Share

KABANATA 8

last update Last Updated: 2023-08-20 21:59:30

Oktubre 26, 1499...

Masayang naghahabulan ang mga batang itim sa malawak na lupain na sakop ng lahi ng mga itim nang bigla silang makaramdam ng kakaiba. Yumayanig ang lupa na animo'y may mga tumatakbong maga higante. Napatingin sila sa paligid at nakitang ang mga mamayan ng Kaharian ng Sarsul na abala sa kaniya-kaniyang gawain. Likas na makulimlim ang kalangitan at walang araw sapagkat hindi naman nabubuhay sa mainit na lugar ang mga katulad nila. Ngunit sa pagkakataong iyon ay kakaiba ang naging ihip ng hangin. Napayakap sa isa't-isa ang tatlong bata dahil nagliliparan sa makulimlim na kalangitan at mga paniking nagsisiliparan na hindi normal ang dami. Nakakabingi ang mga ingay nito. Ang kulog at kidlat ay isa pa sa nagbibigay ng kakaibang kaba sa tatlong batang bampira na nagmula sa lahi ng mga itim.

"Anong nangyayari, Sahari?" Tanong ni Juhan sa kaniyang babaeng kalaro na kanilang niyayakap dalawa ni Roza.

"Hindi ko nababatid, Juhan. Natatakot ako." Sagot ni Sahari, bakas ang pangi
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 9

    Oktubre 30, 1797...Isinilang ni Prinsesa Lovera ang panganay na anak nila ni Prinsipe Dalleon na si Amira. Kahit na sanggol pa lamang ay nakikinita na ang angking kagandahan nito. Masayang sinalubong ng buong kaharian ang pagsisilang kay Amira. Nagkaroon agad ng malaking salo-salo sa buong kaharian ng Sadan. May mga musikerong mga bampira ang nag presentang tumugtog sa kasiyahan. Lahat ay nagbibigay-pugay sa bagong miyembro ng pamilyang bughaw.Masaya sina Supremo Kaigan at si Inang Reyna Kiarana nang masaksihan ang napakarikit nilang apo. Kulot na kulot ang kulay kape nitong buhok, may mahahabang pilikmata, at pulang-pula ang mga labi. Matangos din ang ilong ng sanggol na bumagay sa hugis puso nitong mukha. Napatingin naman si Lovera sa kaibigang si Meryam na kasalukuyang buntis. Matagal na itong hindi nagtatrabaho sa kaharian dahil nakapag-asawa na ito sa isang kawal na si Oracio."Gusto kong isa ako sa unang makakakita ng iyong isisilang na sanggol, Meryam. Dalawang buwan mula nga

    Last Updated : 2023-08-21
  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 10

    Oktubre 25, 1799...Naggising ang diwa ni Prinsipe Zumir. Pakiramdam niya ay galing siya sa isang malayong paglalakbay. Alam niya sa sarili na lumipas na naman ang isang siglo kaya nagsisimula na namang maggising ang kaniyang espiritu. Pinakiramdaman niya ang kaniyang paligid. Mayroon na naman bang mga tao na siyang responsable sa pagtuturok sa kaniya ng kemikal na magpapatulog ulit sa kaniya?Lumipas ang ilang minuto ay wala siyang nadinig. Tanging katahimikan ang namutawi. Sa bawat oras ay nararamdaman niyang nagiging magaan ang kaniyang paghinga. Wala na siyang nararamdamang kirot at nakakapanibagong tunay. Makalipas ang tatlong oras ay nakarinig siya ng pagaspas ng pakpak at yapak ng mga paa na papalapit sa kaniyang direksyon. "Kamahalan, naggising na bang muli ang inyong diwa?" Narinig niya sa unang pagkakataon ang boses ni Twari makalipas ang ilang siglo."Twari?" Pangungumpirma ng Prinsipe."Ako nga, Kamahalan. Bilang na lamang ang mga oras at muli mo nang masisilayan ang mun

    Last Updated : 2023-08-22
  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 11

    Oktubre 28, 1799...Hindi mapakali si Prinsipe Dalleon habang naririnig ang iyak at pagsigaw ng kaniyang asawa na si Prinsesa Lovera habang iniluluwal nito ang pangalawa nilang anak. Halos isang oras na itong pinapaanak ng komadrona ngunit hindi pa rin lumalabas ang sanggol."Mahal, tatagan mo ang iyong loob. Magiging maayos din ang lahat sa oras na mailuwal mo na si, Zaitan." Sambit ni Prinsipe Dalleon na nasa labas ng pintuan."Hindi ko na kaya! Napakasakit!" Umiiyak na sambit ng kaniyang asawa na sinundan ng sigaw.Hindi na nakatiis ang Prinsipe. Binuksan niya ang pintuan at pinuntahan ang kaniyang asawa. Nagulat ang komadrona sapagkat hindi sana pwede na siya ay pumasok dahil ang komadrona lamang ang maaring nandoon at siyempre ang manganganak."Kamahalan, bakit—" hindi na nagawang matapos ni Tes, ang komadrona nang magsalita ang Prinsipe."Paunmahin sa aking inaasal ngayon, Tandang Tes ngunit hindi ko maatim na marinig ang aking asawa na umaatungal. Nais kong mailuwal niya ang am

    Last Updated : 2023-08-23
  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 12

    Disyembre 09, 1803...Naalimpungatan si Aling Sabelia nang marinig ang mahinang pagyugyog ng higaang kasalukuyang tinutulugan ni Rycon. Umuuga ito ng bahagya at ng kaniyang tignan ay nakita niyang papaling-paling ang ulo ng anak. Tagmak ng pawis ang noo nito at tila tumakbo sa malayong lugar. Sa unang pagkakataon simula nang mapunta sa kanilang puder ang binata ay narinig niya ang boses nito."Rycon, anak! Gumising ka," mahinang aniya at tinapik ng mukha ng anak. Agad na nagmulat ng mga mata si Rycon at sumalubong sa kaniyang mga mata ang nag-aalalang mukha ng Ina.Napabangon na rin si Mang Rios at tinignan kung ano ang nangyayari. Kinapa ni Aling Sabelia ang noo ni Rycon at napag-alaman niyang mataas ang lagnat ng binata. Nagpresenta si Mang Rios na siya na ang kukuha ng maligamgam na tubig ang iilang mga dahon na papakuluan upang mapababa ang init sa katawan ni Rycon. "Binabangungot ka yata, anak," malumanay na sambit ng babae.Nakatitig lang sa kaniya si Rycon. Nanatiling mabilis

    Last Updated : 2023-08-24
  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 13

    Kasalukuyang taon...Abala si Aling Sabelia sa pagluluto sa kusina habang si Rycon naman ang taga igib ng tubig na kaniyang gagamitin para sa pagluluto. Nagpresenta ang kaniyang anak na maging pansamtantala niyang katulong habang hindi pa ito nakakahanap ng pagkakaabalahan. Tahimik lamang si Rycon na nag-iigib ng tubig mula sa balon nang makarinig siya ng kalansing ng mga armas mula sa labas ng bakod kung nasaan ang malaking balon. Pansamantala niyang ibinaba ang dala-dalang dalawang timba na may lamang tubig ay dahan-dahan na naglakad palapit sa mababang bakod. Dahil likas siyang matangkad ay nagawa niyang silipin iyon habang nakatayo lamang.Nakita niya ang iilang mga binatilyo na nag-eensayo gamit ang espada. Sinasanay sila sa tulong ng punong kawal na si Suvan at ang bunsong anak ng Supremo na si Prinsipe Zaitan. Napatingin si Rycon sa Prinsipe na may makisig na pangangatawan. Nalaman niyang magkasing edad lamang sila ng Prinsipe. Narinig niya mula sa mga usap-usapan sa paligid na

    Last Updated : 2023-08-25
  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 14

    Kasalukuyang taon...Nagulat si Misan nang bigla na lamang gumuho sa kaniyang harapan si Prinsipe Zaitan. Nagpalit na ito ng kasuotan na kulay asul at sapin sa paa. "Nakakagulat ka naman, Kamahalan!" Sambit ni Misan at napahawak sa kaniyang dibdib."Hahaha ilang hayop na ba ang iyong napakain? Paumanhin pala sapagkat ngayon lamang ako, nakipag-usap pa ako sa kusinera sa aming palasyo." Sabi ng Prinsipe.Nakatitig siya sa paligid at talagang marami ang mga alagang hayo na pagmamay-ari nila. Muli siyang napatingin kay Misan na nakatalikod sa kaniya habang nagpapakain ng mga alagang manok. Kinuha ni Prinsipe Zaitan ang dalawang timba na may lamang tubig at isa-isang sinalinan ang sisidlan ng mga kabayo."Patapos na po ako, Kamahalan. Ako na po riyan baka po ay madumihan ang inyong kasuotan." Sambit ni Misan at binawi mula kay Prinsipe Zaitan ang timba."Ayos lang ako Misan. Nais kong tumulong upang matapos agad ang iyong gawain. Hindi ba't mangangabayo tayo? At magpupunta sa karagatan?"

    Last Updated : 2023-08-26
  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 15

    Kasalukuyang taon...Walang ideya si Rycon kung bakit isinama siya ng Prinsipe Zaitan paakyat ng burol. Matapos ang kanilang naging ensayo ay inanyayahan siyang sumama ng Kamahalan. Hindi na lamang siya nagreklamo at pumayag na lamang. Wala rin naman siyang gagawin."Ilang taon kang nagsanay upang maging ganoon ka asintado, Rycon?" Tanong ng Prinsipe Zaitan kay Rycon.Napabaling ang tingin ni Rycon sa nagtatanong na Prinsipe. Kasalukuyan silang naglalakad paakyat. Hindi naman masyadon matarik, kita sa baba ang kanilang kaharian na nasa limampung metro lamang ang layo."Simula ng ako'y magkaisip ay hindi ako kailanman nagkaroon ng pagkakataon na makapag-ensayo, Kamahalan. Kami lang naman ng aking mga magulang ang magkakasama palagi. Unang beses ko pong nakahawak ng pana kanina." Sagot ni Rycon sa mahinahong boses.Nang marating nila ang isang malaking puno na may malalapad na mga dahon at malagong sanga ay nagpunta sila sa lilim niyon at nagpahinga ng sandali."Ang iyong paraan ng pagh

    Last Updated : 2023-08-27
  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 16

    Kasakuyang taon...Maaliwalas ang panahon na maihahalintulad sa nararamdaman ni Prinsesa Amira ng kaniyang masilayan si Rycon na abalang-abala sa pagbubuhat ng dalawang timba na may lamang gatas ng baka. Wala itong damit pang-itaas at kitang-kita ng Prinsesa ang magandang hubog ng katawan ng binata. Wala siyang pakialam sa agwat ng kanilang edad kahit na magka edad sina Rycon at ang kaniyang bunsong kapatid na si Prinsipe Zaitan. Inayos niya ang ayos ng kaniyang mahabang buhok at binuklat ang kaniyang kulay lilang abaniko. Hinawak niya sa laylayan ang kulay lilang kasuotan at naglakad papalapit kay Rycon."Magang Umaga sa iyo, Rycon." Bati ng Prinsesa sa binata. Napahinto si Rycon at napabaling ang tingin sa Prinsesa. Ibinaba niya ang hawak na mga timba at yumuko upang batiin pabalik ang Prinsesa."Magandang Umaga, Kamahalan." Bati no Rycon.Matamis na napangiti ang Prinsesa. Mas lalong sumibol ang paghanga sa kaniyang puso nang mapagmasdan sa mas malapitan si Rycon. Kapansin-pansin a

    Last Updated : 2023-08-28

Latest chapter

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 29

    Kasalukuyang taon...Abala si Tandang Luela sa pagdidikdik ng mga halamang gamot na kaniyang ipangtatapal sa mga sugat ni Prinsipe Zaitan. Nasa kritikal na kalagayan si Prinsesa Amira dahil pumutok ang iilang sa mga ugat nito sa ilong at tainga na naging sanhi ng pagdurugo. Dahil sa pinilit niya ang sarili na kahit lagpas na sa limitasyon ng kaniyang kapangyarihan. Mabuti na lamang at sa ilong at sa tainga lang na mga ugat. Habang si Prinsipe Zaitan naman ay payapang natutulog. Nagamot na ang iilang sa kaniyang mga sugat at napalitan na rin ng mas malinis at maayos na kasuotan.Nang umalis si Prinsesa Amira sa kaniyang tahanan ng hindi nagpapaalam ay alam na ng matanda na may mangyayaring masama. Gamit ang kaniyang mahika ay tinunton niya ang kinaroroonan ni Prinsesa Amira gamit ang iilang hibla ng buhok ng Prinsess na naiwan sa suklay nito. Kahabag-habag ang hitsura ng magkapatid ng kaniyang maabutan sa harap ng Talon ng Kumbawta, nakahilata sa tuyong lupa at mga walang malay.Hindi

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 28

    Kasalukuyang taon...Ang katahimikan ng gabi ang sumakop sa buong kapaligiran kasabay ng tunog ng mga paniki na nagsisiliparan. Ang malamig na hangin ay banayad na dumadampi sa mukha ni Prinsipe Zumir na magiliw niya namang sinasalubong. Sa mga oras na iyon ay pinagsaluhan nila ng Supremo ang inuming nakakalasing habang masinsinang nag-uusap sa kanilang teresa."Ano ang ating gagawin sa Prinsipe Zaitan na nakabilanggo, ama?" Tanong ni Prinsipe Zumir sa kaniyang ama na mukhang malalim ang iniisip.Sandaling hindi nakasagot ang Supremo. Pabalik-balik sa kaniyang isipan ang kaniyang napanaginipan kagabi. Ang kaniyang panaginip ay tungkol sa pangkasawing muli ng kanilang lahi na kagagawan ng mga puti. Pinangungunahan ito ng Prinsipe Zaitan at ang nakatatandang kapatid nito na si Prinsesa Amira. Hindi siya makapaniwala na sa kaniyang panaginip ay nagtataglay ng makapangyarihang mahika ang Prinsesa na siyang nagpatakas sa kapatid niyang ibinilanggo. Nang makatakas ay lumipas ang isang taon

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 27

    Kasalukuyang taon...Nakangiti si Prinsesa Ynez habang pinagmamasdan si Prinsipe Zumir na maganang kumakain. Napansin ni Prinsipe Zumir ang titig ng Prinsesa sa kaniya kaya naman nag-angat siya ng tingin dito."Ugali mo bang manood ng kumakain?" Tanong ni Prinsipe Zumir. Napangiti si Prinsesa Ynez dahil sa wakas ay nagsalita na ito sa ilang minuto nilang katahimikan sa hapag. Magkatabi silang dalawa habang ang Supremo Atcandis at ang Inang Reyna Zenya naman ay nag-uusap pati ang ibang mga Prinsipe mula sa ibang kaharian."Masaya lamang ako sapagkat nagustuhan mo ang aking niluto. Pinaghirapan ko iyan," nakangiting sambit ng Prinsesa. Hindi nagsalita si Prinsipe Zumir at patuloy lamang sa pagkain.Matapos mananghalian ay nag-usap pa ng sandali ang lahat bago nagpaalam na uuwi na sa kani-kanilang mga lugar. Matapos kumain ay umalis na si Prinsipe Zumir. Agad naman siyang sinundan ni Prinsesa Yneza na malaki pa rin ang mga ngiti."Napag-alaman ko mula kay Theodoro na tutungo kayo sa buro

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 26

    Kasalukuyang taon..."Ama, bakit po magkapangalan sina Lola at Ina?" puno ng kuryosidad na tanong ni Prinsipe Asmal sa kaniyang ama na si Supremo Atcandis. Nasa edad sampu pa lamang ang Prinsipe sa pagkakataong iyon. Labis siyang nalilito dahil parehong may "Alyada" ang pangalan ng kaniyang Lola at Inang Zenya."Ang iyong Lola at ang iyong Ina ay mula sa magkaparehang angkan. Ang mga babaeng bampira sa panahon namin ay kinailangang magkapareha ang unang pangalan upang maging palatandaan na mula kayo sa iisang lahi. Ngunit sa panahon ngayon ay hindi na ito sinusunod upang maiwasan ang pagkalito," mahabang paliwanag ni Supremo Atcandis sa kaniyang anak na si Prinsipe Asmal.Naggising si Prinsipe Asmal mula sa panaginip na iyon. Naramdaman niya ang kakaibang kiliti sa kaniyang ilong dahilan upang agaran siyang magmulat ng kaniyang mga mata. Nakatulog pala siya sa teresa ng kanilang palasyo habang nagbabasa ng mga paborito niyang mga libro.Nang magmulat siya ng mga mata ay sumalubong sa

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   AUTHOR'S NOTE

    Magandang Araw po sa lahat!Kumusta na po kayo? Ilang buwan akong hindi nakapag-update dahil bukod sa sobrang busy ko ay nagka writer's block din po ako. Maraming Salamat po sa mga nagbabasa at nanghihingi ng update. Sa ngayon po ay hindi pa ako makakapag-update dahil sobrang busy ko po sa school. Sana po maintindihan ninyo. Pero pangako po, tatapusin ko po ang "The Supreme" sa oras na matapos na ang school year. Babawi po ako sa lahat ng mga avid readers ko. Sobrang swerte ko po dahil nandiyan kayo, sumusuporta sa gawa ko. Sobrang nakakataba ng puso. Mahal ko po kayo!-Glee

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 25

    Kaharian ng Sarsul... Nakatayo si Supremo Atcandis kasama ang asawa na si Inang Reyna Alyada habang pinapanood mula sa malaking bintana ng kanilang kwarto ang unti-unting pagkatupok ng Kaharian ng Sadan na kasalukuyang sinisilaban ng kanilang mga kawal. "Tuluyan na nga nating natalo ang mga puti," mahinahong saad ng Inang Reyna Alyada, ang mga mata ay nakatuon pa rin sa malaking apoy na unti-unting lumalamon sa buong palasyo maging sa mga kabahayan at mga estruktura na pag-aari ng mga puti. Napatango ang Supremo na si Atcandis. Hindi niya akalain na mababawi ng mga itim ang mga ninakaw ng mga puti mula sa kanila. Simula sa ari-arian, mga salapi, at mga armas na pandigma. Walang paglagyan ang kasiyahan ang kaniyang puso, punong-puno ito ng kakontentohan sa nasisilayan. Tuluyang napaslang ng mga puti ang mga namumuno maliban sa Prinsipe na si Zaitan at ang Prinsesa na si Amira. Alam nilang nakatakas ang iba na malabo na nilang mahabol sa pagkakataong iyon ngunit paglalaanan nila ng p

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 24

    Oktubre 1804...Masayang naglalaro ang mga batang mga puti habang sinabayan ang mahinang ihip ng malamig na hangin sa araw na iyon. Ang mamamayan ng kaharian ng Sadan ay abala sa paghahanda sa mangyayaring digmaan kinabukasan ngunit lingid sa kanilang kalaaman ay sa araw na iyon pala lulusob ang mga itim na mga bampira. Nais gumanti ng mga itim sa ginawang paglusob noon ng mga puti na kumitil sa buhay ng libo-libong mamamayan nila. Kabilang doon ay ang unti-unting pagkaubos ng kanilang mga ari-arian, mga armas na pandigma, at ang mga pinagkakatiwalaang pinuno nila. Napatingin ang dating Supremo na si Kaigan sa kapaligiran habang malalim ang iniisip. Hindi niya maitindihan kung bakit ang ihip ng hangin ay hindi naghahatid ng kaginhawaan sa kaniya. May kaakibat itong masamang epekto sa tuwing dumadampi ito sa kaniyang balat. Napatingin ang dating Supremo sa kaniyang kopita na naglalaman ng sariwang dugo ng tao. Nanatili ang kaniyang mga titig doon nang mapansing gumagalaw ang pulang li

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   KABANATA 23

    Taon 1804...Nakatuon ang paningin ni Prinsipe Zaitan kay Rycon habang nagpaikot-ikot silang dalawa. Mangyayari ang duelo sa pagitan ng dalawa na kung saan ito ang tradisyon ng mga bampira. Bago koronahan ang isang Prinsipe upang tuluyang maging Supremo ay kailangan niyang talunin ang kaniyang kanang-kamay sa isang madugong duelo. Kailangang din na makaligtas ng kanang-kamay ng Prinsipe upang tuluyan din siyang mahalal sa posisyon. Sa mga oras na iyon ay abot ang kaba ng Prinsipe na si Zaitan. Alam niyang magaling at napakalakas ni Rycon kaya naman wala siyang kasiguradunan kung maipapanalo ba niya ang duelo.Sa unang pagtatagpo ng kanilang mga espada at awtomatikong napaatras ang dalawa. Ngunit nagulat si Rycon nang tumama ang espada ni Prinsipe Zaitan sa kaniyang daliri na agad na dumugo. Tanging ang Prinsipe ng mga itim na bampira na si Prinsipe Zumir lamang ang may kakayahang pahilomin ang sariling sugat ngunit laking pagtataka ni Rycon o Prinsipe Zumir ng hindi maghilom ang kani

  • The Supreme (TAGALOG VERSION)   AUTHOR'S NOTE

    Greetings! Maraming salamat sa mga nagbabasa ng storyang ito. Hindi ko akalain na aabot ng 2.3k views ang "The Supreme (TAGALOG VERSION) sobrang saya ko lalo na sa mga readers na nag-aabang ng mga susunod na mga kabanata. I'm so grateful kasi hindi ko lubos-maisip na may maglalaanan ng oras para basahin ang nobelang ito Sana po ay huwag po ninyong kalimutang mag-comment sa inyong mga suhestiyon upang mas mapaganda pa ang storyang ito at mas mag improve pa po ako as a writer at pati na rin po ang pag-rarate sa nobelang ito dahil labis ko po iyong maaapreciate. Maraming Salamat po! Ps: Ang next update ay mamayang gabi. Sana po ay basahin at subaybayan niyo pa rin ang nobelang ito. -Depthless_Scrivener

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status