-CALI's POV-
"We need to talk!”
Lumabas ako at iniwan si Dayne sa may sala dahil pakiramdam ko ay importanteng sasabihin si Klaire. Kausap ko siya ngayon sa phone at hindi ko inaasahan ang pagtawag niya.
“Ngayon na ba, Klaire? Kasama ko kasi si Dayne ngayon, eh. Baka hindi niya ako payagang umalis.” Gawa sa nangyari, malabo talaga iyon. Hindi naman pwede si Klaire dito dahil kapag nag-usap kami, mahahalata ni Dayne iyon. At ‘yon ang ayaw kong mangyari.
“Ako na ang bahala sa kanya.” Matapos no’n ay in-end na niya ang call.
Papasok na sana ako sa loob ngunit nahagip ng mga mata ko ang isang lalaking nakatayo sa harapan ng bahay namin. Lumakas ang tibok ng puso ko! Siya 'yung lalaking madalas magpakita sa akin dati. Katulad noon ay nakakamatay pa rin ang titig niya. Kahit takot ay sinikap kong hindi alisin ang paningin ko sa kanya dahil alam kong sa oras n
-CALI's POV-GULONG-GULO ang isipan ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Parang gusto na lang sumabog ng utak ko para hindi na ito makapag-isip pa.Hanggang ngayon ay nag-i-echo pa rin sa pandinig ko ang sinabi ng lalaking ‘yon kanina. Tinawag niya akong anak?!“Cali. . .” sambit ni Nate na nasa harapan ko ngayon. Si Klaire naman ay nasa labas kasama ng lalaking tinawag akong anak.“Alam kong naguguluhan ka. Pero kailangan mong harapin ang katotohanan. Hindi mo kailangang magmukmok sa kwartong ‘to.”Tama siya! Buong buhay ko, gusto kong malaman ang totoo kong pagkatao. Pero ngayong nasa harapan ko na mismo, bakit gano’n? Bakit ang hirap? Bakit ngayon ay takot akong harapin kung ano ang katotohanan?"Noong araw ng birthday mo ay nakita ko siya sa harapan ng mansyon. Nagkataon na paalis na
-CALI's POV-SOBRANG bilis ng panahon. Mahigit isang linggo na ang nakalipas nang malaman ko ang totoo kong pagkatao. Sa araw-araw na nagdaan, hindi nag-fail ang papa ko na ipakita sa akin kung gaano siya bumabawi at kung gaano niya ako kamahal. Unti-unti ay nababawasan na rin ang galit at lungkot sa puso ko. Sino ba naman ako para hindi magpatawad? Papa ko pa rin siya at kahit anong pagkakamali ang nagawa niya, tatanggapin ko iyon dahil Papa ko siya.Masaya rin ako dahil okay na kami ni Dayne. Hindi naman siya nagalit. Tampo lang daw dahil gusto niya akong matuto.Nakakalungkot lang dahil itong mga nakaraang araw ay busy na si Dayne. Masyado nilang pinaghahandaan ang 40th Star Film Awards. Siguradong Best Male Lead Actor na naman si Dayne kapag nagkataon. Inaasahan din ng karamihan na kami ang magiging Movie Love Team of the year. Pero alam kong malabo iyon dahil hindi naman ako si Clar
-CALI's POV-KINABUKASN ay nagising akong may nakayakap sa akin. Si Dayne. Payapa pa rin itong natutulog. Napatingin ako sa bandang labi niya at hindi ko maiwasang mapangiti. Ramdam ko pa rin ang sakit sa may pagkakabae ko, ngunit mas nangingibabaw ang sayang nararamdaman ko. We finally did it last night. We did it because we love each other.“Nasa langit na ba ako?”Nagulat ako nang bigla siyang magsalita. Teka? Gising na kaya siya kanina pa?“You’re so beautiful, Cali." Niyakap niya ako nang mahigpit. “Wanna have a part two?” he playfully asked.“Dayne!” Pinalo ko siya ngunit mas lalo lang itong ngumisi at mabilis akong hinalikan sa labi.Ilang minuto ang lumipas nang tuluyan na kaming bumaba. Sa bawat paghakbang ko ay ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit sa bahaging gitna ko.Nagpasya na
-CALI's POV-"KANINA ka pa walang kibo, ayos ka lang ba?"Napatingin ako kay Dayne na kasalukuyang nagmamaneho ng sasakyan. Pauwi na kami ngayon at kanina pa gustong pumatak ng luha ko dahil sa mga binitawang salita ni Cassey.Iniisip ko rin kung sasabihin ko ba kay Dayne ang nalaman ni Cassey kanina. Mabuti pa ay kausapin ko muna si Klaire tungkol dito.Pagkarating namin sa bahay ay umalis din si Dayne dahil kailangan daw nilang mag-usap sa personal ng Tito Oscar niya.Para akong balisang naglalakad papasok sa loob."Cali?"Bahagya akong nagulat nang salubungin ako ni Klaire na may dalang isang basong tubig at saka iyon ininom."Okay ka lang ba? Bakit tila balisa ka? May nangyari ba?" sunod-sunod na tanong nito."Kailangan nating mag-usap, Klaire.""You know what, Cali? Kinak
-CALI's POV- "PWEDE bang itigil mo na 'yang kakaiyak mo?" Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at pinigilan ang pag-iyak ko. Narito kami ni Klaire ngayon sa park habang nakaupo sa may bench. Wala na ring tao rito dahil madaling araw na. Matapos sabihin ni Dayne ang salitang binitawan niya kanina, hindi ko alam kung ano ang ire-react ko kaya't mas pinili ko na lang na tumakbo palayo sa kaniya. Gusto kong magalit sa kaniya, pero ano nga ba ang laban ko kay Clarisse? "Tingin mo ba, totoong mahal niya ako?" wala sa sariling tanong ko kay Klaire. "Ano ba sa tingin mo?" tanong nito pabalik at saka humigop ng kape. "Hindi ko alam. Ang hirap kasi, eh. Matapos ng mga sinabi niya kanina, hindi ko na alam kung anong sigurado." I deeply sighed. "Look at me, Cali." Humarap ako sa kaniya at hinintay ang susunod niyang
-CALI's POV-"Sigurado kaba na okay ka lang dito?"Hindi ko alam kung ilang beses na akong sumagot kay Nate dahil paulit-ulit na lang ang tanong niya."Siguradong sigurado," I assured him.Tumango ito at ngumiti. Akala ko ay aalis na siya pero muli itong bumalik at saka ako niyakap."Gusto ko lang sabihin sayo, Cali na seryoso ako sa sinabi ko sayo kanina."Para akong nagmistulang yelo nang makaalis ito. Alam kong seryoso siya sa bagay na 'yon.Pagkabukas ko ng gate ay tumambad sa akin si Dayne. Seryoso lang ang mukha nito habang titig na titig sa akin."Where did you go?" malamig na saad niya.Umiwas ako ng tingin dito."K-kina Klaire, Dayne.""And with him?" he suddenly said while capturing my gaze with his."A-ano namang masama. Kab
-CALI's POV-MAAGANG umalis si Dayne ngayon para sa preparation ng 40th Star Film Awards. Nangako kasi si Dayne sa Manager niya na papatapusin muna ang event bago tuluyan nang umalis bilang artista. Habang ako naman ay mas piniling huwag na lang pumunta dahil para saan pa? Hindi ako nararapat sa gano'ng klaseng okasyon dahil para kay Clarisse lamang iyon.Dahil sa wala akong magawa, nagpasya muna akong tulungan ang mga kasambahay namin sa pagluluto.Hanggang ngayon ay malaking palaisipan pa rin sa akin ang pag-iwas nila sa akin. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang ugali ni Clarisse at kung bakit galit na galit sila rito.“Sigurado ho ba kayo, Ma’am na tutulong kayo?”Napangiti ako.“Opo. Bakit naman po hindi?” saad ko at nagpatuloy sa paghiwa ng karne.“Salamat po, Ma’am.” Agad akong n
-CALI's POV-“Sinabi ko naman sayong huwag ka munang magbukas ng social media ‘di ba?”Awtomatikong binulsa ang aking cellphone. Hindi ko kinakaya ang mga nakikita ko sa social media. Masyadong masama, pangba-bash at pagmumura ng mga tao ang nababasa ko.“May mga reporters pa ba sa labas?” tanong ko.“Yeah. Actually, mas nadadagdagan pa sila. Dinaig niyo pa ang presidente, eh!” Napailing si Klaire.“Eh, si Dayne? Hindi pa rin ba siya umuuwi?”Napabuntong hininga siya. “Isang linggo nang hindi umuuwi si Dayne, Cali. But believe me, gumagawa siya ng paraan para maayos ang lahat ng ‘to.” She tried to calm me down, pero mas lalo akong naiiyak.Magmula nang matapos ang 40th Star Film Awards, hindi na umuwi si Dayne sa bahay. Iniisip ko kung saan siya nagpunta. Hindi ko rin