Pinagmasdan ni Mr. Goldmann Sr. ang tatlong paslit. "Kung ganoon, bakit hindi matanggap ng nanay niyo ang tatay niyo?"Nagkatinginan ang tatlong bata at saka ikinwento kay Mr. Goldmann Sr. ang tungkol sa naging karanasan ng kanilang ina. Matapos marinig ang paliwanag, dumilim ang expression ni Mr. Goldmann Sr.'Wala akong pakialam sa background ni Maisie, nalaman ko lang na isa si Maisie sa mga anak ng mga Vanderbilt. Kahit na maliit na pamilya lang ang mga Vanderbilt sa Bassburgh, matatanggap pa rin ng mga Goldmann si Maisie bilang manugang.'Ang hindi ko lang inaasahan ay anim na taong nabulag at naloko ang mangmang kong anak ng anak sa labas ng mga Vanderbilt. Hindi na nakapagtataka kung bakit ayaw tanggapin ni Zee ang anak ko.'Dapat lang iyon sa batang iyon!'"Lolo, gusto mong magkatuluyan si Mommy at Daddy, hindi ba?"Suminghal si Mr. Goldmann Sr. "Siyempre naman."'Nakatagpo na rin ang anak ko ng babaeng gusto niya. Hindi ko sila paghihiwalayin. Sa madaling salita,
Narinig ang malakas na tunog ng tiyan ni Maisie dahil na rin sa katahimikan ng paligid.Biglang ngumisi ang lalaking nasa ibabaw niya. "Nagutom ka rin. Akala ko ay hanggang bukas ka matutulog."Naningkit ang mga mata ni Maisie at sinabing, "Mabuti naman ay alam mo, kaya tumayo ka na diyan."Tumayo si Nolan at hinaplos ang buhok ni Maisie. "Ipagluluto kita ng hapunan."Natigilan si Maisie.'Ano!?'Bumaba si Maisie. Naisip niya rin na kaya niyang matulog na lang hanggang umaga, pero alas dos pa lang nang umaga.Kaninang hapon, hindi niya alam kung paano siya nakauwi dahil sa matinding pagod.Pinaghainan siya ni Nolan ng hapunan sa kusina. Bakas ang gulat sa mukha ni Maisie nang pagmasdan niya ang kusina.Nakatayo ang matangkad na lalaki sa kusina habang suot ang pambahay at maluwag nitong pajamas. Ibang-iba kaysa sa karaniwang suot nitong suit at leather shoes.Pero sinong maniniwala na ang lalaking naka-pajamas sa kusina na pinagluluto siya ng hapunan ay si Mr. Goldma
Niyakap siya ni Nolan at na-upo sa upuan. "Ngayon, sabihin mo sa akin."Wala ng lakas pa si Maisie para magpumiglas at hindi na malabanan pa ang tricks ng lalaking ito.'Para siyang bata na pinipilit ako magsalita!'Huminga siya nang malalim para habulin ang kaniyang hininga at hinawakan ang kamay ni Nolan sa takot na bigla nanaman siya nitong kilitiin. "Matagal ko na siyang kilala, pero hindi ko alam ang relasyon niya sa nanay ko.""Gusto ko rin malaman ang bagay na iyon.'Nakita ni Nolan na hindi na nagsisinungaling si Maisie, kaya marahan niyang sinabi, "Hindi mo ba alam ang pagkatao niya?""Wala akong pakialam kung sino si Tito Erwin. Siya ang pinakamabuti kong kamag-anak bukod sa nanay ko."Kahit na hindi sila magkadugo, kamag-anak na ang tingin niya kay Tito Erwin, dahil siguro siya lang ang tanging tao na nakakaalala sa naging buhay ng nanay niya.Kumurap si Nolan. Mukhang hindi alam ni Maisie ang tungkol sa Metropolis, kaya marahil hindi niya rin alam na mula sa
Naniniwala ang lahat na ang ginawang itonni Pearl ang simula ng paghihiganti ni Maisie.Kumibot ang sulok ng bibig ni Maisie habang kinukuha niyang kaniyang phone para tawagan si Mrs. Santiago.Mga alas-dies nang umaga, nag-post si Mrs. Santiago ng isnag video gamit ang social media accounts ni Pearl.Kaawa-awa ang kondisyon ni Pearl sa video, ang kaniyang mga mata ay malalim. Para bang ang laki ng nabawas sa timbang niya sa loob lang ng magdamag, at ang laki ng pinagkaiba ng itsura niya ngayon sa mga magagandang selfies na madalas niyang i-post sa kaniyang Instagram, Facebook, at Twitter accounts.Ang video na ito ang kaniyang unang online appearance pagkatapos ng insidente."Mayroon kaming naging hindi pagkaka-unawaan ni Ms. Vanderbilt, pero hindi si Ms. Vanderbilt ang naglagay sa akin sa kapahamakan. Pinagsamantalahan ako nang gabing iyon dahilan para madali akong maniwala sa sinasabi ng iba. Wala na akong gusto pang itago, kaya nilabas ko ang video na ito para humingi ng
Para kay Madam Vanderbilt, palaging una ang mga benepisyo. Mamanahin ng mga lalaki sa pamilya ang negosyo, at magpapakasal ang mga babae sa mga makapangyarihan at mataas ang estado para tulungan ang pamilya.That was why she would protect Willow—because she had ‘usage’.Kaya naman poprotektahan niya si Willow—dahil mayroon itong 'silbi'.Nakakuyom ang kamao ni Stephen. "Mom, hindi ba't apo mo rin si Maisie?""Si Maisie?" Uminit ang ulo ni Madam Vanderbilt. "Katulad din siya ng nanay niya, palaging outsider sa pamilya. Bakit ko siya dapat asahan?""Hindi ba't pinakasalan mo si Marina dahil sa galing niya? siya ang nagpatibay ng posisyon mo sa Bassburgh, pero nirespeto niya ba ako? isa siyang imoral na nag-iisip pa ng ibang lalaki ngayong kasal na siya sa iyo. Hindi talaga nalalayo ang bunga sa puno.""Tama na!"Natigilan ang lahat sa biglaang pagsigaw ni Stephen. Kahit si Madam Vanderbilt ay pinagmasdan siya na para bang wala na siya sa sarili. Hindi siya kailanman sinigawan
Nilapag ni Maisie ang phone sa desk at ni-loudspeaker ito. Narinig ang boses ni Leila. "Maisie, gusto kang makita ng lola mo…"Nang matapos ang tawag, nag-alala si Kennedy. "Sa tingin mo ba ay gusto kang makita ni Madam Vanderbilt dahil mayroon silang plano? gusto mo bang samahan kita?"Ngumiti si Maisie. "Hindi, tito Kennedy. Maraming kailangan gawin sa studio. Hindi naman malaking problema si Madam Vanderbilt at Leila.Dumating si Maisie sa Sunrise Restaurant. Nakapagtataka na hindi siya pinabalik ni Madam Vanderbilt at Leila sa Vanderbilt manor. Ano kayang dahilan nito?Nakita niya si Madam Vanderbilt at Leila na nakaupo sa likod ng mesa nang pumasok siya sa kwarto."Lola, gusto niyo raw akong makita?"Hindi masaya si Madam Vanderbilt nang makitang hindi siya pinapakitaan ng respeto ni Maisie. "Nabalitaan kong pinasa ng tatay mo ang ownership ng Vaenna sa iyo?"Natigilan si Maisie, nagtataka. 'Bakit hindi ko alam iyan? Hindi ba't kay Willow na ang Vaenna ngayon?"Tin
"Itatrato ko ang nakakatanda sa akin katulad ng pagtrato nila sa akin. Hindi mo ako tinratong apo simula noong bata ako. Bakit sa tingin mo dapat akong maging magalang sa iyo?"Hindi siya kailanman binisita o binuhat ni Madam Vanderbilt simula nang pinanganak siya dahil lang isa siyang babae.Bata pa siya noon at hindi pa naiintindihan ang nangyayari. Umuuwi pa rin siya para sa Thanksgiving kasama ang kaniyang magulang. Gayunpaman, nakita niya at naaalala niya kung paano tratuhin ni Madam Vanderbilt ang nanay niya.Mahinahon lang si Marina at wala masiyadong pakialam sa mga sinasabi ni Madam Vanderbilt. Iyon siguro ang dahilan kung bakit naisip ni Madam Vanderbilt na katulad din siya ng kaniyang ina.Akala noon ni Maisie na ang kawalang-pakialam ng nanay niya sa mga Vanderbilt ay dahil sa pangangaliwa ng tatay niya at relasyon nito kay Leila."Zee, paano mo nagagawang sagutin nang ganiyan ang lola mo?" Sinusubukan pa rin ni Leila na magpanggap na mabuting manugang kay Madam V
Naningkit ang mga mata ni Nolan. “Anong kinakatakot mo? Alam ng lahat na akin ka.”Sinapubliko niya na iyon, kaya imposibleng hindi pa alam ng mga tao.Tinabig ni Maisie ang kamay ni Nolan at proud na sinabing, “Pwede mo ba akong pakitaan ng kaunting respeto, please?”Ayaw niyang maglakad-lakad bilang ‘girlfriend ni Mr. Goldman.’Nagdilim ang mga mata ni Nolan.Wala naman talaga siyang pakialam sa iniisip ng iba. Ayaw niya lang magpakita ng affection sa harapan ng lahat.Bakit siya kinahihiya ni Maisie?Napansin ni Maisie ang bigat ng braso ni Nolan at ang mapang-angkin nitong titig, kaya naman nagsimulang tumibok nang mabilis ang kaniyang puso.Sinong nakakaalam kung hahalikan siya ng lalaking ito sa harap ng maraming tao para lang ipakitang pagmamay-ari siya nito? Hindi iyon maganda.Binago niya ang pakikitungo niya, mula sa pagiging proud ay naging mahiyain siya, medyo mahinhin pa, at bumulong. “Nasa harap tayo ng maraming tao. Pwede bang pagmukhain mo naman akong