Oktubre 26, 1499...
Naganap ang madugong labanan sa pagitan ng mga puti at itim na mga bampira sa kaharian ng Sarsul, pinamumunuan ng itim na bampira na si Supremo Atcandis at ang kaniyang asawa na si Inang Luyeza. May dalawang binatang anak ang dalawa na sina Prinsipe Asmal at Prinsipe Zumir.
Nagliliparan ang lahat ng bampira. Ang mga dugo at laman ay nagkalat sa buong kapaligiran. Dahil duguan na ang Supremo ay ang kaniyang dalawang anak na lamang ang nakikipaglaban sa mga puti. Sugatan na si Zumir habang naghihingalo ang panganay na si Asmal. Hindi na nila nagawang balikan ang kanilang Ina sapagkat ay matapos nitong mapaslang ay naglaho ito sa hangin na parang abo.
"Tumakas na kayo! Ako na ang bahala rito!" nanghihinang saad ni Asmal.
"Hindi ka namin maaaring iwanan Kuya!" malakas ang boses na sabi ni Zumir.
"Huwag ng matigas ang ulo kapatid, sige na ilisan mo na si Ama!" Sigaw nito at inatake ang mga papalapit na mga puting bampira.
Ngunit hindi nagtagumpay ang mag-ama na makatakas sapagkat ay tinamaan sa puso ang kanilang ama na naging dahilan ng kamatayan nito.
"Amaaaa!" Sigaw ni Zumir na umalingawngaw sa buong kaharian.
Nagsiliparan ang mga paniki at nagsimulang kumulog ang kalangitan. Mas lalong nag-alab ang puso ng binata nang makitang naglaho na parang abo ang kaniyang nakakatandang kapatid matapos tagain ang ulo nito.
Nanlilisik ang pula niyang mga mata at walang pagdaladalawang-isip na sinugod ang mahigit dalawampung puting mga bampira.
Itinuturing na ang mga itim na bampira ang mga salot, sapagkat kaya nilang s******n ang dugo ng kapwa nila bampira. Sa madaling salita ay mga traydor ang mga itim. Nang-aalila sila ng mga inosente at ang pagpatay sa mga walang kalaban-laban ay madali lamang para sa kanila.
Bumuo ng plano ang mga puti na gapiin ang lahi ng mga itim upang mawala na sila nang tuluyan at upang maging pantay na ang pamumuhay ng lahat.
Naubos ng mga puti ang lahat ng mga itim maliban sa natitirang prinsipe ng mga itim, ang bunsong anak ng Supremo na si Atcandis at Elvira, ang binatang si Zumir.
Sunod-sunod ang atakeng natanggap ni Zumir. Hindi makapaniwala ang lahat dahil buhay pa ito kahit na naliligo na ang binata sa sariling dugo.
Isang nagliliyab na pana ang diretsong tumama sa puso ng binata na naging dahilan ng kaniyang kamatayan.
Ngunit lumipas ang ilang minuto ay hindi naging abo ang katawan ng binata. Nakita nila kung paano naghilom ang mga sugat nito at ang dahan-dahan na pagtayo.
"Hindi nga ako nagkakamali, hindi matutuldokan ang lahi ng mga itim hangga't hindi nagagapi ang Prinsipeng iyan!" Sigaw ng matanda na mula sa lahi ng mga puti.
Lumagutok ang buto ni Zumir at inatake sila isa-isa. Pugot ang mga ulo at labas ang mga laman.
"Ano po ang gagawin na'tin upang magapi siya?" takot na takot na bulong ng dalagitang mula sa lahi ng mga puti.
"Tatlong siglo pa ang ating hihintayin! Tatlong Daang taon pa bago maisilang ang nilalang na mula sa'ting lahi na siya gagapi sa nilalang na iyan!" Sigaw ng matanda, nanginginig ang boses nito.
Hindi niya napansin na nasa likod niya na pala si Zumir at huli na nang maramdaman niyang nakatarak na sa kaniyang dibdib ang isang punyal.
Hindi nakatakas ang dalagita, nagsitalsikan ang lamang loob nito nang atakehin ni Zumir gamit ang matatalim niyang mga kuko.
Akala ni Zumir ay naubos na niya ang lahi ng mga puti ngunit napaluhod niya nang maramdaman ang kakaibang kemikal na unti-unting pumapatay sa kaniyang katauhan.
Isang espada na may lason ang isinaksak sa kaniyang dibdib at sikmura dahilan upang magdilim ang kaniyang paningin at hindi na nagising pa.
Ang puting bampira na si Ismael ang siyang nagpatumba sa Prinsipe na si Zumir. Ang lason na kaniyang ginamit ay maaaring magpatulog sa sino man sa loob ng mahabang panahon. Ang pinakamatagal ay ang isang siglo.
Kailangan pagkatapos ng isang siglo ay muling turukan ang katawan ni Zumir upang manatili itong tulog, dahil kung hindi maisasagawa ang hakbang ay wala nang makakapigil pa sa muling pagkabuhay ng bampira na mula sa lahi ng mga itim na siyang uubos sa lahi ng mga puti.
Dahil kapag nagising muli ito ay wala nang lason o kahit na anong kemikal ang makakapagpatumba dahil alam nilang hindi ito namamatay sa isang armas lamang.
Oktubre 26, 1599...
May malaking salo-salo sa kaharian ng mga puting Bampira sapagkat kahapon lamang ay matagumpay na naiturok ang kemikal sa Prinsipe ng mga itim na siyang magpapanatili sa kaniya na natutulog sa loob ng Isang Daang taon. Nakahimlay ito sa bukod tanging silid na napapaligiran ng nagtatasang bakod at kandado. Sa nagdaang Isang Daang taon ay mayroon mga puti na namaalam na dahil sa isang pambihirang sakit na tumatama sa mga matatandang bampira. Sa loob ng Isang Daang taon na iyon ay may mga bagong tubo na siyang magpapatuloy sa kanilang lahi.
Tatlong puting bampira lamang ang may awtoridad na makakita sa Prinsipe ng mga itim. Si Ismael na siyang kasalukuyang Supremo ng mga Puti, si Kaigan, ang kaniyang anak, at si Luciana, ang kaniyang asawa. Ipinangako niya sa yumaong Supremo na gagawin niya ang lahat upang mapanatiling tulog ang Prinsipe ng mga itim at kung mawala man siya ay sisiguraduhin niyang maipapasa niya sa kaniyang mga anak ang kaaalaman kung paano gumawa ng kemikal na taga-isang siglo ituturok kay Zumir.
Napatitig ang asawa ng Supremo na si Luciana sa Prinsipe na payapang natutulog. Suot nito ang puting camisole. Mahaba na ang malaalon nitong buhok ngunit nanatiling mababa ang mga bigote na hindi man lang nakakakulay hindi gaya ng mga bampira na nagmula sa kanilang lahi na nagiging abo or kaya naman ay puti ang mga kulay. Maputla ang kulay ng balat ngunit ang angking kagwapohan ay hindi kumukupas. Hindi rin ito namamayat at nanatili ang kakisigan. Ang malaking palamuti nito na nasa leeg ay klarong-klaro pa at hindi man lang kumukupas. Sa nagdaang taon ay mas lalong bumabata ang itsura nito. Ayon sa yumaong Supremo ay epekto ito ng kemikal na itinuturok sa Prinsipe.
"Katapusan natin kung sakaling sumablay tayo ng isang beses sa pagturok sa kaniya ng kemikal. Masyadong malakas at makapangyarihan ang Prinsipeng ito na kahit pagsama-samahin ang ating mga lakas ay hindi natin siya magagawang talunin," mahabang saysay ni Luciana.
"Hindi mangyayari iyan sapagkat gagawin ko ang aking makakaya upang manatiling tulog ang Prinsipe. Ilang siglo nalang ang ating hihintayin at isisilang na ang sanggol na siyang magliligtas sa atin mula sa itim na bampirang iyan." Sambit ni Ismael.
"Gaano po ba kalakas ang Prinsipeng iyan? Na kahit pagsama-samahin tayo ay hindi natin siya magagapi?" Inosenteng tanong ng batang si Kaigan.
Naglakad si Ismael papalapit sa Prinsipe at tinitigan ito ng maigi. Kahit na hindi nila ginamot ang mga sugat na nakuha ng Prinsipe sa naging labanan noon na kinasangkutan nila ay nagawa nitong maghilom ng kusa. Tunay ngang makapangyarihan at malakas ang Prinsipeng ito.
"Maihahalintulad siya sa hangin na ubod ng lakas ang bugso. Hindi mapapansin ang kaniyang mga galaw maging ang tunog ng kaniyang pangyapak ay hindi maririnig. Sa oras na mapansin mo siya ay nasa paanan mo na ang iyong ulo." Sanaysay ni Ismael.
Nanlaki ang mga mata ni Kaigan at napalunok.
"Ang mga itim na bampira na may dugong bughaw ay hindi basta basta ang kakayahang mayroon sila. Kaya nilang mabuhay hangga't gustuhin nila ng hindi kumakain ng dugo't laman ng mga tao, at tanging sa mga hayop lamang. Sila ang pinakamakapangyarihang lahi na naitala sa kasaysayan ng mga Bampira. Dahil sa kapangyarihan at angking kakayahan na hindi natin kayang pantayang mga puti ay nagagawa nilang kumitil ng kapwa nila Bampira upang mas pabatain ang kanilang mga anyo." dagdag ni Ismael.
Tumingin siya sa kaniyang nag-iisang anak na si Kaigan. Bakas sa mata ng pitong-taong gulang na bata ang kaba at takot dahil sa narinig.
"Ikaw ang susunod sa trono anak at ipangako mo na hangga't hindi pa naisisilang ang sanggol na magliligtas sa ating lahat ay huwag mong hahayaan na magising mula sa malalim na pagkakatulog ang Prinsipeng ito." Sambit ni Ismael.
Tumango si Kaigan ngunit naglalaro sa kaniyang isipan ang kahihinatnan ng kaniyang sambayanan kung sakaling hindi niya magawa ng maayos ang pamumuno balang araw. Sa mga oras na iyon ay hinihiling niya na lamang na magkaroon ng kapatid upang ipasa rito ang responsibilidad.
Taon-taon ay mas lalong dumadami ang kanilang lahi at hanggang sa kasalukuyang panahon ay walang binabanggit ang orakulo kung saang pamilya mangagaling ang sanggol na isisilang sa taong 1799. Kung ano man ang pambirihirang kakayahan nito na siyang pupuksa sa natitirang itim na bampira.
May mahika ba siya? May pambihirang lakas na kayang lagpasan ang lakas ng Prinsipeng payang natutulog? Ano ang mayroon siya? Anong buwan siya isisilang? Anong araw ang kaniyang kapanganakan? Ano ang kaniyang kasarian? Magmumula na siya sa pamilyang bughaw? O isang normal na bampira lamang?
"Kung sakaling hindi po maturukan ng kemikal ang Prinsipe sa insaktong petsa katulad ngayon ay agad ba siyang babangon at tayo'y uubusin?" Tanong ni Kaigan sa mga magulang na nananatiling nakatayo sa malaking kahon na pinaglalagyan sa prinsipe.
Bumuntong hininga si Ismael.
"Babangon siya at agad tayong papaslangin. Wala siyang ititira, at hindi na maisisilang ang nakatakdang magliligtas sa atin. Mauubos ang mga puti at mananatili na lamang ang ating mga bakas sa kasaysayan hanggang sa hinaharap. " Sambit ni Ismael.
Ramdam ni Kaigan ang panlalamig ng kaniyang mga palad.
"Hindi ko hahayaan na mangyari iyan," pabulong na sambit niya.
Kahit na natatakot ay nasabi niya iyon upang pagaanin ang loob. Natatakot siya sa kayang gawin ng Prinsipe ng mga itim na kilalang malakas at makapangyarihan. Natatakot siya sa kahihitnatnan ng kanilang lahi sa susunod na mga siglo.
Oktubre 26, 1699... Ipinagdiriwang ng mga puti ang pagsisilang ni Luciana ng kanilang pangalawang supling ni Ismael. Isang napakaganda at napakalusog na batang babae. Kasabay sa pagdiriwang ay ang kasal ni Kaigan sa isang dalagitang nagmula sa pamilya ng mga dakilang mangangalakal at negosyante. Hindi inaakala ng lahat na huling araw na pala ng Supremo iyon sapagkat nagkasakit siya at naging dahilan ng kaniyang pagpanaw. Walang sinayang na oras at agad binigyang pugay ng mga puti ang kanilang bagong Supremo na si Kaigan. Nasa kamay ni Kaigan ang lahat ng kaniyang nasasakopan. Sa susunod na buwan ay tuturukan na naman ng kemikal ang Prinsipe. Ilang araw nf hindi makatulog ang Supremo sapagkat kulang ang ng isang sangkap ang ginagawa niyang kemikal upang mapanatiling tulog ang Prinsipe. Nag-utos siya sa kaniyang mga tauhan na hanapin ang nag-iisang sangkap na bubuo sa kaniyang gagawin. Makalipas ang isang Linggong paglalakbay ng kaniyang mga tauhan ay nadala nga ng mga ito ang sangkap
Nobyembre 05, 1795... Hindi makapaniwala si Kaigan na sa mga nagdaang taon ay ang kaniyang anak pala ang siyang magiging kabiyak ng dalagitang si Lovera at siyang magiging ama ng ipinagbubuntis ng dalaga. Lingid sa kaniyang kaalaman na may namumuo pa lang pagtitinginan ang dalawa habang siya ay wala sa kaharian at abala sa paghahanap ng sangkap sa gamot na gagamitin para sa Prinsipe ng mga itim. Agad na itinakda ang araw ng pag-iisang dibdib ng dalawa. Inalam niya rin mula sa orakulo kung nagkataon lang ba na si Dalleon na kaniyang anak ang para kay Lovera o talagang silang ang nakatakda sa isa't-isa. "Magluluwal ang dalagitang nagngangalang Lovera ng isang lalaking sanggol na siyang magliligtas sa lahi ng mga puti mula sa pagkaubos. Siya ang gagapi sa nag-iisang bampira na nagmula sa lahi ng mga itim. Ang batang ito ay nagtataglay ng pambirihirang kakayahan na kapantay ang kakayahan ng Prinsipe ng nga itim o maaari niya pang malampasan. Siya ang anak ng pang- labinlimang Supremo n
Disyembre 10, 1481... Hinirang na bagong Supremo si Atcandis, anak ng Supremo na si Luwis at ang Inang Reyna na si Alyada sa Kaharian ng Sarsul, ang pungad ng mga itim na mga Bampira. Si Atcandis ang panganay na anak ng mag-asawa. "Mabuhay ang bagong Supremo ng mga itim!" Itinaas ni Luwis ang kaniyang kanang kamay habang hawak ang kamay ng kaniyang anak. Nagsigawan at nagpalakpakan ang madla at agad na narinig ang tunog ng mga trumpeta at kalabog ng mga tambol. "Mabuhay si Supremo Atcandis!" Sigaw naman ng kaniyang dalawang kapatid na sina Prinsipe Alli at Prinsipe Rowan na kapwa mga negosyante na at may kaniya-kaniyang mga pamilya. "Mabuhay!" Sigaw ng mga madla at isa-isang nagsiyukod upang magbigay-pugay sa bagong nahirang na Pinuno. Nang maisilang ang kanilang panganay ay nakikitaan na nila ito ng potensyal upang maging mabuting pinuno. Si Atcandis ang ikawalong Prinsipe na nakatala sa kasaysayan ng mga itim na bampira. Nang araw na ring iyon ay nagluwal ang kaniyang kabiyak
Disyembre 10, 1489... Nakatanaw sa palasyo ng mga puti ang Supremong si Atcandis habang malalim ang iniisip. Ilang taon na niyang hindi napapansin ang mga puti na noon man ay kitang-kita ang pagta-trabaho nito sa malawak nilang lupain. "Ano ang iyong iniisip, Mahal?" Tanong ni Zenya habang nakayakap sa likurang bahagi ng kaniyang asawa. "Ako'y nagtataka sapagkat hindi ko na nasusumpungan ang mga puti." Sagot niya. "Marahil ay naging mas maingat na sila dahil aa nangyaring gulo noon." Sagot ni Zenya at nagkibit balikat na lamang. Maya-maya ay narinig nila ang boses ng kanilang anak na si Asmal na tinatawag sila ng paulit-ulit. Nagkatinginan silang mag-asawa at napagtanto na baka ay nakarating na ang kanilang mga panauhin na kanilang pinadalhan ng sulat sa tulong ni Owwa upang makidalo sa pagdiriwang ng kaarawan ni Zumir. "Ama! Si Zumir po ay hindi pa nagbibihis!" Sumbong ni Asmal sa kaniyang mga magulang. Akala ng mag-asawa ay nakarating na ang kanilang mga panauhin. Akmang magtu
Disyembre 30, 1496... Nakaupo sa harapang bahagi ang Supremo Atcandis katabi ang Inang Reyna na si Zenya. Ang panganay na anak nila na si Asmal ay nakaupo sa kaliwang bahagi ng Supremo. Kapwa nakasuot sila ng magagarbong mga kasuotan. Ang mga kapatid ng Supremo at mga asawa nito ay prenteng nakaupo sa tabi ng dating Supremo na si Luwis at Inang Reyna na si Alyada. Ang mga mamamayang mga itim na bampira ay nakapa- libot sa malawak na bilog na sinadya talagang gawin. "Ang duelo na ito ay may tatlong lebel; Sa oras na malampasan ang dalawa ay ang makakalaban nila sa panghuli ay ang kanang kamay ng Supremo na si Twari. Laging tatandaan na espada lamang ang gagamitin at hindi maaaring gumamit ng teleportasyon upang gawing taktika," malakas na pag-aanunsyo ng punong-taga asiwa na si Romelda, isang babaeng mandirigma na isa sa mga naging guro ng mga kabataang mga itim na mula sa pamilyang bughaw. Kabilang sa mga isasalang ay ang Prinsipe na si Zumir. Sa nagdaang mga taon ay kakikitaan ang
Oktubre 04, 1498... Nagpatawag nang agarang pagtitipon ang Supremo. Hindi niya alam kung paano nangyaring nawawala ang mga armas sa sikretong lagusan na tanging ang mga itim lamang ang nakakaalam. Napa-bendisyonan na iyon sa mga diwata at ang mga ginamit na mga metal na iyon ay mahirap hanapin at aabot pa ng ilang taon bago matagpuan. "May traydor sa ating lahi. Lahat ng mga armas na nakatago sa sikretong lagusan ay kaniyang kinuha. Hindi ko nga lang natitiyak kung ano ang kaniyang pangagamitan ng mga iyon." Sambit ni Twari, ang kanang kamay ng Supremo. "Ngayong araw ay ipahalughog mo ang mga tahanan ng lahat ng sa gayon ay malaman natin kung sino ang traydor." Sambit ng Supremo. Bakas ang galit sa kaniyang bawat pananalita. Maging ang imbakan ng mga pagkain at salapi ay nakabukas. Nawawala ang ilang sako ng mga pagkain maging ang iilang kaban ng mga ginto at salapi. Dahil abala ang Supremo sa pamamalakad ng kaharian ay hindi niya masyadong natutukan, kasa-kasama niya sa bawat laka
Marso 02, 1499... Inaalalayan ng mga tagapagsilbi si Prinsipe Zumir upang mahubad niya nang tuluyan ang kaniyang pang-itaas na kasuotan. Kakatapos niya lamang sa kaniyang pag-eensayo. Mas lalo niyang pinag-aaralan ang teleportasyon. Nais niyang hindi lamang sa buwan ang kaya niyang tunguhin. Pawis na pawis ang Prinsipe at hinihingal dahil mahigit limang oras siyang nag-ensayo. Walang kain at tubig. Sinasanay niya ang kaniyang sarili sa ganoon upang malaman kung saan ang hangganan ng kaniyang makakaya o ang makakaya ng kaniyang katawan. Napatingin ang lahat ng mga taga-silbi nang makitang pumasok ang isang matandang babae. Puno ng ibat-ibang klase ng palamuti sa kaniyang balat. Halos matabunan na ang kaniyang buong katawan no'n. Nang magkaabot ang mga mata nila ng Prinsipe ay yumukod siya upang bumati. "Magandang Araw, Kamahalan." Bati niya sa binatang Prinsipe na dinayo niya pa kahit na napakalayo ng kaniyang ginawang paglalakbay upang makapunta. "Magandang Araw sa iyo, Tandang Lu
Oktubre 26, 1499...Masayang naghahabulan ang mga batang itim sa malawak na lupain na sakop ng lahi ng mga itim nang bigla silang makaramdam ng kakaiba. Yumayanig ang lupa na animo'y may mga tumatakbong maga higante. Napatingin sila sa paligid at nakitang ang mga mamayan ng Kaharian ng Sarsul na abala sa kaniya-kaniyang gawain. Likas na makulimlim ang kalangitan at walang araw sapagkat hindi naman nabubuhay sa mainit na lugar ang mga katulad nila. Ngunit sa pagkakataong iyon ay kakaiba ang naging ihip ng hangin. Napayakap sa isa't-isa ang tatlong bata dahil nagliliparan sa makulimlim na kalangitan at mga paniking nagsisiliparan na hindi normal ang dami. Nakakabingi ang mga ingay nito. Ang kulog at kidlat ay isa pa sa nagbibigay ng kakaibang kaba sa tatlong batang bampira na nagmula sa lahi ng mga itim."Anong nangyayari, Sahari?" Tanong ni Juhan sa kaniyang babaeng kalaro na kanilang niyayakap dalawa ni Roza."Hindi ko nababatid, Juhan. Natatakot ako." Sagot ni Sahari, bakas ang pangi
Kasalukuyang taon...Abala si Tandang Luela sa pagdidikdik ng mga halamang gamot na kaniyang ipangtatapal sa mga sugat ni Prinsipe Zaitan. Nasa kritikal na kalagayan si Prinsesa Amira dahil pumutok ang iilang sa mga ugat nito sa ilong at tainga na naging sanhi ng pagdurugo. Dahil sa pinilit niya ang sarili na kahit lagpas na sa limitasyon ng kaniyang kapangyarihan. Mabuti na lamang at sa ilong at sa tainga lang na mga ugat. Habang si Prinsipe Zaitan naman ay payapang natutulog. Nagamot na ang iilang sa kaniyang mga sugat at napalitan na rin ng mas malinis at maayos na kasuotan.Nang umalis si Prinsesa Amira sa kaniyang tahanan ng hindi nagpapaalam ay alam na ng matanda na may mangyayaring masama. Gamit ang kaniyang mahika ay tinunton niya ang kinaroroonan ni Prinsesa Amira gamit ang iilang hibla ng buhok ng Prinsess na naiwan sa suklay nito. Kahabag-habag ang hitsura ng magkapatid ng kaniyang maabutan sa harap ng Talon ng Kumbawta, nakahilata sa tuyong lupa at mga walang malay.Hindi
Kasalukuyang taon...Ang katahimikan ng gabi ang sumakop sa buong kapaligiran kasabay ng tunog ng mga paniki na nagsisiliparan. Ang malamig na hangin ay banayad na dumadampi sa mukha ni Prinsipe Zumir na magiliw niya namang sinasalubong. Sa mga oras na iyon ay pinagsaluhan nila ng Supremo ang inuming nakakalasing habang masinsinang nag-uusap sa kanilang teresa."Ano ang ating gagawin sa Prinsipe Zaitan na nakabilanggo, ama?" Tanong ni Prinsipe Zumir sa kaniyang ama na mukhang malalim ang iniisip.Sandaling hindi nakasagot ang Supremo. Pabalik-balik sa kaniyang isipan ang kaniyang napanaginipan kagabi. Ang kaniyang panaginip ay tungkol sa pangkasawing muli ng kanilang lahi na kagagawan ng mga puti. Pinangungunahan ito ng Prinsipe Zaitan at ang nakatatandang kapatid nito na si Prinsesa Amira. Hindi siya makapaniwala na sa kaniyang panaginip ay nagtataglay ng makapangyarihang mahika ang Prinsesa na siyang nagpatakas sa kapatid niyang ibinilanggo. Nang makatakas ay lumipas ang isang taon
Kasalukuyang taon...Nakangiti si Prinsesa Ynez habang pinagmamasdan si Prinsipe Zumir na maganang kumakain. Napansin ni Prinsipe Zumir ang titig ng Prinsesa sa kaniya kaya naman nag-angat siya ng tingin dito."Ugali mo bang manood ng kumakain?" Tanong ni Prinsipe Zumir. Napangiti si Prinsesa Ynez dahil sa wakas ay nagsalita na ito sa ilang minuto nilang katahimikan sa hapag. Magkatabi silang dalawa habang ang Supremo Atcandis at ang Inang Reyna Zenya naman ay nag-uusap pati ang ibang mga Prinsipe mula sa ibang kaharian."Masaya lamang ako sapagkat nagustuhan mo ang aking niluto. Pinaghirapan ko iyan," nakangiting sambit ng Prinsesa. Hindi nagsalita si Prinsipe Zumir at patuloy lamang sa pagkain.Matapos mananghalian ay nag-usap pa ng sandali ang lahat bago nagpaalam na uuwi na sa kani-kanilang mga lugar. Matapos kumain ay umalis na si Prinsipe Zumir. Agad naman siyang sinundan ni Prinsesa Yneza na malaki pa rin ang mga ngiti."Napag-alaman ko mula kay Theodoro na tutungo kayo sa buro
Kasalukuyang taon..."Ama, bakit po magkapangalan sina Lola at Ina?" puno ng kuryosidad na tanong ni Prinsipe Asmal sa kaniyang ama na si Supremo Atcandis. Nasa edad sampu pa lamang ang Prinsipe sa pagkakataong iyon. Labis siyang nalilito dahil parehong may "Alyada" ang pangalan ng kaniyang Lola at Inang Zenya."Ang iyong Lola at ang iyong Ina ay mula sa magkaparehang angkan. Ang mga babaeng bampira sa panahon namin ay kinailangang magkapareha ang unang pangalan upang maging palatandaan na mula kayo sa iisang lahi. Ngunit sa panahon ngayon ay hindi na ito sinusunod upang maiwasan ang pagkalito," mahabang paliwanag ni Supremo Atcandis sa kaniyang anak na si Prinsipe Asmal.Naggising si Prinsipe Asmal mula sa panaginip na iyon. Naramdaman niya ang kakaibang kiliti sa kaniyang ilong dahilan upang agaran siyang magmulat ng kaniyang mga mata. Nakatulog pala siya sa teresa ng kanilang palasyo habang nagbabasa ng mga paborito niyang mga libro.Nang magmulat siya ng mga mata ay sumalubong sa
Magandang Araw po sa lahat!Kumusta na po kayo? Ilang buwan akong hindi nakapag-update dahil bukod sa sobrang busy ko ay nagka writer's block din po ako. Maraming Salamat po sa mga nagbabasa at nanghihingi ng update. Sa ngayon po ay hindi pa ako makakapag-update dahil sobrang busy ko po sa school. Sana po maintindihan ninyo. Pero pangako po, tatapusin ko po ang "The Supreme" sa oras na matapos na ang school year. Babawi po ako sa lahat ng mga avid readers ko. Sobrang swerte ko po dahil nandiyan kayo, sumusuporta sa gawa ko. Sobrang nakakataba ng puso. Mahal ko po kayo!-Glee
Kaharian ng Sarsul... Nakatayo si Supremo Atcandis kasama ang asawa na si Inang Reyna Alyada habang pinapanood mula sa malaking bintana ng kanilang kwarto ang unti-unting pagkatupok ng Kaharian ng Sadan na kasalukuyang sinisilaban ng kanilang mga kawal. "Tuluyan na nga nating natalo ang mga puti," mahinahong saad ng Inang Reyna Alyada, ang mga mata ay nakatuon pa rin sa malaking apoy na unti-unting lumalamon sa buong palasyo maging sa mga kabahayan at mga estruktura na pag-aari ng mga puti. Napatango ang Supremo na si Atcandis. Hindi niya akalain na mababawi ng mga itim ang mga ninakaw ng mga puti mula sa kanila. Simula sa ari-arian, mga salapi, at mga armas na pandigma. Walang paglagyan ang kasiyahan ang kaniyang puso, punong-puno ito ng kakontentohan sa nasisilayan. Tuluyang napaslang ng mga puti ang mga namumuno maliban sa Prinsipe na si Zaitan at ang Prinsesa na si Amira. Alam nilang nakatakas ang iba na malabo na nilang mahabol sa pagkakataong iyon ngunit paglalaanan nila ng p
Oktubre 1804...Masayang naglalaro ang mga batang mga puti habang sinabayan ang mahinang ihip ng malamig na hangin sa araw na iyon. Ang mamamayan ng kaharian ng Sadan ay abala sa paghahanda sa mangyayaring digmaan kinabukasan ngunit lingid sa kanilang kalaaman ay sa araw na iyon pala lulusob ang mga itim na mga bampira. Nais gumanti ng mga itim sa ginawang paglusob noon ng mga puti na kumitil sa buhay ng libo-libong mamamayan nila. Kabilang doon ay ang unti-unting pagkaubos ng kanilang mga ari-arian, mga armas na pandigma, at ang mga pinagkakatiwalaang pinuno nila. Napatingin ang dating Supremo na si Kaigan sa kapaligiran habang malalim ang iniisip. Hindi niya maitindihan kung bakit ang ihip ng hangin ay hindi naghahatid ng kaginhawaan sa kaniya. May kaakibat itong masamang epekto sa tuwing dumadampi ito sa kaniyang balat. Napatingin ang dating Supremo sa kaniyang kopita na naglalaman ng sariwang dugo ng tao. Nanatili ang kaniyang mga titig doon nang mapansing gumagalaw ang pulang li
Taon 1804...Nakatuon ang paningin ni Prinsipe Zaitan kay Rycon habang nagpaikot-ikot silang dalawa. Mangyayari ang duelo sa pagitan ng dalawa na kung saan ito ang tradisyon ng mga bampira. Bago koronahan ang isang Prinsipe upang tuluyang maging Supremo ay kailangan niyang talunin ang kaniyang kanang-kamay sa isang madugong duelo. Kailangang din na makaligtas ng kanang-kamay ng Prinsipe upang tuluyan din siyang mahalal sa posisyon. Sa mga oras na iyon ay abot ang kaba ng Prinsipe na si Zaitan. Alam niyang magaling at napakalakas ni Rycon kaya naman wala siyang kasiguradunan kung maipapanalo ba niya ang duelo.Sa unang pagtatagpo ng kanilang mga espada at awtomatikong napaatras ang dalawa. Ngunit nagulat si Rycon nang tumama ang espada ni Prinsipe Zaitan sa kaniyang daliri na agad na dumugo. Tanging ang Prinsipe ng mga itim na bampira na si Prinsipe Zumir lamang ang may kakayahang pahilomin ang sariling sugat ngunit laking pagtataka ni Rycon o Prinsipe Zumir ng hindi maghilom ang kani
Greetings! Maraming salamat sa mga nagbabasa ng storyang ito. Hindi ko akalain na aabot ng 2.3k views ang "The Supreme (TAGALOG VERSION) sobrang saya ko lalo na sa mga readers na nag-aabang ng mga susunod na mga kabanata. I'm so grateful kasi hindi ko lubos-maisip na may maglalaanan ng oras para basahin ang nobelang ito Sana po ay huwag po ninyong kalimutang mag-comment sa inyong mga suhestiyon upang mas mapaganda pa ang storyang ito at mas mag improve pa po ako as a writer at pati na rin po ang pag-rarate sa nobelang ito dahil labis ko po iyong maaapreciate. Maraming Salamat po! Ps: Ang next update ay mamayang gabi. Sana po ay basahin at subaybayan niyo pa rin ang nobelang ito. -Depthless_Scrivener