Bigla akong nakaramdam ng pagkailang matapos ang sinabi ni Maple kanina. Nagsimula na kaming kumain ngunit hindi ako makapagconcentrate sa kinakain ko dahil iniisip ko pa rin ang mga hanash ni Mapla kanina.
She thinks that GM likes me, as if namang totoo iyon? Paano naman kaya niya nasabi?
Then I took a glance at him na agad ko ring binawi nang mapansing papatingin siya sa direksyon ko. Minsan talaga ay walang dulot na mabuti ang kadaldalan ng mga kaibigan ko, may pagkakataong ganito rin ang ginawa ni Chu sa akin pero kay Jae naman at hindi rin maganda ang kinalabasan.Minsan gusto ko na lang isiping wala akong swerte sa mga kaibigan ko dahil ipinapahamak lang ako ng mga ito.
Hindi ko naiwasang mapatingin sa pwesto nila Maple at Chu na nasa kabilang side ng table kung saan ako nakaupo. I was sitting next to Jae at sa kabilang side naming ay naroon naman sina Kim at Ryan na panay pa rin ang lampungan.
Ka
Alam ko kung anong itsura ko nang mga sandaling iyon as I lookes at him in both shock and amazement.Sinabi ba niyang gusto talaga niya ako? O baka naman epekto na to ng mga sinabi ni Maple na pauli-ulit na naglalaro sa isip ko?Tapos ay sa walang kadahilanang pangyayari ay bigla kong nakita ang mukha ni Kae sa diwa ko, maging ang sinabi nito kanina sa buong grupo namin noong almusal na nobya niya na ako.And I confirmed it.Gusto kong saktan ang sarili ko nang maalala ang mga iyon. Tapos ay muli kong tinignan si GM na naglalakad nang papasok ng building namin."Did he just said that he likes me? Tama ba ako ng dinig?""Hoy girl!" Mayamaya pa ay may biglang lumitaw mula sa likuran ko, dahilan para mapalundag ako sa gulat."Kalabaw na pink," bulalas ko pa nang magulat ako.Tapos ay tinignan ko iyon at nakitang si Chu iyon. Kasunod niya si
Hindi na kami nakapag-usap pa ni Jae kagabi matapos niya akong ihatid. Nang masigurong nakapasok na ako ay agad ko ring napansing umalis na ang kotse niya na nakaparada sa tapat ng bahay ko.Ipinagtakha kong madali niyang napasok iyong gayong napakaliot ng eskenita kung saan ako nakatira, not unless nahanap niya iyong short cut kung saan pwedeng idaan ang mga sasakyan.Anyway, bakit ba pinoproblema ko ang sasakyan niya?Matapos kong isipin si Jae ay sunod namang pumasok sa isip si GM, na ayaw nang magpatawag ng GM at ayaw ng gumagamit ako ng po at opo sa kanya. Bigla akong natigilan sa isiping ang wiwirdo ng mga lalaakeng nakapaligid sa akin, pero sa kabilang banda ay kakaibang pakiramdam ang ibinibigay nilang dalawa.Napailing ako sa huling sumagi sa isip ko, sinubukan kong alisin iyon sa utak ko at sinabihan ang sarili kong mag-focus na lang sa trabaho. Katatapos ko lang sa isang toxic na relasy
"How's your lunchdate with GM, my beautiful friend?" nanunuksong sabi ni Chu nang lapitan niya ako sa mesa ko.Mag-aalas singko na at kanina ko pa sila hinahagilap ni Maple pero hindi ko sila makita kung saan."Edi kumain kami, iniwan niyo kasi ako. Alam mo bang sinabi ko sa kanya na I am having a lunch out with you, tapos bigla niyo akong iniwan.""It was all Maple's idea." sumbong ba nito para linisin ang pangalan niya. "Pero okay na rin naman para magka-chance kayo ni GM to have some alone time.""Alone time ka diyan, nagyaya lang maglunch out iyong tao kaya huwag kang assumera, friend.""Hindi ako nag-aassume, ayoko lang na nadedehado si papi Jae.""P-papi Jae?" tinignan ko pa si Chu upang sigiruhin kung tama ba ang narinig ko. Kung iyon ba talaga ang sinabi niya."O bakit ganyan ka makatingin?""Ewan ko sa iyo. Uuwi na ako, huwag kang magulo
"Sasama ka rin naman pala ang dami mo pang sinasabi kahapon." nang-aasar na sabi sa akin ni Jae habang papunta kami sa opisina niya.Doon ang meeting place ng mga empleyadong sasama sa team building ng JYB Interiors. Nabungaran ko kanina si Jae nang maalimpungatan akong may kumakatok sa pintuan ng bahay ko, napagsarhan ko pa siya ng pintuan kanina dahil sa itsura ko na nakapajama lang at gulo-gulo pa ang buhok nang makita niya."Wala na po akong choice kamahalan, nasa bahay ka na po eh. Nakakahiya namang paghintayin ka pa." sarkastikong sabi ko naman sa kanya habang iniirapan siya.Sa totoo lang ay kagabi pa niya ako kinukulit at wala akong isinagot dahil ayoko ngang sumama, dahil alam kong wala naman akong gagawin doon at lalong wala naman akong kilala sa mga empleyado niya maliban na lang doon kay Kim at kay Ryan na hindi rin naman ako interesadong makasama.Pero sa huli ay hinayaan ko na lang rin, pinagbigy
"Hoy, mamsh! Kanina pa ako daldal nang daldal dito pero wala ka man lang reaksyin diyan." biglang nabalik sa reyalidad ang diwa ko nang marinig kong nagsalita si Chu.Nakatingin siya sa akin at marahil ay hinihintay na pansinin ko siya, hindi ko alam kung ano na bang pinag-uusapan namin at hindi ko rin halos narinig ang lahat ng mga sinabi niya kaya sa huli ay bigla na lang akong napatango."Oh, anong tinatango-tango mo riyan? Naintindihan mo ba iyong sinabi ko kanina?"Umiling ako upang sagutin ang tanong niya na siya namang medyo ikinainis nito. Naglatuloy si Chu sa pagsipsip ng juice sa mula sa maliit na straw na nasa bibig niya at saka muling inulit ang mga sinabi niya sa akin."Sabi mo kanina na sinabi na niya sa iyo na gusto ka niya. Eh sino ba iyon?""Ha? May sinabi ba akong ganon?""So bingi ako, ganon ba? Aba'y oo, narinig kong bumulong ka kanina. Ang sabi mo pa nga," u
We are all settled at nasa kwarto na rin ang mga gamit ko. Pagdating namin sa resort kanina ay isa-isa nang nagpuntahan ang mga emplyedo sa mga assigned rooms nila at para saglit na magpahinga bago magsimula ang team building activities ng mga ito mamayang alas kwatro.Everyone is sharing with someone sa kwarto pero ang ipinagtatakha ko ay tig isa kami ng kwarto ni Chu."Mamsh, grabi naman si papa Jae. Pwede namang magkasama naman tayo sa kwarto, pinaggiwalay pa tayo.""Lalake ka pa rin, baka ayaw niyang makitang magka-""As if namang type kita, jusmiyo. Kahit ikaw na lang ang natitirang tao sa mundo hindi kita pagsasamantalahan 'no." Hindi pa ako natatapos magsalita ay sumingit na ito at kinontra ang sasabihin ko.Bahagya pa akong natawa dahil naimagine ko ang itsura ni Chu na nasa kabilang linya."Wala naman akong sinabing pagsasamantalahan mo ako."
I was sitting right beside Chu and the girl named Lauren was sitting in front of him, napakaamo ng mukha niya at mala-anghel ang itsura, bagay na siyang nakakapagpahinto sa akin para titigan siya.Pero sino nga ba siya? At bakit ba may pakiramdam akong parang ayaw rin niya kina Kim at Ryan, base na rin sa maging reaksyon niya kanina."Sorry sa pagsabat kanina, pero what I will not say sorry too is the thing that I said earlier. I saw how Kim bullied you, she must have been out of her mind para gawin ang bagay na iyon.""Exactly," si Chu ang nagsalita at sumegunda rito. "Magkakasundo tayo girl, hindi ko rin gusto ang tabas ng dila at hilatsa ng mukha ng babaeng iyon. Masyado siyang nakakainis." Tapos ay tinignan niya ang babae, tumingin siya sa akin at saka muling bumaling dito. "Pero teka, matanong ko lang, kalaban ka rin ba nila? I mean, did they do anything bad to you?"Umiling lang ang dalaga sabay inom
"Eli, are you ready?" Hindi ko namalayang tinatanong na pala ako nang ka-teammate naming si Lloyd na parte ng legal department ng kompanya ni Jae. All of them were looking at me as if they are waiting for my response sa tanong niya sa akin, kaya nama wala sa loob na napatango na lang ako. Abala akong nakatingin sa gawi ni Chu kung saan malapit lang dito ay naroon si Lauren. Muli kong naalala kung paano ako pinagbawalan ni Jae na lapitan siya pero hindi naman niya sinabi ang dahilan kaya imbes na malinawan ay lalo lang dumami ang tanong sa isip ko. "Eli, focus. Baka mauna ka pang ma-out diyan dahil kung saan-saan ka nakatingin." Mayamaya pa ay saway sa akin ni Jar nang marahil ay mapansin niyang pre-occupied ako. Gusto kong sabihing kasalanan niya iyong ngunit sa halip na gawin iyon ay tumango na lamang ako. Wala sa loob na napatingin ako sa makakalaban namin at nakitang naroon sina Kim at Ryan. Tinignan ko
"Kailan ka luluwas?"Dinig na dinig ko mula sa kabilang linya ang lakas ng boses ni Chu samantalang si Maple naman ay narinig ko ring nagsasalita sa pagitan ng mga reklamo nito. Hindi ko na napigilang matawa, mag-iisang taon na rin kaming hindi nagkikita, isang taon na rin akong hindi nakakaluwas sa Manila kaya naman naiintindihan ko kung bakit ganoon siya makipag-usap sa akin."Sa isang linggo na po,""Akala ko nakalimutan mo na kami, mag-iisang buwan mo nang pinapangako sa amin na luluwas ka eh hanggang ngayon naman hindi namin nakikita kaluluwa mo.""Grabe naman makamiss iyan, galit na galit ka naman, teh.""Paanong hindi, eh hindi namin mayaya si GM dahil ikaw ang hinahanap. Kailan ka daw ba babalik?""Babalik na nga, grabe naman yung tatlo na kayong kumukumbinsi sa akin na bumalik, paano ba naman ako makakatanggi?""So babalik ka na n
Lumilipad ang isip ko nang mga sandaling iyon, alam kong nasa opisina ako pero ang utak ko ay para nasa kung saan.Hanggang sa hindi ko na namalayang kinukuha na pala ni Chu ang atensyon ko."Ghorl, kanina pa ako daldal nang daldal dito, baka gusto ko akong kausapin." sabi pa nito sa akin, snapping his fingers in front of my face."He tried to contact me, Chu.""Ha?" nagtatakha niya akong tinignan. "What do you mean? Sino?""Jae, he tried to contact me. Tapos nakausap din niya si Maple last year."Lalo namang ikinagulat ni Chu ang sinabi ko."Si Maple? Bakit wala siyang sinabi sa atin? Kailan pa?""Last year, nung birthday ko.""Ha? He tried to contact you at si Maple ang nakausap niya? Anong pinag-usapan nilang dalawa?"Sinabi ko kay Chu ang mga sinabi sa akin ni Jae nang mag-usap sila ni Maple at tulad ko ay hindi rin siya makapaniwala sa narinig niya sa akin. He was beyond shock knowing
Lumilipad ang isip ko nang mga sandaling iyon, alam kong nasa opisina ako pero ang utak ko ay para nasa kung saan.Hanggang sa hindi ko na namalayang kinukuha na pala ni Chu ang atensyon ko."Ghorl, kanina pa ako daldal nang daldal dito, baka gusto ko akong kausapin." sabi pa nito sa akin, snapping his fingers in front of my face."He tried to contact me, Chu.""Ha?" nagtatakha niya akong tinignan. "What do you mean? Sino?""Jae, he tried to contact me. Tapos nakausap din niya si Maple last year."Lalo namang ikinagulat ni Chu ang sinabi ko."Si Maple? Bakit wala siyang sinabi sa atin? Kailan pa?""Last year, nung birthday ko.""Ha? He tried to contact you at si Maple ang nakausap niya? Anong pinag-usapan nilang dalawa?"Sinabi ko kay Chu ang mga sinabi sa akin ni Jae nang mag-usap sila ni Maple at tulad ko ay hindi rin siya makapaniwala sa narinig niya sa akin. He was beyond shock knowing
"Are you sure about that, Eli?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Chu nang kausapin ko siya habang nakalunch break kami.Pinili kong siya ang kausapin dahil alam kong mas maiintindihan niya ako, at alam ko rin na mas okay na siya ang kausapin ko at sabihan kesa kay Maple."Para sa ikakatahimik ko, naming lahat.""Pero paano si Adrien?" tanong niyang muli sa akin.Saglit na hindi ako nakasagot, bigla akong napaisip pero sandali lang iyon. Agad rin akong tumingin sa kanya para sagutin ang tanong niya sa akin."Kaya ko nga ito ginagawa para sa kanya, para sa amin. Ayoko na siyang lokohin, ayoko nang magsinungaling sa kanya. Mahal ko iyong tao, Chu. At nasasaktan akong isipon na pakiramdam ko ay niloloko ko dahil may hindi ako maharap sa nakaraan ko.""Mahal mo ba talaga siya, Eli?""Oo naman, kaya nga tatapusin ko na kung ano mang kahibangan pa ang meron akong natitira para kay Jae. In order for me to move fo
"Are you okay? You seemed bothered, may problema ba?" Sunod-sunod ang naging mga tanong ni Adrien nang marahil ay mapansin nitong nakatulala ako.Hindi ko alam kung kailan pa niya ako sinimulang kausapin at hindi ko na rin alam kung gaano na ako katagal na nakatulala. Parang hinila lang ako pabalik sa reyalidad nang maramdaman kong hinawalan niya ang kamay ko.I look at him worriedly, thinking na baka nag-aalala na siya sa kinikilos ko.I can't help it, after what I have learned yesterday from Lidie pati na rin ang pakiusap ni Jae na pakinggan ko siya, pakiramdam ko ay lalo lang akong naguluhan sa mga nangyari at mangyayari pa."A-ayos lang ako," minabuti ko na lang na ngumiti, pinanalangin ko ring hindi nahalata ni Adrien ang pagiging alangan ko sa sitwasyon.The last thing that I want is for him to feel that there's something wrong with me, with us. Ayokong masaktan siya at ayokong malaman niyang I am beginning
"Ate Eli, close ba kayo ng daddy ko?"Nagulat ako sa tanong ni Lidie na nakaupo sa tabi ko habang tahimik na nagsusulat. Kanina lang ay iniwan ito sa akin ni Jae na may kinaukasap naman sa kabilang table."Ha?""Ang sabi ko kung close ba kayo ng daddy? Kasi palagi ka niyang kinukwento kahit noong nasa US pa kami. He would tell me stories about you tapos kapag tinitignan ko siya he would just smile at me, na parang sobrang miss ka niya. Na parang gusto ka niya palaging makita."Tiningnan ko si Lidie, hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako kung limang taon talaga ang batang ito, iba siya magsalita para sa edad niya. Hindi siya tulad ng ibang bata na iba mag-isip at magsalita. Minsan ay iniisip ko ngang matanda na ito na natrap lang sa katawa ng isang paslit."Kinukwento niya ako sa iyo?""Opo, palagi. Lalo na kaapag magkasama kami at kami lang dalawa."
Nakatulala lang sa akin si Chu na para bang tinatanong ako ng mga tingin niya kung normal pa ba ang pag-iisip ko matapos kong sabihin sa kanya ang nangyari kahapon."Malala ka na talaga, girl. Malamang kung si Maple ang kaharap mo nabatukan ka na ngayon pa lang.""Kaya nga sa iyo ko sinabi, kasi alam ko nama kung anong magiging reaksyon ni Maple kapag sinabi ko yan sa kanya.""So tingin mo ako, wala akong gagawin sa iyo ngayon after hearing what you have just said?" Tinignan nkito ako ng masama na para bang naghahanda siya na batukan ako anumang oras."Hindi naman sa ganoon, pero naisp ko nang mas magaan ang gagawin ko kumpara sa nakahanda niyang gawin kapag nalaman niyang sumama ako kina Jae at sa anak niya.""Anong ginawa mo?"Halos sabay pa kaming napalingon ni Chu sa pintuan ng opisina ko nang marinig namin ang isang pamilyar na tinig. At hindi naging maganda ang pangitaing nakita namin dahil naroon at nakatayo si Maple
"At ano namang gusto niyang mangyari? Hindi pa ba sapat iyong ginawa niya sa iyo noon at ginugulo ka na naman niya ngayon kahit alam niyang may Adrien ka na?" Hindi maiwasang magpakita ng inis ni Maple nang ikwento ko sa kanila ang mga nangyari nitong mga nakalipas na araw.Kababalik ko lang sa opisina matapos ang isang araw na pamamahingang ipinangako ko kay Adrien at ngayon ay nakakumpol na naman sina Maple at Chu sa mesa ko para iinterrogate ako kung anong nangyayari.I even told them about what happened nang magkita ni Jae sa theme park, pati na rin nang aksidente kong makilala ang anak niya na si Lidie."May anak siya?" sabay na bulals ng dalawa matapos marinig ang sinabi ko."Oo, tinawag siyang daddy nung bata,""Kingina, how is that even possible? Two years pa lang mula nung iniwan ka na, ano yun? Magic?" Hindi na napigilan ni Chu ang inis, si Maple naman ay hindi na nagsasalita habang nakatingin sa akin."Did he exp
Nagising ako sa matinding sakit na ulong naramdaman ko, I am in an unfamiliar place na para bang ospital, sa tabi ko ay may stand ng IV na nakakabit naman sa braso ko.Tumingin akon sa paligid, nakita kong walang ibang tao roon maliban na lang sa isang nakayupyop sa gilid ng kamay ko na para bang nagpapahinga. Then he moved, ang buong akala ko ay si Adrien iyon ngunit natigilan ako kaagad nang makilala ko kung sino ang nagbabantay sa akin."I-ikaw?""Kamusta ka?" Biglang gumuhit ang pag-aalala sa mukha ni Jae nang makitang gising na ako.Samantalang nakatingin lang ako sa kanya habang nagtatakha kung bakit siya ang naroon.Nasaan si Chu at Maple?Nasaan si Adrien?"L-lumabas lang saglit si Chu, bumili lang ng makakain saglit. Si Maple naman ay larating na, kamusta ka?""Bakit nandito ka?" Sa halip na sagutin ang tanong niya ay ako mismo ang nagtanong kung anong ginagawa niya sa kwarto ko. "Anong nangyari