The Story Of Us

The Story Of Us

last updateLast Updated : 2021-05-15
By:  jhieramosCompleted
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
7 ratings. 7 reviews
51Chapters
11.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Reunited with her highschool classmate, who's the owner of her company's new project, Eli will have to deal with him after a night of enexpected turn of events.

View More

Chapter 1

I. Goodbye To You

"Bakit hindi ka magsalita, tinatanong kita hindi ba? Bakit kailangan nating maghiwalay?" Iyan ang makailang ulit ko nang tanong sa kanya ngunit tanging katahimikan lamang ang isinusukli niya sa akin.


Nakayuko habang nakatingin sa semento na para bang wala siyang naririnig, animo'y nabibingi na siya sa kanina ko pa pinauulit-ulit na tanong.


"Bakit mo kailangang makipaghiwalay sa akin? Para saan?" sinusubukan kong pigilin ang mga luha kong anumang oras ay malapit nang bumagsak, sino ba namang hindi maiiyak.


Kagabi lang ay nag-usap pa kami. We're okay, as far as I know we are okay. He even kissed me in the forehead before he left after dropping me at my house. Kagabi lang iyon, sweet pa siya kagabi kaya alam kong okay pa kami. Wala pang bente kwatro oras, here he is asking for a break-up.

So paano?


"Ano? Anong nangyari? Nanaginip ka ba ng masama kagabi? Tapos pagkagising mo narealize mo na hindi mo pala ako mahal? Nalaglag ka ba sa kama at nauntog ka sa semento kaya nakalimutan mo nang mahal mo ako? Magpaliwanag ka! Kahit ano, sabihin mo kung bakit sinasabi mo ngayon sa akin ang bagay na ito."


"I'm sorry?" tipid na sagot lamang niya sa akin. Hindi pa rin napupukaw ng kahit anong pagsigaw ko ang tingin niya sa semeto na para bang nakapagkit ang mga mata niya roon at mistulang nagmukha akong invisible sa harap nito.


"Kausapin mo ako ng maayos, tignan mo ako kapag magsasalita ka." sabi ko sa kanya kasabay ng mahinang pagtulak sa balikat niya.


Kanina pa ako napipikon, kanina pa ako naiinis at sa totoo lang ay kanina ko pa siya gustong bigwasan pero hindi ko magawa dahil gusto kong magpaliwanag siya. Gusto kong sabihin niya sa akin ang dahilan ng pag-iinarte niya.


"I no longer have feelings for you."


"Wow! Talaga ba? Ano iyon, parang kinabag ka lang? Iyong tipong kapag nautot ka na, eh okay na? Tapos na, ganon ba?" nagsimula na akong magtaas ng boses na kanina ko pa gustong gawin.


"Playtime ba 'to? Pinagtitripan mo na naman ba ako, naririnig mo bang lahat ng sinasabi mo? Bakit mo ako gustong hiwalayan?"


"I grew tired of this relationship, ayoko na at ayoko nang saktan ka pa. Mas mabuti na ang ganito, habang maaga pa lang ay maghiwalay na tayo."


"Maaga? Tang-ina, walong taon na tayo. Saan banda roon ang maaga pa, iyong maaga eh 'yong tipong isang buwan pa lang tayo. Iyon ang maaga hindi iyong pagkatapos ng waling taon at saka mo lang maiisip na ayaw mo akong saktan. At ano ang gusto mong maramdaman ko? Matuwa ako dahil sa wakas eh naisip mong hiwalayan ako pagkatapos ng walong taon, gusto mong matuwa ako dahil diyan sa mga pinagsasasabi mo?"


"Nakapagdesisyon na ako, it's over. Tapos na tayo. The earlier you'll accept, the better for the both of us."


Hindi ko alam kung bakit pero tila ba nanadiya ang langit. Nabasa nito marahil ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon dahil nang sandaling tumalikod siya sa akin ay siya namang pagbuhos ng mahina hanggang sa papalakas na ulan. Hindi na rin nagpapigil pa ang mga luha ko at tulad ng ulan ay isa-isa na ring nag-unahan sa pagpatak ang mga ito.


Sinasabi ng puso kong sundan ko siya at pagpaliwanagin siya dahil malabo pa rin ang lahat, ni wala siyang malinaw na dahilang ibinigay sa kung bakit niya ako gustong hiwalayan. Wala nga atang pumasok sa isip ko sa lahat ng sinabi niya.


Nahihilam na ang mga mata ko sa luha at unti-unti na ring lumalabo ang imaheng nakikita ko habang naglalakad siyang papalayo. Nagtatalo ang isip at puso ko hanggang sa huli ay nanatili na lamang akong nakatayo sa gitna ng ulan kasabay ng pag-iyak kong ngayon ay tila na walang katapusan.


Walong taon kong nobyo si Ryan, he was my first and I thought he will be the last. 


" Bakit mo tinitignan iyang libro tungkol sa Switzerland? May balak ka bang bumiyahe?"


Kalalabas lamang namin ng library ni Ryan nang mapansin ko ang dala niyang libro na marahil ay hiniram niya sa loob kanina. Hawak niya ang isang librong tungkol sa bansang Switzerland na siya namang bigla kong ipinagtaka.


Hindi ko alam kung kailan pa siya nahilig sa mga ganoong klaseng babahin, kahit kailan ay hindi ko pa siya nakitang nagbasa ng kahit anong libro sa geography o kahit anong bansa. Kadalasan ay history books at science book lang ang lage niyang bitbit.


Matalino si Ryan. President siya ng Math at Science club ng buong school at student council president ng dalawang magkasunod na taon.


Paborito siya ng lahat ng teachers namin at halos lahat ng mga kaklase naming lalake ay hinahanggan siya. Hindi naman magkandaugaga sa kakapapansin sa kanya ang mga kaeskwela naming babae na akala mo naman ay mag sinsisilihang bulate sa kilig kapag nakikita siya. At sa estado namin ngayon ay hindi maitatangging ako na ang pinakakinaiinggitan sa buong eskwelahan.


"Ito ba?" tukoy niya sa librong nasa kamay niya.


Tumango ako sabay tingin sa kanya.


"Nagpaplano akong bumiyahe kasama ang mapapangasawa ko. Gusto kong dito tayo magha-honey moon."


Naramdaman kong nag-init bigla ang magkabila kong pisngi, hinawakan ko ang mga iyon dahil pakiramdam ko'y pulang-pula ako dahil sa sinabi niya.


"Magpakasal tayo pagkatapos ng sampung taon. Marami na akong plano para sa atin at kasama ka sa lahat ng mga pangarap ko."


Matapos sabihin no Ryan ang mga bagay na iyon ay saka naman niya ako niyakap. Iyon na yata ang pinakamasayang naramdaman ko nang mga sandaling iyon.


Marami na akong plano para sa atin at kasama ka sa lahat ng mga pangarap ko.


"Ang buong akala ko ay kasama ako sa lahat ng plano mo. Pero bakit? Bakit ganito?"

At kasabay ng patuloy na pagpatak ng ulan ay ang pagdami ng mga tanong sa isip ko. At lalo lamang iyong nadadagdagan nang hindi ko na matanaw si Ryan na tuluyan nang naglaho sa paningin ko nang dahil sa pinaghalong ulan at luha na siyang nagpapalabo sa mga mata ko. 

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Neyb Adnara
i love her story
2024-11-21 22:12:54
0
user avatar
Gia Hunter
One of the writers that I admire. When it comes to characters' emotions, this girl never holds back ...️
2022-05-12 13:01:24
0
user avatar
Monet Balmes
light story...pero i liked it....
2022-03-10 23:35:52
0
user avatar
Abeth Lapid
good story 😊😊😊
2021-04-13 15:28:58
2
user avatar
jhieramos
Thank you for reading!
2021-03-21 06:31:35
1
user avatar
Jennifer Delponso
I love it..
2021-02-06 22:53:55
2
user avatar
hiraeth
omg my book is also a heartbreak scene in the first hahaha! fighting ?
2020-10-03 20:59:12
1
51 Chapters
I. Goodbye To You
"Bakit hindi ka magsalita, tinatanong kita hindi ba? Bakit kailangan nating maghiwalay?" Iyan ang makailang ulit ko nang tanong sa kanya ngunit tanging katahimikan lamang ang isinusukli niya sa akin.Nakayuko habang nakatingin sa semento na para bang wala siyang naririnig, animo'y nabibingi na siya sa kanina ko pa pinauulit-ulit na tanong."Bakit mo kailangang makipaghiwalay sa akin? Para saan?" sinusubukan kong pigilin ang mga luha kong anumang oras ay malapit nang bumagsak, sino ba namang hindi maiiyak.Kagabi lang ay nag-usap pa kami. We're okay, as far as I know we are okay. He even kissed me in the forehead before he left after dropping me at my house. Kagabi lang iyon, sweet pa siya kagabi kaya alam kong okay pa kami. Wala pang bente kwatro oras, here he is asking for a break-up.So paa
last updateLast Updated : 2020-09-11
Read more
II. Begin Again
Six Months Later"Ang daming kliyente kanina, sabay-sabay pa iyong mga site project tapos nakapagclose tayo ng kontrata sa isang firm. Nakakapagod pero worth it naman." si GM iyon, katatapos lang ng meeting namin para sa kontrata ng isang malaking firm na nagpasyang magpakontrata para sa gagawing bagong building ng opisina nila, ang JYB Interiors.Ang proyekto ay para sa six storey building na gusto nitong ipatayo para sa bubuksang opisina nila dito sa Manila. Ayon sa nakausap namin, nais mag-expand ng may ari at dahil maganda ang potential ng market ng Manila at dito nito napiling magbukas ng main office. "Oo nga, worth it naman and this calls for a celebration. Malaki-laking kontrata rin iyon at isa pa, pwedeng hindi muna tayo tumanggap ng ibang project for the meantime." sabi naman ni Chu na siyang assistant ni GM. "Oo nga, hanggat hindi natatapos iyong sa JYB pwedeng hindi muna ta
last updateLast Updated : 2020-09-11
Read more
III. What Is Happening?
Pinagsalikop ko ang mga kamay ko upang gumawa ng kunwaring telescope, sinilip ko sa pamamagitan noon ang mga bituing animo'y parang mga mumunting diyamante sa langit, maging ang bilog na buwan na para bang malaking plato sa kalangitan. Nagsimula kong igala ang paningin ko sa kabuuan noon at pagkatapos ay bumaling sa lalakeng nakaupo sa di kalayuan. "Anong ginagawa mo?" "Tinigtignan ko sila." sabi ko sabay turo sa langit. "Sila? Sinong sila?""Iyong mga bituin, ang ganda hindi ba? Hindi ka makakakita niyan basta-basta kahit saan. Alam mo ba na ito ang pinakamataas na lugar dito at ito rin ang perfect na ligar para pagmasdan sila."Tapos ay kinuha ko ang banana milk na binili ko kanina. "Oh." sabay abot sa kanya. "Ano 'to?""Luh, bulag ka ba? Banana milk, ano pa ba sa tingin mo?""Alam kong banana milk iyan, ayan oh
last updateLast Updated : 2020-09-11
Read more
IV. We Meet Again
Naramdaman ko ang mararahan niyang paghalik sa akin, ang pagkilos niyang iyon ay nagdadala sa akin ng kakaibang pakiramdam na ni sa hinagap ay mararamdaman kong muli. Gustong umalma ng isip ko, gusto akong patigilin nito sa kasalukuyang kahibabangang nangyayari ngunit sadyang mas malakas ang epekto ng mga halik niya. It was warm yet gentle, bagay na hindi ko naramdaman noon kay Ryan sa walong taong magkasama kami. Kasabay ng mga halik na iyon ay ang pag-alalay ng isang kamay niya sa likod ka at ng isap naman ay marahang humahaplos sa mukha ko. He is caressing my face as if I am that precious to him. Na para bang ayaw niyang mawala ako sa kanya nang mga sandaling iyon. His kiss became deeper, his touches more intense. Para akong lalagnatin at hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pakiramdam na ibinibigay ng paghalik at haplos niya o dala lang iyon ng epekto ng alak na nainom ko kanina. Pero kung anuman iyon ay masasabi kong gusto ko an
last updateLast Updated : 2020-09-11
Read more
V. JYB Who?
Nang mga oras na iyon ay hiniling kong lamunin talaga ako ng sahig, gusto kong magkakaripas ng takbo at magtago pero huli na ang lahat dahil nakalapit sa amin ni Maple si JYB. Napatalikod na lang ako nang makitang ngumiti siya sa amin tapos ay bigla niya akong tinignan."Good morning Mr. Brillante, welcome to our office.""Good morning, Maple. I am truly sorry for coming with such short notice, minamadali na kasi ng management ang construction ng bagong building and we can't afford to miss the deadline.""Sure no problem sir, we are ready anytime. And by the way po pala, I would like you to meet Eli Gonzales. She will be the one helping me with all your concerns. Eli, si JYB.""H-hello, nice to f-finaly m-meet you sir." inilahad ko ang kamay ko nang hindi siya tinitignan at naramdaman kong inabot naman niya ito.Tinignan ko si Maple na takang-taka sa ikinikilos ko. Nginusuan pa ako nito at sine
last updateLast Updated : 2020-09-12
Read more
VI. Unexpected Things Happens
Nadatnan ko si Maple na nasa pantry at nagtitimpla ng kape, hindi niya ako napansing pumasok kaya naman nagpatuloy lang ito sa ginagawa niya habang ako naman ay kumukuha ng baon ko na nilagay ko sa ref. "Kalabaw na buntis!" nagulat pa siya nang tuluyan na akong mapansin na paupo sa tapat niya. Naupo siya sa mesang naroon at hinintay akong matapos."Saan ka nagpunta kahapon, bigla kang nawala.""H-huh?" hindi ko alam kung paano siya sasagutin. Alangan namang sabihin kong kasama ko ang kliyente namin nagkataong kaklase ko pala noong highschool. "W-wala naman, may pinuntahan lang.""Kasama si JYB?"Natigilan ako nang banggitin niya ang pangalan ni Jae. "P-paano mong nal-""Nakita kong sinundo ka niya kahapon, may hindi ka ba sinasabi sa akin?" nagpatuloy ito sa pag-uusisa at alam kong hindi siya basta titigil.
last updateLast Updated : 2020-10-01
Read more
VII. Face to Face
"Kanina ka pa hindi mapakali, ayos ka lang ba?" Hinawakan ako ni Maple sa kamay nang mapansin marahil niyang hindi ako kumikibo."Naiinitan ka pa rin ba, Eli? Kasi ako, parang init na init na eh." Nanlalanding sabi naman ni Chu na halatang nag-eenjoy sa presensiya ng katabi niya.Sinenyasan ko itong manahimik pero tila naman nananadya itong lalong inilapit pa ang sarili sa katabi. Mabuti na lang rin at ayos lang iyon kay Jae, wala naman kaming narinig na pag-angil dito kahit pa panay ang pagdiga ni Chu sa kanya. In fact he was all for it, game siyang nakipagkwentuhan rito kahit oa ng personal na mga bagay.Tinignan ko si Maple at saka ako ngumiti. Hindi na sana ako magsasalita pa ngunit bigla kong nabali iyon dahil sa narinig kong turan ni Jae kay Chu nang tanungin siya nito kung may girlfriend na siya."I don't have one right now, pero kung papayag iyong kausap ko. Baka magkaroon na ako very soon." He said te
last updateLast Updated : 2020-10-01
Read more
VIII. What You Mean To Me
Wala na akong nagawa pa kung hindi ang magpahatid sa kanya. My first plan si just to wait until Ryan and Kim left the parking lot pero mukhang hindi makapaniwala ang mga ito sa naging rebelasyon namin.They waited for us to left first. Hindi talaga umalis ang mga ito sa pwesto nila kanina hangga't hindi kami umaalis kaya nama wala na akong choice kung hindi ang sumama sa kanya."So babe, what's going to hap-""Manahimik ka, huwag mo akong ma-babe babe diyan ah.""Ang sungit mo naman, sa iyo naman galing iyon ah.""Ginawa ko lang iyon para mapaniwala sila.""Na nakamoved-on ka na?"Napalingon ako sa sinabi niya, how does he even know all about it? Wala naman akong sinabi sa kanya.Wala nga ba?"I knew everything,""Paano, aber?""You told me,"Kailan? Wala akong matandaan.
last updateLast Updated : 2020-10-01
Read more
IX. Crazy
"Bakit nandito ang mga iyan?" Hindi na napigilang tanong ni Chu sa akin habang pinagmamasdan ang mga bagong dating.It was Ryan and Kim, dumating sila kanina at hinanap ako para sa ilang mga detalye sa project involving JYB Interiors. Bagay na ipinagtakha ko dahil ang buong akala ko ay si Jae ang kakausapin ko tungkol dito."Hindi ko rin alam, hindi ako na-inform" kunwari ay nakatingin ako sa dalawa habang maingat na ibinulong ang sagot ko sa tanong niya. Narinig kong bumuntong-hininga si Chu sabay irap sa mga ito, nabahala pa ako baka ma-offend si Kim dahil kanina pa niya kami tinitignan ng katabi ko pero sa huli ay naisip kong wala pala akong pake."I'll leave you here dahil biglang sumama ang hanging nararamdaman ko. I'll be outside when you need me," the he pulled me closer at saka ako muling binulungan. "Sumigaw ka lang kapag may ginawa sa iyo ang isang iyan, hindi ako magdadalawang isip na turuan sila ng leksyon."
last updateLast Updated : 2020-10-02
Read more
X. Started with a Kiss
Napagkasunduan naming magkita ni Jae sa restaurant malapit lang sa opisina ng kompanya namin. He was already sitting at a table na nireserve raw nito sabi ng waiter na sumalubong nang dumating ako and he was all smiles upon seeing me, iyong tipo ng ngiti na akala mo eh nakakaloko."Alam mo ngayon pa lang gusto ko nang alisin iyang nakakalokong ngiti sa mukha mo." nagbabantang sabi ko pa habang umuupo ako.Wala na akong pakialam kung kliyente namin siya, he is not JYB to me at this very moment. Para sa akin, siya ngayon si Jae. Ang lalakeng pinagsisisihan kong iniligtas noon kina Chris at Gim."Why the long face, babe?" nagpatuloy siya sa pagngiti hanggang sa makaupo ako kaya lalo lamang akong nainis."Huwag mo akong ma-babe babe diyan kung ayaw mong maligo ngayon diyan sa pwesto mo." nagbabanta lang sabi ko habang hinahawakan ang baso ng tubig sa harapan ko.Nakita ko siyang napalunok as he dir
last updateLast Updated : 2020-10-09
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status