Napakunot si Ryleigh dahil sa pagtataka. Anong problema sa orchestra?Si Louis na tahimik ay mabagal na nagsalita. "Hindi ko gusto 'yung mga estudyante na nasa orchestra. Inisip ko na ang boring nila tumugtog at hindi maganda at hindi magiging masaya ang mas bayang henerasyon doon. Kaya, hindi ko naintindihan ang ganda ng orchestra hanggang sa pumunta ako sa performance ng Bassburgh High, na bumago sa paniniwala ko."Tumawa si Blake Stefani. "Oh, 'yung performance sa Bassburgh high. Nakakamangha ang performance ng orchestra noong gabi na yun. Tumugtog ng pop song ang opera at orchestra. Anong tawag sa performance na 'yun? Ang galing."Hindi niya maalala ang tawag sa programa, pero naalala na ang babae na magaling kumanta at talagang bumilib sa kaniya.Naisip ni Ryleigh na pamilyar ang tinutukoy nila. Siya ba ang tinutukoy nila?Hinawakan bigla ni Louis ang kamay niya at sinabi sa kanila, "Tanungin niyo siya kung gusto niyo malaman."Tiningnan nila si Ryleigh. "Siya?"Mayabang na
Nilukot ng babae ang sulat at kinagat ang labi niya, mukhang malungkot.Hindi tinanggap ni Louis ang sulat, tiningnan niya ang babae, at naglakad palayo.Tinapik ni Robbin ang balikat ng babae. "Pasensya na."Bago pa sila maglakad palayo, sinabi ng babae, "Anong problema sa orchestra? Tumutugtog din kami ng musika."Tumigil si Louis sa paglalakad.Tiningnan siya ni Robbin at Blake.Kinagat ng babae ang labi niya, mukhang malungkot. "H…Hindi ko lang maintindihan. Hindi ako pwede magkagusto sa soloist dahil parte ako ng orchestra?"Humarap si Louis, tiningnan siya, at malamig na sinabing, "Hindi ko gusto ang orchestra, kaya kung hahanap ako ng makaka-relasyon, hindi 'yun manggagaling sa orchestra."Nakatayo ang babae habang nakatulala.Tumalikod si Louis at umalis habang sumabay sa kaniya maglakad si Blake at tumawa. "Lew, hindi ka ba natatakot na kainin lahat ng sinasabi mo?"Tiningnan niya si Blake at sinabing, "Imposible."Hinawakan ni Robbin si Blake. "Makipag-date ka sa k
Ngumiti ang babae at lumapit para kunin 'yun. "Kilala mo talaga ako."Binalik ni Joe ang phone sa kaniya. Kinuha niya 'yun at binuksan ang camera. "Hindi, kailangan ko ng photo para maalala."Tumingin siya sa cameea pero biglang may naalala at tiningnan silang dalawa. "Gawin natin 'to."Humalukipkip si Zee at umiling, pero hinila siya ng babae. "Ano ba, hindi mo dapat tinatago ang ganda mo. Joe, tara dito."Nag-picture silang tatlo sa backstage.Lumapit si Robbin at tinapik ang balikat ni Louis. "Hindi ka pa handa? Naghihintay na si Blake. Tara na."Tumango si Louis at naglakad palayo habang hawak ang case sa kamay niya.Nang oras na para mag-perform ang orchestra, sinabi ni Robbin habang mukhang nababagot. "Yung orchestra, sana naman hindi boring yung kanta, ano?"Minsan lang sila manood ng performance ng orchestra sa academy dahil masyadong boring 'yun at classical.Humikab si Blake. "Ayos lang, hindi maganda ang tulog ko nitong mga nakaraan, kaya maganda 'tong lullaby. I-id
Nang makalagpas si Louis sa study, bahagya niyang narinig ang boses ng mom niya. "Bakit natanggal si Ryleigh sa school?"Bumuntong hininga si Christina. "Hindi ako sigurado. Sabi ng school… may tinulak siya sa hagdan para makapasok sa music academy."Nagulat si Larissa. "Hindi niya 'yun gagawin, 'di ba?""Alam kong hindi. Pamangkin ko siya, at hindi ako naniniwala na ganoon siyang klaseng tao. Malaki ang epekto nito kay Ryleigh, natatakot ako…" Hindi tinapos ni Christina ang sinasabi niya.Binaba ni Larissa ang tasa ng kape at hinawakan ang kamay niya. "Anong tingin ng magulang ng biktima?""Top manager ng Royal crown ang tatay ng babae, kaya marami siyang kilalang tao. Siya nga ang manager ni Natasha Knowles. Nasa coma ang anak niya, at pinagbibintangan ng school si Ryleigh, kaya kailangan 'to pagtakpan ng dad niya."Nakikinig si Louis sa labas bago naglakad palayo. Best friend ng mom niya si Christina, at alam niya na Hill si Christina.At si 'Ryleigh' na pinag-uusapan nila, n
Ang unang beses na 'nakilala' niya si Ryleigh ay hindi pa matagal pagkatapos nila maghiwalay ni Xyla sa Michelin restaurant.Umupo si Louis sa cafe habang hinihintay ang lunch niya. Nakasuot siya ng headphone dahil ayaw niya ng ingay.Nagtitingin siya sa magazine sa lalagyan, at pagkatapos ng ilang sandali, mayroong alitan na nangyari."Willow, ano ang ginagawa mo? Nasa restaurant tayo. Lumabas ka kung gagawa ka ng eksena. Huwag mo idamay ang ibang tao rito."Malakas ang naging away at naapektuhan siya. Hindi siya masaya doon.Pagkatapos nun, sinubukan silang pigilan ng waiter, at nagsimulang magmura ang babae.Binato ni Louis ang magazine sa mesa, tumayo, at lumapit sa kanila. Kinuha ng babae ang kape mula sa mesa at binuhos 'yun sa isang babae."Ninang!" Tumayo ang bata na naka-sunglasses. Hinubad niya 'yun, at nagulat si Louis ng makita niya ang mukha ng bata.'Hindi ba't siya ang bata na nasa academy, Si Waylon Vanderbilt?'Nagulat siya sa ginawa ng bata. Kinuha ng bata an
Ang alaala ni Louis kay Ryleigh ay noong pinabilib niya ang mga tao sa baba ng stage noong high school.Inamin niyang may ginawang ganoon nga si Ryleigh sa restaurant. Pero, dahil hindi pa sinasabi ni Willow sa lahat kung sino siya, hindi niya pwedeng hayaang mawala sa kontrol ang sitwasyon, kaya sinabi niya, “Pareho silang may kasalanan. Pwede kaming mag-usap-usap para makahanap ng solusyon. Hindi na kailangan pang gumawa ng eksena.”Tiningnan sia ni Ryleigh at nagtanong, “Bulag ka ba? Paano mo—”Hindi na siya pinatapos magsalita ni Russell, “Manahimik ka, Ryleigh! Kapag may narinig pa ako mula sa bibig mo, lagot ka sa akin pagkauwi natin mamaya!”Lumapit si Willow para humingi ng pasensya sa kaniya, pero hindi niya ito pinansin. Tiningnan niya si Ryleigh na inis na inis. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay talunan talaga si Ryleigh kahit na mukha siyang tigre.Nang dumating sina Maisie at Nolan, lumapit si Ryleigh kay Maisie at nagsumbong, nakasimangot ang mukha, “Zee, nandi
Gayunpaman, hindi nakatulog magdamag si Louis. Lalo na at paminsan-minsang nahuhulog si Ryleigh sa kama sa tuwing nawawala ang tingin niya dito.Tinabihan niya ito buong magdamag hanggang sa magising ito. “Gising ka na?”Kahit na pagod siya, kailangan niyang magpanggap na hindi. Tumingin siya sa kaniyang relo at sinabing, “Alam mo bang ang galing mong matulog?”“Louis? Anong ginagawa mo sa bahay ko?” Nagulat si Ryleigh. “I-ikaw ba ang nagpalit ng damit ko?”Habang nakatingin sa natatakot na ekspresyon sa mukha ni Ryleigh, hindi mapigilan ni Louis na mapatawa. Nagdesisyon siyang asarin ito at sinabing, “Ano naman dapat kong makita sa katawan mo?”“Walang hiya ka!” Sigaw ni Ryleigh sabay bato ng unan sa kaniya.Nasalo niya yun at nagpatuloy sa pagsasalita. “Sinukahan mo ako kagabi. Kung hindi kita fiancee, iniwan na kita sa kalsada.”Pagkatapos nito, binato niya ang unan pabalik kay Ryleigh. Ayaw niyang malaman nito na kanina niya pa itong hinihintay na magising, kaya nagtanong si
Ginulat ni Nolan si Maisie. Lumingon siya at sinabing, “Nagluluto ako.”Tumawa si Nolan at sinabing, “Oo, alam ko. Naaamoy ko sa taas.”“Talaga? Mukhang medyon sumarap na ang luto ko.” Kumuha si Maisie ng kaunti gamit ang kutsara para tikman ang lasa bago ilapit ang kutsara sa mga labi ni Nolan. “Subukan mo.”Lumapit si Nolan at dinikit ang mga labi sa mga labi ni Maisie. Saka siya tumawa. “Matamis.”“Ikaw talaga….” Namula sa hiya ang mukha ni Maisie saka niya tinulak palayo si Nolan. “Hindi ka na nahiya.”Tumawa si Nolan. Pinaharap niya sa kaniya si Maisie at nagtanong, “Matagal mo na akong kilala pero ngayon mo lang nalaman na walang hiya ako?”Pinatay niya ang apoy at yumuko para halikan si Maisie. Muli na namang bumigay si Maisie sa lambing ni Nolan. Sinagot niya ang mainit nitong mga halik, pabulong siyang nagreklamo, “Hindi magtatagal, mamamatay ako sa mga kamay mo.”Mahinang tumawa si Nolan at bumulong sa mga tainga niya, “Huwag ka mag-alala. Sisiguraduhin kong hahaba ang