NAPATAKIP sa kanyang mga labi si Mrs. Bridgette Craig nang lumabas ang imbestigasyon kay Cali. Maging ang asawa nitong si Fred ay hindi makapaniwala kung sino ang nasa likod ng madilim na naganap.“So, ang lider ng sindikatong ipinakulong ni Cali ang nagtangkang ipapatay siya? Hindi totoong aksidente ang nangyari,” naiiyak na sabi nito, napayakap ito sa asawa, “Nag-sa-suffer ngayon si Cali at kailangan nating itago para lang protektahan sa taong nagtatangkang mamatay siya.”“Walang dapat na makaalam na buhay siya. Kahit na sino sa pamilya, hindi nila dapat malamang buhay ang panganay natin alang-alang sa kaligtasan nya.” Giit ni Fred sa kanya.“Kahit si Alexa?”Tumango ito. “Mas mabuti na ito, Bridgette habang nagpapalakas pa ang anak natin. Humingi na ako ng tulong sa Presidente para madala ng lihim si Cali sa Amerika.”“Hahayaan nating magsuffer ang kalooban ni Alexa?” Tanong ni Bridgette sa asawa.“Well, kailangang magsakripisyo alang-alang sa kaligtasan ni Cali. Kung talagang m
ALA-SINGKO ng madaling araw ay panay na ang tawag ni Sylvia sa number ni Lander ngunit hindi nito sinasagot ang tawag niya kung kaya’t gumayak na siya at nagtungo sa condominium na tinutuluyan ni Alexa dahil malakas ang loob niyang magkasama ang dalawang ito at duon nagpalipas ng magdamag si Lander kagabi.Siya na ang nagmaneho kahit na medyo nahihilo siya. Ang bilis ng pagpapatakbo niya, muntikan pa siyang bumangga sa pader, mabuti na lamang at mabilis siyang nakaiwas. Iyak siya ng iyak habang nagmamaneho.Nang makarating sa unit ni Alexa ay ang lakas ng kalampag ni Sylvia sa pinto. Kasabay niyon ay parang binabayo rin sa sobrang inis ang dibdib niya. Pupungas-pungas pa si Lander nang pagbuksan siya nito ng pinto at halatang ikinagulat nitong makita siya duon. Hindi siya umimik. Dire-diretso siya sa loob at hinanap si Alexa. Dinatnan niya itong mahimbing na natutulog sa kama.“Damn, Alexa, gumising ka!” Sita niya rito, tinabig niya si Lander nang awatin siya nito sa ginagawa.“S
PINUNTAHAN NI LANDER SA BAHAY ng mga magulang nito si Sylvia ngunit hindi siya hinarap ng babae sa halip ay isang malakas na suntok lang ang isinalubong sa kanya ng ama nito.Pagkabigwas ng suntok ni Lacson ay natumba si Lander.“Umalis ka na dito kung ayaw mong ipahabol kita sa mga alaga kong aso!” Banta pa ng matandang lalaki sa kanya. Nuon lang niya nakitang nagalit ng gayon ang ama ni Sylvia at alam niyang totohanin nga nito ang sinabi kung kaya’t wala siyang nagawa kundi ang umalis na lamang.Mula sa bintana ng kanyang kuwarto ay palihim na nakasilip si Sylvia at nakita niya kung paano inundayan ng suntok ng Papa niya si Lander ngunit manhid na ang puso niya. Narealize niyang pag-uukulan na lamang niya ng panahon ang batang dinadala niya. Pumayag na rin siyang dumuon muna sa Amerika hanggang sa makapanganak siya. Nakiusap siya sa mga magulang na huwag nang ipaalam pa kahit na kanino ang tungkol sa pagbubuntis niya.Muli syang bumalik sa kanyang kama at umiyak ng umiyak. Ngay
ONE YEAR AND SIX MONTHS. GANUON na katagal na wala si Sylvia at unti-unti ay tinatanggap na ni Lander na nilisan na nga siya nitong talaga at ayaw na nitong magpakita pa sa kanya.Madalas pa rin siyang nagpapakalunod sa alak gaya ngayon para sabayan si Alexa na makalimot.“Maybe tayo talaga ang itinakda?” natatawang sabi ni Alexa habang tumutulo ang luha, “Baka ikaw pala ang end game ko, Lander.” Sabi nitong sinimulan siyang halikan. Nagulat siya sa ginawa nito pero pinatulan niya ang mga halik nito. Ngunit pinagtatakhan niyang habang hinahalikan ito ay si Sylvia ang nasa isip niya.Damn, ang tagal niyang inasam na matikman ang mga labing ito ni Alexa ngunit ngayong nagaganap na ang matagal na niyang pinapangarap, bakit ibang labi ang hinahanap niya? Bakit wala siyang maramdamang spark sa pagitan nila ni Alexa?“Sylvia. . .” hindi sinasadyang nabanggit niya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig, mabilis siyang humiwalay kay Alexa habang ito naman ay napakurap-kurap saka tumawa
TINAPIK NI CALI SI LANDER, “Salamat at hindi mo pinabayaan si Alexa,” very grateful na sabi nito sa kanya, “Pero malungkot akong malaman ang nangyari sa inyo ni Sylvia.”Binigyan niya ng isang bote ng beer ang Kuya Cali niya, “Mukhang ginaya kita, Kuya. Nuong nawala si Sylvia, saka ko narealize na. . .na mahal ko na pala siya. Nakakatuwa na nuong nagkaroon ako ng pagkakataon kay Alexa, si Sylvia ang hinahanap ko. S-siguro dahil alam kong kahit na wala ka na, hindi ko naman magagawang palitan ka sa puso ni Alexa.”“Or siguro, talagang mahal mo na si Sylvia nuon pa. Hindi mo lang matanggap sa sarili mo dahil knowing you, mas gusto mong ikaw ang nahihirapan at ikaw ang nanunuyo.” Saad ni Cali sa kanya.“Tanga lang siguro talaga ako.” May pait sa mga labing sabi ni Lander sa kanya. Ini-straight niya ang hawak na bote ng beer saka muling nagbukas ng isa pa. Maya-maya ay dumating si Alexa kasama nina Sophie at Debbie, masayang-masaya ang mga ito.“Kuya Lander, mukhang may happy ending
HINDI MAKATINGIN ng diretso si Lander sa mga mata ni Sylvia. Hindi niya alam kung bakit ba siya natataranta at waring hindi mapakali habang kaharap ito ngayon. And damn, ngayon lamang niya narealize kung gaano ito kaganda.“W-wala na bang pag-asang magkabalikan tayo, alang-alang man lang sa bata?” Tanong niya kay Sylvia. Nakita niyang natigilan ito na waring nag-iisip.Magsasalita sana ito nang marinig nilang napatili ang lahat. Nagpropose si Cali kay Alexa sa harapan ng lahat.PARANG MAIIYAK SI ALEXA HABANG HINDI makapaniwalang nakatingin kay Cali. Sapat na sa kanyang makita itong buhay kaya parang wala siyang pagsidlan ng kaligayahan habang nagpro-propose ito sa kanya. Ang tagal niya itong pinangarap at buong akala niya, hindi na talaga niya makakasama pa ang lalaking pinakamamahal niya.“C-Cali. . .” mangiyak-ngiyak siya habang nakatingin sa lalaking nakaluhod sa harapan niya habang nakalahad ang singsing. “Alam mo naman kung ano ang isasagot ko, hindi ba?”Tumayo si Cali at
“SHIT!!! Shit!!!” sigaw ni Lander habang nagpapakalunod siya sa alak kasama nina Cali. Humalumbaba si Alexa sa harapan niya, alam niyang gusto nitong makatulong lalo pa nakikitang nahihirapan siya. Pero gaya ng parents niya, hanggang advice rin lang ang maibibigay nito sa kanya.Hindi naman nito hawak ang desisyon ni Sylvia.“Gusto mong kidnapin natin si Sylvia?” Tanong ni Alexa saka nilingon si Cali na kumunot ang nuo sa suggestion ng dalaga.“Ano na namang kalokohan ang naiisip mo, love?” Si Cali na inakbayan si Alexa saka tumingin sa kanya, “Suyuin mo na lang syang muli, Lander. Kung talagang mahal ka nya, babalik at. . .”“Love, gusto mo bang matulad satin sina Lander na katakot-takot na panahon ang sinayang?” Sabi ni Alexa dito saka tumingin sa kanya, “Lander, ako ang pakinggan mo. Kidnapin natin si Sylvia. Three days. Sapat na iyon para iparamdam mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal. Wag kang mag-aalala, kami na munang mag-aalaga kay Sebastian. Kung gusto mo, kakausapin
“I’M SORRY GUYS PERO hindi na ako umiinom,” sabi ni Sylvia kina Debbie nang yayain siya nitong gumimik.Nagkatinginan sina Sophie, Debbie at Alexa. “Sylvia, hindi mo ba kami nami-miss?” Parang nagdadramang sabi ni Alexa dito, pinahaba pa ang nguso, “Namiss ka namin sobra.”“Oo nga naman, Sylvia. Kung may hindi man kayo pagkakaunawaan ni Kuya Lander, labas na kami duon. I hope kung ano yong turing mo sa amin dati, wala pa ring nagbabago kasi hindi naman nabago iyong turing namin saiyo,” si Debbie.“At saka hihiramin ni Mommy si Sebastian para magdamag tayong makapag-bonding. Miss na miss ka namin, Sylvia and I hope ganun ka rin samin.” Ani Sophie.Naantig ang dadamin ni Sylvia. Ang totoo, namiss rin niya ang mga ito. Gusto lang sana niyang umiwas sa mga ito para makapag-move on na siyang tuluyan kay Lander. Pero tama naman si Debbie. Hindi niya kailangang isali ang mga ito sa kung anuman ang nangyari sa kanila ni Lander.Bumuntong hininga siya ng malalim, “Okay guys, magpapaalam
“MASAYANG-MASAYA AKONG NATAGPUAN MO RIN ANG PAG-IBIG na para saiyo, apo ko.” Tuwang-tuwang sabi ni Don Teodoro kay Kevin habang hinihintay nila papalapit sa altar si Debbie.Ngayon ang araw ng kasal ng mga ito at masaya ang lahat para sa dalawa. Nagpaikot-ikot man ang kwento ng pag-iibigan ng mga ito, at least ay sa simabahan rin nauwi ang mga ito.Samantala ay wala namang pagsidlan ng kanyang kaligayahan si Kevin habang nakamasid kay Debbie na inihahatid ng ama papalapit sa kanya. Mangiyak-ngiyak siya habang inaalala ang lahat ng kanilang mga pinagdaanan ni Debbie bago nila marating ang ganito.Masaya siya na nakinig siya sa kanyang Lolo. Ito na yata ang pinakamasayang araw para sa kanya. Sa wakas ay nakamit na rin niya ang kanyang pinakaasam. Ang mahalin ng babaeng kanyang pinakamamahal.“Salamat po, Lolo,” bulong niya sa kanyang abuelo.MASAYANG-MASAYA SI DENVER habang inihahatid nilang mag-asawa ang kanilang panganay patungo sa altar kung saan naghihintay dito si Kevin. Akala
“MASAYA AKO PARA SAIYO, KEVIN,” MASAYANG sabi ni Debbie kay Kevin nang puntahan siya nito para magpaalam, “At least mababalikan mo na ang mga pangarap mo.”Tinitigan siya ni Kevin, saka niyakap siya nito nang mahigpit, “Salamat Debbie.” Halos paanas lamang na sabi nito sa kanya, “Tinuruan mo ako ng tunay na kahulugan ng pagmamahal.”Napakurap-kurap siya at somehow ay may namuong mga butil ng luha sa sulok ng kanyang mga mata.Hanggang umalis ito ay tahimik lamang siya sa gilid ng pool. Panay ang tukso sa kanya nina Alexa. Kung gusto raw niyang umiyak, umiyak siya. At ewan kung bakit parang gusto nga niyang umiyak ng mga sandaling iyon. Masaya siyang tutuparin ni Kevin ang mga pangarap nito ngunit sa pinakasulok ng puso niya, hindi niya maipaliwanag kung bakit may naramdaman siyang kalungkutan.Naalala na ba niya ang damdamin niya para dito?Napapailing na tumalon siya sa pool at lumangoy ng lumangoy. Hanggang maramdaman niyang naninigas ang kanyang mga binti. Iwinagayway niya an
ISANG BUWAN na hindi nagpakita si Kevin kay Debbie. Ni tawag or pangungumusta ay hindi nito ginawa at naisip niyang mainam na nga ang ganun kesa naman nakikita lang niya itong nagmumukhang kawawa sa panunuyo sa kanya.Tinigilan na rin niya ang pakikipagdate. Nang mag-start ang semester ay pumasok na siya at muling nanumbalik ang interes niya sa pag-aaral. Nanumbalik na rin ang sigla niya as if parang walang nangyari or namagitan sa kanilang dalawa ni Kevin.Samantala si Kevin naman ay unti-unti nang natatanggap na wala na siyang babalikan pa sa piling ni Debbie. Pero wala siyang pinagsisihan. At least ay sinubukan niyang magmahal. Kung hindi man iyon naging matagumpay, wala na siyang magagawa pa.Masaya siyang malaman na normal na ulit ang takbo ng buhay ni Debbie. Siguro ay hanggang duon na lang talaga sila. Ngunit hindi siya magsasawang maghintay kahit abutin pa iyon ng magpakailanman.But for the meantime, kailangan niya ring magmove on at tuparin ang kanyang first love whi
“DEBBIE, ANO itong ginagawa mo? Nakikipagdate ka sa ibang lalaki habang si Kevin, matiyagang naghihintay sa pagbabalik ng mga alaala mo? Talaga bang nakalimutan mo na kung gaano mo siya minahal? Ano bang nangyayari saiyo?” Tanong ni Sophie kay Debbie nang hilahin niya ito palayo sa lalaking kasama nito.Napangisi si Debbie, “Wala akong obligasyon kay Kevin! Ni hindi ko nga alam kung talaga nga bang minahal ko siya kagaya ng paulit-ulit ninyong sinasabi sa akin. Saka pinahirapan nya ako dati, hindi ba?”“So, gusto mong gumanti?”“No. It’s just that kahit anong pilit ang gawin ko, wala akong maramdaman para sa kanya,” paliwanag ni Debbie.Napahinga ng malalim si Sophie saka nilingon ang lalaking kasama nito, “At san mo naman nakilala ang lalaking yan?” Kunot nuong tanong niya.“Sa online dating app.” Nakangising sagot ni Debbie, “Ang guwapo nya, hindi ba?”“Ewan ko saiyo,” napapailing na sabi niya rito, “Naguguluhan na ako. Dati, halos ilagay mo si Kevin sa pedestal. Ngayon naman
"Pano kung sabihin ko sa iyong ni Isa sa mga kwento mo wala akong maalala?" Sabi ni Debbie kay Kevin habang nakatitig siya rito. Pilit niyang nirerecall ang lahat ng memories niya with Kevin pero wala talaga siyang matandaan kahit na isa.Ramdam niya Ang disappointment ni Kevin habang matiyaga itong nagkwekwento sa kanya ng mga nangyari sa kanila.hinawakan into ang mga kamay niya. Pinilit niyang kapain sa dibdib niya kung may kilig na hatid iyon sa kanya pero wala talaga. In fact may awkwardness si yang nadarama kaya mabilis niyang binawi ang kanyang mga kamay mula dito.Dinukot ni Kevin sa bulsa ang phone nito at binasa ang Ilan sa mga messages niya."Hindi ako magsasawa at mapspagod hintayin ang yung pagbabalik kahit bumilang pa iyon ng ilang taon. Dahil alam ko sa puso ko, darating ang araw na Muli tayong pagtatagpuin ng kapalaran. Ngayon pa lang ay tinitiyak ko ng Ikaw ang lalaking para sa akin. Kung Hindi man sa ngayon, baka sa susunod kong buhay. . ."Napakurap kurap si Debbie
“UNDER OBSERVATION pa sa ngayon ang pasyente. We can’t tell kung ito ba ay transient global amnesia or ang tinatawag na temporary memory loss o pemanent na ba ang nangyaring ito sa kanya. Sa ngayon ay kailangan niyang sumailalim sa ilang eksaminasyon para matantiya ang pinsalang dinulot ng traumatic events sa kanya. Bukas ay naka-schedule na siya para sa Cerebral angiography,” paliwanag ng doctor sa kanila, “Sa ngayon, ang tanging magagawa natin ay huwag bigyan ng stress ang pasyente.”Tahimik lamang si Kevin habang pinapakinggan ang sinasabi ng doctor. Napakasakit para sa kanya na sa lahat ng taong naroroon, bukod tanging siya lamang ang hindi nito nakikilala.Ngunit alam naman niyang hindi iyon kasalanan ni Debbie. Nagkaroon raw ng trauma ang utak nito kaya may mga bagay itong hindi maalala sa ngayon. Natatakot siyang baka tuluyan na siya nitong hindi maalala. Kasabay niyon, makakalimutan na rin nito ang damdamin nito para sa kanya.WALANG KIBO SI DEBBIE habang pinagmamasdan
UNCONCIOUS pa rin si Debbie nang datnan ni Kevin matapos ng naging operasyon nito sa ulo. Ni hindi na siya umaalis sa tabi nito. Araw-araw rin ay binabasa niya ang mga ipinapadala nitong messages sa kanya na ni hindi niya nagawang basahin nuong nasa Sicily pa siya dahil naging abala siya para sa kanyang gaganaping exhibition. Iyon naman pala ay iiwanan rin niya nang dahil kay Debbie.“Dearest Kevin, nandito lang ako. Naghihintay saiyong pagbabalik. At kahit na walang kasiguraduhan kung kailan iyon, palagi mong tatandaan na hindi ako mapapagod kahit na kailan.” Napahinto siya sa pagbabasa ng mensahe nito nang waring gumalaw ang isang kamay ni Debbie.Ginagap niya iyon at hinalikan, “Please Debbie. . .gumising ka na.”Wala siyang ibang hangad ngayon kundi ang kaligtasan ni Debbie. Kaya niyang iwanan ang lahat alang-alang sa babaeng ito. Nakakatawa ngang ngayon lamang niya napagtanto kung gaano niya ito kamahal. Napakalaking gago niya para iwanan ang babaeng sobrang espesyal sa k
PAKIRAMDAM NI KEVIN ay huminto ang pag-ikot ng mundo ng mga sandaling iyon. Para siyang nanghihinang napakapit sa silya, “Debbie. . .” mahinang usal niya habang binabasa ang mensahe ng kanyang lolo. Unti-unti ang mahinang usal ay nauwi sa isang napakalakas na sigaw, “Debbie. . .” tumakbo siyang palabas ng gallery. Nagtataka ang mga spectators na naroroon para sa kanyang exhibitions ngunit sa ngayon, ang tanging concern niya ay ang kaligtasan ni Debbie. Kaagad niyang tinawagan ang kanyang Lolo Teodoro.Ilang sandali pa at kausap na niya ito sa telepono, “Anong nangyari kay Debbie?” Puno ng pag-aalalang tanong niya. Hindi pa man ay nangingilid na ang kanyang mga luha.“Nabangga siya ng humaharurot na motor sa tapat ng condominium na tinutuluyan ninyo. Ang sabi ng Mommy nya, halos araw-araw raw bumibisita dun si Debbie kahit sa labas lang ng building.”“Lolo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Debbie. Uuwi na ako, Lolo,” pagkasabi niyon ay nagmamada
MULING NAGSEND NG NOTIFICATION ang cellphone ni Kevin bilang reminder na may natanggap muli siyang messages mula kay Debbie. Actually, excited na rin siyang muli itong makita but since busy siya sa darating niyang exhibit ay hindi muna niya sinasagot ang mga messages nito. Ayaw niyang madistract siya.Ang mahalaga, masigla nang muli si Debbie. Bumalik na rin ang pangangatawan nito sa huli nitong ipinadalang larawan sa kanya.Pagkatapos ng exhibit, magbabalik na siyang muli sa Pilipinas. Narealize niyang tama ang kanyang Lolo Teodoro. Tama na ang denial. Hindi siya maaring mabuhay sa kanyang nakaraan. Mas lalong hindi niya dapat pairalin ang pride at ang takot dahil kahit na kailan ay hindi siya magiging masaya kung palaging ang nakaraan ang buhay sa kanyang mga alaala.Mas lalong hindi na niya kayang takasan pa ang tunay niyang nararamdaman para kay Debbie. In fact he was planning a surprise proposal for her. Ngayon lang siya naging ganito kasigurado sa isang babae at ayaw na