Six Months Later
"Ang daming kliyente kanina, sabay-sabay pa iyong mga site project tapos nakapagclose tayo ng kontrata sa isang firm. Nakakapagod pero worth it naman." si GM iyon, katatapos lang ng meeting namin para sa kontrata ng isang malaking firm na nagpasyang magpakontrata para sa gagawing bagong building ng opisina nila, ang JYB Interiors.
Ang proyekto ay para sa six storey building na gusto nitong ipatayo para sa bubuksang opisina nila dito sa Manila. Ayon sa nakausap namin, nais mag-expand ng may ari at dahil maganda ang potential ng market ng Manila at dito nito napiling magbukas ng main office.
"Oo nga, worth it naman and this calls for a celebration. Malaki-laking kontrata rin iyon at isa pa, pwedeng hindi muna tayo tumanggap ng ibang project for the meantime." sabi naman ni Chu na siyang assistant ni GM.
"Oo nga, hanggat hindi natatapos iyong sa JYB pwedeng hindi muna tayo tumanggap. Baka hindi rin kayanin ng mga tao, ano tara?"
"Sige ba, o Eli tara na sumama ka, yayain din natin ang iba pa."
"Ha? A-ano kasi ma-"
"Ano ba ang gusto mo? Beer, wine or ladies drink? Kahit ano, pwede mong orderin." nagpatuloy si Chu sa pagkumbinsi sa kanya.
"Beer na lang ang akin, kaso kas-"
"Okay, we're set then. Five minutes na lang before matapos ang office hour, see you sa lab-"
"Hindi ako pwede," sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng tinig na nagsalita. Eksakto namang palabas si Maple sa meeting room at eksaktong papalapit sa amin. Nauna kasi kaming lumabas sa kanya kaya naiwan siua sa loob ng meeting room kanina.
"Ganoon ba? Sayang naman, pero hindi bale at kami na lang ang aal-"
"Hindi rin makakasama si Eli."
Pagkasabi ni Maple noon ay agad ko siyang tinignan ay ngumiti lamang soua sa akin.
"I have to talk to the suppliers para JYB project natin. Kailangan ko naman si Eli to search on something for me para pa rin sa project kaya hindi siya pwedeng sumama."
"Ano ba yan, ang kj mo naman. We still have time," reklamo ni Chu kay Maple. "Bukas ninyo na iyan gawin, hindi naman nagmamadali ang JYB."
"Hindi pwede, konti na lang ang oras ng team ko para sa kakailanganing materyales sa construction. We still need to consult JYB Interiors kung anong gusto nilang design for their project and I heared metikuloso pagdating sa designs 'coz its their expertise, hindi natin afford na mapahiya kaya ngayon pa lang wala nang dapat aksayahing oras."
Tinitignan ko lamang si Maple habang nagsasalita siya dahil sobrang seryoso niya si Chu naman ay halatang naiinis na samantalang tatawa-tawa na lang si GM.
"Napaka mo, kung ayaw ninyong sumama bahala kayo. Tayo na lang dalawa GM, ang kj ng mga tap rito." sabi pa nito sabay lakad palayo.
"Hala, nagtampo ata si bakla." natatawang sabi ni Maple pagkaalis ni Chu.
"Hayaan na ninyo siya, kami na lang ang lalabas mamaya. Let's do a team dinner kapag natapos na lang JUB project natin."
"Copy, GM" nakangiting sabi ni Maple.
Samantalang tumango naman ako sabay ngiti na rin.
Nagpaalam si GM upang habulin ang nagtatampong si Chu pagkaalis na pagkaalis noto ay saka naman ako nilapitan ni Maple sabay tawa.
"Nakita mo ba iyong reaksiyon ni bakla? Parang iiyak na."
"Oo nga, mukhang nadisappoint talaga siya." sang-ayon ko sa kanya.
"Magtigil siya, kagabi lang magkakasama tayo sa Angelo's tapos gusto niya lumabas na naman tayo? Ano iyon araw-araw walwal?"
Natawa ako nang maalala ang sinabi niya, kagabi lang kasi ay magkakasama kami sa isang bar dahil birthday ni Chu at doon ito nag-celebrate. Wala namang itong halos kaibigan at kami lang ni Maple ang madalas niyang kasama. Kaya rin siguro parang nagtampo ito na hindi kami sasama ni Maple sa kanila ni GM mamaya.
"Oo mga pala, ano ba iyong ipapagawa mo sa akin?"
"Wala, may ipapagawa nga kami pero hindi pa ngayon kaya pwede ka nang umuwi."
Bigla akong maguluhan sa sinabi ni Maple. Ngumiti siya sa akin bago muling nagsalita.
"Nabanggit mo na may lakad ka ngayon hindi ba? Kaya sinabi ko na lang na may ipapagawa ako kasi alam kong hindi ka naman makakatanggi sa kanila, At saka isa pa, gusto ko rin kasing umuwi nang maaga kaya nagdahilan na ako." kinindatan niya ako sabay tawa.
"Thank you, oo nga may lakad nga ako."
"O siya sige na, hindi na kita patatagalin pa. Umuwi ka na, magkita na lang tayo bukas at bukas ko na lang ibibigay iyong ipapagawa ko sa iyo."
"Sige, salamat."
Matapos kong magpaalam kay Maple ay nauna na akong umalis, nagpaiwan siya dahil hihintayom pa raw niya ang sundo niya at kailangan pa niya magligpit ng mga gamit.
Pagkalabas ng opisina ay dumiretso ako sa isang restaurant kung saan kami magkikita ng ate ko at ng asawa niya. Nakapangako akong sasama ako sa kanil para sa anniversary dinner nilang dalawa.
Sa probinsiya na nakatira ang kapatid ko at ang asawa niya, eksaktong lumuwas sila ng Manila kaya nagpasya silang makipagkita sa akin at yayain akong lumabas. Nasa Amerika pareho ang mga magulang namin at doon na naninirahan, kami naman ay piniling manatili dito sa Plipinas dahil sa sarili naming mga dahilan. Si ate ay dahil sa asawa niya at ako naman ay...
"Eli!"
Napaangat ako ng tingin at hinanap ang direksyon na pinanggalingan ng boses na tumawag sa akin. Eksaktong kapapasok ko pa lang ng restaurant kung saan kami magkikita ni ate at kuya Jun ay narinig ko na ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko.
Kumaway ako at ngumiti ng makita ko ang ate ko, agad akong nagtungo sa mesa nila at matapos silang batiin ay naupo na ako. She was still beautiful at kahit pa nasa late thirties na siya ay hindi naman iyon mababakas sa mukha ng ate dahil bata pa rin siyang tignan.
"I missed you, mabuti na lang at dito sa Maynila ang appointment ng kuya Jun mo." bungad ni ate sa akin pagkaupo ko.
Natawa naman ang asawa niya dahil sa ginawa niya.
"Naku Eli, kanina pa ako kinukulit nitong ate mo. Miss na miss ka, kanina ka pa pinapatawagan sa akin at baka hindi ka raw sumipot."
"Hindi ka pa ba nasanay diyan sa misis mo, kuya?" sabi ko naman sabay tawa.
"Malamang, dadalawa na lang tayong nandito at saka hindi naman malapit ang Isabela 'no. Kaya sinusulit at sinasamantala ko kapag alam kong magkikita tayo." depensa naman ni ate Elise.
Napuno na kwentuhan at tawanan ang mesa namin hanggang sa matapos kaming kumain, muntikan pa naming hindi maubos ang lahat ng inorder ni ate sa sobrang dami. Akala ata niya ay lima kami sa mesa, panay rin ang kwento ng mag-asawa tungkol sa US trip nila at sa pagbisita nila kina mama at papa doon bilang parte ng anniversary treat ni kuya Jun sa kanya.
"Miss na miss ka na rin nila papa at mama, tinatanong nila kung," bahagya siyang tumigil at tinignan ako sa mga mata.
Doon pa lang ay alam ko na kung ano ang tinutukoy niya. Alam kong labis na nag-aalala sa akin ang mga magulang ko matapos ang nangyari anim na buwan na ang nakakalipas. Hindi ko rin naman sila masisi, bunsong anak ako at alam kong kung hihilingin ko ay uuwi sila rito para samahan ako.
Ayoko na silang pag-alalahanin pa kaya isang malaking ngiti ang isinukli ko sa ate ko at kay kuya Jun.
"Okay naman na ako, I'll call them later. Okay naman na talaga ako, ate."
"Sigurado ka?"
"Okay ka na ba talaga? Kung gusto mo naman ay pwede kang mag-stay sa amin sa Isabela. Pwede namang ikaw na ang magmanage noong flower shop ng ate mo doon at pwe-"
"Okay lang naman ako dito, kuya. Nag-eenjoy naman ako sa ginagawa ko at saka isa pa, nakalimutan ko na iyong nangyari. Nakamove on na ako 'no."
"Eli sum-"
"Ate, may trabaho ako rito at masaya ako. Gusto kitang makasama, pero gusto ko rin namang tumayo sa sarili ko. I wanted to do something for myself, at saka hindi ko na iniiyakan yung abnormal na si Ry- iyong siraulong iyon. Okay na talaga ako, sobrang okay na talaga."
"Talaga?" paniniguro ni ate.
"Oo nga, promise!"
"O siya sige, naniniwala na kami. Ay oo nga pala, nag-order ako ng strawberry shortcake nila rito. I ordered two dahil sa iyo ang isa."
Alam ni ateng paborito ko ang kahit anong gawa sa strawberry, noon bata pa ako ay madalas ko siyang niyayaya sa Baguio para lang doon at wala siyang magawa kung hindi ang pagbigyan ako dahil sa kukulitin ko siya halos araw-araw.
"Thank you."
Mag-aalas nuwebe na nang gabi nang magpaala sila ate sa akin. Niyayaya pa nga nila ako sa hotel nila para makasama pa ako ng matagal ngunit hindi na ako pumayag dahil ayoko na silang maabala pa.
"Magkita na lang ulit tayo bago kayo umuwi ng Isabela, huwag niyo na akong isama sa hotel ninyo at baka makaabala pa ako." sabay tingin kay kuya Jun.
Nakuha naman nito ang ibig kong sabihin at sabay kaming tumawa habang si ate naman ay walang naman ma-gets sa pinag-uusapan namin.
"O siya, tawagan mo ako kapag nakauwi ka na."
Tumango na lang ako, matapos nilang magpaalam ay naghanda na rin ako para lumabas. Papalakad na ako sa pintuan nang may makitang pamilyar na mga mukha sa nadaanan kong mesa.
"Tignan mo ang isang iyon, akala mo kung sino. Hindi ba niya alam na maraming naiinis sa kanya?" sabi ng isang lalake.
"Oo nga, masyadong magmarunong wala namang binatbat." sabi naman ng isa pa.
Tinignan ko ang direksyon na tinitignan nilang dalawa at nakita ang isang parang pamilyar pang mukha malapit sa bar counter, may kausap itong babae at parang seryosong masyado ang usapan nila.
"Sino siya? Anong problema ninyo sa kanya?" tanong ko sa mga ito matapos kong bahagyang lumapit sa mesa nila.
Sabay na napalingon ang mga ito sa akin at nagulat pa ng makilala ako.
"Eli," bati sa akin ni Gim nang makabawi sa pagkagulat sa akin.
"Ikaw pala iyan, maupo ka muna."
Umupo ako sa bakanteng silya sa tabi ng mga ito, inilapag ko rin muna ang cake na bigay ni ate sa mesa pati na rin ang jacket ko sa sandalan ng upuan.
"Kamusta ka na, ling time no see ah. Hindi ka umattend noong nakaraang reunion."
"Busy kasi, ang daming ginagawa sa firm. Kayo kamusta?"
"Ayos lang naman, hinahanap ka nila Mika. Ang akala nga nila kinasal ka na, diba matagal na kayo ng boyfriend mo, iyong classmate natin noong third year."
"Si Ryan, diba matagal na kayo? Kamusta na siya, ang balita namin kakauwi lang niya galing sa Japan. Sabihin mo naman sumama siya sa iyo kapag nag-reunion tayo."
"Talaga ba? Hindi ko alam na nakauwi na pala siya, actually hindi ko nga alam na nag-Japan siya. Wala na kasi akong balita doon, hindi na kasi kame, matagal na."
Naglalakad ako palabas ng restaurant, matapos na ungkatin nila Gim at Cris ang tungkol kay Rya- sa bwisit kong ex ay nawalan na ako ng gana at nagpaalam na umalis.
"Bakit ba kailangan pa nilang sabihi ang pangalan ng bwisit na iyon? Close ba sila? Kalalakeng mga tao nuknukan ng mga chismoso, napaka-insensitive, sinabi ko nang wala na kame nagtatanong pa rin mga bwi-"
"Miss, miss!"
Hindi ko na natapos pa ang pagmo-monologue ko dahil sa narinig kong tila may tumatawag sa akin sa likuran ko. Agad kong nilingon iyon at nakitang naroon ang lalakeng kanina lang ay pinag-uusapan ni Gim at Cris sa loob ng restaurant.
"Bakit mo ako hinahabol?"
Sa halip na sumagot ay iniangat nito box na dala-dala niya. Kapareho iyon ng box ng cake na binili ni ate sa restaurant kanina.
"Ano iyan?" nagtatakhang tanong ko sa lalake.
Hinihingal pa itong nagsalita, marahil dahil sa pagtakbo para mahabol ako. Pweo bakit?
"N-nagkapalit tayo, iyo ata ang cake na ito at akin iyang dala mo."
"Nagkapalit?" agad kong sinilip ang cake box at nakitang iba nga ang flavor ng cake na nasa loob nito.
Lumapit ako sa kanya at tinignan ang loob ng box na dala niya at nakitang iyon ang strawberry shortcake na binili ng ate kanina.
Agad kong inabot sa kanya ang box na dala ko at kinuha ang ibinibigay niya. Nagpaalam siya sa akin at nagpasalamat bago tumalikod nang maalala ko ang mga sinabi ni Gim at Cris kanina tungkol sa kanya.
"Teka lang,"
Pumihit siya ng bahagya paharap at saka ako tinignan.
"Babalik ka pa ba doon sa restaurant?"
"Kailangan kong bumalik dahil nandoon pa ang mga kasama ko."
"Huwag ka nang bumalik doon, samahan mo na lang ako. May alam akong magandang lugar, may masarap ding inumin doon kaya siguradong matutuwa ka."
"Sabi ng nanay ko don't talk to strangers daw kay bakit ako sasama sa iyo."
"Ang tanda mo na, tapos lalake ka pa ano namang laban ko sa iyo? At saka hindi ako strangers, magkakilala tayo."
Buong pagtatakha niya akong tinignan.
"Ikaw si Jae Brillantes hindi ba?"
"Ako nga, paano mo akong kilala? Stalker ba kita?" buong pagtatakhang tanong niya.
"Feeling ka naman, stalker agad? Magkaklase tayo. Noong highschool, advisory class ni Mr. Hugo. Row five, gitnang upuan, section Balagtas."
"Magkaklase tayo?"
"Magkatabi tayo ng upuan huwag kang umastang may amnesia."
"Bakit hindi kita matandaan?"
"Nasa edad iyan, you know, memory gap. Ano? Tara na, hindi na ako strangers. Malinaw na magkakilala tayo."
Sa halip na sumagot ay muli itong tumalikod. Hindi na ako nagpumilit pa, bumaling na rin ako at nagsimulang mgalakad nang marinig kong magsalita siya.
"Kung sasama ba ako, manlilibre ka?"
"Call," maiksing sabi ko at saka ako nagpatiunang maglakad sa kanya.
Pinagsalikop ko ang mga kamay ko upang gumawa ng kunwaring telescope, sinilip ko sa pamamagitan noon ang mga bituing animo'y parang mga mumunting diyamante sa langit, maging ang bilog na buwan na para bang malaking plato sa kalangitan.Nagsimula kong igala ang paningin ko sa kabuuan noon at pagkatapos ay bumaling sa lalakeng nakaupo sa di kalayuan."Anong ginagawa mo?""Tinigtignan ko sila." sabi ko sabay turo sa langit."Sila? Sinong sila?""Iyong mga bituin, ang ganda hindi ba? Hindi ka makakakita niyan basta-basta kahit saan. Alam mo ba na ito ang pinakamataas na lugar dito at ito rin ang perfect na ligar para pagmasdan sila."Tapos ay kinuha ko ang banana milk na binili ko kanina. "Oh." sabay abot sa kanya."Ano 'to?""Luh, bulag ka ba? Banana milk, ano pa ba sa tingin mo?""Alam kong banana milk iyan, ayan oh
Naramdaman ko ang mararahan niyang paghalik sa akin, ang pagkilos niyang iyon ay nagdadala sa akin ng kakaibang pakiramdam na ni sa hinagap ay mararamdaman kong muli. Gustong umalma ng isip ko, gusto akong patigilin nito sa kasalukuyang kahibabangang nangyayari ngunit sadyang mas malakas ang epekto ng mga halik niya. It was warm yet gentle, bagay na hindi ko naramdaman noon kay Ryan sa walong taong magkasama kami. Kasabay ng mga halik na iyon ay ang pag-alalay ng isang kamay niya sa likod ka at ng isap naman ay marahang humahaplos sa mukha ko. He is caressing my face as if I am that precious to him. Na para bang ayaw niyang mawala ako sa kanya nang mga sandaling iyon. His kiss became deeper, his touches more intense. Para akong lalagnatin at hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pakiramdam na ibinibigay ng paghalik at haplos niya o dala lang iyon ng epekto ng alak na nainom ko kanina. Pero kung anuman iyon ay masasabi kong gusto ko an
Nang mga oras na iyon ay hiniling kong lamunin talaga ako ng sahig, gusto kong magkakaripas ng takbo at magtago pero huli na ang lahat dahil nakalapit sa amin ni Maple si JYB. Napatalikod na lang ako nang makitang ngumiti siya sa amin tapos ay bigla niya akong tinignan."Good morning Mr. Brillante, welcome to our office.""Good morning, Maple. I am truly sorry for coming with such short notice, minamadali na kasi ng management ang construction ng bagong building and we can't afford to miss the deadline.""Sure no problem sir, we are ready anytime. And by the way po pala, I would like you to meet Eli Gonzales. She will be the one helping me with all your concerns. Eli, si JYB.""H-hello, nice to f-finaly m-meet you sir." inilahad ko ang kamay ko nang hindi siya tinitignan at naramdaman kong inabot naman niya ito.Tinignan ko si Maple na takang-taka sa ikinikilos ko. Nginusuan pa ako nito at sine
Nadatnan ko si Maple na nasa pantry at nagtitimpla ng kape, hindi niya ako napansing pumasok kaya naman nagpatuloy lang ito sa ginagawa niya habang ako naman ay kumukuha ng baon ko na nilagay ko sa ref. "Kalabaw na buntis!" nagulat pa siya nang tuluyan na akong mapansin na paupo sa tapat niya. Naupo siya sa mesang naroon at hinintay akong matapos."Saan ka nagpunta kahapon, bigla kang nawala.""H-huh?" hindi ko alam kung paano siya sasagutin. Alangan namang sabihin kong kasama ko ang kliyente namin nagkataong kaklase ko pala noong highschool. "W-wala naman, may pinuntahan lang.""Kasama si JYB?"Natigilan ako nang banggitin niya ang pangalan ni Jae. "P-paano mong nal-""Nakita kong sinundo ka niya kahapon, may hindi ka ba sinasabi sa akin?" nagpatuloy ito sa pag-uusisa at alam kong hindi siya basta titigil.
"Kanina ka pa hindi mapakali, ayos ka lang ba?" Hinawakan ako ni Maple sa kamay nang mapansin marahil niyang hindi ako kumikibo."Naiinitan ka pa rin ba, Eli? Kasi ako, parang init na init na eh." Nanlalanding sabi naman ni Chu na halatang nag-eenjoy sa presensiya ng katabi niya.Sinenyasan ko itong manahimik pero tila naman nananadya itong lalong inilapit pa ang sarili sa katabi. Mabuti na lang rin at ayos lang iyon kay Jae, wala naman kaming narinig na pag-angil dito kahit pa panay ang pagdiga ni Chu sa kanya. In fact he was all for it, game siyang nakipagkwentuhan rito kahit oa ng personal na mga bagay.Tinignan ko si Maple at saka ako ngumiti. Hindi na sana ako magsasalita pa ngunit bigla kong nabali iyon dahil sa narinig kong turan ni Jae kay Chu nang tanungin siya nito kung may girlfriend na siya."I don't have one right now, pero kung papayag iyong kausap ko. Baka magkaroon na ako very soon." He said te
Wala na akong nagawa pa kung hindi ang magpahatid sa kanya. My first plan si just to wait until Ryan and Kim left the parking lot pero mukhang hindi makapaniwala ang mga ito sa naging rebelasyon namin.They waited for us to left first. Hindi talaga umalis ang mga ito sa pwesto nila kanina hangga't hindi kami umaalis kaya nama wala na akong choice kung hindi ang sumama sa kanya."So babe, what's going to hap-""Manahimik ka, huwag mo akong ma-babe babe diyan ah.""Ang sungit mo naman, sa iyo naman galing iyon ah.""Ginawa ko lang iyon para mapaniwala sila.""Na nakamoved-on ka na?"Napalingon ako sa sinabi niya, how does he even know all about it? Wala naman akong sinabi sa kanya.Wala nga ba?"I knew everything,""Paano, aber?""You told me,"Kailan? Wala akong matandaan.
"Bakit nandito ang mga iyan?" Hindi na napigilang tanong ni Chu sa akin habang pinagmamasdan ang mga bagong dating.It was Ryan and Kim, dumating sila kanina at hinanap ako para sa ilang mga detalye sa project involving JYB Interiors. Bagay na ipinagtakha ko dahil ang buong akala ko ay si Jae ang kakausapin ko tungkol dito."Hindi ko rin alam, hindi ako na-inform" kunwari ay nakatingin ako sa dalawa habang maingat na ibinulong ang sagot ko sa tanong niya. Narinig kong bumuntong-hininga si Chu sabay irap sa mga ito, nabahala pa ako baka ma-offend si Kim dahil kanina pa niya kami tinitignan ng katabi ko pero sa huli ay naisip kong wala pala akong pake."I'll leave you here dahil biglang sumama ang hanging nararamdaman ko. I'll be outside when you need me," the he pulled me closer at saka ako muling binulungan. "Sumigaw ka lang kapag may ginawa sa iyo ang isang iyan, hindi ako magdadalawang isip na turuan sila ng leksyon."
Napagkasunduan naming magkita ni Jae sa restaurant malapit lang sa opisina ng kompanya namin. He was already sitting at a table na nireserve raw nito sabi ng waiter na sumalubong nang dumating ako and he was all smiles upon seeing me, iyong tipo ng ngiti na akala mo eh nakakaloko."Alam mo ngayon pa lang gusto ko nang alisin iyang nakakalokong ngiti sa mukha mo." nagbabantang sabi ko pa habang umuupo ako.Wala na akong pakialam kung kliyente namin siya, he is not JYB to me at this very moment. Para sa akin, siya ngayon si Jae. Ang lalakeng pinagsisisihan kong iniligtas noon kina Chris at Gim."Why the long face, babe?" nagpatuloy siya sa pagngiti hanggang sa makaupo ako kaya lalo lamang akong nainis."Huwag mo akong ma-babe babe diyan kung ayaw mong maligo ngayon diyan sa pwesto mo." nagbabanta lang sabi ko habang hinahawakan ang baso ng tubig sa harapan ko.Nakita ko siyang napalunok as he dir
"Kailan ka luluwas?"Dinig na dinig ko mula sa kabilang linya ang lakas ng boses ni Chu samantalang si Maple naman ay narinig ko ring nagsasalita sa pagitan ng mga reklamo nito. Hindi ko na napigilang matawa, mag-iisang taon na rin kaming hindi nagkikita, isang taon na rin akong hindi nakakaluwas sa Manila kaya naman naiintindihan ko kung bakit ganoon siya makipag-usap sa akin."Sa isang linggo na po,""Akala ko nakalimutan mo na kami, mag-iisang buwan mo nang pinapangako sa amin na luluwas ka eh hanggang ngayon naman hindi namin nakikita kaluluwa mo.""Grabe naman makamiss iyan, galit na galit ka naman, teh.""Paanong hindi, eh hindi namin mayaya si GM dahil ikaw ang hinahanap. Kailan ka daw ba babalik?""Babalik na nga, grabe naman yung tatlo na kayong kumukumbinsi sa akin na bumalik, paano ba naman ako makakatanggi?""So babalik ka na n
Lumilipad ang isip ko nang mga sandaling iyon, alam kong nasa opisina ako pero ang utak ko ay para nasa kung saan.Hanggang sa hindi ko na namalayang kinukuha na pala ni Chu ang atensyon ko."Ghorl, kanina pa ako daldal nang daldal dito, baka gusto ko akong kausapin." sabi pa nito sa akin, snapping his fingers in front of my face."He tried to contact me, Chu.""Ha?" nagtatakha niya akong tinignan. "What do you mean? Sino?""Jae, he tried to contact me. Tapos nakausap din niya si Maple last year."Lalo namang ikinagulat ni Chu ang sinabi ko."Si Maple? Bakit wala siyang sinabi sa atin? Kailan pa?""Last year, nung birthday ko.""Ha? He tried to contact you at si Maple ang nakausap niya? Anong pinag-usapan nilang dalawa?"Sinabi ko kay Chu ang mga sinabi sa akin ni Jae nang mag-usap sila ni Maple at tulad ko ay hindi rin siya makapaniwala sa narinig niya sa akin. He was beyond shock knowing
Lumilipad ang isip ko nang mga sandaling iyon, alam kong nasa opisina ako pero ang utak ko ay para nasa kung saan.Hanggang sa hindi ko na namalayang kinukuha na pala ni Chu ang atensyon ko."Ghorl, kanina pa ako daldal nang daldal dito, baka gusto ko akong kausapin." sabi pa nito sa akin, snapping his fingers in front of my face."He tried to contact me, Chu.""Ha?" nagtatakha niya akong tinignan. "What do you mean? Sino?""Jae, he tried to contact me. Tapos nakausap din niya si Maple last year."Lalo namang ikinagulat ni Chu ang sinabi ko."Si Maple? Bakit wala siyang sinabi sa atin? Kailan pa?""Last year, nung birthday ko.""Ha? He tried to contact you at si Maple ang nakausap niya? Anong pinag-usapan nilang dalawa?"Sinabi ko kay Chu ang mga sinabi sa akin ni Jae nang mag-usap sila ni Maple at tulad ko ay hindi rin siya makapaniwala sa narinig niya sa akin. He was beyond shock knowing
"Are you sure about that, Eli?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Chu nang kausapin ko siya habang nakalunch break kami.Pinili kong siya ang kausapin dahil alam kong mas maiintindihan niya ako, at alam ko rin na mas okay na siya ang kausapin ko at sabihan kesa kay Maple."Para sa ikakatahimik ko, naming lahat.""Pero paano si Adrien?" tanong niyang muli sa akin.Saglit na hindi ako nakasagot, bigla akong napaisip pero sandali lang iyon. Agad rin akong tumingin sa kanya para sagutin ang tanong niya sa akin."Kaya ko nga ito ginagawa para sa kanya, para sa amin. Ayoko na siyang lokohin, ayoko nang magsinungaling sa kanya. Mahal ko iyong tao, Chu. At nasasaktan akong isipon na pakiramdam ko ay niloloko ko dahil may hindi ako maharap sa nakaraan ko.""Mahal mo ba talaga siya, Eli?""Oo naman, kaya nga tatapusin ko na kung ano mang kahibangan pa ang meron akong natitira para kay Jae. In order for me to move fo
"Are you okay? You seemed bothered, may problema ba?" Sunod-sunod ang naging mga tanong ni Adrien nang marahil ay mapansin nitong nakatulala ako.Hindi ko alam kung kailan pa niya ako sinimulang kausapin at hindi ko na rin alam kung gaano na ako katagal na nakatulala. Parang hinila lang ako pabalik sa reyalidad nang maramdaman kong hinawalan niya ang kamay ko.I look at him worriedly, thinking na baka nag-aalala na siya sa kinikilos ko.I can't help it, after what I have learned yesterday from Lidie pati na rin ang pakiusap ni Jae na pakinggan ko siya, pakiramdam ko ay lalo lang akong naguluhan sa mga nangyari at mangyayari pa."A-ayos lang ako," minabuti ko na lang na ngumiti, pinanalangin ko ring hindi nahalata ni Adrien ang pagiging alangan ko sa sitwasyon.The last thing that I want is for him to feel that there's something wrong with me, with us. Ayokong masaktan siya at ayokong malaman niyang I am beginning
"Ate Eli, close ba kayo ng daddy ko?"Nagulat ako sa tanong ni Lidie na nakaupo sa tabi ko habang tahimik na nagsusulat. Kanina lang ay iniwan ito sa akin ni Jae na may kinaukasap naman sa kabilang table."Ha?""Ang sabi ko kung close ba kayo ng daddy? Kasi palagi ka niyang kinukwento kahit noong nasa US pa kami. He would tell me stories about you tapos kapag tinitignan ko siya he would just smile at me, na parang sobrang miss ka niya. Na parang gusto ka niya palaging makita."Tiningnan ko si Lidie, hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako kung limang taon talaga ang batang ito, iba siya magsalita para sa edad niya. Hindi siya tulad ng ibang bata na iba mag-isip at magsalita. Minsan ay iniisip ko ngang matanda na ito na natrap lang sa katawa ng isang paslit."Kinukwento niya ako sa iyo?""Opo, palagi. Lalo na kaapag magkasama kami at kami lang dalawa."
Nakatulala lang sa akin si Chu na para bang tinatanong ako ng mga tingin niya kung normal pa ba ang pag-iisip ko matapos kong sabihin sa kanya ang nangyari kahapon."Malala ka na talaga, girl. Malamang kung si Maple ang kaharap mo nabatukan ka na ngayon pa lang.""Kaya nga sa iyo ko sinabi, kasi alam ko nama kung anong magiging reaksyon ni Maple kapag sinabi ko yan sa kanya.""So tingin mo ako, wala akong gagawin sa iyo ngayon after hearing what you have just said?" Tinignan nkito ako ng masama na para bang naghahanda siya na batukan ako anumang oras."Hindi naman sa ganoon, pero naisp ko nang mas magaan ang gagawin ko kumpara sa nakahanda niyang gawin kapag nalaman niyang sumama ako kina Jae at sa anak niya.""Anong ginawa mo?"Halos sabay pa kaming napalingon ni Chu sa pintuan ng opisina ko nang marinig namin ang isang pamilyar na tinig. At hindi naging maganda ang pangitaing nakita namin dahil naroon at nakatayo si Maple
"At ano namang gusto niyang mangyari? Hindi pa ba sapat iyong ginawa niya sa iyo noon at ginugulo ka na naman niya ngayon kahit alam niyang may Adrien ka na?" Hindi maiwasang magpakita ng inis ni Maple nang ikwento ko sa kanila ang mga nangyari nitong mga nakalipas na araw.Kababalik ko lang sa opisina matapos ang isang araw na pamamahingang ipinangako ko kay Adrien at ngayon ay nakakumpol na naman sina Maple at Chu sa mesa ko para iinterrogate ako kung anong nangyayari.I even told them about what happened nang magkita ni Jae sa theme park, pati na rin nang aksidente kong makilala ang anak niya na si Lidie."May anak siya?" sabay na bulals ng dalawa matapos marinig ang sinabi ko."Oo, tinawag siyang daddy nung bata,""Kingina, how is that even possible? Two years pa lang mula nung iniwan ka na, ano yun? Magic?" Hindi na napigilan ni Chu ang inis, si Maple naman ay hindi na nagsasalita habang nakatingin sa akin."Did he exp
Nagising ako sa matinding sakit na ulong naramdaman ko, I am in an unfamiliar place na para bang ospital, sa tabi ko ay may stand ng IV na nakakabit naman sa braso ko.Tumingin akon sa paligid, nakita kong walang ibang tao roon maliban na lang sa isang nakayupyop sa gilid ng kamay ko na para bang nagpapahinga. Then he moved, ang buong akala ko ay si Adrien iyon ngunit natigilan ako kaagad nang makilala ko kung sino ang nagbabantay sa akin."I-ikaw?""Kamusta ka?" Biglang gumuhit ang pag-aalala sa mukha ni Jae nang makitang gising na ako.Samantalang nakatingin lang ako sa kanya habang nagtatakha kung bakit siya ang naroon.Nasaan si Chu at Maple?Nasaan si Adrien?"L-lumabas lang saglit si Chu, bumili lang ng makakain saglit. Si Maple naman ay larating na, kamusta ka?""Bakit nandito ka?" Sa halip na sagutin ang tanong niya ay ako mismo ang nagtanong kung anong ginagawa niya sa kwarto ko. "Anong nangyari