Kalmadong sinabi ni Sunny, “Ngayon na natapos na lahat, ligtas na ako. Hindi mo kailangan mag-alala. Nandito naman sila Mahina, yung butler, at si Damian. Mas magiging ligtas ako pag wala ka rito.”Binaba ni Daisie ang kubyertos niya at tumayo. “Sir, Cameron, tapos na ako. Titingnan ko muna sila.”Iniwan niya ang lugar para sa mag-ama.Nang umalis na si Daisie, seryoso na tinanong ni Sunny si Cameron. “Anong tingin mo kay Willie?” Tumingin si Cameron sa paligid. “Anong ibig mong sabihin?” “Sa tingin mo ba hindi ko alam? May nangyayari sa pagitan niyong dalawa, at may nararamdaman siya para sayo.” Sobrang seryoso ni Sunny. Nagulat si Cameron. “Hindi yan totoo.”‘May feelings si Wayne para sa akin?’“Ikaw lang ang nakakaalam kung may kwenta ba yun o wala.” Kinuha ni Sunny ang napkin at pinahid sa kaniyang labi. “Isipin mo ang nararamdaman mo pag magkasama kayo at isipin mo rin kung ano ang nararamdaman mo pag ibang member ang kasama mo.”Matapos iyon, kinuha ni Sunny ang tung
Si Sunny na nakita ang nangyari ay nakayuko sa likod ng pader.Sobrang namumula ang mukha ni Cameron. Sobrang nahihiya siya at tumakbo siya papasok ng bahay.Hinawakan ni Waylon ang kaniyang pisngi dahil hindi na siya nakapagpigil…Tumakbo si Cameron papunta sa study at binuksan ang pinto.Nakaupo si Sunny sa likod ng mesa at nagbabasa ng dyaryo, nagpanggap siya na parang walang nangyari. Lumapit si Cameron at tinaas ang kamay niya. “Ibigay mo sa akin ang phone mo.”Tumingin si Sunny at ngumisi. “Bakit? Ganyan ka ba makipag-usap sa Dad mo? Titingnan mo ang phone ko? Hindi pwede.”Humalukipkip si Cameron. “Hindi mo yan buburahin?”Umiwas ng tingin si Sunny at bumulong, “Hindi, may picture na ako ng son-in-law ko. Nakakahiya naman na buburahin ko ito dahil lang sa sinabi mo.”Nagulat si Cameron. “Son-in-law…”Ngumisi si Sunny at tinupi ang dyaryo. “Tinanggap ko na siya kaya hindi mo siya tatanggihan.”Matapos iyon, dagdag pa ni Sunny. “Mabuti siyang lalaki. Kahit si Minzy ay ma
Hindi ako makapaniwala.Kinamot ni Daisie ang pisngi niya. “Ano bang gusto mo?”Sabi ni Sunny, “Wala naman masyado. Gusto ko lang naman na makahanap ng lalaki si Cam na bagay sa kaniya. Sa tingin ko mabuting lalaki ang kapatid mo, at sana hindi ako mali tungkol doon.”Agad na nakaramdam ng guilt si Daisie. “Pero parang ayaw naman ni Cameron n pumunta ng Bassburgh. Hindi ko alam kung magandang ideya ba na pilitin siyang pumunta.”Kahit na ginawa naman ito ni Sunny para sa kasiyahan ni Cameron, parang hindi tama na pilitin niya na pumunta si Cameron sa Bassburgh para sa kaniyang kapatid. Ngumiti si Sunny. “Walang makakapilit sa kaniya gawin ang bagay na ayaw niyang gawin. Wala akong ideya paano pero paano kung gusto niya pumunta?” At least hindi siya pinilit na pumunta.Kahit na niloko nila si Cameron, wala namang punto lahat kung hindi siya willing. Kilala ni Sunny ang anak niya ng sobra.Ayaw ni Cameron na aminin sa kahit na sino ang nararamdaman niya.Kinabukasan, matapos m
Lumapit si Daisie kay Cameron at umupo sa tabi niya. “Tama ka.”Yumuko si Cameron habang nalulunod siya sa pag-iisip. “Pero hindi ka sinamahan ng kuya mo, habang ang pangalawang kapatid mo ay sinamahan ka nang mag-aral ka sa Yaramoor?”Tumawa siya at sumagot, “Oo, hindi namin kasama ang kuya ko. Nakatira siya sa Stoslo at pumunta lang siya sa Yaramoor para samahan kami pagkatapos mag-aral.”“I see…”Lumapit si Daisie sa kaniya at tinanong, “Bakit parang ang dating sa akin ay interesado ka sa kuya ko?”Nagulat si Cameron at tinagilid ang ulo. “Imposible yan. Hindi ako magiging interesado sa kuya mo.”Pinili ni Daisie na huwag siyang ibunyag. May naisip siya at kinuha ang phone niya. “Hayaan mong pakitaan kita ng ilang picture.”“Anong mga picture?” tanong ni Cameron.Tiningnan ni Daisie ang album niya at inabot kay Cameron ang phone.Kinuha yon ni Cameron at nagulat siya nang tiningnan ang mga ‘yon.“Ito…”“Ito ang picture noong celebrity pa kami ng kuya ko nang bata kami. A
Kahit na walang pakialam si Nollace tungkol doon, siya ang tanging anak ng Knowles. Paano kung lalaki ang gusto ng parents niya?Nagsimulang mag-isip si Daisie nang mga dramatic na eksena kung saan lalaki lang ang gusto ng mayaman na pamilya sa isip niya.Hinaplos ni Nollace ang pisngi niya at tumawa. “Huwag kang ma-alala. Gusto ng parents ko ng babae. Tingnan mo ang mom ko. Mas gusto ka niya kaysa sa akin.”Yumuko si Daisie at tiningnan ang sugat ng kutsilyo sa katawan nito. Hinaplos niya ang daliri niya sa subat at naisip niya na nakuha niya siguro ‘yon noong nawala siya. “Masakit, ano?”Hinawakan ni Nollace ang kamay niya at hinalikan ang noo niya. “Wala ‘to kumpara sa panganganak.”Nagulat siya sandali. Pagkatapos, sumandal siya sa kaniyang dibdib at sinabing, “Kung hindi ka natatakot sa sakit, hindi rin ako.”Tumawa siya. “Nag-aalala lang ako na baka umiyak ka.”Natahimik si Daisie.Samantala, nanatili si Cameron sa cabin niya hanggang gabi. Nagugutom siya kaya lumabas siy
Tinagilid ni Cameron ang ulo niya at sumagot, “Hindi.”Tumawa si Waylon. “Bago ‘to, Cameron. Akala ko sanay ka na makakita ng katawan ng lalaki dahil nasa isang bubong ka kasama ang ibang lalaki?”Humarap si Cameron para tapatan ang tingin niya. “Seryoso ka ba? Hindi ako nahihiya. Hinahamon kita na maghubad.”Tahimik siyang tiningnan ni Waylon.Habang may mayabang na ngiti, lumapit si Cameron sa kaniya at sinabing, “Akala ko hindi ja mahihiya. Pero mukhang mali ako. Ayos lang. Ayos na makita ko ulit.”Mananalo siya kay Waylon nang isang beses kahit na ang kapalit non ay ang pagtapos ng sarili niyang dignidad Hinawakan ni Cameron ang butones ng shirt niya. Pero, bago pa siya magawa, pinigilan siya ni Cameron at naningkit ang mata nito. “Seryoso ka ba dito?”Halata naman na nagbibiro lang si Cameron sa kaniya. Kung tutuusin, paano kung mas malakas ang loob niya kumpara kay Cameron? Gusto lang niya ipitin si Waylon. Hindi naman niya talaga ito huhubaran.Gusto niyang bawiin ang k
Mabagal na dinilat ni Waylon ang mata niya at lumingon para tingnan si Cameron.Pilit na ngumiti si Cameron at sinabing, “May pwede ba akong sabihin sa'yo?”Para bang nababasa niya ang isip nito, sinabi niyang, “Hulaan ko. Manghihiram ka ng pera sa akin para makapag-book ka ng hotel?”Nawala ang ngiti niya habang sumasagot, “Kalimutan mo na ‘yon. Marami pa akong utang sa'yo na pera kaya hindi na ako manghihiram sa'yo mula ngayon.”Inabot ni Waylon ang access card kay Cameron.Nagulat siya at nagtataka siyang tiningnan.“Pwede ka manatili kahit saan mo gusto sa Bassburgh.” Tumingin si Waylon sa gulat na tingin ni Cameron at tumawa. “Hindi ka namin hahayaan sa kalsada.”Nang hindi niya tinanggap ang access card, nagpatuloy si Waylon. “Kung ayaw mo, babawiin ko na lang.”“Sandali!” agad na kinuha ni Cameron ang carf at sinabing, “Hindi ko sinabi na hindi ko gusto.”Kailangan niya ng pera para mag hotel kaya syempre, magpapakumbaba siya sa kahit ano. At saka, ayaw din niyang manat
Sumimsim si Cameron ng tsaa at tumango. “Gagawin ko.”Inutusan ni Maisie ang katulong na ihanda ang guest room para kay Cameron. Nang may sasabihin na si Cameron, sumagot si Waylon. “Mom, hindi siya dito titira.”“Bakit?” tanong ni Maisie.Tumingin si Daisie kay Waylon at tinanong, “Hahayaan mo ba si Cameron na mag stay sa hotel?”“Hindi.” kalmadong sagot ni Waylon, “Sa Emperon siya titira.”Mukhang may naintindihan si Maisie at ngumiti, “Sige kung ganoon. Malapit ang Emperon sa Taylorton. Sa Taylorton titira si Daisie at Nollace para maalagaan din nila si Cameron kapag tumira siya sa Emperon.”Pagkatapos nilang kumain ng lunch, sinundan ni Nollace at Waylon si Nolan sa study room nito.Dinala ni Daisie si Cameron sa garden. Parang may naalala siya at mahiwatig na tinanong, “Cameron, hindi ka talaga titira rito?”“Oo. Hindi lang ako komportable tumira dito…”“Hindi mo naman iniiwasan ang kuya ko, ano?” mula nang bumaba sila sa barko, naramdaman niya na may nangyari sa kanila.
Hinila ni Leah ang luggage niya at pinasok sa trunk ng sasakyan niya, lumingon siya sa manager. “Salamat pero sa tingin ko ay hindi ko na kailangan.”“Ms. Younge…”“May nangyari ba?”Nang marinig ang ibang boses, lumingon si Leah at nakita si Dennis na palabas mg sasakyan at papalapit sa kanilang dalawa.Bahagyang tumangonang manager. “Mr. Clarke.”Naningkit ang mata ni Leah. “Magkakilala kayo?”Nakangiting nagpaliwanag si Dennis, “Ako ang may-ari ng hotel na ito pero hindi ko inakala na nandito ka.”Nagulat si Leah. “Ganoon ba?”“Anong nangyari?” Tinanong ni Dennis ang manager para magpaliwanag at tapat na sumagot ang manager.Kumunot si Dennis. “Kapag may nangyari na ganoon, dapat tanggalin ang empleyado.”“P-Pero kulang na ng tao ang hotel ngayon at mukhang mahihirapan na tayo mag-recruit ng panibago kapag tinanggal natin siya.” Hindi mapigilan ng manager na makaramdam na parang sumusobra naman si Dennis sa desisyon niya.Malamig siyang tiningnan ni Dennis. “Kung nakagaw
Nagulat si Leah.‘Posible kaya na si Morrison ‘yon?’Pumunta si Leah sa pinto at bubuksan na sana ‘yon nang bigla niyang narinig ang boses ni Morrison. “Sino ka ba?”Hindi nagtagal pagkatapos non ay may kaguluhan na nagmula sa kabilang banda ng pinto sa corridor.Agad na binuksan ni Leah ang pinto at lumabas, nakita niya si Morrison na parang may hinahabol pero mabilis ang paa ng tao na ‘yon.“Morrison!” sigaw ni Leah.Lumingon siya sa dulo ng corridor at galit na sumigaw, “Hindi mo na naman binasa ang text na sinend ko sa'yo, ano!?”Natigil ang nasigawab na si Leah at nagtataka ang ekspresyon, “Anong text message ang sinasabi mo?”Huminga nang malalim si Morrison at suminghal sa inis. “Pwede mong itapon ang cell phone mo kung wala kang plano na gamitin. Nag-text ako sa'yo, sinabihan kita na huwag bubuksan ang pinto kahit na may marinig ka na katok sa pinto. Sa tingin ko hindi ka naman takot mamatay, huh?”‘Kung hindi ko siya binantayan para sa ganoong insidente, sa tingin ko
Nililinis ni Leah ang damit niya at bahagya siyang nagulat nang marinig kung ano ang sinabi ng lalaki. Inangat niya ang kaniyang ulo para tingnan siya at ngumiti. “Hindi na ‘yon kailangan. Salamat.”Pagkatapos non, umalis siya.Tiningnan ni Dennis ang direksyon kung saan pumunta si Leah nang may pilyo na ngiti sa kaniyang mukha.Pagkatapos ni Leah pumunta sa banyo, hinubad niya ang kaniyang jacket. Sinubukan niyang linisin ang mantsa ng kape sa kaniyang jacket pero walang nangyari. Kaya naman, wala siyang ibang magawa kundi maghintay na makauwi bago niya malabhan ang jacket.Pero, mukhang masyadong masigla para sa kaniya ang lalaki na Dennis ang pangalan.‘Kasing sigla ba niya lahat ng lalaki sa Stoslo?’ naiisip niyang tanong.Nang tanghali, sinabit ni Leah ang jacket sa kaniyang braso. Isang sasakyan ang huminto sa harap niya nang lumabas siya ng building. Ibinaba ng driver ang bintana at ang nandoon ay walang iba kundi si Dennis.“Pasensya na talaga at namantsahan ko ng kape a
Binalik ni Diana si Tic sa stroller at sinabing, “Hindi ako magaling magbigay ng pangalan. Tanungin mo ang dad mo. Mas magaling siya sa akin dito.”Tumango si Nollace. “Kung ganoon, Dad, kailangan ko ng tulong mo na alagaan mula sila sandali.”Nagulat si Rick. “Ano? Ako?”“Ang tagal na nang huling pagkakataon namin ni Daisie na maglaan ng oras para sa isa't isa,” galit na sinabi ni Nollace.Matagal na nang huling nagkaroon sila nang intimate activity at mas imposible pa ‘yon na mangyari ngayon lalo na’t kasama nila ang tatlong bata.Sa sobrang kahihiyan ni Daisie ay gusto niyang humanap ng butas at ilibing ang sarili niya. Hindi niya alam kung bakit nagagawa ni Nollace na magsabi nang bagay na nakakahiya sa magulang nila.Hindi nagtagal, tinanggap ni Rick ang tungkulin sa pag-aalaga ng tatlong bata. At para kay Daisie at Nollace, kung wala ang mga bata sa paligid nila, nakadikit lang si Nollace kay Daisie mula umaga hanggang gabi. Pareho nilang sinamantala ang mga araw at parang
“Kung tutuusin, kadalasan na iniisip ng mga lalaki na responsibilidad ng babae na alagaan ang anak nila at dapat matuwa ang babae kapag handa silang tumulong paminsan-minsan. Ang iba sa mga lalaki ay ayaw pa na alagaan ang anak nila. Naiintindihan ng asawa mo na naghirap ka sa panganganak kaya naniniwala ako na magiging mabuting ama siya,” sabi ng nanny.Nagulat si Daisie.Ang totoo niyan ay pakiramdam niya na tama ang nanny. Swerte talaga siya. Kung tutuusin, kadalasan ay si Nollace ang nag-aalaga sa mga bata.Kapag umiiyak ang anak nila sa kalaliman ng gabi, siya ang maghahanda ng gatas at pagagaanin ang loob ng mga ito.Tumingin siya sa tatlong baby at malaki ang mga ngiti, “Mabuti nga siyang ama.”Nang gabi, umakyat si Nollace sa taas para hanapin si Daisie pagkauwi niya.Nang hindi niya makita si Daisie sa kwarto, pumunta siya sa baby room at nakita na natutulog ito kasama ang mga anak nila.Inilagay ni Nollace ang jacket sa likod ng upuan at lumapit sa kama.Nakakatuwa an
Ngumiti si Estelle at sinabing, “Masaya kami na nandito ka. Hindi ka na dapat nagdala pa ng regalo.”Dinala siya ni Gordon at Estelle sa living room. Hindi madali kay James na umalis sa kaniyang shooting at pumunta rito kaya naman sinabihan nila ang kanilang mga katulong na maghanda nang masasarap na pagkain.Maraming tanong sa kaniya si Estelle katulad kung ano ang pelikula na sinu-shoot niya ngayon at handa niya itong sinagot lahat. Masaya siya sa katapatan nito at mapagkumbabang ugali.“Nakakapagod siguro maging aktor, ano?”Pinagkrus ni James ang mga daliri niya at nakangiting sumagot, “Oo, nakakapagod nga. Pero wala namang madaling trabaho sa mundo.”“Ayos lang lang yon. Naiintindihan naming lahat kung gaano kahirap at nakakapagod ang pagiging aktor. Pero sana alagaan mo ang kalusugan mo kahit na gaano ka pa ka abala,” mahinahon na sinabi ni Estelle.Hindi alam ni James kung bakit siya na-konsensya sa maayos na trato ng mga ito sa kaniya. Kung tutuusin, hindi sila totoong ma
Sapat na ang tatlong taon. At saka at least, hindi na kailangan ni Giselle pumunta pa sa mga blind date.Sa ngayon, kung wala sa kanila ang makahanap ng better partner o kung mahulog ang loob nila sa ibang tao, pwede naman nila isawalang-bisa ang kanilang kasunduan. Sa madaling salita, ginagamit lang nila ang isa't isa sa ngayon bilang proteksyon.“Dad, Mom, masyado lang kayong nag-iisip. Kahit na subukan namin na mag-date, kailangan pa rin namin ng oras. Paano kung hindi pala kami magkasundo pagkatapos ng kasal? Makikipag-divorce ba ako?”Naramdaman nila Gordon at Estelle na tama ang kanilang anak kaya hindi na sila nagpumilit. Tumayo si Giselle at sinabi, “Alright, hindi niyo kami kailangan alalahanin.” Matapos iyon, pumunta na si Giselle sa taas.Nagkatinginan sila Estelle at Gordon at suminghal.…Pumunta si James sa common room at hinanap si Donny. “Umm, Mr. Winslow…”Nang makita na may sasabihin si James, tumingin si Donny. “Yeah?”“Pwede ko bang tapusin ngayon lah
Nang pumasok si Leah sa kotse, sinuot niya ang kaniyang seatbelt. Pumasok na rin si Morrison at nagmaneho.Habang nasa byahe, nakatingin lang si Leah sa bintana at hindi nagsasalita. Tiningnan siya ni Morrison. “Nagtitiwala ka talaga. Hindi ka ba nag-aalala na baka may gawin akong masama sayo?”Tumingin si Leah sa kaniya. “Hindi mo ‘yon gagawin.” “Paano mo naman naisip? Huwag ka masyadong magtiwala sa mga lalaki.”“Pati sayo?” Tanong ni Leah. Tumikhim si Morrison. “Pwede mo naman ako isama.”Biglang natawa si Leah. “Kaibigan mo si Wayne, at may malaki na yung ibig sabihin tungkol sayo. At saka, hindi mo naman ako pinagsamantalahan dati kaya nagtitiwala na ako sayo.”Napahinto si Morrison. “Hindi ka nahihiyang maalala ang araw na ‘yon?” Hindi pa nakaramdam ng kahit anong hiya si Morrison tulad ng nangyari noong gabing ‘yon.Nang makarating na si Leah sa hotel na kaniyang pupuntahan, bigla siyang napahinto nang lumabas siya ng kotse, at tumalikod siya. “Dahil sinundo mo nam
Sumagot si Beatrice. “Si Daddy nga nagbabalat ng shrimp mo. Hindi ka rin naman nahihiya.”Walang masabi si Barbara pero tumawa sila Ryleigh at Maisie.Makikita na ang buwan sa langit. Suminag ang liwanag sa kanila, at sobrang masaya ang senaryo.…Matapos ang wedding, dinala ni Freyja ang anak niya at si Colton sa Kong Ports. Pumunta rin ang mag-ama doon para magbakasyon.Pumunta sila Waylon at Cameron sa Tayloryon para pag-aralan nila paano mag-alaga ng baby para hindi sila magkaproblema pag dumating na ang kanila.Isang trainee dad si Nollace, at isang soon-to-be dad naman si Waylon. Sinusubukan nila ang kakayahan ng isa't isa. Hindi makapagsalita sila Daisie at Cameron sa ginagawa ng dalawa. Tinanong ni Cameron, May naisip na ba kayong pangalan ng mga baby niyo?”Umiling si Daisie at sinabi, “Tatawagin ko silang Tic, Tac, at Toe.”Tumawa si Cameron. “Magiging casual ka lang ba sa pangalan nila?” Sobrang seryoso ng kaniyang mukha. “Madali lang maalala.”Gumalaw ang mukha