“Oo, huwag mong husgahan ang young master dahil sa size niya sa mukhang babae niyang itsura. Wala siyang awa minsan.”Ang lalaki na nasa sipa sa likuran ay hindi mapigilan na manginig nang bahagya nang maalala niya ang eksena nang nabugbog siya.Nagsimulang mag alala si Daisie kay Waylon.‘Hilingin na lang natin na hindi masyadong pahirapan ni Cameron si Waylon.’Sa loob ng ring, one-on-one na laban yon sa pagitan nilang dalawa.Gusto na agad tapusin yon ni Cameron kaya walang awa siyang naunang gumalaw. Pero, yumuko si Waylon, iniwasan ang suntok niya nang hindi man lang gumagalaw ang paa at hinawakan ang kamay niya.Agad umikot si Cameron, hinawakan ang braso niya at binalibag si Waylon.Nawala sa balanse si Waylon at bumagsak pero agad niyang sinuporta ang palad niya sahig, inangat ang katawan niya, at agad na nakatayo.Pero hindi binigyan ng pagkakataon ni Cameron si Waylon na huminga. Umatake siya nang walang tigil habang dumidepensa lang si Waylon—lahat ng galaw niya at
Huminga nang malalim si Cameron at nagngalit ng ngipin. “Madali siyang nakaalis.”Bumalik si Cameron sa kaniyang kwarto, naligo, at nagpalit ng bagong damit. Nilagay ang pants niyang may dugo sa maduduming damit.Pumasok naman si Mahina. “Nagsimula na ang period mo?”Hindi niya hinahayaan na linisin ng mga katulong ang damit niya o pumasok sa kwarto. Alam ng lahat ng katulong sa bahay na bawal pumunta sa kwarto niya, kaya ang kwarto niya ay nililinis ng butler o kaya ni Mahina, kasama ang damit niya.Palihim lang na dinadala ni Mahina kahit ang period pad ni Cameron.Umupo si Cameron sa kama na may hot water bag sa kaniyang puson. “Tulungan mo akong ilagay ang damit sa washer at huwag mong hayaan na may makakita doon.”Tumango si Mahina pagkatapos ay dinala ang laundry basket.Humiga si Cameron sa kama, hindi siya masaya dahil nahuli siya ng tactic ni Waylon. Hindi siya nag ingat.Samantala, dinala ni Mahina ang basket sa laundry room, binuksan ang pinto ng washer, pagkatapos a
Tumingin si Daisie sa kaniya pagkatapos ay naningkit siya. “Daisie, sinadya mo bang gawin yon?”Nagpanggap siyang walang alam. “Ang alin?”Ngumiti si Waylon. “Natatakot ka ba na may malaman ako?”Umiling si Daisie at nagpatuloy sa pagsisinungaling. “Hindi. May inaalam ka ba?”Tinitigan siya ni Waylon. Alam niyang magaling na aktres ang kapatid niya pero nakikita niya ang totoo.“Daisie, ako ba ang kapatid na sobrang mahal ka?”Ngumiti siya at naglakad sa tabi niya. “Syempre. Ikaw ang pinakamabait sa akin.”Tiningnan siya ni Waylon habang may malaking ngiti at tinanong, “May tinatago ka sa akin, hindi ba?”Umubo si Daisie at nag-iwas ng tingin. Hindi niya alam kung may nalalaman na ba si Waylon.Bumuntong hininga siya. “Akala ko pagkakatiwalaan mo ako. Bakit sobrang lapit mo sa ibang lalaki?”Parang sinasabi niya na ‘nanlokoko’ siya.Ngumuso si Daisie. “Huwag mong sabihin yan!”Naningkit si Waylon. “Bakit mo tinatago sa akin?”Sumagot si Daisie, “Hindi naman sa gusto kong i
Tumayo si Manuel sa likod niya at pinanood siyang magwala. Kahit na naaawa siya, naisip niya na masyadong nagmamadali si Florence. “Gusto lang ni Mr. Puzo na manahimik ka muna dahil hindi pa ito ang tamang oras.”“Kailan ba ang tamang oras!?” Hinawakan siya ni Florence sa kwelyo. “Sinabi mo na kapag kinuha ko ang pwesto ni Dad, magagawa ko ang lahat ng gusto ko pero mula nang sumali ako kay Fabio, minamaliit niya ako!“Si Cameron naman ay patuloy akong binu-bully. Hindi niyo lang ako tinutulungang mga basura kayo kundi sinasabihan niyo ako na tanggapin yon!”Nagkuyom ang kamao ni Manuel sa masasakit niyang salita.“Tsk tsk, masyado kang matapang na babae.”Pumasok si Donald sa villa kasama ang mga tauhan niya.Kumunot siya. “Sino ka? Sa pagitan namin ito ng The Serpents. Wala kang lugar dito.”Ngumiti si Donald. “Kung hindi ka kakalma, hindi ka makakagawa ng magandang bagay. Walang oras para sa mga lato mo ang tagapagmana ng Southern Clan dahil wala siyang pakialam sa'yo. Masyad
Tumawa si Joaqin sa sarili niya. “Pagkatapos ng lahat, ang malapit pa talaga sa akin ang mangta-traydor sa akin.”“Sumali si Florence kay Fabio pagkatapos makuha ang The Serpents.”Nagulat doon si Joaqin.Pagkatapos ng ilang sandali, nagsisisi niyang tinanong, “Hindi ka ba galit sa akin?”Mabagal na sinabi ni Sunny, “Parang magkapatid kami ng dad mo. Nang namatay siya, sinabihan niya akong alagaan ka at ang The Serpents, at nangako ako sa kaniya na gagawin ko yon. Nang malaman ko na gusto mong sumali kay Fabio, nadismaya ako para sa dad mo.”Nakatikom ang labi ni Joaqin dahil wala siyang lakas ng loob na tumingin sa mata niya.Ginawa ng Southern Clan ang lahat ng kaya nila para itrato nang maayos ang The Serpents pero hindi naging kontento si Joaqin at nagsimulang magdalawang-isip nang nilapitan siya ni Fabio.Pero ang taong muntik na siya mapatay ay kasmahan niya at ang lumigtas sa kaniya ay ang kaniyang kaaway.Mabagal na tumayo si Sunny. “Pero hindi mo piniling traydurin ako
Malaki ang ngiti ni Cameron. “Cheque para sa isang lihim. Hindi ba't magandang kasunduan yon?”Naningkit si Waylon. “Dinadaya mo ako.”Nilagay ni Cameron ang kamay niya sa balikat ni Waylon at lumapit. “Mr. Goldmann, lilinawin ko lang. Hindi ‘to scam. Isa ‘tong advantage.”Tahimik na tumingin sa kaniya si Waylon. Kung ihahalintulad niya si Cameron sa isang hayop, isa siyang fox. Tuso siya at matalino.May malakas siyang loob, dating, stratehiya at plano na dapat mayroon ang isang lalaki. Kaya nagawa niyang maitago ang pagkatao niya nang lagpas isang dekada at nagawa niyang respetuhin siya ng mga tao at katakutan siya.“Anong plano mo?”Pumasok si Sunny sa bakuran at nakita ang braso ni Cameron sa balikat ni Waylon. Nakatayo sila malapit sa isa't isa.Para sa kaniya, mukhang nakikipaglandian ang ‘lalaki niyang anak’ kay Waylon.Inalis ni Cameron ang kamay niya at nagkibit-balikat. “Wala. Nag-uusap lang kami.”Suminghal si Sunny. “Sa tingin ko ay parang maling paghawak ang ginaw
Pinunasan ni Cameron ang gilid ng labi niya gamit ang panyo. “Sige, dad. Aayusin ko ang mga bagay.”Tumayo siya at tinawag siya ni Sunny. “Isama mo si Wayne sa'yo.”Nagulat si Cameron.…Maraming itim na sasakyan ang mabagal na huminto sa harap ng entrance ng Southern Chamber of Commerce. Inayos ni Cameron ang suit niya at tumingin kay Waylon. Hindi niya pa rin maisip kung bakit gusto ng dad niya na isama niya si Waylon.Magulo sa loob ng Southern Chamber of Commerce na para bang may naglaban sa loob.Nakaupo si Manuel sa couch habang umiinom ng wine. Ito ang unang pagkakataon na nalasahan niya ang tamis at benepisyo ng kapangyarihan. Nagustuhan niya yon habang unti-unting nawawala ang konsensya niya.“Tumigil kayong lahat.”Pumasok si Cameron at ang mga tauhan niya sa building. Tumigil ang lahat habang tumitingin kay Cameron.Tumingin siya kay Manuel at malamig na ngumisi. “Well, sinasabi ng mga tao na makakagawa ng magandang ibon ang magandang balahibo. Hindi ko naintindihan
“Ibig sabihin namatay siya nang madaling araw.”Inangat ni Cameron ang mata niya at tiningnan ang mga staff member ng Southern Chamber of Commerce. Pagkatapos ay tinanong niya, “Sinong naka duty kagabi?”Ilang staff member ang tumingin sa mapayat na batang lalaki sa likod. Nang maramdam ang tingin nila, sinabi ng payat na lalaki na, “Ako, sir. P-pero wala talaga akong nakita o narinig na kahit anong away.”Sumigaw ang mga tao sa The Serpents, “Syempre, sasabihin mo yan. Paniguradong tinutulungan niyo ang isa't isa.”Tumayo si Cameron at sumagot, “Tinutulungan ang isa't isa? Bakit kayo nandito nang umaga? Hindi niyo ba alam na trespassing yan? Kaya may saysay din kung saktan kayo ng mga tauhan ko kapag nakita nila kayo.“At saka, sinabi ng kasamahan ko na wala siyang nakita na kahit anong away, kaya bakit biglang magkakaroon ng bangkay dito? Posible kaya na pumunta kayo sa lugar ko pagkatapos niyang mamatay?”“Cameron, nakita ang katawan dito. Ito ang ebidensya, at hindi ka na mak