Si Sunny na nakita ang nangyari ay nakayuko sa likod ng pader.Sobrang namumula ang mukha ni Cameron. Sobrang nahihiya siya at tumakbo siya papasok ng bahay.Hinawakan ni Waylon ang kaniyang pisngi dahil hindi na siya nakapagpigil…Tumakbo si Cameron papunta sa study at binuksan ang pinto.Nakaupo si Sunny sa likod ng mesa at nagbabasa ng dyaryo, nagpanggap siya na parang walang nangyari. Lumapit si Cameron at tinaas ang kamay niya. “Ibigay mo sa akin ang phone mo.”Tumingin si Sunny at ngumisi. “Bakit? Ganyan ka ba makipag-usap sa Dad mo? Titingnan mo ang phone ko? Hindi pwede.”Humalukipkip si Cameron. “Hindi mo yan buburahin?”Umiwas ng tingin si Sunny at bumulong, “Hindi, may picture na ako ng son-in-law ko. Nakakahiya naman na buburahin ko ito dahil lang sa sinabi mo.”Nagulat si Cameron. “Son-in-law…”Ngumisi si Sunny at tinupi ang dyaryo. “Tinanggap ko na siya kaya hindi mo siya tatanggihan.”Matapos iyon, dagdag pa ni Sunny. “Mabuti siyang lalaki. Kahit si Minzy ay ma
Hindi ako makapaniwala.Kinamot ni Daisie ang pisngi niya. “Ano bang gusto mo?”Sabi ni Sunny, “Wala naman masyado. Gusto ko lang naman na makahanap ng lalaki si Cam na bagay sa kaniya. Sa tingin ko mabuting lalaki ang kapatid mo, at sana hindi ako mali tungkol doon.”Agad na nakaramdam ng guilt si Daisie. “Pero parang ayaw naman ni Cameron n pumunta ng Bassburgh. Hindi ko alam kung magandang ideya ba na pilitin siyang pumunta.”Kahit na ginawa naman ito ni Sunny para sa kasiyahan ni Cameron, parang hindi tama na pilitin niya na pumunta si Cameron sa Bassburgh para sa kaniyang kapatid. Ngumiti si Sunny. “Walang makakapilit sa kaniya gawin ang bagay na ayaw niyang gawin. Wala akong ideya paano pero paano kung gusto niya pumunta?” At least hindi siya pinilit na pumunta.Kahit na niloko nila si Cameron, wala namang punto lahat kung hindi siya willing. Kilala ni Sunny ang anak niya ng sobra.Ayaw ni Cameron na aminin sa kahit na sino ang nararamdaman niya.Kinabukasan, matapos m
Lumapit si Daisie kay Cameron at umupo sa tabi niya. “Tama ka.”Yumuko si Cameron habang nalulunod siya sa pag-iisip. “Pero hindi ka sinamahan ng kuya mo, habang ang pangalawang kapatid mo ay sinamahan ka nang mag-aral ka sa Yaramoor?”Tumawa siya at sumagot, “Oo, hindi namin kasama ang kuya ko. Nakatira siya sa Stoslo at pumunta lang siya sa Yaramoor para samahan kami pagkatapos mag-aral.”“I see…”Lumapit si Daisie sa kaniya at tinanong, “Bakit parang ang dating sa akin ay interesado ka sa kuya ko?”Nagulat si Cameron at tinagilid ang ulo. “Imposible yan. Hindi ako magiging interesado sa kuya mo.”Pinili ni Daisie na huwag siyang ibunyag. May naisip siya at kinuha ang phone niya. “Hayaan mong pakitaan kita ng ilang picture.”“Anong mga picture?” tanong ni Cameron.Tiningnan ni Daisie ang album niya at inabot kay Cameron ang phone.Kinuha yon ni Cameron at nagulat siya nang tiningnan ang mga ‘yon.“Ito…”“Ito ang picture noong celebrity pa kami ng kuya ko nang bata kami. A
Kahit na walang pakialam si Nollace tungkol doon, siya ang tanging anak ng Knowles. Paano kung lalaki ang gusto ng parents niya?Nagsimulang mag-isip si Daisie nang mga dramatic na eksena kung saan lalaki lang ang gusto ng mayaman na pamilya sa isip niya.Hinaplos ni Nollace ang pisngi niya at tumawa. “Huwag kang ma-alala. Gusto ng parents ko ng babae. Tingnan mo ang mom ko. Mas gusto ka niya kaysa sa akin.”Yumuko si Daisie at tiningnan ang sugat ng kutsilyo sa katawan nito. Hinaplos niya ang daliri niya sa subat at naisip niya na nakuha niya siguro ‘yon noong nawala siya. “Masakit, ano?”Hinawakan ni Nollace ang kamay niya at hinalikan ang noo niya. “Wala ‘to kumpara sa panganganak.”Nagulat siya sandali. Pagkatapos, sumandal siya sa kaniyang dibdib at sinabing, “Kung hindi ka natatakot sa sakit, hindi rin ako.”Tumawa siya. “Nag-aalala lang ako na baka umiyak ka.”Natahimik si Daisie.Samantala, nanatili si Cameron sa cabin niya hanggang gabi. Nagugutom siya kaya lumabas siy
Tinagilid ni Cameron ang ulo niya at sumagot, “Hindi.”Tumawa si Waylon. “Bago ‘to, Cameron. Akala ko sanay ka na makakita ng katawan ng lalaki dahil nasa isang bubong ka kasama ang ibang lalaki?”Humarap si Cameron para tapatan ang tingin niya. “Seryoso ka ba? Hindi ako nahihiya. Hinahamon kita na maghubad.”Tahimik siyang tiningnan ni Waylon.Habang may mayabang na ngiti, lumapit si Cameron sa kaniya at sinabing, “Akala ko hindi ja mahihiya. Pero mukhang mali ako. Ayos lang. Ayos na makita ko ulit.”Mananalo siya kay Waylon nang isang beses kahit na ang kapalit non ay ang pagtapos ng sarili niyang dignidad Hinawakan ni Cameron ang butones ng shirt niya. Pero, bago pa siya magawa, pinigilan siya ni Cameron at naningkit ang mata nito. “Seryoso ka ba dito?”Halata naman na nagbibiro lang si Cameron sa kaniya. Kung tutuusin, paano kung mas malakas ang loob niya kumpara kay Cameron? Gusto lang niya ipitin si Waylon. Hindi naman niya talaga ito huhubaran.Gusto niyang bawiin ang k
Mabagal na dinilat ni Waylon ang mata niya at lumingon para tingnan si Cameron.Pilit na ngumiti si Cameron at sinabing, “May pwede ba akong sabihin sa'yo?”Para bang nababasa niya ang isip nito, sinabi niyang, “Hulaan ko. Manghihiram ka ng pera sa akin para makapag-book ka ng hotel?”Nawala ang ngiti niya habang sumasagot, “Kalimutan mo na ‘yon. Marami pa akong utang sa'yo na pera kaya hindi na ako manghihiram sa'yo mula ngayon.”Inabot ni Waylon ang access card kay Cameron.Nagulat siya at nagtataka siyang tiningnan.“Pwede ka manatili kahit saan mo gusto sa Bassburgh.” Tumingin si Waylon sa gulat na tingin ni Cameron at tumawa. “Hindi ka namin hahayaan sa kalsada.”Nang hindi niya tinanggap ang access card, nagpatuloy si Waylon. “Kung ayaw mo, babawiin ko na lang.”“Sandali!” agad na kinuha ni Cameron ang carf at sinabing, “Hindi ko sinabi na hindi ko gusto.”Kailangan niya ng pera para mag hotel kaya syempre, magpapakumbaba siya sa kahit ano. At saka, ayaw din niyang manat
Sumimsim si Cameron ng tsaa at tumango. “Gagawin ko.”Inutusan ni Maisie ang katulong na ihanda ang guest room para kay Cameron. Nang may sasabihin na si Cameron, sumagot si Waylon. “Mom, hindi siya dito titira.”“Bakit?” tanong ni Maisie.Tumingin si Daisie kay Waylon at tinanong, “Hahayaan mo ba si Cameron na mag stay sa hotel?”“Hindi.” kalmadong sagot ni Waylon, “Sa Emperon siya titira.”Mukhang may naintindihan si Maisie at ngumiti, “Sige kung ganoon. Malapit ang Emperon sa Taylorton. Sa Taylorton titira si Daisie at Nollace para maalagaan din nila si Cameron kapag tumira siya sa Emperon.”Pagkatapos nilang kumain ng lunch, sinundan ni Nollace at Waylon si Nolan sa study room nito.Dinala ni Daisie si Cameron sa garden. Parang may naalala siya at mahiwatig na tinanong, “Cameron, hindi ka talaga titira rito?”“Oo. Hindi lang ako komportable tumira dito…”“Hindi mo naman iniiwasan ang kuya ko, ano?” mula nang bumaba sila sa barko, naramdaman niya na may nangyari sa kanila.
Nang maintindihan ang nangyayari, namula agad ang pisngi ni Cameron. Hinila niya agad ang kaniyang buhok at inayos. “Hinalikan mo talaga ang buhok ko? Anong problema mo? Sasaktan kita kapag pinagpatuloy mo ‘yang ginagawa mo!”Ngumisi si Waylon at tinitigan siya.Mukha siyang kamatis sa oras na yon at mukhang umaakto siyang matapang at sinusubukan niyang takutin si Waylon. Sobrang inosente niya at hindi niya mapigilan na asarin siya.Dumapo ang tingin niya sa labi ni Cameron at hinaplos niya ang kaniyang daliri sa labi ni Cameron. “Paano mo ako sasaktan, Cameron?”Hinawakan niya ang kwelyo ni Waylon na may seryosong ekspresyon. “Kapag sinubukan mong ilapit ang kamay o hita mo sa akin ulit, babalatan kita nang buhay.”Mahina siyang ngumisi. “Okay, hindi ko na igagalaw ang kamay at hita ko mula ngayon.”May mainit na sensasyon ang kumalat sa labi niya habang tulala si Cameron.Nanliit ang mata niya at pakiramdam niya ay may kuryente na dumadaloy sa buong katawan niya, dahilan para