-CALI's POV-
“Sinabi ko naman sayong huwag ka munang magbukas ng social media ‘di ba?”
Awtomatikong binulsa ang aking cellphone. Hindi ko kinakaya ang mga nakikita ko sa social media. Masyadong masama, pangba-bash at pagmumura ng mga tao ang nababasa ko.
“May mga reporters pa ba sa labas?” tanong ko.
“Yeah. Actually, mas nadadagdagan pa sila. Dinaig niyo pa ang presidente, eh!” Napailing si Klaire.
“Eh, si Dayne? Hindi pa rin ba siya umuuwi?”
Napabuntong hininga siya. “Isang linggo nang hindi umuuwi si Dayne, Cali. But believe me, gumagawa siya ng paraan para maayos ang lahat ng ‘to.” She tried to calm me down, pero mas lalo akong naiiyak.
Magmula nang matapos ang 40th Star Film Awards, hindi na umuwi si Dayne sa bahay. Iniisip ko kung saan siya nagpunta. Hindi ko rin
-CALI's POV-“Sa tingin mo ba babalik pa si Dayne dito?”“Pwede ba, Cali?! Anong drama ba ‘yan?!”Mas lalo akong naiyak. Bakit ba hindi ako nauubusan ng luha? Magmula pa kanina nang makauwi ako ay hindi na ako tumigil sa kakaiyak. Nakakainis! Ang bigat sa pakiramdam!“Hindi ko talaga maintindihan si Dayne! Sa lahat ng babae, bakit si Cassey pa?! Ano bang meron sa babaeng ‘yan?!”Napatahimik ako. Tama si Klaire. Bakit si Cassey? Bakit pa sa taong sumira sa amin?“At paano niya nagagawang mambabae ngayong mainit ang mga mata ng publiko sa inyo? Nababaliw na talaga siya!”Kitang-kita ko ang galit sa ekspresyon ni Klaire ngayon. Gusto kong magalit kay Dayne dahil sa ginawa niya, pero hindi ko magawa dahil mas nangingibabaw ang sakit sa puso ko.“Aakyat muna
-CALI's POV-HUMINGA ako nang malalim at dinama ang katahimikang bumabalot sa paligid. Napatingin ako sa aking maleta na nakalapag sa damuhan. Pilit akong ngumiti nang maalala ko ang unang araw ko rito sa Maynila. Katulad noon, narito ulit ako sa lugar na ito. Mag-isa at tila wala ng pag-asa.I closed my eyes for a brief moment. Pinapakalma ang sarili habang iniisip na magiging maayos din ang lahat. Naalala kong dito mismo sa lugar na ito ang unang tagpo namin ni Dayne. I’m just wondering, what if we’re hadn’t met before? Siguro hindi ko mararanasan ang ganitong klaseng sakit na bumabalot sa buo kong katawan.Leaving everything behind is my way to escape this pain. Lagi na lang akong umiiyak at nasasaktan. Lagi na lang na ako ‘yung umiintindi sa aming dalawa. Masakit dahil kahit anong gawin ko, hindi ko mapapalitan si Clarisse sa buhay niya. Kung ayaw na niya, pagod na rin ako. Pagod na akong gamp
-CALI's POV-Ang sabi niya, pag-ibig daw ang solusyon sa lahat ng problema. Ang hindi niya alam, ito ang sisira at wawasak sa lahat.Gano’n siguro talaga sa buhay. Hindi porke nagmahal ka, okay na ang lahat. Wala ka ng ibang iisipin kundi ang maging masaya lang. Pero hindi pala gano’n kadali. Gaya ng sinabi ni Dayne, lahat ng tao, may tinatagong pagmamahal. Kahit anong kamalian pa ang nagawa, basta may pagmamahal sa puso natin, madali na sa atin ang magpatawad. Sa kaso namin, may ilang tao ang tinanggap ang pagkakamali namin ni Dayne. Pero mas marami pa ring tao ang hirap kaming patawarin at tanggapin.Si Patrick at Klaire naman, ilang taon silang nagsama. Matagal din nila itong itinago sa publiko pero sa huli, humantong din sa paghihiwalayan.Naisip ko lang, bakit kailangang masaktan kapag nagmamahal? Hindi ba pwedeng puro saya lang? Akala ko noon, pag-ibig ang solusyon sa lahat ng probl
-DAYNE's POV--FLASHBACK-I was on my way to the 40th Star Film Awards when my car suddenly stopped!“What happened?”“May humarang po kasi sa sinasakyan natin, Sir.”Agad akong bumaba ng kotse upang harapin ang lalaking ito! Nagulat na lang ako nang tumambad sa harapan ko si Tito Martin, ang tatay nina Cali at Clarisse!“Hayop ka!”Namalayan ko na lang na dumudugo na pala ang gilid ng aking labi dahil sa biglaan niyang pagsuntok!“Alam nating pareho na pinatay si Clarisse! Pero bakit pati si Cali, dinamay mo sa kawalang hiyaan mo?! Nilagay mo lang sa alanganin ang buhay ng anak ko!”Napailing ako.“Ngayon? Anong gagawin mo, ha?! Ngayong nasa panganib ang buhay niya?!”I froze for a wh
-CALI's POV- Kasalukuyan kaming kumakain ng spaghetti ni Patrick ngayon. Katulad sa araw-araw niyang ginagawa, pinagluto na naman niya ako. Dahil sa wala akong ganang kumain, patuloy ko lang itong hinahalo at pinapaikot sa tinidor ko. “Exciting ‘yon kapag nagkataon 'di ba, Cali?” Agad akong napaangat ng mukha nang marinig ko ang pangalan ko. Bakit ba hindi ko napansin na may sinasabi pala siya? “A-ano ulit ‘yon, Patrick?” “Masama ba ang pakiramdam mo?” Hinawakan nito ang noo ko at bakas sa kanya ang pag-aalala. “Okay lang ako, Patrick.” Napabuntonghininga ako. Wala talaga ako sa mood ngayon. Naalala ko pa rin ang nangyari kanina. Pwede bang kah
-CALI'S POV- "D-dad?" Gulat na gulat kong saad nang iluwa ng pinto si Daddy. Mababakas ang pag-aalala nito base sa reaksiyon ng mukha niya. "Uuwi na tayo, Anak!" madiin at matigas na pagkakasabi nito. "T-tito Martin?" "Isa ka pa, Patrick! Wala kayong magandang idudulot sa anak ko!" "P-pero Dad, wala ho siyang kasalanan. Natagpuan po niya ako noong mga oras na mag-isa ako." "Wala akong pakialam! Uuwi na tayo!" Wala na akong nagawa nang hilahin ako ni Dad palabas ng bahay! "Cali!" rinig kong sigaw ni Patrick. "Katulad ni Dayne, tigilan mo na ang anak ko!" "Wala ho akong masamang intensyon kay Cali!" Napatigil sa paghila si Dad at pareho kaming napatingin kay Patrick. Gusto kong humingi ng tawad kay Patrick dahil s
-KLAIRE's POV-Parang gumuho ang mundo ko nang marinig ko ang sinabi ng doktor. Habang tinitignan ko si Cali, hindi ko maiwasang maiyak dahil sa nangyari. Hanggang ngayon, wala pa rin akong ideya kung bakit siya lumabas ng gano'ng oras.Hindi ko maiwasang magalit kay Dayne. Until now, hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang dahilan niya. Gusto kong malaman kung bakit niya nagawang saktan si Cali. And now he's going to New York? And for what? Para takasan ang problemang iniwan niya kay Cali? Siguro nga. . . Nagkamali ako ng pagkakakilala kay Dayne."Umuwi ka na muna, Klaire. Ako na muna ang bahala rito."Napatingin ako kay Nate at may dala itong plastic bags na naglalaman ng pagkain. Nilapag niya iyon sa ibabaw ng mesa at saka lumapit sa akin."Cali, needs me, Nate. Hindi ako mapalagay kung nasa bahay lang ako.""Kaibigan ko rin siya, Klaire. Alam ko rin n
-CALI's POV-"Are you sure about this, Cali?"I nodded. After two months, here I am. Finally ready to go. Ilang beses din ang ginawa kong pagkumbinsi kay Dad. Alam ko kasi na habang narito ako sa Maynila ay mananatili rin akong nakakulong sa mga masasakit na alaala."Sigurado ho ako, Dad," tugon ko kay Dad na abala sa pagbuhat ng mga maleta ko."Cali," tawag sa akin ni Klaire. "Hindi ka na ba talaga magpapapigil?"Ngumiti ako nang pilit. "Huwag kang mag-alala, Klaire. Pagbalik ko sa Alta Vieza, magiging maayos din ang lahat. Sinisiguro ko na pagbalik ko rito, buo na ulit ako."Nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa labi nito at saka ako niyakap. "Mag-iingat ka roon, okay? Huwag kang mag-alala, magpapasama ako kay Nathan para bisitahin ka roon. Alam mo naman, masyado niyang kinareer ang pag-aartista."Ngumiti ako at tumango. "Maraming salamat,
-CALI'S POV- MONTHS had passed, bago kami tuluyang ikasal ni Dayne, ay isang mabigat na desisyon ang aking gagawin. Isang desisyon na alam kong makakapagpagaan sa puso ko. Nagpasya akong magtungo sa presinto, kung nasaan si Patrick. Tumulo ang luha ko nang makita ko siya habang papalapit sa gawi namin. "K-kumusta ka na?" tanong ko rito ngunit hindi ito nag-abalang sumagot. "Ito, oh. Kumain ka muna, Patrick," saad ko at isa-isang nilapag ang mga pagkain nasa tupperware. Ako pa mismo ang nagluto nito para sa kaniya. "Alam ko, walang kapatawaran ang ginawa mo sa kakambal ko," umpisa ko. "Buhay niya ang kinuha mo, eh. At wala kang karapatan upang alisin iyon sa kaniya." Pinunasan ko ang luhang lumandas sa aking pisngi. Masyadong mabigat ang nararamdaman ko. Masyadong masakit habang sinasabi ko ang mga bagay na 'to. "Pero sino nga ba ako upang hindi ma
-DAYNE CERVANTEZ- 5 YEARS LATER: TANDANG-TANDA ko pa rin kung paano kami nagkakilala ni Cali. Isang gabing tila wala ng pag-asa para sa aming dalawa. Then I saw her, alone. Hanggang sa pagkaguluhan siya ng mga tao. Akala ko noon, sa telebisyon lang makikita ang gano’ng klaseng pangyayari. Isang estrangherong lalaki ang maglalakas loob na yayaing magpakasal sa isang babaeng hindi naman kilala. Bigla akong napangiti nang maalala lahat ng iyon. Sa lahat ng posibleng mangyari sa mundo, I met her like it was destiny. “Are you ready, Dayne?” Tumango ako at ingat na ingat na inayos ang aking buhok. Ilang minuto pa ang nakalipas nang tuluyan na akong tawagin sa stage. Napangiti ako nang magpalapakan ang mga tao. Ramdam na ramdam ko pa rin ang suporta nilang lahat sa kabila ng pag-give up ko noon bilang isang artista. “Welcome, Dayne
-KLAIRE'S POV- Ganito pala ang pakiramdam na makita si Cali sa ganiyang kalagayan. Ang bigat. Masyadong mabigat sa dibdib. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko akalaing magagawa ni Patrick ang lahat ng bagay na ‘to. Katulad ni Dayne, masyado rin akong nabulag sa pagmamahal kay Patrick. Nagpapasalamat na lang ako dahil agad na naputol ‘yon. Inaamin kong, nasasaktan ako. Hindi lang si Dayne ang niloko nila, kundi pati na rin ako. Gusto kong maiyak dahil sa sitwasyon ngayon. Sa tuwing nakikita ko si Cali na nakahiga sa kamang ‘yan, naiisip ko na hindi niya dapat ito pinagdadaanan. Hindi niya deserve ang lahat ng bagay na ‘to. Napatalikod ako bigla nang biglang pumasok si Dayne. Ang sabi ng Doctor, stable na rin daw ang kondisyon ni Cali, pero hindi pa rin naming maiwasang mag-alala dahil three days na ang nakalipas ngunit hindi pa rin siya nagigising.
-THIRD PERSON'S POV- -FLASHBACK- ILANG oras nang naghihintay si Dayne. Kanina pa niya tinitignan ang kaniyang orasan. Hindi maalis sa isipan niya kung saan nga ba nagpunta si Clarisse. Sino ang kasama nito? At bakit dis-oras na ng gabi ay wala pa rin siya. Napatayo agad siya nang bumukas ang pinto sa kanilang kwarto. Niluwa nito si Clarisse na lasing na lasing. Gulo-gulo ang kaniyang buhok at mahahalatang kakagaling lang nito sa pag-iyak. "Clarisse?" nag-aalalang sambit ni Dayne habang inaalalayan niya ang babae. "Where have you been? At bakit lasing na lasing ka?" "Nothing, Dayne. I just enjoy this beautiful night," she laughed. Namuo ang pagtataka sa isipan ni Dayne. Wala soyang makitang dahilan kung bakit nagpakalasing ang fiancée nito. Nag-away ba sila? Hindi. Nagkaroon ba sila ng hindi pagkakaunawaan? Wala. Kumuha ng ma
-CALI'S POV- “P-Patrick?" saad ko nang tuluyan na siyang makalapit. Anong ibig sabihin nito? Bakit siya nandito? “Cali. Bakit ganyan ang mukha mo? Bakit tila takot na takot ka?” Umupo ito sa aking harapan at sinilip ang aking mukha. “Cali.” Hinawi nito ang aking buhok kaya’t agad akong umiwas. Biglang nagbago ang ekspresyon nito dahil sa ginawa kong iyon. Mula sa pagiging kampante, napalitan ito nang galit na galit na mukha! “P-Patrick. . .” saad ko. Natatakot ako! Natatakot ako sa pwede niyang gawin! Hindi. . . Hindi si Patrick ito. . . Gusto kong paniwalain ang sarili ko na hindi siya ang kaharap ko ngayon. Pero hindi. Si Patrick talaga ang nasa harapan ko ngayon! “I-Ikaw b-ba ang—” Napatigil ako nang bigla itong tumawa! Nakakatakot ang tawang iyon. “Finally! Nakuha mo rin!”
-THIRD PERSON'S POV- -FLASHBACK- WALANG pagsidlan ang kaligayahang nararamdaman ni Dayne. Dumating na kasi ang pinaka espesyal na araw para sa kanila ni Clarisse. Muli niyang tinignan ang kaniyang sarili sa salamin at inayos ang neck tie nito. Bagay na bagay sa kaniya ang suot niyang tuxedo na tinernuhan ng kulay pula na neck tie. "Handa na ba ang lahat, Klaire?" masayang tanong niya sa dalaga. "Oo naman, Dayne. Ikaw? Handa ka na ba?" Huminga ito nang malalim at ngumiti. Hindi maitatanggi ang kabang nararamdaman nito. Sino ba naman ang hindi makakaramdam ng kaba kung dumating na ang araw na magpo-propose ito sa kaniyang minamahal? "Oo, Klaire. At excited na akong maging fiancée siya." "How can you be so sure, Dayne?" mapagbirong tanong ni Klaire. "Of course, I am sure, Klaire." H
-KLAIRE'S POV- "HAVE you seen, Cali, Nate?" tanong ko agad kay Nate matapos niyang maligo. "Hindi. Hindi ba't magkasama kayong nanunuod dito sa sala?" nagtatakang tanong niya. "Yeah, pero nagpaalam siya na hihintayin niya si Dayne sa may garden. Pero no'ng tignan ko naman siya ay wala na siya roon!" Nag-aalala na ako. Kanina pa ako nanginginig sa kaba. Nilibot ko na ang buong mansyon pero hindi ko pa rin makita si Cali. I tried to call her pero naiwan niya rin ang cell phone niya. "Hindi kaya nagpunta siya ulit sa Peter na 'yon?" si Nate. "Hindi maaari, Nate. Hindi ugali ni Cali ang umalis sa mansiyon." "Pero nagawa na niya, 'di ba?" "Y-yeah... P-pero... Hindi iyon aalis nang hindi sinasabi sa akin." Mababakas na rin ang pag-aalala kay Nate. "Ang mabuti pa
-KLAIRE'S POV- "AKALA ko ba ay may mall show kayo?" tanong ko kay Nate na kalalabas lang. Nakapambahay pa rin kasi ito hanggang ngayon. Kasalukuyan kaming narito sa may garden area. Pagkagising ko ay dito agad ako nagpunta. Gusto ko kasing magpahangin at mag-relax. "Hindi na ako pupunta. Nakiusap kasi si Dayne na bantayan kayong dalawa ni Cali," sagot niya. I rolled my eyes. "Para saan pa? Huwag kayong mag-alala. Hinding-hindi na kami babalik ni Cali doon. Isa pa, asa ka namang gusto ko pang bumalik doon 'no!" Hindi ko alam pero hanggang ngayon ay kinikilabutan pa rin ako sa lalaking 'yon! Nagsisisi ako dahil nagpunta pa kami ni Cali doon. Sana pala ay hindi ko na lang siya pinayagan noonv mga oras na 'yon. Hindi na siya sumagot. Akala ko ay umalis na ito ngunit naramdaman ko ang biglaang pagyakap niya mula sa likuran ko. "N
-DAYNE'S POV- NILAPAG ko ang bulaklak sa may puntod at sinindihan ang kandilang kulay puti. Pilit akong ngumiti. “Malapit na nating mapalitan ang pangalan mo, Clarisse. Malapit na ring mabigyan ng hustisya ang pagkamatay mo. Bigyan mo lang ako ng kaunting panahon.” I wiped my teary eyes then continue. “I’m sorry if it’s too late, Clarisse. Hanggang ngayon ay sinisisi ko pa rin ang sarili ko. Sorry kung hindi kita naprotektahan nung gabing ‘yon.” -FLASHBACK- “Sir, nandito na po si Ma’am Clarisse.” Napangiti ako nang marinig ko iyon. I’m currently in the rooftop, waiting for Clarisse. Inayos ko ang lugar na ito para sa aming dalawa, for the most important happening in our lives. Napatayo ako nang makita ko siya. She’s wearing black slightly off shoulder dress. Walang pinagbago. Napakaganda pa rin niya sa paningin ko. &