-CALI's POV-
HUMINGA ako nang malalim at dinama ang katahimikang bumabalot sa paligid. Napatingin ako sa aking maleta na nakalapag sa damuhan. Pilit akong ngumiti nang maalala ko ang unang araw ko rito sa Maynila. Katulad noon, narito ulit ako sa lugar na ito. Mag-isa at tila wala ng pag-asa.
I closed my eyes for a brief moment. Pinapakalma ang sarili habang iniisip na magiging maayos din ang lahat. Naalala kong dito mismo sa lugar na ito ang unang tagpo namin ni Dayne. I’m just wondering, what if we’re hadn’t met before? Siguro hindi ko mararanasan ang ganitong klaseng sakit na bumabalot sa buo kong katawan.
Leaving everything behind is my way to escape this pain. Lagi na lang akong umiiyak at nasasaktan. Lagi na lang na ako ‘yung umiintindi sa aming dalawa. Masakit dahil kahit anong gawin ko, hindi ko mapapalitan si Clarisse sa buhay niya. Kung ayaw na niya, pagod na rin ako. Pagod na akong gamp
-CALI's POV-Ang sabi niya, pag-ibig daw ang solusyon sa lahat ng problema. Ang hindi niya alam, ito ang sisira at wawasak sa lahat.Gano’n siguro talaga sa buhay. Hindi porke nagmahal ka, okay na ang lahat. Wala ka ng ibang iisipin kundi ang maging masaya lang. Pero hindi pala gano’n kadali. Gaya ng sinabi ni Dayne, lahat ng tao, may tinatagong pagmamahal. Kahit anong kamalian pa ang nagawa, basta may pagmamahal sa puso natin, madali na sa atin ang magpatawad. Sa kaso namin, may ilang tao ang tinanggap ang pagkakamali namin ni Dayne. Pero mas marami pa ring tao ang hirap kaming patawarin at tanggapin.Si Patrick at Klaire naman, ilang taon silang nagsama. Matagal din nila itong itinago sa publiko pero sa huli, humantong din sa paghihiwalayan.Naisip ko lang, bakit kailangang masaktan kapag nagmamahal? Hindi ba pwedeng puro saya lang? Akala ko noon, pag-ibig ang solusyon sa lahat ng probl
-DAYNE's POV--FLASHBACK-I was on my way to the 40th Star Film Awards when my car suddenly stopped!“What happened?”“May humarang po kasi sa sinasakyan natin, Sir.”Agad akong bumaba ng kotse upang harapin ang lalaking ito! Nagulat na lang ako nang tumambad sa harapan ko si Tito Martin, ang tatay nina Cali at Clarisse!“Hayop ka!”Namalayan ko na lang na dumudugo na pala ang gilid ng aking labi dahil sa biglaan niyang pagsuntok!“Alam nating pareho na pinatay si Clarisse! Pero bakit pati si Cali, dinamay mo sa kawalang hiyaan mo?! Nilagay mo lang sa alanganin ang buhay ng anak ko!”Napailing ako.“Ngayon? Anong gagawin mo, ha?! Ngayong nasa panganib ang buhay niya?!”I froze for a wh
-CALI's POV- Kasalukuyan kaming kumakain ng spaghetti ni Patrick ngayon. Katulad sa araw-araw niyang ginagawa, pinagluto na naman niya ako. Dahil sa wala akong ganang kumain, patuloy ko lang itong hinahalo at pinapaikot sa tinidor ko. “Exciting ‘yon kapag nagkataon 'di ba, Cali?” Agad akong napaangat ng mukha nang marinig ko ang pangalan ko. Bakit ba hindi ko napansin na may sinasabi pala siya? “A-ano ulit ‘yon, Patrick?” “Masama ba ang pakiramdam mo?” Hinawakan nito ang noo ko at bakas sa kanya ang pag-aalala. “Okay lang ako, Patrick.” Napabuntonghininga ako. Wala talaga ako sa mood ngayon. Naalala ko pa rin ang nangyari kanina. Pwede bang kah
-CALI'S POV- "D-dad?" Gulat na gulat kong saad nang iluwa ng pinto si Daddy. Mababakas ang pag-aalala nito base sa reaksiyon ng mukha niya. "Uuwi na tayo, Anak!" madiin at matigas na pagkakasabi nito. "T-tito Martin?" "Isa ka pa, Patrick! Wala kayong magandang idudulot sa anak ko!" "P-pero Dad, wala ho siyang kasalanan. Natagpuan po niya ako noong mga oras na mag-isa ako." "Wala akong pakialam! Uuwi na tayo!" Wala na akong nagawa nang hilahin ako ni Dad palabas ng bahay! "Cali!" rinig kong sigaw ni Patrick. "Katulad ni Dayne, tigilan mo na ang anak ko!" "Wala ho akong masamang intensyon kay Cali!" Napatigil sa paghila si Dad at pareho kaming napatingin kay Patrick. Gusto kong humingi ng tawad kay Patrick dahil s
-KLAIRE's POV-Parang gumuho ang mundo ko nang marinig ko ang sinabi ng doktor. Habang tinitignan ko si Cali, hindi ko maiwasang maiyak dahil sa nangyari. Hanggang ngayon, wala pa rin akong ideya kung bakit siya lumabas ng gano'ng oras.Hindi ko maiwasang magalit kay Dayne. Until now, hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang dahilan niya. Gusto kong malaman kung bakit niya nagawang saktan si Cali. And now he's going to New York? And for what? Para takasan ang problemang iniwan niya kay Cali? Siguro nga. . . Nagkamali ako ng pagkakakilala kay Dayne."Umuwi ka na muna, Klaire. Ako na muna ang bahala rito."Napatingin ako kay Nate at may dala itong plastic bags na naglalaman ng pagkain. Nilapag niya iyon sa ibabaw ng mesa at saka lumapit sa akin."Cali, needs me, Nate. Hindi ako mapalagay kung nasa bahay lang ako.""Kaibigan ko rin siya, Klaire. Alam ko rin n
-CALI's POV-"Are you sure about this, Cali?"I nodded. After two months, here I am. Finally ready to go. Ilang beses din ang ginawa kong pagkumbinsi kay Dad. Alam ko kasi na habang narito ako sa Maynila ay mananatili rin akong nakakulong sa mga masasakit na alaala."Sigurado ho ako, Dad," tugon ko kay Dad na abala sa pagbuhat ng mga maleta ko."Cali," tawag sa akin ni Klaire. "Hindi ka na ba talaga magpapapigil?"Ngumiti ako nang pilit. "Huwag kang mag-alala, Klaire. Pagbalik ko sa Alta Vieza, magiging maayos din ang lahat. Sinisiguro ko na pagbalik ko rito, buo na ulit ako."Nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa labi nito at saka ako niyakap. "Mag-iingat ka roon, okay? Huwag kang mag-alala, magpapasama ako kay Nathan para bisitahin ka roon. Alam mo naman, masyado niyang kinareer ang pag-aartista."Ngumiti ako at tumango. "Maraming salamat,
-CALI's POV-2 YEARS LATER"WELCOME to Alta Vieza! A place where you can find love and happiness!""Love and happiness?"I smiled at her and nodded."Because it is surrounded by kind and cheerful and lovable people." I smiled again.Ngumiti lang ito at nagpatuloy na sa paglalakad.Two years. . . Two years na ang nakakalipas magmula nang magbalik ako sa Alta Vieza. Sa loob ng dalawang taon ay marami ang nangyari.Isa nang ganap na artista si Nate. Sa pag-aartista niyang iyon, inangat at pinakilala niya ang Alta Vieza sa maraming tao. Hanggang sa mayroong magpuntang broadcast journalist dito at ipinalabas sa TV ang kabuuan ng lugar na ito. Nang dahil doon, sunod-sunod na ang nagpupunta rito upang pumasyal. Kadalasang sinasabi ng mga tao ay nagagandahan sila sa lugar dahil sa iba't ibang tanawin. Naging tourist spot ang
CALI'S POV "Hi, Cali." "P-Patrick?" He smiled. "Ako nga, Cali." Nanlaki ang mga mata ko nang hilahin nito ang kamay ko at mahigpit na niyakap. "P-Patrick. . ." Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa biglaang pagdating niya. Humiwalay itong nakangiti ngunit agad din namang nawala iyon nang makita nito ang mukha ko. "Bakit parang gulat na gulat ka? Hindi ka ba natutuwa na makita ako?" Umiwas ako ng tingin dito. "P-Patrick. . . G-gusto mo na bang pumasyal?" "Yeah. I hear a lot of good things here in Alta Vieza that's why I went here," he said. "Lalo na na noong malaman kong dito ka na pala nakatira," pagpapatuloy nito. Bahagya akong nailan