-CALI's POV-
"Ano sa tingin mo, Cali?"
Napatingin ako kay Nate. Nakatitig na pala ito sa akin.
"A-ano ulit 'yon?"
He deeply sighed. Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa may sala. Gabi na kaya't hindi ko na pinaalis si Nate.
"Kanina pa ako nagsasalita, hindi ka pala nakikinig."
Napakamot ako sa ulo. Hindi kasi maalis sa isipan ko ang mga nangyayari dito sa mansyon. Magmula nang malaman ni Klaire na aalis na si Patrick ay nagkulong na ito sa kwarto at hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas. Isa pa ay si Dayne. Magmula nang umalis sina Manager Grace at Manager Luis ay umalis din itong masama ang loob. Ni hindi man lang niya ako kinausap kanina.
"Pasensya na, Nate."
"Ang sabi ko kung papayag ba ako sa sinasabi ng Manager ni Dayne," saad nito.
"Bakit naman hindi?" sagot ko.
&
-CALI's POV-NAPAGDESISYUNAN naming night pool party ang theme ng birthday ni Clarisse dahil iyon ang suggestion ni Klaire. Mas okay na lang daw na sa bahay na lang para hindi raw ako mailang sa mga friends ni Clarisse. Actually, buong cast lang ng pelikula ang in-invite ni Dayne. Siguro iniisip niya na sa kanila ako mas kumportable.“Ma’am, maayos na po lahat. Magbihis na raw po kayo sabi ni Sir Dayne.”Napatango na lang ako kay Manang.“Siya nga ho pala, Ma’am, ito raw ho ang isuot niyo sabi ni Ma’am Klaire.” Sabay abot nito sa akin ng paper bag.“Salamat ho, Manang. Magbihis na rin po kayo. Dapat kasama ho kayo sa party, ha?” Ngumiti ako.“Eh. . . Ma’am, kasi ho. . .”“Pamilya ho tayo rito. Sige na ho.” Isang ngiti ang pinakawalan niya
-CALI's POV-“ANONG mukha ‘yan?” Bungad agad sa akin ni Klaire pagakatapos ng eksena nila ni Patrick.Matapos ko silang marinig mag-usap ay agad na akong tumakbo papalayo sa kanila at nagtungo sa may pool area. Si Dayne naman ay abala pa rin sa pag-aayos ng naiwang kalat ng mga bisita namin. Pinagpahinga na niya kasi ang mga kasambahay kaya’t siya na lang ang gumawa. Pilit ko pa rin siyang tinutulungan pero sinigawan lang ako. Hay!“K-Klaire. . .”“You heard it, right?” Pilit siyang ngumiti. “Here.” Inabot niya sa akin ang beer in can na hawak niya.“I’m sorry. Hindi ko sinasadyang marinig.”Tinitigan ko ang hawak kong beer na binigay niya. Samantalang ang kaniya ay halos maubos na niya.“Mahilig ka talagang mag-sorry, ano?” Napatawa
-CALI's POV-BUONG gabi akong hindi nakatulog. Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang misteryosong regalong iyon. Iniisip ko, may iba pa bang nakakaalam tungkol sa pagkamatay ni Clarisse? Sa pagkakaalam ko, wala ng ibang nakakaalam pa. Sino ang nagbigay no’n? Hindi kaya ang taong pumatay kay Clarisse?Napailing ako nang maraming beses. Posible iyon pero ayaw tanggapin ng utak ko. Ito na ba ang sinasabi ni Clarisse sa panaginip ko? Hindi. Hindi maaari. . .Alas-diyes na ng umaga nang magpasya akong lumabas ng kwarto. Naligo na rin ako at nagbihis. Plano kong puntahan si Klaire para sabihin ang bagay na ‘to. Hindi ko ‘to kayang dalhin mag-isa. Ayokong sabihin kay Dayne dahil alam kong maaapektuhan siya. Alam ko kasing hindi pa rin nila natutuklasan ang pagkamatay ni Clarisse, at ayoko ng dagdagan pa ang problema niya.Nang makalabas ako sa kwarto ay agad kong hinanap si
-CALI's POV- "We need to talk!” Lumabas ako at iniwan si Dayne sa may sala dahil pakiramdam ko ay importanteng sasabihin si Klaire. Kausap ko siya ngayon sa phone at hindi ko inaasahan ang pagtawag niya. “Ngayon na ba, Klaire? Kasama ko kasi si Dayne ngayon, eh. Baka hindi niya ako payagang umalis.” Gawa sa nangyari, malabo talaga iyon. Hindi naman pwede si Klaire dito dahil kapag nag-usap kami, mahahalata ni Dayne iyon. At ‘yon ang ayaw kong mangyari. “Ako na ang bahala sa kanya.” Matapos no’n ay in-end na niya ang call. Papasok na sana ako sa loob ngunit nahagip ng mga mata ko ang isang lalaking nakatayo sa harapan ng bahay namin. Lumakas ang tibok ng puso ko! Siya 'yung lalaking madalas magpakita sa akin dati. Katulad noon ay nakakamatay pa rin ang titig niya. Kahit takot ay sinikap kong hindi alisin ang paningin ko sa kanya dahil alam kong sa oras n
-CALI's POV-GULONG-GULO ang isipan ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Parang gusto na lang sumabog ng utak ko para hindi na ito makapag-isip pa.Hanggang ngayon ay nag-i-echo pa rin sa pandinig ko ang sinabi ng lalaking ‘yon kanina. Tinawag niya akong anak?!“Cali. . .” sambit ni Nate na nasa harapan ko ngayon. Si Klaire naman ay nasa labas kasama ng lalaking tinawag akong anak.“Alam kong naguguluhan ka. Pero kailangan mong harapin ang katotohanan. Hindi mo kailangang magmukmok sa kwartong ‘to.”Tama siya! Buong buhay ko, gusto kong malaman ang totoo kong pagkatao. Pero ngayong nasa harapan ko na mismo, bakit gano’n? Bakit ang hirap? Bakit ngayon ay takot akong harapin kung ano ang katotohanan?"Noong araw ng birthday mo ay nakita ko siya sa harapan ng mansyon. Nagkataon na paalis na
-CALI's POV-SOBRANG bilis ng panahon. Mahigit isang linggo na ang nakalipas nang malaman ko ang totoo kong pagkatao. Sa araw-araw na nagdaan, hindi nag-fail ang papa ko na ipakita sa akin kung gaano siya bumabawi at kung gaano niya ako kamahal. Unti-unti ay nababawasan na rin ang galit at lungkot sa puso ko. Sino ba naman ako para hindi magpatawad? Papa ko pa rin siya at kahit anong pagkakamali ang nagawa niya, tatanggapin ko iyon dahil Papa ko siya.Masaya rin ako dahil okay na kami ni Dayne. Hindi naman siya nagalit. Tampo lang daw dahil gusto niya akong matuto.Nakakalungkot lang dahil itong mga nakaraang araw ay busy na si Dayne. Masyado nilang pinaghahandaan ang 40th Star Film Awards. Siguradong Best Male Lead Actor na naman si Dayne kapag nagkataon. Inaasahan din ng karamihan na kami ang magiging Movie Love Team of the year. Pero alam kong malabo iyon dahil hindi naman ako si Clar
-CALI's POV-KINABUKASN ay nagising akong may nakayakap sa akin. Si Dayne. Payapa pa rin itong natutulog. Napatingin ako sa bandang labi niya at hindi ko maiwasang mapangiti. Ramdam ko pa rin ang sakit sa may pagkakabae ko, ngunit mas nangingibabaw ang sayang nararamdaman ko. We finally did it last night. We did it because we love each other.“Nasa langit na ba ako?”Nagulat ako nang bigla siyang magsalita. Teka? Gising na kaya siya kanina pa?“You’re so beautiful, Cali." Niyakap niya ako nang mahigpit. “Wanna have a part two?” he playfully asked.“Dayne!” Pinalo ko siya ngunit mas lalo lang itong ngumisi at mabilis akong hinalikan sa labi.Ilang minuto ang lumipas nang tuluyan na kaming bumaba. Sa bawat paghakbang ko ay ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit sa bahaging gitna ko.Nagpasya na
-CALI's POV-"KANINA ka pa walang kibo, ayos ka lang ba?"Napatingin ako kay Dayne na kasalukuyang nagmamaneho ng sasakyan. Pauwi na kami ngayon at kanina pa gustong pumatak ng luha ko dahil sa mga binitawang salita ni Cassey.Iniisip ko rin kung sasabihin ko ba kay Dayne ang nalaman ni Cassey kanina. Mabuti pa ay kausapin ko muna si Klaire tungkol dito.Pagkarating namin sa bahay ay umalis din si Dayne dahil kailangan daw nilang mag-usap sa personal ng Tito Oscar niya.Para akong balisang naglalakad papasok sa loob."Cali?"Bahagya akong nagulat nang salubungin ako ni Klaire na may dalang isang basong tubig at saka iyon ininom."Okay ka lang ba? Bakit tila balisa ka? May nangyari ba?" sunod-sunod na tanong nito."Kailangan nating mag-usap, Klaire.""You know what, Cali? Kinak