Tinagilid ni Cameron ang ulo niya at sumagot, “Hindi.”Tumawa si Waylon. “Bago ‘to, Cameron. Akala ko sanay ka na makakita ng katawan ng lalaki dahil nasa isang bubong ka kasama ang ibang lalaki?”Humarap si Cameron para tapatan ang tingin niya. “Seryoso ka ba? Hindi ako nahihiya. Hinahamon kita na maghubad.”Tahimik siyang tiningnan ni Waylon.Habang may mayabang na ngiti, lumapit si Cameron sa kaniya at sinabing, “Akala ko hindi ja mahihiya. Pero mukhang mali ako. Ayos lang. Ayos na makita ko ulit.”Mananalo siya kay Waylon nang isang beses kahit na ang kapalit non ay ang pagtapos ng sarili niyang dignidad Hinawakan ni Cameron ang butones ng shirt niya. Pero, bago pa siya magawa, pinigilan siya ni Cameron at naningkit ang mata nito. “Seryoso ka ba dito?”Halata naman na nagbibiro lang si Cameron sa kaniya. Kung tutuusin, paano kung mas malakas ang loob niya kumpara kay Cameron? Gusto lang niya ipitin si Waylon. Hindi naman niya talaga ito huhubaran.Gusto niyang bawiin ang k
Mabagal na dinilat ni Waylon ang mata niya at lumingon para tingnan si Cameron.Pilit na ngumiti si Cameron at sinabing, “May pwede ba akong sabihin sa'yo?”Para bang nababasa niya ang isip nito, sinabi niyang, “Hulaan ko. Manghihiram ka ng pera sa akin para makapag-book ka ng hotel?”Nawala ang ngiti niya habang sumasagot, “Kalimutan mo na ‘yon. Marami pa akong utang sa'yo na pera kaya hindi na ako manghihiram sa'yo mula ngayon.”Inabot ni Waylon ang access card kay Cameron.Nagulat siya at nagtataka siyang tiningnan.“Pwede ka manatili kahit saan mo gusto sa Bassburgh.” Tumingin si Waylon sa gulat na tingin ni Cameron at tumawa. “Hindi ka namin hahayaan sa kalsada.”Nang hindi niya tinanggap ang access card, nagpatuloy si Waylon. “Kung ayaw mo, babawiin ko na lang.”“Sandali!” agad na kinuha ni Cameron ang carf at sinabing, “Hindi ko sinabi na hindi ko gusto.”Kailangan niya ng pera para mag hotel kaya syempre, magpapakumbaba siya sa kahit ano. At saka, ayaw din niyang manat
Sumimsim si Cameron ng tsaa at tumango. “Gagawin ko.”Inutusan ni Maisie ang katulong na ihanda ang guest room para kay Cameron. Nang may sasabihin na si Cameron, sumagot si Waylon. “Mom, hindi siya dito titira.”“Bakit?” tanong ni Maisie.Tumingin si Daisie kay Waylon at tinanong, “Hahayaan mo ba si Cameron na mag stay sa hotel?”“Hindi.” kalmadong sagot ni Waylon, “Sa Emperon siya titira.”Mukhang may naintindihan si Maisie at ngumiti, “Sige kung ganoon. Malapit ang Emperon sa Taylorton. Sa Taylorton titira si Daisie at Nollace para maalagaan din nila si Cameron kapag tumira siya sa Emperon.”Pagkatapos nilang kumain ng lunch, sinundan ni Nollace at Waylon si Nolan sa study room nito.Dinala ni Daisie si Cameron sa garden. Parang may naalala siya at mahiwatig na tinanong, “Cameron, hindi ka talaga titira rito?”“Oo. Hindi lang ako komportable tumira dito…”“Hindi mo naman iniiwasan ang kuya ko, ano?” mula nang bumaba sila sa barko, naramdaman niya na may nangyari sa kanila.
Nang maintindihan ang nangyayari, namula agad ang pisngi ni Cameron. Hinila niya agad ang kaniyang buhok at inayos. “Hinalikan mo talaga ang buhok ko? Anong problema mo? Sasaktan kita kapag pinagpatuloy mo ‘yang ginagawa mo!”Ngumisi si Waylon at tinitigan siya.Mukha siyang kamatis sa oras na yon at mukhang umaakto siyang matapang at sinusubukan niyang takutin si Waylon. Sobrang inosente niya at hindi niya mapigilan na asarin siya.Dumapo ang tingin niya sa labi ni Cameron at hinaplos niya ang kaniyang daliri sa labi ni Cameron. “Paano mo ako sasaktan, Cameron?”Hinawakan niya ang kwelyo ni Waylon na may seryosong ekspresyon. “Kapag sinubukan mong ilapit ang kamay o hita mo sa akin ulit, babalatan kita nang buhay.”Mahina siyang ngumisi. “Okay, hindi ko na igagalaw ang kamay at hita ko mula ngayon.”May mainit na sensasyon ang kumalat sa labi niya habang tulala si Cameron.Nanliit ang mata niya at pakiramdam niya ay may kuryente na dumadaloy sa buong katawan niya, dahilan para
Pagkatapos ma-bake ng mga pastries, nagbalot si Daisie para kay Freyja. At dahil palabas na rin si Nollace, hinatid niya si Daisie sa hospital.Bago lumabas ng sasakyan, humarap siya at hinalikan si Nollace sa pisngi. “Mauuna na muna ako.”Mahinang tumawa si Nollace at hinaplos ang mukha nito. “Okay.”Lumabas si Daisie sa sasakyan, nagsuot ng mask at sumbrero, at naglakas papunta sa entrance ng hospital.Pinanood ni Nollace na maglakad si Daisie palayo sa sasakyan, kinuha niya ang phone niya at kinausap si Edison.Yumuko si Daisie at umiwas sa nga tao habang hinahanap ang daan sa gynecology department. Pumunta siya sa ward ni Freyja at nang itutulak na niya pabukas ang ward, lumabas si Colton doon.Nakasalubong ang dalawa sa pinto.Kumunot si Colton at may sasabihin na sana, nang mapagtanto niya na kapatid niya ito. “Daisie?”Binaba ni Daisie ang mask niya. “Colton, nandito ka?”Alam ni Colton na nakabalik na sila mula sa East Islands kaya hindi gulat na makita siya. Mahina si
Nagpatuloy si Daisie. “Pero kung tatanggapin ng Goldmann si Deedee—”“Daisie,” kalmado siyang pinigilan ni Freyja. “Kahit na tanggapin ng Goldmann si Deedee, anong iisipin ng mga tao sa Goldmann? Anong sasabihin ng mga tao kapag nalaman nila na ang future daughter-in-law ng Goldmann ay sinama ang pamangkin niyang manirahan siya sa pamilya?”“O, sa kabilang banda, ako, bilang guardian ni Deedee, ay iiwan siya para ikasal ako kay Colton. Kahit anong piliin ko, si Colton ang aako sa lahat ng pressure sa huli.”“Ayaw kong pahirapan si Colton at ayaw kong idamay ang Goldmann sa gulo na ‘to. Mas takot pa akong maramdaman na hindi ako karapat-dapat sa kaniya dahil sa opinyon ng mga tao.”Yumuko si Freyja at may mainit na luha ang tumulo sa palad niya.‘Kahit anong gawin ko, hindi kasama ang pagkakaroon ng masayang mundo. Katulad lang ng sinabi ng mom ko noon, parang bangungot na paulit-ulit sa tainga ko.‘So, anong karapatan ko na maging masaya?’Sa katotohanan, ginugulo lang ng inferi
“Sa tingin mo ba dahil yon sa mga salita na…” hindi ipinagpatuloy ni Freyja, at mukha siyang depressed at malungkot.“Kung hindi, ano pa?” hinawakan ni Colton ang kamay niya. “Freyja, handa kang ilabas ang labas ng nasa puso kapag kinakausap mo si Daisie. Wala ka bang gustong sabihing ngayong nandito ako?”Gumalaw ang mata ni Freyja at mahina siyang ngumiti. “Wala na akong masabi.”Tumingin si Colton sa kaniya. Walang pag-iiba sa emosyon sa mata nito na para bang nasa gulo pa rin siya. Pagkatapos ng ilang sandali, tumayo siya. “Magpahinga ka muna.”Nang lumabas si Colton sa ward. Kinuyom ni Freyja ang kamao niya, kasama ang bracelet sa kamay niya at kinagat ang kaniyang labi.‘Mula noong kalahating buwan, parang may hindi nakikitang harang sa pagitan namin. Akala niya na kay Deedee lang ako may pakialam at galit siyang umalis at hindi namin nakita ang isa't isa nang kalahating buwan mula non.‘Dahil sa takot nga ang nagawa kong desisyon. Seguridad lang ni Deedee ang iniisip ko. H
“Akong bahala.”Nagdududa ang bata. “Kaya mo ba gawin ‘yon?”Kinuha ni Cameron ang dart at tinutok sa lobo. “Kasing dali lang ‘to ng ABC. Manood ka lang.”Pagkatapos ng ilang sandali, sakto niyang binato ang dark.Pumutok ang isang lobo.Nagulat ang lalaki. Kahit ang may-ari ay nabigla.‘Beginner’s luck ba ito o ano?’Tinuro ng lalaki abg teddy bear. “Gusto ko ‘yan.”Pinagpatuloy ni Cameron ang laro at binato ito patagilid.Tatlong lobo ang pumutok.Tumalon ang bata sa saya. “Wow, ang galing niyo!”Kahit ang ilang bata na nanonood sa tabi ay hindi mapigilan ang sarili niya at pinalibutan si Cameron. “Gusto rin namin ng laruan.”“Okay, isa-isa lang!”Hindi mapigilan ng may-ari na maupo lang at lumapit. “Miss, kapag naglaro ka nang ganito, maba-bankrupt ako.”Ngumisi si Cameron. “Hindi naman sa hindi kita babayaran. At saka, sinabit mo sila, ibig sabihin pwede sila makuha, hindi ba?”Maganda ang pagkakasabi nito at nasa katwiran talaga kaya natahimik ang may-ari.Hindi ma