Chapter: KABANATA 29Kasalukuyang taon...Abala si Tandang Luela sa pagdidikdik ng mga halamang gamot na kaniyang ipangtatapal sa mga sugat ni Prinsipe Zaitan. Nasa kritikal na kalagayan si Prinsesa Amira dahil pumutok ang iilang sa mga ugat nito sa ilong at tainga na naging sanhi ng pagdurugo. Dahil sa pinilit niya ang sarili na kahit lagpas na sa limitasyon ng kaniyang kapangyarihan. Mabuti na lamang at sa ilong at sa tainga lang na mga ugat. Habang si Prinsipe Zaitan naman ay payapang natutulog. Nagamot na ang iilang sa kaniyang mga sugat at napalitan na rin ng mas malinis at maayos na kasuotan.Nang umalis si Prinsesa Amira sa kaniyang tahanan ng hindi nagpapaalam ay alam na ng matanda na may mangyayaring masama. Gamit ang kaniyang mahika ay tinunton niya ang kinaroroonan ni Prinsesa Amira gamit ang iilang hibla ng buhok ng Prinsess na naiwan sa suklay nito. Kahabag-habag ang hitsura ng magkapatid ng kaniyang maabutan sa harap ng Talon ng Kumbawta, nakahilata sa tuyong lupa at mga walang malay.Hindi
Last Updated: 2024-06-23
Chapter: KABANATA 28Kasalukuyang taon...Ang katahimikan ng gabi ang sumakop sa buong kapaligiran kasabay ng tunog ng mga paniki na nagsisiliparan. Ang malamig na hangin ay banayad na dumadampi sa mukha ni Prinsipe Zumir na magiliw niya namang sinasalubong. Sa mga oras na iyon ay pinagsaluhan nila ng Supremo ang inuming nakakalasing habang masinsinang nag-uusap sa kanilang teresa."Ano ang ating gagawin sa Prinsipe Zaitan na nakabilanggo, ama?" Tanong ni Prinsipe Zumir sa kaniyang ama na mukhang malalim ang iniisip.Sandaling hindi nakasagot ang Supremo. Pabalik-balik sa kaniyang isipan ang kaniyang napanaginipan kagabi. Ang kaniyang panaginip ay tungkol sa pangkasawing muli ng kanilang lahi na kagagawan ng mga puti. Pinangungunahan ito ng Prinsipe Zaitan at ang nakatatandang kapatid nito na si Prinsesa Amira. Hindi siya makapaniwala na sa kaniyang panaginip ay nagtataglay ng makapangyarihang mahika ang Prinsesa na siyang nagpatakas sa kapatid niyang ibinilanggo. Nang makatakas ay lumipas ang isang taon
Last Updated: 2024-06-23
Chapter: KABANATA 27Kasalukuyang taon...Nakangiti si Prinsesa Ynez habang pinagmamasdan si Prinsipe Zumir na maganang kumakain. Napansin ni Prinsipe Zumir ang titig ng Prinsesa sa kaniya kaya naman nag-angat siya ng tingin dito."Ugali mo bang manood ng kumakain?" Tanong ni Prinsipe Zumir. Napangiti si Prinsesa Ynez dahil sa wakas ay nagsalita na ito sa ilang minuto nilang katahimikan sa hapag. Magkatabi silang dalawa habang ang Supremo Atcandis at ang Inang Reyna Zenya naman ay nag-uusap pati ang ibang mga Prinsipe mula sa ibang kaharian."Masaya lamang ako sapagkat nagustuhan mo ang aking niluto. Pinaghirapan ko iyan," nakangiting sambit ng Prinsesa. Hindi nagsalita si Prinsipe Zumir at patuloy lamang sa pagkain.Matapos mananghalian ay nag-usap pa ng sandali ang lahat bago nagpaalam na uuwi na sa kani-kanilang mga lugar. Matapos kumain ay umalis na si Prinsipe Zumir. Agad naman siyang sinundan ni Prinsesa Yneza na malaki pa rin ang mga ngiti."Napag-alaman ko mula kay Theodoro na tutungo kayo sa buro
Last Updated: 2024-06-22
Chapter: KABANATA 26Kasalukuyang taon..."Ama, bakit po magkapangalan sina Lola at Ina?" puno ng kuryosidad na tanong ni Prinsipe Asmal sa kaniyang ama na si Supremo Atcandis. Nasa edad sampu pa lamang ang Prinsipe sa pagkakataong iyon. Labis siyang nalilito dahil parehong may "Alyada" ang pangalan ng kaniyang Lola at Inang Zenya."Ang iyong Lola at ang iyong Ina ay mula sa magkaparehang angkan. Ang mga babaeng bampira sa panahon namin ay kinailangang magkapareha ang unang pangalan upang maging palatandaan na mula kayo sa iisang lahi. Ngunit sa panahon ngayon ay hindi na ito sinusunod upang maiwasan ang pagkalito," mahabang paliwanag ni Supremo Atcandis sa kaniyang anak na si Prinsipe Asmal.Naggising si Prinsipe Asmal mula sa panaginip na iyon. Naramdaman niya ang kakaibang kiliti sa kaniyang ilong dahilan upang agaran siyang magmulat ng kaniyang mga mata. Nakatulog pala siya sa teresa ng kanilang palasyo habang nagbabasa ng mga paborito niyang mga libro.Nang magmulat siya ng mga mata ay sumalubong sa
Last Updated: 2024-06-22
Chapter: AUTHOR'S NOTEMagandang Araw po sa lahat!Kumusta na po kayo? Ilang buwan akong hindi nakapag-update dahil bukod sa sobrang busy ko ay nagka writer's block din po ako. Maraming Salamat po sa mga nagbabasa at nanghihingi ng update. Sa ngayon po ay hindi pa ako makakapag-update dahil sobrang busy ko po sa school. Sana po maintindihan ninyo. Pero pangako po, tatapusin ko po ang "The Supreme" sa oras na matapos na ang school year. Babawi po ako sa lahat ng mga avid readers ko. Sobrang swerte ko po dahil nandiyan kayo, sumusuporta sa gawa ko. Sobrang nakakataba ng puso. Mahal ko po kayo!-Glee
Last Updated: 2024-05-19
Chapter: KABANATA 25Kaharian ng Sarsul... Nakatayo si Supremo Atcandis kasama ang asawa na si Inang Reyna Alyada habang pinapanood mula sa malaking bintana ng kanilang kwarto ang unti-unting pagkatupok ng Kaharian ng Sadan na kasalukuyang sinisilaban ng kanilang mga kawal. "Tuluyan na nga nating natalo ang mga puti," mahinahong saad ng Inang Reyna Alyada, ang mga mata ay nakatuon pa rin sa malaking apoy na unti-unting lumalamon sa buong palasyo maging sa mga kabahayan at mga estruktura na pag-aari ng mga puti. Napatango ang Supremo na si Atcandis. Hindi niya akalain na mababawi ng mga itim ang mga ninakaw ng mga puti mula sa kanila. Simula sa ari-arian, mga salapi, at mga armas na pandigma. Walang paglagyan ang kasiyahan ang kaniyang puso, punong-puno ito ng kakontentohan sa nasisilayan. Tuluyang napaslang ng mga puti ang mga namumuno maliban sa Prinsipe na si Zaitan at ang Prinsesa na si Amira. Alam nilang nakatakas ang iba na malabo na nilang mahabol sa pagkakataong iyon ngunit paglalaanan nila ng p
Last Updated: 2023-10-23
Chapter: CHAPTER 3Hindi naggising si Young Master Evan. Nalasing talaga siya sa ininom na wine kanina, nagsarili kasi. Dahil antok na ako ay umusog ako ng kaonti. Ginawa kong sapin ang malapad na dahon ng saging at pumikit.Naggising ako nang makarinig ng tunog sa paligid. Napabalikwas ako at ganoon na lang ang gulat ko nang makitang nakatingin sa'kin ang isang lalaking may dalang lambat."Bakit ka riyan natutulog Ineng?" Tanong niya. Napatingin ako sa paligid. Umaga na at sa tingin ko ay bago pa lang nag alas sais.Wala na rin si Young Master Evan kaya nanlumo ako. Tumayo ako at pinagpagan ang suot kong unipormeng pangkatulong. Ngunit nagulat ako nang may makapa sa bulsa ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang pera iyon, at ang sapin ay hindi na dahon ng saging kun'di coat na iyon ni Evan."May nakita po ba kayong lalaki dito kanina habang natutulog ako?" Tanong ko sa lalaki.Umiling-iling si Kuya at tumalikod."Sinipingan ka ng iyong nobyo sa tabing-dagat? Ang mga kabataan nga naman ngayon, walang
Last Updated: 2023-09-06
Chapter: CHAPTER 2Alas kwarto ng madaling araw nang gisingin ako ni Aling Berta upang maghanda para sa gaganaping salo-salo sa mansiyon ngayong araw. Ngayon ang ikalabing pitong kaarawan ni Young Master Luke. Nalaman kong siya pala ang bunso sa kanilang Lima.Naglagay kami ng mga palamuti sa bawat sulok ng mansiyon, ang iba naman ay nakatuka sa paglilinis at ang iba ay sa pagluluto."Ilang taon ka na Ada?" Tanong ni Ruth sa'kin. Kasalukuyan kaming nag-aayos ng kurtina."Bakit mo naitanong?" Tanong ko pabalik sa kaniya."Huwag mo naman akong sagutin ng isa pang tanong!" Nakangusong sagot niya.Natawa ako ng kaonti at tinignan siya."18 years old." Sagot ko at bumalik na sa pag-aayos ng kurtina."Ang bata mo pa pala. Alam mo sa tingin ko ay galing ka sa mayamang pamilya. Kutis-porselana ka kasi." Puna niya sa kabuuan ko habang nananatili ang titig sa'kin.Tanging ngiti lang ang sinagot ko kaya naman napatakip siya sa kaniyang bibig."Adopted ako, pero kahit kailan hindi nila pinaramdam sa'kin na hindi ni
Last Updated: 2023-08-28
Chapter: CHAPTER 1Napaigtad ako nang marinig ang malakas na pagpalo ni Lord Amann sa mesang gawa sa kahoy, nagtangis ang kaniyang mga ngipin nang mapagtantong hindi ako nakikinig sa kaniyang mga sinasabi. "Naiitindihan mo ba? Simula sa araw na ito ay pagsisilbihan mo ang mansiyon na ito bilang kabayaran sa mga utang ng mga magulang mo na nasa hukay na!" Sigaw niya gamit ang kaniyang malaking boses. Umalingawngaw ito sa apat na sulok ng kaniyang silid-tanggapan."Hindi pa ba sapat na kinuha niyo na ang lahat ng aming ari-arian? Bakit mo pa ako kailangang alipinin?" Sigaw ko gamit din ang malakas na boses habang tumutulo ang aking mga luha."Hindi kayang bayaran ng lahat ng ari-arian ninyo kahit pa ibuwis ang sariling ninyong mga buhay ang malaki nilang pagkakautang sa'kin! Kaya umalis ka na ngayon sa harapan ko at magsimula nang magtrabaho!" Sigaw niya at agad akong kinaladkad ng mga lalaking nakaitim palabas ng silid na iyon.Walang buhay na nagpakaladkad ako habang tumutulo ang mga luha. Basta na lam
Last Updated: 2023-08-28