-CALI's POV-
MAAGANG umalis si Dayne ngayon para sa preparation ng 40th Star Film Awards. Nangako kasi si Dayne sa Manager niya na papatapusin muna ang event bago tuluyan nang umalis bilang artista. Habang ako naman ay mas piniling huwag na lang pumunta dahil para saan pa? Hindi ako nararapat sa gano'ng klaseng okasyon dahil para kay Clarisse lamang iyon.
Dahil sa wala akong magawa, nagpasya muna akong tulungan ang mga kasambahay namin sa pagluluto.
Hanggang ngayon ay malaking palaisipan pa rin sa akin ang pag-iwas nila sa akin. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang ugali ni Clarisse at kung bakit galit na galit sila rito.
“Sigurado ho ba kayo, Ma’am na tutulong kayo?”
Napangiti ako.
“Opo. Bakit naman po hindi?” saad ko at nagpatuloy sa paghiwa ng karne.
“Salamat po, Ma’am.” Agad akong n
-CALI's POV-“Sinabi ko naman sayong huwag ka munang magbukas ng social media ‘di ba?”Awtomatikong binulsa ang aking cellphone. Hindi ko kinakaya ang mga nakikita ko sa social media. Masyadong masama, pangba-bash at pagmumura ng mga tao ang nababasa ko.“May mga reporters pa ba sa labas?” tanong ko.“Yeah. Actually, mas nadadagdagan pa sila. Dinaig niyo pa ang presidente, eh!” Napailing si Klaire.“Eh, si Dayne? Hindi pa rin ba siya umuuwi?”Napabuntong hininga siya. “Isang linggo nang hindi umuuwi si Dayne, Cali. But believe me, gumagawa siya ng paraan para maayos ang lahat ng ‘to.” She tried to calm me down, pero mas lalo akong naiiyak.Magmula nang matapos ang 40th Star Film Awards, hindi na umuwi si Dayne sa bahay. Iniisip ko kung saan siya nagpunta. Hindi ko rin
-CALI's POV-“Sa tingin mo ba babalik pa si Dayne dito?”“Pwede ba, Cali?! Anong drama ba ‘yan?!”Mas lalo akong naiyak. Bakit ba hindi ako nauubusan ng luha? Magmula pa kanina nang makauwi ako ay hindi na ako tumigil sa kakaiyak. Nakakainis! Ang bigat sa pakiramdam!“Hindi ko talaga maintindihan si Dayne! Sa lahat ng babae, bakit si Cassey pa?! Ano bang meron sa babaeng ‘yan?!”Napatahimik ako. Tama si Klaire. Bakit si Cassey? Bakit pa sa taong sumira sa amin?“At paano niya nagagawang mambabae ngayong mainit ang mga mata ng publiko sa inyo? Nababaliw na talaga siya!”Kitang-kita ko ang galit sa ekspresyon ni Klaire ngayon. Gusto kong magalit kay Dayne dahil sa ginawa niya, pero hindi ko magawa dahil mas nangingibabaw ang sakit sa puso ko.“Aakyat muna
-CALI's POV-HUMINGA ako nang malalim at dinama ang katahimikang bumabalot sa paligid. Napatingin ako sa aking maleta na nakalapag sa damuhan. Pilit akong ngumiti nang maalala ko ang unang araw ko rito sa Maynila. Katulad noon, narito ulit ako sa lugar na ito. Mag-isa at tila wala ng pag-asa.I closed my eyes for a brief moment. Pinapakalma ang sarili habang iniisip na magiging maayos din ang lahat. Naalala kong dito mismo sa lugar na ito ang unang tagpo namin ni Dayne. I’m just wondering, what if we’re hadn’t met before? Siguro hindi ko mararanasan ang ganitong klaseng sakit na bumabalot sa buo kong katawan.Leaving everything behind is my way to escape this pain. Lagi na lang akong umiiyak at nasasaktan. Lagi na lang na ako ‘yung umiintindi sa aming dalawa. Masakit dahil kahit anong gawin ko, hindi ko mapapalitan si Clarisse sa buhay niya. Kung ayaw na niya, pagod na rin ako. Pagod na akong gamp
-CALI's POV-Ang sabi niya, pag-ibig daw ang solusyon sa lahat ng problema. Ang hindi niya alam, ito ang sisira at wawasak sa lahat.Gano’n siguro talaga sa buhay. Hindi porke nagmahal ka, okay na ang lahat. Wala ka ng ibang iisipin kundi ang maging masaya lang. Pero hindi pala gano’n kadali. Gaya ng sinabi ni Dayne, lahat ng tao, may tinatagong pagmamahal. Kahit anong kamalian pa ang nagawa, basta may pagmamahal sa puso natin, madali na sa atin ang magpatawad. Sa kaso namin, may ilang tao ang tinanggap ang pagkakamali namin ni Dayne. Pero mas marami pa ring tao ang hirap kaming patawarin at tanggapin.Si Patrick at Klaire naman, ilang taon silang nagsama. Matagal din nila itong itinago sa publiko pero sa huli, humantong din sa paghihiwalayan.Naisip ko lang, bakit kailangang masaktan kapag nagmamahal? Hindi ba pwedeng puro saya lang? Akala ko noon, pag-ibig ang solusyon sa lahat ng probl
-DAYNE's POV--FLASHBACK-I was on my way to the 40th Star Film Awards when my car suddenly stopped!“What happened?”“May humarang po kasi sa sinasakyan natin, Sir.”Agad akong bumaba ng kotse upang harapin ang lalaking ito! Nagulat na lang ako nang tumambad sa harapan ko si Tito Martin, ang tatay nina Cali at Clarisse!“Hayop ka!”Namalayan ko na lang na dumudugo na pala ang gilid ng aking labi dahil sa biglaan niyang pagsuntok!“Alam nating pareho na pinatay si Clarisse! Pero bakit pati si Cali, dinamay mo sa kawalang hiyaan mo?! Nilagay mo lang sa alanganin ang buhay ng anak ko!”Napailing ako.“Ngayon? Anong gagawin mo, ha?! Ngayong nasa panganib ang buhay niya?!”I froze for a wh
-CALI's POV- Kasalukuyan kaming kumakain ng spaghetti ni Patrick ngayon. Katulad sa araw-araw niyang ginagawa, pinagluto na naman niya ako. Dahil sa wala akong ganang kumain, patuloy ko lang itong hinahalo at pinapaikot sa tinidor ko. “Exciting ‘yon kapag nagkataon 'di ba, Cali?” Agad akong napaangat ng mukha nang marinig ko ang pangalan ko. Bakit ba hindi ko napansin na may sinasabi pala siya? “A-ano ulit ‘yon, Patrick?” “Masama ba ang pakiramdam mo?” Hinawakan nito ang noo ko at bakas sa kanya ang pag-aalala. “Okay lang ako, Patrick.” Napabuntonghininga ako. Wala talaga ako sa mood ngayon. Naalala ko pa rin ang nangyari kanina. Pwede bang kah
-CALI'S POV- "D-dad?" Gulat na gulat kong saad nang iluwa ng pinto si Daddy. Mababakas ang pag-aalala nito base sa reaksiyon ng mukha niya. "Uuwi na tayo, Anak!" madiin at matigas na pagkakasabi nito. "T-tito Martin?" "Isa ka pa, Patrick! Wala kayong magandang idudulot sa anak ko!" "P-pero Dad, wala ho siyang kasalanan. Natagpuan po niya ako noong mga oras na mag-isa ako." "Wala akong pakialam! Uuwi na tayo!" Wala na akong nagawa nang hilahin ako ni Dad palabas ng bahay! "Cali!" rinig kong sigaw ni Patrick. "Katulad ni Dayne, tigilan mo na ang anak ko!" "Wala ho akong masamang intensyon kay Cali!" Napatigil sa paghila si Dad at pareho kaming napatingin kay Patrick. Gusto kong humingi ng tawad kay Patrick dahil s
-KLAIRE's POV-Parang gumuho ang mundo ko nang marinig ko ang sinabi ng doktor. Habang tinitignan ko si Cali, hindi ko maiwasang maiyak dahil sa nangyari. Hanggang ngayon, wala pa rin akong ideya kung bakit siya lumabas ng gano'ng oras.Hindi ko maiwasang magalit kay Dayne. Until now, hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang dahilan niya. Gusto kong malaman kung bakit niya nagawang saktan si Cali. And now he's going to New York? And for what? Para takasan ang problemang iniwan niya kay Cali? Siguro nga. . . Nagkamali ako ng pagkakakilala kay Dayne."Umuwi ka na muna, Klaire. Ako na muna ang bahala rito."Napatingin ako kay Nate at may dala itong plastic bags na naglalaman ng pagkain. Nilapag niya iyon sa ibabaw ng mesa at saka lumapit sa akin."Cali, needs me, Nate. Hindi ako mapalagay kung nasa bahay lang ako.""Kaibigan ko rin siya, Klaire. Alam ko rin n