colton sa ward. Kinuyom ni Freyja ang kamao niya, kasama ang bracelet sa kamay niya at kinagat ang kaniyang labi.‘Mula noong kalahating buwan, parang may hindi nakikitang harang sa pagitan namin. Akala niya na kay Deedee lang ako may pakialam at galit siyang umalis at hindi namin nakita ang isa't isa nang kalahating buwan mula non.‘Dahil sa takot nga ang nagawa kong desisyon. Seguridad lang ni Deedee ang iniisip ko. H
“Akong bahala.”Nagdududa ang bata. “Kaya mo ba gawin ‘yon?”Kinuha ni Cameron ang dart at tinutok sa lobo. “Kasing dali lang ‘to ng ABC. Manood ka lang.”Pagkatapos ng ilang sandali, sakto niyang binato ang dark.Pumutok ang isang lobo.Nagulat ang lalaki. Kahit ang may-ari ay nabigla.‘Beginner’s luck ba ito o ano?’Tinuro ng lalaki abg teddy bear. “Gusto ko ‘yan.”Pinagpatuloy ni Cameron ang laro at binato ito patagilid.Tatlong lobo ang pumutok.Tumalon ang bata sa saya. “Wow, ang galing niyo!”Kahit ang ilang bata na nanonood sa tabi ay hindi mapigilan ang sarili niya at pinalibutan si Cameron. “Gusto rin namin ng laruan.”“Okay, isa-isa lang!”Hindi mapigilan ng may-ari na maupo lang at lumapit. “Miss, kapag naglaro ka nang ganito, maba-bankrupt ako.”Ngumisi si Cameron. “Hindi naman sa hindi kita babayaran. At saka, sinabit mo sila, ibig sabihin pwede sila makuha, hindi ba?”Maganda ang pagkakasabi nito at nasa katwiran talaga kaya natahimik ang may-ari.Hindi ma
Kung araw-araw ay may mababait na patron tulad niya, siguradong makakakuha siya ng tatlong magagandang bahay.Mas naging relax si Cameron ng naglibot siya. Bigla siyang nakarinig ng sigaw sa taas mula sa roller coaster na dumaan sa ibabaw ng ulo nila.Lumiwanag ang mata ni Cameron at humawak siya sa kamay ni Waylon. “Ayan?”Tinaas ni Waylon ang kilay niya. “Sigurado ka?”Ngumiti si Cameron. “Natatakot ka?” Naningkit ang mata ni Waylon. “Basta hindi ka takot.”Tumakbo si Cameron palapit sa roller-coaster at sinundan siya ni Waylon. Sumakay na sila sa roller-coaster, at nakikita ni Cameron na mas lumiliit ang mga tao sa paligid habang umaakyat ang roller-coaster pataas. Dahil hindi iyon mabilis, nagtaka si Cameron. “Bakit ang bagal? ‘Di ba dapat mabilis ito?”Tumalikod ang ibang tao para tumingin kay Cameron na parang nakatingin sila sa isang taong nakakairita.Tumawa si Waylon. “Pwede maghintay ka muna saglit?”Biglang huminto ang roller-coaster at kumunot ang noo ni Cameron
“Bwisit!” Ilang beses na sinipa ni Cameron ang ghost bride.Agad na niyakap ni Waylon si Cameron. “Huwag kang manipa!” Inalis ng actor ang wig niya at agad na tumayo, isa pala siyang lalaki. Nagreklamo siya habang hawak ang namamagang mukha. “Anong ginagawa mo? Actor lang ako dito. Huwag ka naman masyadong manakit!”Nagalit si Cameron. “Kasalanan mo yan kasi tinakot mo ako.”Tumayo si Waylon sa harap ni Cameron at sinabi sa lalaki, “I'm sorry, ang girlfriend ko…”Tinuro ni Waylon ang ulo niya.Suminghal ang lalaki at umalis na.Galit na inapakan ni Cameron ang paa ni Waylon at sinabi, “Hindi mo ako girlfriend. Saka bakit ka tumuro sa ulo mo? Gusto mo ba sabihin na baliw ako?”Hinila siya ni Waylon at hinalikan. Dahil sa gulat, nilagay ni Cameron ang kamay niya sa dibdib ni Waylon pero hindi niya ito matulak.Sa wakas ay binitawan na siya ni Waylon at nilagay niya ang daliri niya sa labi ni Cameron. “Hindi pa rin ba ito bilang ngayon?”Umiwas ng tingin si Cameron habang nahih
Tumawa si Waylon. “Para makita ang kapatid ko.” Huminto si Cameron at nagtaka. “Coleman? Bakit kailangan ko siya makita?”Nakahawak si Waylon sa manibela at nag-start ng engine. “Bilang sister-in-law niya kailangan mo siya makita.”‘S-Sister-in-law?’Mas namula pa ang mukha ni Cameron at nagsimula siyang bumulong. “Hindi pa ako kasal sayo at hindi pa ako pumapayag. Hindi, hindi ako magpapakasal sayo!” Ngumiti si Waylon pero hindi siya nagsalita.Sa Blackgold…Pumunta si Cameron sa lobby kasama si Waylon. Tiningnan ni Cameron ang mga decor. Iyon nga ang itsura ng pinakamalaking group sa Bassburgh—elegant at classy.Lahat ay gumagana sa tulong ng AI, holograms, at pati concierge ay napalitan na rin ng AI. Hindi na require ang mga empleyado na mag punch in, samantala, gumagamit na lang sila ng facial recognition para i-confirm ang attendance nila.Sumakay sa elevator sila Waylon at Cameron papunta sa administration office. Nang makita siya ng mga empleyado, nagulat silang lahat
“Oo, magaling si Ms. Peterson, at yung psychologist na si Ms. Blueman. Narinig ko na sinabi ni Mr. Goldmann na pareho sila ng school dati pero pumunta ng ibang bansa si Ms. Blueman para mag aral ng psychology. Maganda siya at mabait, sobrang lamang siya kay Ms. Pruitt.”Pinanood ni Cameron ang pag-alis nila, at naningkit ang mata niya. ‘Siguro kapatid ni Wayne ang Mr. Goldmann na pinag-uusapan nila.’Hinawakan ni Cameron ang baba niya. ‘Pinag-uusapan ng dalawang babaeng iyon ang girlfriend ng boss nila ng hindi niya nalalaman. Napakainterisado.’Sa opisina…Hinaplos ni Waylon ang relo niya at tumingin kay Colton. “Jessie Blueman?” Tiningnan ni Colton ang tsaa niya. “Pareho kami ng school dati pero hindi ko siya maalala. Sinusubukan ko kasi kumuha ng psychologist para kay Deedee, psychologist kasi siya kaya siya ang kinuha ko.”“Cole, anong tingin mo kay Deedee?” naka-krus ang daliri ni Waylon at pinatong iyon sa kaniyang tuhod. “Iniisip mo ba na walang pakialam sayo si Freyja ka
Umalis na ng opisina si Waylon, huminto siya sa corridor at tiningnan si Cameron na nakikipaglaro sa isdang nasa tank. Kumakatok ni Cameron sa glass at nilalakihan ang bukas ng bibig niya para takutin ang mga isda. Tumawa si Waylon.Tumalikod si Cameron, tinikom niya ang bibig niya, at tumayo siya ng tuwid na parang walang nangyari. “Tapos ka na?”Hindi napigilan na tumawa ni Waylon. “Masaya bang makalaro ang mga isda?” Humalukipkip si Cameron at nagpanggap na kalmado pero sobrang nahihiya siya. Sinusubukan niyang gulatin ang mga isda na parang batang makulit at nakita iyon ni Waylon. “Hindi masyado.”Lumapit si Waylon kay Cameron, yumuko si Waylon, at dahan-dahang hinawakan ang noo ni Cameron. “Makikipaglaro ka sa akin pagbalik natin?”Kahit sinong tanungin nun ay sasabog ang puso pero naningkit lang ang mata ni Cameron at nagtatakang nakatingin kay Waylon. “May hiya ka ba?”Tumawa si Waylon. “Ako lang ang pwede makipag-deal sa utak mong pang-isda.”“Ano? Isda ako? Eh ano ka
Kalmadong sumagot si Daisie, “Sobrang mahal ng kapatid ko at ni Freyja ang isa't isa. Hindi sila magpapakasal dahil sa buntis si Freyja. Hindi ko alam kung saan galing ang usapan na ito pero sana huwag niyo na ipakalat. Ayoko na makarinig ulit ng ganito.”Matapos magsalita ni Daisie, bumalik na siya sa kumpanya at hindi na ulit lumingon.Nag report si Daisie sa office ni Charlie.Tinaas ni Charlie ang tingin niya para makita si Daisie at sinabi, “Bumalik ka na. Saktong-sakto.”Nilagay ni Charlie ang announcement sa mesa at nagpatuloy. “Sa susunod na dalawang araw ay magsisimula na ang shooting para sa “The Fog”. Hinahanap ka nila kahapon para i test-try ang makeup pero natakot ako na baka hindi ka na umabot kaya pinaurong ko na lang ngayong araw.”Kinuha ni Daisie ang announcement at tinanong, “Paano si James?” “Nagsimula na siyang mag-shoot ng part niya. Wala na siyang pera ngayon dahil hindi na siya sinusuportahan ng Dad niya, at sa wakas ramdam na niya ang pagiging mahirap na