Hindi mapigilan ni Waylon na ngumisi pagkatapos ay kinuha ang tsaa at sumisimsim.Hawak ni Cameron ang ice pack sa balat niya. “Dahil sa blind date na ‘yon. Sana hindi na pumayag si Dad sa iba pang ganon.”“Iniisip lang ni Mr. Walde ang future mo.” Naaawa ang butler dahil hindi alam ni Damian na babae si Cameron.Masama ang tingin niya kay Waylon na kaswal na sumisimsim ng tsaa at biglang may naalala. “Bakit hindi ko naisip na papuntahin si Mr. Goldmann para sa akin? Totoong lalaki ka.”Walang ibig sabihin sa kaniya ang blind date dahil babae siya pero lalaki si Waylon.Tumingin si Waylon. “Wala akong karapatan na kunin ang lugar mo.”Umupo si Cameron sa tabi niya. “Hindi naman. Binibigyan kita ng kapangyarihan para gawin ‘yon.“Nasa edad ka na para magpakasal at may mga kandidato ako para sa'yo. Dahil pumunta ka dito, mas mabuti na magdala ka ng sister-in-law para sa kapatid mo. Hindi ba't ayos ‘yon?”Mukhang hindi komportable ang butler dahil si Cameron ang pinipilit na pumun
Natigil si Daisie at bumulong, “Kasalanan mo ‘yon lahat.”Inilagay ni Nollace ang ulo niya sa kaniyang kamay at ngumiti. “Sige, sisihin mo ako.”Pumasok si Jake at hindi nagulat nang makita na nandoon si Daisie dahil alam niya na doon siya natulog. “Mr. Beck.”Tumango si Nollace at naglakad sa pinto kasama si Jake na tumingin sa kwarto at sinabing, “Nagpadala si Fabio ng tao para dalhin si Buchanon sa kaniya. Sa tingin ko katapusan na niya.”Kalmadong nagtanong si Nollace, “Sino ang papalit sa Parkin kapag natanggal siya?”Pinag-isipan ni Jake ang tungkol doon. “Si Gail ang may mataas na pagkakataon.”Ngumiti si Nollace. “Mabuti kung ganoon.”…Nakaluhod si Buchanon sa marble tiles habang nanginginig dahil puno siya ng takot. Hindi niya alam na ang file sa computer niya ay nasa kamay ni Fabio.Nakatalikod si Fabio sa kaniya habang nakatayo sa harap ng malaking bintana at nasa likod ang kamay. Nakatingin siya sa bintana. “Buchanon, hinayaan kitang hawakan ang Parkin pero ganito
Kinabukasan, sa Yuzu Villa…Nakaupo si Minzy sa private room. Kinakabahan siya at mabilis ang tibok ng puso niya nang tumingin siya kay Waylon. Lalo na't, ang lalaking nasa tabi niya ang pinakamagaling na lalaking nakita niya. Gwapo siya at mukhang matapang pero may bakas ng pagiging maingat sa gitna ng kaniyang kilay.Mahigpit niyang hinawakan ang tasa at tinanong, “Mr. Goldmann, galing ka ba sa East Islands?”Habang hawak ang tsaa, sumagot si Waylon, “Nope.”Yumuko si Minzy at ngumiti. “Saan ka nagmula?”Tinaas ni Waylon ang tingin niya at sumagot, “Galing ako sa Bassburgh.”Ngumiti si Minzy, “Well, galing naman ako sa Kong Ports. Magkalapit lang iyon, ‘di ba?”Nang may biglang pumasok sa isip niya, tinanong niya ulit, “Kaibigan ka ba ni Mr. Southern?”Walang ekspresyon na tumingin si Waylon sa labas ng bintana at sumagot siya. “Well, pwede mo rin naman sabihin na magkaibigan kami.”Hindi inaasahan ni Minzy na kilala ni Waylon si Cameron, at para sa kaniya ay parang malapi
Yumuko si Waylon at lumapit kay Cameron.Lumaki ang mata ni Cameron, nalaglag sa sahig ang pamaypay sa kamay niya. Napatayo si Minzy at napatakip sa kaniyang bibig dahil sa gulat at hindi siya makapaniwala. Hindi niya matanggap ang nakita niyang pangyayari kaya tumakbo siya habang namumula ang mata.Naninigas si Cameron, wala siyang lakas ng loob para gumalaw. Sobrang lapit ng mukha ni Waylon sa kaniya ngayon. Dumikit ang labi ni Waylon sa daliri na nilagay niya sa ibabaw ng labi ni Cameron. Kahit na hindi sila naghahalikan, mula sa angle na nakikita ni Minzy ay mukha silang naghahalikan.Tinulak siya palayo ni Cameron at dinuro siya. “Ikaw!”Walang salita ang lumabas sa bibig niya, lumabas siya sa private room.Tiningnan ni Waylon ang daliri niya at napaisip.…Kakaiba ang paligid sa loob ng sasakyan. Nakapatong sa palad ni Cameron ang pisngi niya at nakatingin sa labas ng bintana. Kahit na sinubukan na niya ang lahat ng kaniyang makakaya para makalimutan ang nangyari, hind
“Well, mabuti na lang at galit siya.” Tinapik ni Sunny ang balikat niya. “Kinakabahan ako na baka kasi masaya siya, pero ngayon, parang kahit ang pinaka walang emosyon na tao ay magseselos din. Hahaha.”Nagdidilim na ang langit.Matapos maligo ni Cameron, nagsipilyo siya ng ngipin sa banyo. Hinawakan niya ang cup at tinaas ang ulo niya para tingnan ang sarili sa salamin. Habang hawak ng daliri niya ang kaniyang labi, bumulong siya, “Paano kung nag-kiss talaga kami…” Nang bumalik na siya sa katotohanan, hinagis niya ang cup sa washbin at gulat na tiningnan ang sarili niya. ‘Anong kalokohan itong iniisip ko?’Kinuha niya nag buhok niya at nagmamadaling umalis ng banyo.Maliwanag ang buong paligid, at pumasok si Sunny sa kwarto kasama ang ilang katulong sa likod niya. “Cam, sa wakas gising ka na. Tumayo ka na at magbihis. Darating na ang groom mo mamaya.”“Anong groom? Anong sinasabi mo?” Hindi siya nakapagsalita, “Hindi, Dad, I—”Bago niya matapos ang kaniyang sinasabi, kinaway
Sumandal si Cameron sa bintana at nagulat siya. Puno ng malalamig na pawis ang likod niya, at nakaramdam siya nglamig nang dumampi ang hangin sa kaniya. ‘Bakit ako nagkaroon ng ganoong panaginip? Lalo na’t, sa lahat ng lalaki, bakit si Wayne ang groom? At may nangyari…’Nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo at humihiling na sana mawalan siya ng memorya ngayon. ‘Paano ako makikipagkita kay Wayne ngayon?’Hindi bumaba si Cameron para mag almusa. Gusto niyang maghintay na matapos muna ang lahat na mag-almusal bago siya bumaba. Nang 9:30 a.m. na inisip niya na siguro ay wala na sila doon kaya bumaba na siya. Pero, hindi niya inaasahan na pag labas mismo niya ng pinto ay nakita niya sila Waylon at Sunny sa sala, nagulat si Cameron. Nang makasalubong ng tingin niya ang mata ni Waylon, lumitaw ulit sa isip niya ang kaniyang panaginip. Huminga siya nang malalim, tumalikod, at bumalik ulit sa kwarto niya.“Cam, saan ka pupunta?” Tanong ni Sunny.Napahinto si Cameron sa kaniyan
Lumingon si Waylon kay Cameron. “Isang magandang plano ng iyon. Minaliit ni Fabio si Donald kaya mas gusto niya pang mapatay si Donald matapos siyang ma-corner nito. Ang tanging bagay na mag-uudyok kay Fabio na gumanti sa kaniya ay kung maiisip niya na isang balakid si Donald sa posisyon niya sa isla.”Natahimik si Sunny nang ilang sandali at sinabi, “Sa madaling salita, kailangan natin gumawa ng sitwasyon at pilitin natin si Fabio na patayin siya?”Tumango si Waylon. “Una, kailangan natin tanggalin lahat ng moles sa teritoryo ng Southern Clan. Pag napansin ni Donald na natanggal na ang mga moles niya, matatakot siya. Kailangan niyang mag-ingat sa atin mula sa likod at kalabanin si Fabio sa kaniyang harap. Para protektahan ang sarili niya, sino sa tingin mo ang aatakihin niya?”Aatakihin niya ang sino mang mas malapit sa kaniya. Maliban sa ilang moles, wala ng ibang tao mula sa teritoryo ng Southern Clan na makakatulong sa kaniya. At saka, walang laban ang mga moles na iyon sa Sou
“Pero kung matatalo si Fabio, ang kalalabasan ng laban na ito ay sobrang magbabago. Ang pakikisama lang sa Southern Clan ang mapipili niya para sa kaniyang estado at kapangyarihan, lahat ng iyon ay dapat maging mabilis. At pag natanggal na si Donald sa problema, mawawalan ng oportunidad si Fabio na lumaban sa Southern Clan. Sa kabaliktaran, madali na siyang kalabanin ng Southern Clan.”Biglang nagkaroon ng realization si Jake. “I see.”Matapos ang ilang sandali, umalis na ng opisina si Jake, at lumabas si Daisie mula sa likod ng pader sa corridor. Halata naman na narinig niya ang lahat.Tinulak ni Daisie ang pinto para mabuksan, nakita niya si Nollace na nakasandal sa upuan at nakapikit habang hinihilot ng kaniyang daliri ang sarili niyang noo na parang masakit sobra ang ulo niya.Tinikom ni Daisie ng labi niya at dahan-dahang naglakad papunta sa likod ni Nollace. Nang hahawakan na sana niya si Nollace, hinawakan ni Nollace ang payat niyang kamay at hinila siya. “Plano mo bang taku
“Daisie.” Lumapit sila Leah at Morrison hawak ang kanilang wine glass. “Sobrang ganda mo ngayon.”“Thank you,” nakangiti na sinabi ni Daisie.Tinass ni Leah ang wine glass niya. “I propose a toast. Hiling namin ni Morrison sayo ang masayang pagsasama niyo ni Nollace.” Nakipag-clink si Daisie ng glass sa kaniya. “Sa inyo rin ni Morrison.” Matapos ang toast, lumapit Cameron kala Daisie at Waylon. Nasa likod nila sila Freyja, Colton, Maisie, at Nolan. Tinass ni Maisie ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ni Daisie. “Ang galing mo kanina.”Tumawa si Daisie. “Talaga?”Dagdag pa ni Nolan, “Ikaw ang dazzling pride namin habang buhay, kaya syempre oo.”Ngumiti si Daisie na parang siya ang little princess ng pamilya.Lumapit si Nollace. “Dad, Mom, toast para sa inyong dalawa. Thank you dahil pumayag kayo sa amin ni Daisie.” “Ma-swerte ka talaga.” Mahinahon na suminghal si Nolan, kinuha niya ang kaniyang wine glass, at pinag-clink niya ito kay Nollace. “Dapat simula ngayon ay maay
Para bigyan ng daan ang wedding carriage, hindi pinayagan ang ilang sasakyan na makadaan sa route mula palace papunta sa cathedral.Tumingin si Daisie sa labas ng carriage—puno ng mga tao ang kalsada, at lahat sila ay saksi sa ma-garbong senaryo na iyon. Si Nollace na nakaupo sa gilid ay nakasuot ng double-breasted dark blue military jacket. Mukha siyang matangkad at malapad, at may dalawang St. Patrick’s Stars sa kaniyang epaulet, nakalagay ang isa sa magkabilaan, may full set ng medal sa kaniyang dibdib, at iba pang mga komplikadong dekorasyon. Hinawakan niya ang likod ng kamay ni Daisie at bigla siyang ngumiti. “Ang pawis ng palad mo.” Lumingon si Daisie sa kaniya at nanginginig ang boses niya nang sumagot, “Kinakabahan ako.” Tinaas ni Nollace ang kamay ni Daisie at hinalikan niya ang likod nito. “Nandito ako, kaya huwag kang mag-alala. Relax ka lang.” Tiningnan ni Daisie ang wedding jacket ni Nollace. “Ang gwapo mo sa uniform na ‘to.”Tumawa si Nollace. “At sobrang gand
“Siya nga pala, nasaan si Cameron?” Tanong ni Morrison. Sumagot si Waykon, “Kasama niya si Dad maglakad-lakad. Kikitain ko na rin sila ngayon kaya iiwan ko muna kayong dalawa. Pwede niyo naman gawin kung anong gusto niyo sa free time niyo.”Matapos iyon sabihin, tumayo na si Waylon at iniwan ang couple.Umiling si Morrison. “Nagbago na siya ngayon simula nang nag-asawa siya.” “Nagsasalita ka naman na parang hindi ka rin nagbago.” Mabilis na tumayo si Leah at umalis sa restaurant.Binaba ni Morrison ang cup niya at mabilis na sumunod kay Leah. “Hoy, bakit mo naman ako iniiwan? Hintayin mo ako.” Lumabas sila Maisie at Saydie sa private room at nakasalubong nila sila Nolan at Quincy sa corridor.Tumango si Quincy. “Mrs. Goldmann.” Huminto si Maisie sa harap ni Nolan, at hinawakan ni Nolan ang kamay niya. “Tapos na ba kayo mag-usap?” “Syempre. ‘Di ba gusto mo pumunta sa Hathaways’ villa kasama si Dad ngayong tanghali?” Ngumiti si Nolan. “Hinihintay lang kita. Pupunta lang k
Masayang ngumiti si Daisie. Susuotin ko itong crown sa araw ng kasal ko na pwede maging endorsement para sa jewelry company at design ni mom.” Niyakap siya ni Nollace mula sa likod. “Pwede mo gawin ang kahit ano basta gusto mo.” …Dalawang araw bago ang kasal ay dumating na sa Yaramoor ang mga Goldmann at nag-stay sila sa hotel na inihanda ni Nollace. Pina-reserve ng royal family ang buong hotel para sa mga guest nila na mula sa Zlokova na pupunta sa kanilang kasal. Dumating na rin ang mga Boucher at mga Lucas, pati si Sunny ay nandoon.May mga pamilyar rin na bisita mula sa Zlokovian entertainment industry. Sila Hannah, Amy, James, at Charlie na mga malalapit na kaibigan ni Daisie ay pumunta rin. Nasa invitation list din sila Leah at Morrison. Nang pumunta si Maisie sa restaurant, sinamahan siya ng waiter papunta sa isang private room.Nang makita ang lalaking nakaupo sa gilid, ngumiti siya at sumigaw, “Godfather!” Dahan-dahang lumingon si Strix. Hindi sila nagkita ng
Tumawa silang lahat. Dumating na ang dilim, at napuno ng neon light ang buong city. Bumalik sila Daisie at Nollace sa Taylorton matapos ang dinner.Basa ang buhok niya nang lumabas siya sa shower. Kinuha ni Nollace ang towel niya at tinulungan siyang patuyuin ang kaniyang buhok. Umupo siya sa harap ng dresser at tiningnan ang tao na nasa likod ng salamin. May ngiti na nakatago sa sulok ng kaniyang bibig habang sinasabi, “Nolly, sobrang excited na talaga ako sa kasal natin.” “Talaga?” Dahan-dahang pinatuyo ni Nollace ang malambot na buhok ni Daisie. “Ako rin, excited na ako.” “Pwede ko na masabi ngayon na perfect na ang buhay ko, ‘di ba? Kasi ikakasal na ako at maglalakad ako sa altar kasama ang lalaking pinakamamahal ko.” Tumawa si Nollace at lumapit siya sa tainga ni Daisie. “Alam mo ba? Lahat din ng hiling ko sa buhay ay natupad na.”Tumingin si Daisie sa kaniya. “Anong mga hiling mo?” “Maging asawa ka, pakasalan ka, at magkaroon tayo ng sariling mga anak.”Nagulat si
”Oo, totoo ‘yon,” sagot ni Zephir. “Parang naging mas mature ka na nang bumalik ka galing sa bakasyon mo.” Tinapik ni Naomi ang balikat niya. “Hinihiling ko ang lahat ng best para sa mga susunod mong gagawin.” Ngumiti si Zephir pero wala siyang sinabi na kahit ano. …Hindi nagtagal, katapusan na ng buwan. Tapos na ang bakasyon nila, at bumalik na sila sa Bassburgh. Naghihintay sila Maisie at Nolan sa kanila sa courtyard. Matapos nilang lumabas ng kotse, tumakbo si Daisie palapit sa kanila. “Mommy! Daddy!” Niyakap niya sila Maisie at Nolan.Tinapik ni Nolan ang ulo niya at napangiti siya. “Malaki ka na. Huwag ka na umakto na para kang bata.” Ngumiti si Daisie sa kanila at sinabi, “Pero alam ko na lagi akong bata sa paningin niyo.” Tumawa si Maisie at tiningnan ang ibang tao. “Mukhang naging masaya kayong lahat. Pumasok muna kayo. Sama-sama dapat tayo kumain ngayong gabi.” Pumasok sila Freyja at Cameron sa bahay para tingnan ang kanilang mga anak. Magkasama sa iisang kw
Tumingin si Nollace sa kanila. “What a coincidence.” “Mas nauna kami ni Morrison dito kaysa sa inyo guys,” sabi ni Leah. “Nalaman lang namin na nandito pala kayo nang nag-post si Daisie ng photo sa Facebook page niya.”Hinila ni Daisie si Leah sa upuan at sinabi, “Dapat mag-stay muna kayo ng ilang araw kasama kami.” Nang umupo si Morrison, pinakilala siya ni Waylon kala Freyja at Daisie. “Siya ang sister-in-law ko, si Freyja, at siya naman ang kapatid ko. Daisie ang pangalan niya.” “Nakita ko na sila dati noong wedding niyo,” sabi ni Morrison. “Kaklase ng misis ko ang kapatid mo dati. Nabanggit niya na sa akin.”“Kailan mo pa ako naging asawa? May pagkakataon pang hindi kita pakasalan sa future,” sabi ni Leah. “Engage na tayo. Kung ayaw mo akong pakasalan, sino namang papakasalan mo?” Kumunot ang noo ni Morrison, kaya natawa ang lahat ng nasa paligid nila, maliban kay Daisie. Hindi siya makapaniwala na nakatingin kay Leah at tinanong, “Engaged? Kailan kayo naging engage, Le
Sabi ng stall owner, “$10 para sa tatlong chance.”“$10 para lang sa tatlong chance? Ang magal naman,” sabi ni Freyja. Tinaas ng stall owner ang ulo niya at sinabi, “Ako na nga ang pinakamura dito. Yung ibang stall $15 ang hinihingi para sa tatlong chance.” Hinila ni Daisie si Freyja at sinabi, “Ibigay na lang natin ang pera sa kaniya. Hindi rin naman madali sa kanila ang mag-set up ng stal dito kaya maglaro na lang tayo.” Matapos iyon, binigyan niya ng $20 ang stall owner at sinabi, “Bigyan mo po kani ng anim na hoops.” Binigyan siya ng stall owner ng anim na hoops. Nakatitig na si Daisie sa bracelet. Kahit alam niyang peke iyon, maganda naman. Hinawakan niya ang hoop at hinagis papunta sa bracelet. Pero, hindi niya iyon nakuha. Binato niya ulit ang dalawang hoop sa bracelet pero bigo pa rin ang pagsubok niya kaya sobra siyang nainis.Tatlong hoops na lang ang meron siya. Nang makita na handa na si Daisie na sumuko, kinuha ni Cameron ang mga natirang hoop at sinabi, “A
Tahimik ang gabi sa lumang lugar. Walang ibang naririnig sa paligid kundi mga huni ng mga insekto. May isang lamp na nakasabit sa tent na nasa damo. Tahimik ang paligid. Umiikot-ikot si Daisie sa sleeping ba dahil hindi siya makatulog. Nang biglang, may kamay na dumampi sa kaniyang bewang at hinila siya papunta sa dibdib. “Anong problema? Hindi ka makatulog?” “Oo…” diniin niya ang kaniyang mukha sa dibdib ni Nollace at sinabi, “Gusto ko sana umihi kaso natatakot ako.”Hinalikan ni Nollace ang noo niya at sinabi, “Sasamahan na lang kita.” Both of them came out of the tent. Nollace took a flashlight and led Daisie to a row of trees in the distance. Daisie turned her head and said, “You wait for me here.”Lumabas silang dalawa sa tent. Hawak ni Nollace ang flashlight at sinamahan niya si Daisie sa row ng mga puno malayo sa kanila. Tumalikod si Daisie at sinabi, “Hintayin mo ako dito.”Tumango si Nollace. “Isigaw mo lang pangalan ko pag may kailangan ka.” Naglakad si Daisie pa