Nang mga oras na iyon ay hiniling kong lamunin talaga ako ng sahig, gusto kong magkakaripas ng takbo at magtago pero huli na ang lahat dahil nakalapit sa amin ni Maple si JYB. Napatalikod na lang ako nang makitang ngumiti siya sa amin tapos ay bigla niya akong tinignan.
"Good morning Mr. Brillante, welcome to our office."
"Good morning, Maple. I am truly sorry for coming with such short notice, minamadali na kasi ng management ang construction ng bagong building and we can't afford to miss the deadline."
"Sure no problem sir, we are ready anytime. And by the way po pala, I would like you to meet Eli Gonzales. She will be the one helping me with all your concerns. Eli, si JYB."
"H-hello, nice to f-finaly m-meet you sir." inilahad ko ang kamay ko nang hindi siya tinitignan at naramdaman kong inabot naman niya ito.
Tinignan ko si Maple na takang-taka sa ikinikilos ko. Nginusuan pa ako nito at sinenyasang harapin ko ang lalake ngunit iling lamang ang naisagot ko sa kanya.
Kung alam lang niya...
"Ms. Gonzales, are you okay?"
"H-huh, o-oo okay lang naman po ako."
Siniko ako ni Maple, at doon na ako humarap dito.
"Tara na sa loob." yaya ni Maple sa amin. Sumenyas si Jae at inilahad ang kamay bilang pagsabing mauna na kami at saka siya sumunod.
Narating namin ang meeting room nang walang naging pag-uusap. Pinaupo ni Maple si Jae at ako naman ay ganoon din ang ginawa, saglit pa ay nagpaalam ito lumabas ng meeting room para kumuha ng maiinom kaya naman namin ako at si Jae sa loob ng mag-isa.
"Surprise."
"I-ikaw si J-JYB? Kailan pa nangyari ito?"
"Since birth," pamimilosopong sabi niya sa akin.
Napagsalikop ko ang dalawa kong mga kamay sa ulo ko at saka isinubsob ang mukha ko sa mesa. Nang mga oras na iyon ay hiniling kong sana'y invisible na lang ako.
"Okay ka lang ba?"
"Okay? Paano ako magiging okay, nang hindi ko alam kung anong nangyari kagabi. Ano nga bang nangyari?" inangat ko ang ulo ko mula sa pagkakasubsob sa mesa at saka siya tinignan.
Nakatingin lang rin siya sa akin ng may blangkong ekspresyon, na para bang normal lang sa kanya ang nangyari kagabi.
"I am here for business, relax at wala naman akong ibang gagawin sa iyo. Well, not unless you want me to."
"Siraulo, formal ka lang tignan pero napak-"
"Here's your coffee, JYB."
Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil biglang dumating si Maple. May dala itong dalawang tasa ng kape, ang isa ay inilapag niya sa harapan ni Jae at ang isa naman ay inilapag niya sa harapan ko.
"Mukhang mas kailangan mo 'to kaysa sa akin kaya you can have it, Eli." sabi pa ni Maple sabay kindat sa akin.
Nagpatuloy siya at inabot sa kaharap namin ang ilang papeles na siyang proposal para sa design ng building na itatayo para sa kompanya nila.
Hindi pa rin ako makapaniwala na ang lalakeng ito ang may-ari ng isa sa mga pinakamalaking kompanya sa bansa. At ang lalong hindi ko mapaniwalaan ay ang posibleng nangyari sa amin kagabi.
Shit!
"Shit!" hindi ko namalayang mahinang nabulalas ko ang salitang iyon. Napansin ko na lang na nakatingin na sa akin sina Maple at Jae dahilan para matutop ko ang bibig ko. "P-pasensiya na, m-may naalala lang ako."
"Curious ako kung ano," si Jae ang ang salita sabay ngiti sa akin.
Hindi ko na pinatulan pa ang mga hirut niya, hinayaan ko na lamang si Maple na i-discuss dito ang plano at kung kailan kami magsisimula ang construction. Pati na ang iba pang detalyeng kialangan nito.
Maliit lang ang firm namin pero hindi na kami bago sa ganitong kalaking transaksyon. Bago ang JYB ay may iilan na ring malalaking kompanyang kumuha ng serbisyo namin. Ang ilan pa nga ay kabilang sa koneksyon ng pamilya ni GM.
Pero sa lahat ata ng magiging kliyente namon, sa isang ito ata ako hindi magiging komportable. Iyan mismo ang sabi ng isip ko sabay tingin sa lalakeng kausap ni Maple.
Natapos ang meeting makalipas lang ang isang oras, naunang lumabas sina Jae at Maple at nang masiguro long medyo malayo na ang mha ito ay saka naman ako lumabas ng meeting room. Sumilip pa ako at inilibot ang paningin sa paligid bago tuluyang lumabas ng pintuan, siniguro kong wala na sa paligid si Jae ngunit muntikan na akong mapalundag sa gulat nang may biglang tumawag sa akin.
"Anong ginagawa mo?"
Nilingon ko ang nagsalita at nakitang nakahalukipkip habang nakasandal si GM sa dingding di kalayuan sa meeting room. Nakatingin sita sa akin na para bang takang-taka sa ginagawa ko.
"W-wala GM. M-may hi-hinahanap kasi ako. Tama! May hinahanap ako, nalaglag ata pagpasok ko kanina." hindi ko alamkung pinaniwalaan niya ang dahilan ko. Hindi ko na rin initindi pa. Bago pa man siya makapagsalita muli ay umalis na ako at pumunta sa mesa ko.
Nagpatuloy ang normal kong buhay pagkatapos. Marami akong ginawa na may kinalaman sa JYB project at ganoon rin sa iba pa. Pamin-minsan ay kinakausap ako ni Maple para sa ilang mga detalye na kailangan pa naming gawin tulad ng permits at listahan ng materyales, pati na rin ang isa pang scheduled meeting kasama si Jae este JYB.
Eksaktong ala-singko ng hapon ay lumabas na ako ng opisina. Para akong pagod na pagod gayun din ang pasumpong-sumpong na pagsirit ng sakit ng sentido ko na hindi naman nawala. Ang gusto ko na lang gawin ngayon ay ang makauwi at makapagpahinga pero mukhang malayo pa ako sa katotohanang makakahilata ako ng malaya sa kama ko.
Nag-aabang na ako ng taxi nang may biglang tumigil na pulang kotse sa harapan ko. Hindi ako pamilyar doon at wala naman sa mga kaibigan ko ang may pulang sasakyan, hindi rin naman ako nagbook ng grab kaya imposibleng akin iyon. Pinilit kong ignorahin ang kotse at sa halip ay lumakad ako ng bahagya upang magpatuloy na mag-abng ng taxi, tila naman nanadyang umandar ulit abg pulang sasakyan at muling huminto sa harap ng kinatatayuan ko. Doon na ako bahagyang yumuko upang silipin ang driver nito na agad ko namang nakilala.
"Ikaw?" iritableng bulalas ko nang makita kong muli ang mukha niya. "Anong kailangan mo?"
"Tignan mo 'to, kahapon ang clingy mo tapos ngayon daig ko pa ang may virus kung makaiwas ka."
"Utang na loob gusto ko nang magpahinga, pwede bang saka na tayo mag-usap."
"Get in, may pupuntahan tayo."
"Hindi mo ba ako narinig? Gusto ko ngang magpahinga diba?"
"Kapag hindi ka sumama sa akin ngayon malamang bukas nasa kulungan ka na."
"H-huh?"
"Anong ib-"
"Get in, mamaya ko na ipapaliwanag."
Sumunod na ako sa kanya, wala naman akong ibang pagpipilian dahil natakot ako sa sinabi niya.
Huminto kami sa tapat ng isang restaurant at pumasok kami sa loob. Pagpasok pa lang namin ay napansin ko na ang isang lalakeng masama ang tingin sa amin partikular sa akin nang makita ako. Hindi ko siya kilala at hindi ko matandaan ang itsura niya kaya binalewala ko na lang ang masamang tinging binabato niya sa akin, baka bad mood lang siya.
Sa gulat ko ay naglakad si Jae palapit sa mismong lalakeng akala mo ay papatay kung makatingin at naupo siya sa tapat mismo ng inuupuan nito. Tapos ay tinignan niya ako at sinenyasang umupo na rin.
"T-teka, bakit ako uupo at anong ginagawa natin dito?"
Sa halip na sumagot ay hinawakan niya ako sa braso at mabilis na iginiya paupo sa tabi niya. Masama pa rin ang tingin sa akin ng lalake na ni hindi ko naman alam kung sa paano at anong dahilan.
"Ano pa bang dapat nating pag-usapan dito? Nakapagdesisiyon na ako hindi ba at sinabi ko na iyon sa iyo sa telepono." mataray na sabi ng lalake kay Jae, it turns out that he's not actually a guy. Kapanalig siya ni Chu.
"Katulad ng sabi ko sa iyo, nandito kami to settle things with you."
"Settle? A-anong kailangang i-settle?"
Bahagyang inilapit ni Jae ang mukha niya sa akin bago bumulong. "Makisakay ka na lang, kung ayaw mong mapasok sa malaking gulo."
"G-gulo? Bakit? Anong bang ginawa ko?"
"Hindi mo alam?" singit ng lalakeng kausap namin sabay pakita ng cellphone nito. Doon ay kasalukuyang nagpe-play ang isang video na hindi ko matandaan kung kailan nangyari pero malinaw kong nakikita ang sarili ko, sa gitna ng maraming tao habang may kinkokompronta.
Pinanuod ko ang video hanggang sa matapos at ang pinakahuling bahagi noon ay ang dalawang beses na pagsampal ko sa isang lalake, ang mismong lalakeng nasa harapan namin ni Jae.
"Hindi mo pa rin ba maalala kung anong ginawa mo?" lalong mas naging iritable naman ang itsura ng lalake. Humalukipkip ito at saka ako inirapan at inismiran.
"Kailan iyan nangyari?"
"Kagabi, doon sa bar! Tinawag mo akong Ryan tapos dalawang beses mo akong sinampal."
Doon na ako tumayo tapos ay agad na yumuko upang humingi ng tawad.
"At sa tingin mo ba mawawala ng sorry mo ang kahihiyan na ginawa mo sa akin kagabi?"
"Pasensiya na talaga. H-hindi ko sinasadya, hindi ko talaga si-"
"I am about to post this video in social media. Nakausap na rin ako ng abogada and I was informed that I can file a case against you that is why, I don't see any reason to talk to you about what happened."
"Saglit lang," si Jae muli ang nagsalita. Muli niya akong hinila para maupo. "Manahimik ka at hayaan mo muna akong magsalita." pagkatapos ay masinsina niyang kinausap ang lalake.
"Kahit na ano pang sabihin ko, hindi ko mapapatawad iyang girlfriend mo."
"G-girlfriend?" iyon lang ang nabulalas ko, tinignan naman ako ng matalim ni Jae na para bang sinasabing mahanahimik ako kaya lahit na gusto ko pang magsalita ay iyon na lamang ang ginawa ko.
Nagpatuloy siya sa pagkumbinsi sa lalake at pagkatapos ng mahabang pakiusapan ay nakumbinsi rin niya itong huwag nang ilabas ang video at magsampa ng kaso.
"Pasalamat ka at mabait itong boyfriend mo, kung ikaw ang hihingi ng tawad, manigas ka dahil hindi kita papatawarin at hindi ako magpapaareglo."
"Pasensiya na talaga." iyon na lang ang tanging nasabi ko. Kahit kanina pa ako kating-kati sumagot sa baklang 'to, kung hindi lang ako pinipigilan ni Jae na kanina ko pa rin gustong sabunutan dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong maintindihan.
Silang dalawa na ang nag-usap. Tahimik lang akong nakinig kahit pa panaka-naka ay gusto kong sumingit dahil sa katabilan ng mga salitang naririnig ko.
Mayamaya pa ay natapos na silang dalawa.
Bago pa makaalis ang kausap niya ay siniguro muna ni Jae na wala ng ibang kopya pa ang videong ipinakita nito sa amin. Pinabura niya iyon sa harapan naming dalawa, inabitan rin niya ito ng pera para hindi na magreklamo pa.Hindi ko lang nabilang iyon pero sigurado akong malaking halaga ang ibinigay niya.
Nakaalis na ang lalake ngunit hindi ko pa rin maitaas ang mukha ko para tignan siya. Patong-patong na ang kahihiyan ko nang mga sandaling iyon at lalo pa iyong nadagdagan ngayon dahil nagkaroon ako ng utang na loob sa kanya.
"S-salamat."
"Kailangan mo nang maging mabait sa akin ngayon, hindi mo ba alam kung gaano kalaking gulo ang ginawa mo?"
"Pasensiya na na talaga." hiyang-hiya ko pang sabi.
Nanahimik lang siya saglit, tapos ay hinawakan niya ang kamay ko dahilan para bigla akong mapatingin dito.
"Okay na, ilibre mo na lang ako. Kanina pa ako nagugutom." He then smiled at me and his smile is welcoming.
At iyon nga ang ginawa ko.
Wala namang ibang pagpipilian at kahit pa anong tanggi ang gawin ko, hindi maiaalis ang katotohanang tinulungan niya ako.
Kung hindi dahil sa kanya, malamang ay nasa kulungan na ako ngayon o di kaya ay bina-bash na ng maraminh netizen sa social media.
Hindi maikakailang malaking dahilan si Jae para magbago ang desisyon ng lalake at habang buhay ko iyong ipagpapasalamat, I cam't afford to be in a chaos ngayon o higit kailanman.
Antipatiko siya minsan at pilosopo pero napatunayan ko ring mabuti siyang tao, bagay na hindi ko nakita noong highschool pa lang kami dahil sa abala akong umintindi sa maling tao.
Nadatnan ko si Maple na nasa pantry at nagtitimpla ng kape, hindi niya ako napansing pumasok kaya naman nagpatuloy lang ito sa ginagawa niya habang ako naman ay kumukuha ng baon ko na nilagay ko sa ref. "Kalabaw na buntis!" nagulat pa siya nang tuluyan na akong mapansin na paupo sa tapat niya. Naupo siya sa mesang naroon at hinintay akong matapos."Saan ka nagpunta kahapon, bigla kang nawala.""H-huh?" hindi ko alam kung paano siya sasagutin. Alangan namang sabihin kong kasama ko ang kliyente namin nagkataong kaklase ko pala noong highschool. "W-wala naman, may pinuntahan lang.""Kasama si JYB?"Natigilan ako nang banggitin niya ang pangalan ni Jae. "P-paano mong nal-""Nakita kong sinundo ka niya kahapon, may hindi ka ba sinasabi sa akin?" nagpatuloy ito sa pag-uusisa at alam kong hindi siya basta titigil.
"Kanina ka pa hindi mapakali, ayos ka lang ba?" Hinawakan ako ni Maple sa kamay nang mapansin marahil niyang hindi ako kumikibo."Naiinitan ka pa rin ba, Eli? Kasi ako, parang init na init na eh." Nanlalanding sabi naman ni Chu na halatang nag-eenjoy sa presensiya ng katabi niya.Sinenyasan ko itong manahimik pero tila naman nananadya itong lalong inilapit pa ang sarili sa katabi. Mabuti na lang rin at ayos lang iyon kay Jae, wala naman kaming narinig na pag-angil dito kahit pa panay ang pagdiga ni Chu sa kanya. In fact he was all for it, game siyang nakipagkwentuhan rito kahit oa ng personal na mga bagay.Tinignan ko si Maple at saka ako ngumiti. Hindi na sana ako magsasalita pa ngunit bigla kong nabali iyon dahil sa narinig kong turan ni Jae kay Chu nang tanungin siya nito kung may girlfriend na siya."I don't have one right now, pero kung papayag iyong kausap ko. Baka magkaroon na ako very soon." He said te
Wala na akong nagawa pa kung hindi ang magpahatid sa kanya. My first plan si just to wait until Ryan and Kim left the parking lot pero mukhang hindi makapaniwala ang mga ito sa naging rebelasyon namin.They waited for us to left first. Hindi talaga umalis ang mga ito sa pwesto nila kanina hangga't hindi kami umaalis kaya nama wala na akong choice kung hindi ang sumama sa kanya."So babe, what's going to hap-""Manahimik ka, huwag mo akong ma-babe babe diyan ah.""Ang sungit mo naman, sa iyo naman galing iyon ah.""Ginawa ko lang iyon para mapaniwala sila.""Na nakamoved-on ka na?"Napalingon ako sa sinabi niya, how does he even know all about it? Wala naman akong sinabi sa kanya.Wala nga ba?"I knew everything,""Paano, aber?""You told me,"Kailan? Wala akong matandaan.
"Bakit nandito ang mga iyan?" Hindi na napigilang tanong ni Chu sa akin habang pinagmamasdan ang mga bagong dating.It was Ryan and Kim, dumating sila kanina at hinanap ako para sa ilang mga detalye sa project involving JYB Interiors. Bagay na ipinagtakha ko dahil ang buong akala ko ay si Jae ang kakausapin ko tungkol dito."Hindi ko rin alam, hindi ako na-inform" kunwari ay nakatingin ako sa dalawa habang maingat na ibinulong ang sagot ko sa tanong niya. Narinig kong bumuntong-hininga si Chu sabay irap sa mga ito, nabahala pa ako baka ma-offend si Kim dahil kanina pa niya kami tinitignan ng katabi ko pero sa huli ay naisip kong wala pala akong pake."I'll leave you here dahil biglang sumama ang hanging nararamdaman ko. I'll be outside when you need me," the he pulled me closer at saka ako muling binulungan. "Sumigaw ka lang kapag may ginawa sa iyo ang isang iyan, hindi ako magdadalawang isip na turuan sila ng leksyon."
Napagkasunduan naming magkita ni Jae sa restaurant malapit lang sa opisina ng kompanya namin. He was already sitting at a table na nireserve raw nito sabi ng waiter na sumalubong nang dumating ako and he was all smiles upon seeing me, iyong tipo ng ngiti na akala mo eh nakakaloko."Alam mo ngayon pa lang gusto ko nang alisin iyang nakakalokong ngiti sa mukha mo." nagbabantang sabi ko pa habang umuupo ako.Wala na akong pakialam kung kliyente namin siya, he is not JYB to me at this very moment. Para sa akin, siya ngayon si Jae. Ang lalakeng pinagsisisihan kong iniligtas noon kina Chris at Gim."Why the long face, babe?" nagpatuloy siya sa pagngiti hanggang sa makaupo ako kaya lalo lamang akong nainis."Huwag mo akong ma-babe babe diyan kung ayaw mong maligo ngayon diyan sa pwesto mo." nagbabanta lang sabi ko habang hinahawakan ang baso ng tubig sa harapan ko.Nakita ko siyang napalunok as he dir
I was feeling nervous as our 8 am meeting with Jae is about to start. Everyone is in the meeting room already, naroon na rin sina Maple, Chu at GM para sa side ng company namin. Sina Kim at Ryan naman kasama si Jae sa side ng JYB. I was the one presenting kaya naman abot-abot ang kaba ko lalo na at para ito sa final update bago namin simulan ang project sa kompanya nila."What are you waiting for, Elijah? Wala tayong buong umaga para hintayin kung kailan ka magiging ready mag-umpisa." mataray na sita sa akin ni Kim na marahil ay hindi na napigil ang sarili dahil sa inip.Nakita kong masama itong tinignan ni Chu bago ko ito sinenyasan na magrelax. Tumalim rin ang tingin rito ni Maple na nakita ko pang bumuntong-hininga habang nagkukuyom ng palad, tanda na nagpipigil lang din siya. I awkwardly smile as I clear my throat para mag-umpisa.I greeted everyone at isa-isang tinignan ang mga ito maliban kina Kim at Ryan. Sa totoo lang
Bigla akong nakaramdam ng pagkailang matapos ang sinabi ni Maple kanina. Nagsimula na kaming kumain ngunit hindi ako makapagconcentrate sa kinakain ko dahil iniisip ko pa rin ang mga hanash ni Mapla kanina.She thinks that GM likes me, as if namang totoo iyon? Paano naman kaya niya nasabi?Then I took a glance at him na agad ko ring binawi nang mapansing papatingin siya sa direksyon ko. Minsan talaga ay walang dulot na mabuti ang kadaldalan ng mga kaibigan ko, may pagkakataong ganito rin ang ginawa ni Chu sa akin pero kay Jae naman at hindi rin maganda ang kinalabasan.Minsan gusto ko na lang isiping wala akong swerte sa mga kaibigan ko dahil ipinapahamak lang ako ng mga ito.Hindi ko naiwasang mapatingin sa pwesto nila Maple at Chu na nasa kabilang side ng table kung saan ako nakaupo. I was sitting next to Jae at sa kabilang side naming ay naroon naman sina Kim at Ryan na panay pa rin ang lampungan.Ka
Alam ko kung anong itsura ko nang mga sandaling iyon as I lookes at him in both shock and amazement.Sinabi ba niyang gusto talaga niya ako? O baka naman epekto na to ng mga sinabi ni Maple na pauli-ulit na naglalaro sa isip ko?Tapos ay sa walang kadahilanang pangyayari ay bigla kong nakita ang mukha ni Kae sa diwa ko, maging ang sinabi nito kanina sa buong grupo namin noong almusal na nobya niya na ako.And I confirmed it.Gusto kong saktan ang sarili ko nang maalala ang mga iyon. Tapos ay muli kong tinignan si GM na naglalakad nang papasok ng building namin."Did he just said that he likes me? Tama ba ako ng dinig?""Hoy girl!" Mayamaya pa ay may biglang lumitaw mula sa likuran ko, dahilan para mapalundag ako sa gulat."Kalabaw na pink," bulalas ko pa nang magulat ako.Tapos ay tinignan ko iyon at nakitang si Chu iyon. Kasunod niya si
"Kailan ka luluwas?"Dinig na dinig ko mula sa kabilang linya ang lakas ng boses ni Chu samantalang si Maple naman ay narinig ko ring nagsasalita sa pagitan ng mga reklamo nito. Hindi ko na napigilang matawa, mag-iisang taon na rin kaming hindi nagkikita, isang taon na rin akong hindi nakakaluwas sa Manila kaya naman naiintindihan ko kung bakit ganoon siya makipag-usap sa akin."Sa isang linggo na po,""Akala ko nakalimutan mo na kami, mag-iisang buwan mo nang pinapangako sa amin na luluwas ka eh hanggang ngayon naman hindi namin nakikita kaluluwa mo.""Grabe naman makamiss iyan, galit na galit ka naman, teh.""Paanong hindi, eh hindi namin mayaya si GM dahil ikaw ang hinahanap. Kailan ka daw ba babalik?""Babalik na nga, grabe naman yung tatlo na kayong kumukumbinsi sa akin na bumalik, paano ba naman ako makakatanggi?""So babalik ka na n
Lumilipad ang isip ko nang mga sandaling iyon, alam kong nasa opisina ako pero ang utak ko ay para nasa kung saan.Hanggang sa hindi ko na namalayang kinukuha na pala ni Chu ang atensyon ko."Ghorl, kanina pa ako daldal nang daldal dito, baka gusto ko akong kausapin." sabi pa nito sa akin, snapping his fingers in front of my face."He tried to contact me, Chu.""Ha?" nagtatakha niya akong tinignan. "What do you mean? Sino?""Jae, he tried to contact me. Tapos nakausap din niya si Maple last year."Lalo namang ikinagulat ni Chu ang sinabi ko."Si Maple? Bakit wala siyang sinabi sa atin? Kailan pa?""Last year, nung birthday ko.""Ha? He tried to contact you at si Maple ang nakausap niya? Anong pinag-usapan nilang dalawa?"Sinabi ko kay Chu ang mga sinabi sa akin ni Jae nang mag-usap sila ni Maple at tulad ko ay hindi rin siya makapaniwala sa narinig niya sa akin. He was beyond shock knowing
Lumilipad ang isip ko nang mga sandaling iyon, alam kong nasa opisina ako pero ang utak ko ay para nasa kung saan.Hanggang sa hindi ko na namalayang kinukuha na pala ni Chu ang atensyon ko."Ghorl, kanina pa ako daldal nang daldal dito, baka gusto ko akong kausapin." sabi pa nito sa akin, snapping his fingers in front of my face."He tried to contact me, Chu.""Ha?" nagtatakha niya akong tinignan. "What do you mean? Sino?""Jae, he tried to contact me. Tapos nakausap din niya si Maple last year."Lalo namang ikinagulat ni Chu ang sinabi ko."Si Maple? Bakit wala siyang sinabi sa atin? Kailan pa?""Last year, nung birthday ko.""Ha? He tried to contact you at si Maple ang nakausap niya? Anong pinag-usapan nilang dalawa?"Sinabi ko kay Chu ang mga sinabi sa akin ni Jae nang mag-usap sila ni Maple at tulad ko ay hindi rin siya makapaniwala sa narinig niya sa akin. He was beyond shock knowing
"Are you sure about that, Eli?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Chu nang kausapin ko siya habang nakalunch break kami.Pinili kong siya ang kausapin dahil alam kong mas maiintindihan niya ako, at alam ko rin na mas okay na siya ang kausapin ko at sabihan kesa kay Maple."Para sa ikakatahimik ko, naming lahat.""Pero paano si Adrien?" tanong niyang muli sa akin.Saglit na hindi ako nakasagot, bigla akong napaisip pero sandali lang iyon. Agad rin akong tumingin sa kanya para sagutin ang tanong niya sa akin."Kaya ko nga ito ginagawa para sa kanya, para sa amin. Ayoko na siyang lokohin, ayoko nang magsinungaling sa kanya. Mahal ko iyong tao, Chu. At nasasaktan akong isipon na pakiramdam ko ay niloloko ko dahil may hindi ako maharap sa nakaraan ko.""Mahal mo ba talaga siya, Eli?""Oo naman, kaya nga tatapusin ko na kung ano mang kahibangan pa ang meron akong natitira para kay Jae. In order for me to move fo
"Are you okay? You seemed bothered, may problema ba?" Sunod-sunod ang naging mga tanong ni Adrien nang marahil ay mapansin nitong nakatulala ako.Hindi ko alam kung kailan pa niya ako sinimulang kausapin at hindi ko na rin alam kung gaano na ako katagal na nakatulala. Parang hinila lang ako pabalik sa reyalidad nang maramdaman kong hinawalan niya ang kamay ko.I look at him worriedly, thinking na baka nag-aalala na siya sa kinikilos ko.I can't help it, after what I have learned yesterday from Lidie pati na rin ang pakiusap ni Jae na pakinggan ko siya, pakiramdam ko ay lalo lang akong naguluhan sa mga nangyari at mangyayari pa."A-ayos lang ako," minabuti ko na lang na ngumiti, pinanalangin ko ring hindi nahalata ni Adrien ang pagiging alangan ko sa sitwasyon.The last thing that I want is for him to feel that there's something wrong with me, with us. Ayokong masaktan siya at ayokong malaman niyang I am beginning
"Ate Eli, close ba kayo ng daddy ko?"Nagulat ako sa tanong ni Lidie na nakaupo sa tabi ko habang tahimik na nagsusulat. Kanina lang ay iniwan ito sa akin ni Jae na may kinaukasap naman sa kabilang table."Ha?""Ang sabi ko kung close ba kayo ng daddy? Kasi palagi ka niyang kinukwento kahit noong nasa US pa kami. He would tell me stories about you tapos kapag tinitignan ko siya he would just smile at me, na parang sobrang miss ka niya. Na parang gusto ka niya palaging makita."Tiningnan ko si Lidie, hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako kung limang taon talaga ang batang ito, iba siya magsalita para sa edad niya. Hindi siya tulad ng ibang bata na iba mag-isip at magsalita. Minsan ay iniisip ko ngang matanda na ito na natrap lang sa katawa ng isang paslit."Kinukwento niya ako sa iyo?""Opo, palagi. Lalo na kaapag magkasama kami at kami lang dalawa."
Nakatulala lang sa akin si Chu na para bang tinatanong ako ng mga tingin niya kung normal pa ba ang pag-iisip ko matapos kong sabihin sa kanya ang nangyari kahapon."Malala ka na talaga, girl. Malamang kung si Maple ang kaharap mo nabatukan ka na ngayon pa lang.""Kaya nga sa iyo ko sinabi, kasi alam ko nama kung anong magiging reaksyon ni Maple kapag sinabi ko yan sa kanya.""So tingin mo ako, wala akong gagawin sa iyo ngayon after hearing what you have just said?" Tinignan nkito ako ng masama na para bang naghahanda siya na batukan ako anumang oras."Hindi naman sa ganoon, pero naisp ko nang mas magaan ang gagawin ko kumpara sa nakahanda niyang gawin kapag nalaman niyang sumama ako kina Jae at sa anak niya.""Anong ginawa mo?"Halos sabay pa kaming napalingon ni Chu sa pintuan ng opisina ko nang marinig namin ang isang pamilyar na tinig. At hindi naging maganda ang pangitaing nakita namin dahil naroon at nakatayo si Maple
"At ano namang gusto niyang mangyari? Hindi pa ba sapat iyong ginawa niya sa iyo noon at ginugulo ka na naman niya ngayon kahit alam niyang may Adrien ka na?" Hindi maiwasang magpakita ng inis ni Maple nang ikwento ko sa kanila ang mga nangyari nitong mga nakalipas na araw.Kababalik ko lang sa opisina matapos ang isang araw na pamamahingang ipinangako ko kay Adrien at ngayon ay nakakumpol na naman sina Maple at Chu sa mesa ko para iinterrogate ako kung anong nangyayari.I even told them about what happened nang magkita ni Jae sa theme park, pati na rin nang aksidente kong makilala ang anak niya na si Lidie."May anak siya?" sabay na bulals ng dalawa matapos marinig ang sinabi ko."Oo, tinawag siyang daddy nung bata,""Kingina, how is that even possible? Two years pa lang mula nung iniwan ka na, ano yun? Magic?" Hindi na napigilan ni Chu ang inis, si Maple naman ay hindi na nagsasalita habang nakatingin sa akin."Did he exp
Nagising ako sa matinding sakit na ulong naramdaman ko, I am in an unfamiliar place na para bang ospital, sa tabi ko ay may stand ng IV na nakakabit naman sa braso ko.Tumingin akon sa paligid, nakita kong walang ibang tao roon maliban na lang sa isang nakayupyop sa gilid ng kamay ko na para bang nagpapahinga. Then he moved, ang buong akala ko ay si Adrien iyon ngunit natigilan ako kaagad nang makilala ko kung sino ang nagbabantay sa akin."I-ikaw?""Kamusta ka?" Biglang gumuhit ang pag-aalala sa mukha ni Jae nang makitang gising na ako.Samantalang nakatingin lang ako sa kanya habang nagtatakha kung bakit siya ang naroon.Nasaan si Chu at Maple?Nasaan si Adrien?"L-lumabas lang saglit si Chu, bumili lang ng makakain saglit. Si Maple naman ay larating na, kamusta ka?""Bakit nandito ka?" Sa halip na sagutin ang tanong niya ay ako mismo ang nagtanong kung anong ginagawa niya sa kwarto ko. "Anong nangyari