“MABAIT naman sila sa akin Mommy. . .at saka funny rin iyong mga cousins ko. Pati sina Lola at lolo, love na love ako. Sabi nila, ipapasyal raw nila ako sa Disneyland. . .” excited na sabi ng bata sa kanya. Natigilan siya. Kung anu-anong naiisip niya habang nakikinig kay Debbie. Tiningnan niya ito ng mabuti, “Anak, kapag hiniling ng Daddy mo na sa kanya ka na lang, sasama ka ba sa kanya?” “No! Ayokong iwan ka Mommy.” “P-pero hindi kita kayang dalhin sa Disneyland. . .i-iyong mga pinsan mo dun kung saan-saang bans ana nakakapunta k-kasi marami silang pera. M-mamahalin iyong mga gamit nila. . .” “Mommy, promise me, hindi mo ako ibibigay sa kanila?” Nakikiusap na sabi ng bata sa kanya. Niyakap niya nang mahigpit ang anak, “S-sino ba namang ina ang papayag na ipamigay ang pinakamamahal niyang anak? Mahal na mahal kita anak. Kung pwede nga lang araw-araw na lang kitang kasama pero kailangan kong mag-wor
PINANDILATAN NG MGA MATA NI JASMINE si Debbie. Saan ba nito nakukuha ang mga ganuong tanong? Baka isipin pa ni Denver ay tinuturuan niya ang bata. “You already know that Tita Rosemarie and I are getting married, right?” Sagot ni Denver dito. Kahit alam na niya iyon ay parang ang sakit-sakit pa rin sa kanyang marinig iyon mula kay Denver. Hindi naman na siya umaasa. Pero sana lang hindi na lang sila muling nagkrus ang landas para kahit paano, hindi ganito kasakit ang nararamdaman niya. Ngunit sa tuwing makikita niya ang ningning sa mga mata ni Debbie sa tuwing kasama ang ama, naisip niyang kailangan talaga niyang magsakripisyo alang-alang sa kaligayahan ng anak. “I know Daddy. . .pero. . .” nagkibit balikat ito, “Hmm, sabagay, marami namang suitors si Mommy eh. Mas mabuti na ngang kay Tita Rosemarie ka na lang kesa naman palagi kayong mag-aaway ni Mommy. . .” Namumula na ang mga pisngi niya sa sobrang katabilan ng a
“NASA BATANGAS NA BA KAYO?” Dinig ni Jasmine na tanong ni Rosemarie kay Denver sa kabilang linya. “Twenty minutes pa.” sagot ni Denver dito, “Nagda-drive ako. I’ll call you kapag nasa destination na kami, okay?” “Kasama mo ba sa kotse ang babaeng iyon?” Ani Rosemarie. Napakagat labi si Jasmine dahil pakiramdam niya ay isa siyang kerida sa relasyon ng mga ito. “Rosemarie. . .” si Denver, tiningnan nito sa rear view mirror ang natutulog na bata “Narito ako para kay Debbie, okay?” Giit nito. Ipinikit ni Jasmine ang mga mata at nagkunwang hindi affected habang naririnig si Denver na kausap si Rosemarie. Ang totoo ay nasasaktan siya. Kung hindi ba niya niloko si Denver, may chance kayang maging sila nito? Baka hindi rin dahil simula nang dumating si Rosemarie sa buhay nito, duon nagsimulang mag-iba ang pakikitungo nito sa kanya. Mahal talaga nito si Rosemarie.“DADDY!!!” Dinig ni Jasmine na tili ni Debbie
NANLAKI ang mga mata niya sa tinurang iyon ng kapatid. Ni hindi niya makita ang sarili na nang-aakit ng lalaki. Besides, iniisip pa lamang niyang ipagtatabuyan na naman siya ni Denver gaya ng dati ay nagsisikip na ang dibdib niya. Ayaw na niyang maulit pa ang mga sandaling iyon. “Saka mas makakabuti iyon kay Debbie,” dagdag pa ng Ate Janice niya sa kanya saka lumusong na rin ito sa dagat at nakipaglaro kay Alexa. “Halika na, Jasmine!” Yaya pa nito sa kanya. Hindi siya kumibo. Maya-maya ay umahon sa dagat si Debbie at hinila siya sa dagat. “Halika na Mommy.” “H-hindi rin ako marunong lumangoy.” Nag-aalinlangang sabi niya rito. “Tuturuan ka ni Daddy. . .”KANINA pa hindi mapakali si Rosemarie. Bakit ba siya pumayag na mag-isang Samahan sa resort ang mag-inang iyon? Kung hindi lang masama ang pakiramdam niya ay talagang sasama siya sa mga ito. Kinatatakutan niyang muli na namang magkala
“MOMMY, ako po ba ang dahilan kaya galit si Daddy saiyo?” Tanong ni Debbie kay Jasmine habang nakahiga na sila. “Anak, bakit mo naman naisip yan? Listen,” aniyang itinukod ang isang siko sa kama at humarap dito, “May mga hindi kami napagkakaunawaan ng Daddy mo but it doesn’t mean we love you less. Mahal na mahal kita, anak at I’m sure ganun din ang Daddy mo saiyo.” “Eh bakit papakasalan nya si Tita Rosemarie?” “Ganun talaga. May mga bagay na gustuhin man nating makuha, hindi pwede kasi meron nang nagmamay-ari nun,” hinagod niya ang buhok nito, “Matulog ka na anak at huwag mo ng ipilit na magkabalikan pa kami ng Daddy mo, okay? Nakakahiya kasi ikakasal na siya. Baka isipin nyang ako ang nag-uutos nyan saiyo.” “Mahal mo pa sya, Mommy?” Bago pa niya masagot ang tanong ng anak ay narinig niya ang mahihinang katok mula sa pinto. Iniisip niyang si Janice lang iyon na naka-check in sa kabilang kwarto kung ka
DUMATING ang kaarawan ni Debbie. Pinagplanuhan ng pamilya Craig na sa kaawarang iyon ay ipapakilala ang bata sa buong angkan at mga kaibigan ng pamilya kung kaya’t isang malaking selebrasyon ang magaganap. Hindi pumayag si Debbie na wala siya sa birthday celebration na ibibigay ng mga Craig dito kung kaya’t kahit nagproprotesta ang mga magulang ni Denver ay napilitan ang mga itong papasukin siya sa loob ng party para pagbigyan ang kahilingan ng bata. Ngunit mukha siyang gate crasher duon dahil buong pamilya ni Denver ang masama ang tingin sa kanya. Ni wala ngang gustong pumansin sa kanya. Maya-maya ay nilapitan siya ng mga magulang ni Denver. Kung nakamamatay ang tinging ipinupukol ng mga ito sa kanya, marahil ay kanina pa siya namatay. Ramdam na ramdam niya ang matinding galit ng magulang ni Denver sa kanya. “Hindi pa rin namin nakakalimutan ang ginawa ninyong panloloko sa amin lalo na sa anak ko!” Sabi ni Senyora Agnes Craig sa ka
KINABUKASAN na inihatid ni Denver si Debbie sa bahay kung kaya’t sinita niya ito, “Wala sa usapan na magstay overnight saiyo ang bata!” Iritadong sabi niya rito, galit pa rin siya sa ginawa ni Rosemarie sa kanya kagabi. “Sorry kung hindi ko na ipinagpaalam saiyo. Nagrequest kasi syang matulog sa tabi nina Mommy.” Anito sa kanya. “Kahit na. Dapat ipinagpapaalam mo pa rin sa akin. At saka nga pala pagsabihan mo ang Rosemarie mo dahil sumusobra na sya!” Sita niya rito. “Kilala ko si Rosemarie. Hindi yon magagalit saiyo ng walang dahilan. I’m sure nag-aalala lang sya,” katwiran nito sa kanya. “Anong ibig mong sabihin? Na nagsisinungaling ako?” Yamot na tanong niya rito. Tiningnan siya nito nang matiim, “Hindi ba sanay na sanay ka namang magsinungaling?” Nanunuot hanggang sa kanyang kaluluwa ang mga titig nito, “Diyan ka magaling, hindi ba?” Hindi na siya nanakapagtimpi pa. Sinampal niya
KANINA PA NAGHIHINTAY SI DEBBIE kay Denver. Hawak nito ang cellphone na regalo ng Daddy nito, hindi mapakali habang hinihintay ang tawag ng ama. Tahimik lang si Jasmine habang nakatingin sa anak. Alam niyang maaga itong nagising dahil nangako si Denver dito na ipapasyal ito sa isang sikat na park sa Laguna. Ngunit tanghali na ay hindi pa rin dumarating si Denver, ni hindi tumatawag. “Mommy, tinatawagan ko si Daddy, busy iyong line nya. Baka kung ano na pong nangyari sa kanya?” Nag-aalalang tanong ni Debbie sa kanya, “Puntahan na kaya natin sya sa condo?” “Baka nakalimutan lang nya na may promise sya saiyo ngayon,” sabi niya sa anak, “Nakakahiya naman sa Tita Rose mo kung pupuntahan natin ang Daddy mo sa unit nila,” paliwanag niya rito. “Never pang nalate si Daddy sa usapan, Mommy.” Anang bata. Tinabihan niya sa sofa ang anak at hinagod ang buhok nito. Maging siya ay nag-aalala na rin. Kung busy ito ngayong lingo,
“MASAYANG-MASAYA AKONG NATAGPUAN MO RIN ANG PAG-IBIG na para saiyo, apo ko.” Tuwang-tuwang sabi ni Don Teodoro kay Kevin habang hinihintay nila papalapit sa altar si Debbie.Ngayon ang araw ng kasal ng mga ito at masaya ang lahat para sa dalawa. Nagpaikot-ikot man ang kwento ng pag-iibigan ng mga ito, at least ay sa simabahan rin nauwi ang mga ito.Samantala ay wala namang pagsidlan ng kanyang kaligayahan si Kevin habang nakamasid kay Debbie na inihahatid ng ama papalapit sa kanya. Mangiyak-ngiyak siya habang inaalala ang lahat ng kanilang mga pinagdaanan ni Debbie bago nila marating ang ganito.Masaya siya na nakinig siya sa kanyang Lolo. Ito na yata ang pinakamasayang araw para sa kanya. Sa wakas ay nakamit na rin niya ang kanyang pinakaasam. Ang mahalin ng babaeng kanyang pinakamamahal.“Salamat po, Lolo,” bulong niya sa kanyang abuelo.MASAYANG-MASAYA SI DENVER habang inihahatid nilang mag-asawa ang kanilang panganay patungo sa altar kung saan naghihintay dito si Kevin. Akala
“MASAYA AKO PARA SAIYO, KEVIN,” MASAYANG sabi ni Debbie kay Kevin nang puntahan siya nito para magpaalam, “At least mababalikan mo na ang mga pangarap mo.”Tinitigan siya ni Kevin, saka niyakap siya nito nang mahigpit, “Salamat Debbie.” Halos paanas lamang na sabi nito sa kanya, “Tinuruan mo ako ng tunay na kahulugan ng pagmamahal.”Napakurap-kurap siya at somehow ay may namuong mga butil ng luha sa sulok ng kanyang mga mata.Hanggang umalis ito ay tahimik lamang siya sa gilid ng pool. Panay ang tukso sa kanya nina Alexa. Kung gusto raw niyang umiyak, umiyak siya. At ewan kung bakit parang gusto nga niyang umiyak ng mga sandaling iyon. Masaya siyang tutuparin ni Kevin ang mga pangarap nito ngunit sa pinakasulok ng puso niya, hindi niya maipaliwanag kung bakit may naramdaman siyang kalungkutan.Naalala na ba niya ang damdamin niya para dito?Napapailing na tumalon siya sa pool at lumangoy ng lumangoy. Hanggang maramdaman niyang naninigas ang kanyang mga binti. Iwinagayway niya an
ISANG BUWAN na hindi nagpakita si Kevin kay Debbie. Ni tawag or pangungumusta ay hindi nito ginawa at naisip niyang mainam na nga ang ganun kesa naman nakikita lang niya itong nagmumukhang kawawa sa panunuyo sa kanya.Tinigilan na rin niya ang pakikipagdate. Nang mag-start ang semester ay pumasok na siya at muling nanumbalik ang interes niya sa pag-aaral. Nanumbalik na rin ang sigla niya as if parang walang nangyari or namagitan sa kanilang dalawa ni Kevin.Samantala si Kevin naman ay unti-unti nang natatanggap na wala na siyang babalikan pa sa piling ni Debbie. Pero wala siyang pinagsisihan. At least ay sinubukan niyang magmahal. Kung hindi man iyon naging matagumpay, wala na siyang magagawa pa.Masaya siyang malaman na normal na ulit ang takbo ng buhay ni Debbie. Siguro ay hanggang duon na lang talaga sila. Ngunit hindi siya magsasawang maghintay kahit abutin pa iyon ng magpakailanman.But for the meantime, kailangan niya ring magmove on at tuparin ang kanyang first love whi
“DEBBIE, ANO itong ginagawa mo? Nakikipagdate ka sa ibang lalaki habang si Kevin, matiyagang naghihintay sa pagbabalik ng mga alaala mo? Talaga bang nakalimutan mo na kung gaano mo siya minahal? Ano bang nangyayari saiyo?” Tanong ni Sophie kay Debbie nang hilahin niya ito palayo sa lalaking kasama nito.Napangisi si Debbie, “Wala akong obligasyon kay Kevin! Ni hindi ko nga alam kung talaga nga bang minahal ko siya kagaya ng paulit-ulit ninyong sinasabi sa akin. Saka pinahirapan nya ako dati, hindi ba?”“So, gusto mong gumanti?”“No. It’s just that kahit anong pilit ang gawin ko, wala akong maramdaman para sa kanya,” paliwanag ni Debbie.Napahinga ng malalim si Sophie saka nilingon ang lalaking kasama nito, “At san mo naman nakilala ang lalaking yan?” Kunot nuong tanong niya.“Sa online dating app.” Nakangising sagot ni Debbie, “Ang guwapo nya, hindi ba?”“Ewan ko saiyo,” napapailing na sabi niya rito, “Naguguluhan na ako. Dati, halos ilagay mo si Kevin sa pedestal. Ngayon naman
"Pano kung sabihin ko sa iyong ni Isa sa mga kwento mo wala akong maalala?" Sabi ni Debbie kay Kevin habang nakatitig siya rito. Pilit niyang nirerecall ang lahat ng memories niya with Kevin pero wala talaga siyang matandaan kahit na isa.Ramdam niya Ang disappointment ni Kevin habang matiyaga itong nagkwekwento sa kanya ng mga nangyari sa kanila.hinawakan into ang mga kamay niya. Pinilit niyang kapain sa dibdib niya kung may kilig na hatid iyon sa kanya pero wala talaga. In fact may awkwardness si yang nadarama kaya mabilis niyang binawi ang kanyang mga kamay mula dito.Dinukot ni Kevin sa bulsa ang phone nito at binasa ang Ilan sa mga messages niya."Hindi ako magsasawa at mapspagod hintayin ang yung pagbabalik kahit bumilang pa iyon ng ilang taon. Dahil alam ko sa puso ko, darating ang araw na Muli tayong pagtatagpuin ng kapalaran. Ngayon pa lang ay tinitiyak ko ng Ikaw ang lalaking para sa akin. Kung Hindi man sa ngayon, baka sa susunod kong buhay. . ."Napakurap kurap si Debbie
“UNDER OBSERVATION pa sa ngayon ang pasyente. We can’t tell kung ito ba ay transient global amnesia or ang tinatawag na temporary memory loss o pemanent na ba ang nangyaring ito sa kanya. Sa ngayon ay kailangan niyang sumailalim sa ilang eksaminasyon para matantiya ang pinsalang dinulot ng traumatic events sa kanya. Bukas ay naka-schedule na siya para sa Cerebral angiography,” paliwanag ng doctor sa kanila, “Sa ngayon, ang tanging magagawa natin ay huwag bigyan ng stress ang pasyente.”Tahimik lamang si Kevin habang pinapakinggan ang sinasabi ng doctor. Napakasakit para sa kanya na sa lahat ng taong naroroon, bukod tanging siya lamang ang hindi nito nakikilala.Ngunit alam naman niyang hindi iyon kasalanan ni Debbie. Nagkaroon raw ng trauma ang utak nito kaya may mga bagay itong hindi maalala sa ngayon. Natatakot siyang baka tuluyan na siya nitong hindi maalala. Kasabay niyon, makakalimutan na rin nito ang damdamin nito para sa kanya.WALANG KIBO SI DEBBIE habang pinagmamasdan
UNCONCIOUS pa rin si Debbie nang datnan ni Kevin matapos ng naging operasyon nito sa ulo. Ni hindi na siya umaalis sa tabi nito. Araw-araw rin ay binabasa niya ang mga ipinapadala nitong messages sa kanya na ni hindi niya nagawang basahin nuong nasa Sicily pa siya dahil naging abala siya para sa kanyang gaganaping exhibition. Iyon naman pala ay iiwanan rin niya nang dahil kay Debbie.“Dearest Kevin, nandito lang ako. Naghihintay saiyong pagbabalik. At kahit na walang kasiguraduhan kung kailan iyon, palagi mong tatandaan na hindi ako mapapagod kahit na kailan.” Napahinto siya sa pagbabasa ng mensahe nito nang waring gumalaw ang isang kamay ni Debbie.Ginagap niya iyon at hinalikan, “Please Debbie. . .gumising ka na.”Wala siyang ibang hangad ngayon kundi ang kaligtasan ni Debbie. Kaya niyang iwanan ang lahat alang-alang sa babaeng ito. Nakakatawa ngang ngayon lamang niya napagtanto kung gaano niya ito kamahal. Napakalaking gago niya para iwanan ang babaeng sobrang espesyal sa k
PAKIRAMDAM NI KEVIN ay huminto ang pag-ikot ng mundo ng mga sandaling iyon. Para siyang nanghihinang napakapit sa silya, “Debbie. . .” mahinang usal niya habang binabasa ang mensahe ng kanyang lolo. Unti-unti ang mahinang usal ay nauwi sa isang napakalakas na sigaw, “Debbie. . .” tumakbo siyang palabas ng gallery. Nagtataka ang mga spectators na naroroon para sa kanyang exhibitions ngunit sa ngayon, ang tanging concern niya ay ang kaligtasan ni Debbie. Kaagad niyang tinawagan ang kanyang Lolo Teodoro.Ilang sandali pa at kausap na niya ito sa telepono, “Anong nangyari kay Debbie?” Puno ng pag-aalalang tanong niya. Hindi pa man ay nangingilid na ang kanyang mga luha.“Nabangga siya ng humaharurot na motor sa tapat ng condominium na tinutuluyan ninyo. Ang sabi ng Mommy nya, halos araw-araw raw bumibisita dun si Debbie kahit sa labas lang ng building.”“Lolo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Debbie. Uuwi na ako, Lolo,” pagkasabi niyon ay nagmamada
MULING NAGSEND NG NOTIFICATION ang cellphone ni Kevin bilang reminder na may natanggap muli siyang messages mula kay Debbie. Actually, excited na rin siyang muli itong makita but since busy siya sa darating niyang exhibit ay hindi muna niya sinasagot ang mga messages nito. Ayaw niyang madistract siya.Ang mahalaga, masigla nang muli si Debbie. Bumalik na rin ang pangangatawan nito sa huli nitong ipinadalang larawan sa kanya.Pagkatapos ng exhibit, magbabalik na siyang muli sa Pilipinas. Narealize niyang tama ang kanyang Lolo Teodoro. Tama na ang denial. Hindi siya maaring mabuhay sa kanyang nakaraan. Mas lalong hindi niya dapat pairalin ang pride at ang takot dahil kahit na kailan ay hindi siya magiging masaya kung palaging ang nakaraan ang buhay sa kanyang mga alaala.Mas lalong hindi na niya kayang takasan pa ang tunay niyang nararamdaman para kay Debbie. In fact he was planning a surprise proposal for her. Ngayon lang siya naging ganito kasigurado sa isang babae at ayaw na