Share

CHAPTER 22.1

-CALI's POV-

BUONG gabi akong hindi nakatulog. Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang misteryosong regalong iyon. Iniisip ko, may iba pa bang nakakaalam tungkol sa pagkamatay ni Clarisse? Sa pagkakaalam ko, wala ng ibang nakakaalam pa. Sino ang nagbigay no’n? Hindi kaya ang taong pumatay kay Clarisse?

Napailing ako nang maraming beses. Posible iyon pero ayaw tanggapin ng utak ko. Ito na ba ang sinasabi ni Clarisse sa panaginip ko? Hindi. Hindi maaari. . .

Alas-diyes na ng umaga nang magpasya akong lumabas ng kwarto. Naligo na rin ako at nagbihis. Plano kong puntahan si Klaire para sabihin ang bagay na ‘to. Hindi ko ‘to kayang dalhin mag-isa. Ayokong sabihin kay Dayne dahil alam kong maaapektuhan siya. Alam ko kasing hindi pa rin nila natutuklasan ang pagkamatay ni Clarisse, at ayoko ng dagdagan pa ang problema niya.

Nang makalabas ako sa kwarto ay agad kong hinanap si

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status